HINDI siya makapaniwalang nasa harap na niya
ngayon si Jason. Ang lalaking naging dahilan ng kanyang
pagiging masayahin noong mga panahong nasa resort pa siya.Ito
rin ang lalaking nagbigay sa kanya ng pag-asa para muli siyang
makabangon sa pagkakadapa.
"I miss you!" naiiyak na sabi niya kay Jason. Ramdam
niya kung gaano nila namiss ang isa't isa pero kailangan niyang
alamin sa binata kung anong ginagawa nito doon. Natatawa
naman si Jason habang yakap siya. She can't contain her
happiness now that she's in his arms now.
"Mas namiss kita Ish." Sabi naman nito sa kanya.
Humiwalay siya rito dahil may mga bagay siyang gustong itanong
rito. "Paano mo nalaman ang location ng Flavours?" iyon ang
unang naitanong niya dahil wala siyang idea kung paano nito
nalaman ang shop niya.
"Remember the day you left the resort? Umalis din ako
noon diba? Umuwi ako ng Maynila dahil gusto kong maayos na
ang lahat kapag nagkita tayo. Inalam ko ang lahat ng tungkol sa
iyo, sa pamilya mo at sa negosyo mo. Gusto ko kasing bigyan ka
ng surpresa pag uwi mo rito kaso natagalan ako. Kaya ngayon
lang ako nagkaroon ng time para puntahan ka." Nakangiting sabi
ni Jason. That smile she was longing to see for so long.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit mo kailangang alamin
ang lahat ng bagay tungkol sa akin?" takang tanong niya rito.
Ginagap nito ang kanyang kamay at hinalikan ang mga palad
niya.
"You still don't get it, do you?" nakangiting sabi ni Jason.
Hindi na niya alam kung anong nangyayari. Gulong gulo na siya.
"Ano ba kasi ang gusto mong mangyari Jay?" napaupo na lang
siya sa may gutter ng parking lot dahil sa sobrang kalituhan.
Nakita naman niyang umupo sa tabi niya si Jason at nagsalita.
"Mahal kita Isha. Sigurado na ako ngayon sa nararamdaman ko
para sa iyo. Ginawa ko ang lahat para makilala ang buong
pamilya mo dahil gusto kong hingiin na ang kamay mo sa kanila.
I want to marry you the soonest possible time." Sabi ni Jason at
ikinabigla niya iyon. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Ni
hindi niya alam kung paano mag rereact. She was speechless. She
wanted to cry because of the happiness she was feeling right
now.
"Totoo ba ang mga sinasabi mo Jason?" tanong niya
habang naluluha na sa sobrang saya. Hinalikan naman siya ni
Jason ng mabilis sa labi bago sumagot. "Yes. I wanted to spend
the rest of my life with you.Ikaw ang gusto kong makita sa bawat
pag gising ko sa tuwing umaga at bago ako matulog sa gabi.Ikaw
ang gusto kong kasama sa pagtanda ko." Madamdaming sabi ni
Jason sa kanya.
"Hindi ka ba naguguluhan lang, Jay? We haven't known
each other for so long. What if we have a lot of differences?"
natatakot na tanong niya sa binata. Nakita niyang bumuntong
hininga muna si Jason bago nagsalita.
"We have a lifetime to discover our differences. Kung
meron man, I am very much willing to compromise. Sana ganoon
ka din." Sabi ni Jason na hindi binibitawan ang kanyang mga
kamay. Tumango naman siya habang pinupunasan ang mga
luhang ayaw tumigil.
"Umiiyak ka na naman. Sabi ko naman sa iyo na huwag
ka nang iiyak diba?" sabi ni Jason habang pinupunasan ang mga
luha niya. Pinalo niya ito sa balikat bago nagsalita. "Tears of joy
ito Jay." Sabi niya habang tumatawa. Magsasalita pa sana siya ng
biglang umeksena ang babaeng kasama ni Jason sa Airport.
"Tapos na ba kayo? Nagugutom na ako." Nakalabing
sabi ng dalaga. Tumayo naman si Jason at itinayo rin siya. "Sino
siya?" tanong niya sa binata. Agad namang yumakap ang babae
kay Jason. Gusto niyang mainis. Siya ang girlfriend pero ibang
babae ang nakayakap sa lalaki.
"Are you jealous?" nangingiting tanong ni Jason sa
kanya. Hindi niya talaga maitatago ang nararamdaman niya
basta pagdating sa binata. "What ifI am?" balik tanong niya rito.
Narinig niyang humagikgik ang dalaga at tumingin sa kanya.
"Ate, you don't have to.I am his youngest sibling. Kami talaga ang
close simula ng mamatay ang father namin." Sabi nito at
yumakap sa kanya.
Nagulat siya sa narinig. Namatay pala ang tatay ni
Jason. "Sorry, Jay. Hindi ko alam na wala ka na pa lang Tatay.
Kaya ba ganoon na lang ang ipinakita mong ugali sa akin noong
unang dumating ako sa resort niyo?" mahinang sabi ni Isha.
Tumango naman si Jason at inakbayan siya.
"Hindi mo kailangang magsorry. Hindi ko lang kasi
matanggap na kinuha na agad sa amin si Papa ng ganoon kaaga.
Pero ngayon, tanggap ko na ng maluwag sa kalooban ko. Ikaw
ang nagsilbing lakas ko para makabangon, Ish. Ikaw ang
nagsilbing ilaw ng madilim kong mundo." Sabi nito sa kanya
habang iginigiya siya papunta sa loob ng sasakyan.
"Kuya, let's go na. Baka naiinip na sila." Sabi ng kapatid
ni Jaosn sa kanilang dalawa. Nang makasakay sa loob ng
sasakyan, tinanong ni Isha kung anong pangalan ng bunsong
kapatid ni Jason. "Her name is Camille. Siya ang pinakapasaway
sa mga kapatid ko. Nung unang araw na nagkita tayo sa resort,
mainit ang ulo ko noon dahil sa kagagawan ng babaeng iyan.
Muntik na kasing masangkot na naman sa gulo. Hindi ko tuloy
alam kung anong disiplina pa ang gagawin ko sa kanya."
Nanlulumong sabi ni Jason habang pinapatakbo ang kotseng
sinasakyan nila.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya ng makita niyang
palabas na sila ng Manila. "Just sit back and relax,Ish.It will be a
surprise." Sabi nito at itinuon na ang mga mata sa daan.
"Ate, anoman ang mangyari mamaya, mapatawad mo
sana si Kuya Jason ah. Ginawa lang niya iyon para sa iyo." Sabi ni
Corrine na kanina pa pala siya tinitignan.
Mas lalo siyang naguluhan dahil sa sinabi ni Corrine sa
kanya. Si Jason naman ay ngumiti lang. Dahil sa ngiti ni Jason,
napapawi lahat ng alalahanin niya. Lahat ng problema niya ay
nawawalang parang bula. She can't help to be with this man
everyday of her life at alam niyang malapit ng matupad iyon.
Kaunting panahon na lang ang kailangan nilang dalawa.
Ilang minuto pa ay nakita na niyang binabaybay na nila
ang daan papuntang Batangas. Maya-maya pa ay nasa entrance
na sila ng Little Santorini Resort. Kitang kita ang pagkakahawig
sa Santorini, Greece. Namangha si Isha dahil pangarap niyang
makarating ng Greece.
"Jay? What are we doing here? Wala akong alam na
okasyon para magpunta tayo rito.Isa pa, marami akong naiwang
trabaho sa Flavours." Sabi niya at hindi pa rin bumababa ng
sasakyan kahit gustong gusto na niyang makita ang kabuuan ng
resort.
Nang pagbuksan siya ng pintuan ng kotse ni Jason, hindi
na niya nagawa pang humakbang sa may entrance nang makita
kung anong mayroon sa loob ng resort.
"This is all for you, Isha. For you to know how much I
love you." Sabi nito at niyaya na siya papasok ng resort.