webnovel

CHAPTER 3

"Hez P.O.V

kasalukuyang kasama ko ngayon si bakulaw at ewan ko ba dito kung bakit pinili nitong magpaiwan kasama ako.Alam ko namang maganda ako pero sana naman ako nalang inaya ni aivan talagang sasama ako.

OA rin ni bakulaw ayaw pang sumama.

wala akong balak na kausapin sya dahil naiinis ako sakanya..hayyyy kung hindi lang talaga ito malaking tao matagal ko na ito niresbakan

"hez,alis muna ako may pupuntahan pa kasi ako"

bumaling ako kay bakulaw na nakatutuk lang sa hawak nyang cellphone habang ngumingiti.buti pa ang isang 'to pumapag-ibig na at inunahan pa ako.

"Hala gora lang ng gora at wala na akong paki kung saan kaman pupunta"

"May sinasabi ka?"malumanay nitong sabi at dahan dahang tumayo na para bang handa na syang tadyakin ako sa maganda kong mukha. wag naman sana sa fes. umiiling pa ako habang nakangiting pilit. mahirap na pag itong paa nya didikit sa maganda kong fesss."parang may sinasabi ka talaga"

"HEHHEHE bakul- este marc iniisip mo siguro ako kaya may biglang pumasok sa isip mo na may sinasabi ako sayo na hindi naman talaga totoo" nawala ang aking ngiti dahil hindi man lang nagbago tingin nya sa akin.ito na nga ba sinasabi ni lolo na ito mapapala ko sa kadaldalan ko."Okay i-

nagulat ako sa malakas nyang pagtawa.

Myyghadddnesss bakulaw,aatakihin ako sa puso sa panggugulat mo lecheee ka

"HAHAHAHA bakit naman kita iisipin?sino ka ba?"para na syang mamatay sa kakatawa nya at kailangan pa ba talaga tanungin ang mga 'yan.

"Ako lang naman si Hez Futamora ang babaeng palamura pero maganda"HEHEHHEHE ako lang naman ito at wala ng iba.

"Taposssssssss??"

seryoso?

"Tapos pwede kanang makaalis dahil tapos na, kaya gora ka na"

ibinaling nya ulit ang kanyang paningin sa hawak nyang cellphone at sinimulang maglakad at hanggang sa ito ay nakalayo na't kaya ako nalang ngayon dito ang mag-isa.Hayyyyyy gusto kong sumunod kina insan ngunit paano ko sila susundan ni hindi ko nga alam kung saan sila pupunta at ito namang si insan ayaw pang sabihin sakin.

makaalis na nga

tatayo na sana ako ng may biglang nag-abot saking isang papel.

''anong gagawin ko dito?"

"Bago po kayo umalis ay kailangan nyo po munang bayaran lahat po ng kinain nyo"

napatingin agad ako sa hawak kong papel kung saan kita ng magaganda kong mata ang dapat kong bayaran."Kinain ng mga kasamahan ko kamo!!!At bakit ba sakin mo pa ito binigay ni hindi ko nga man lang nakain ang mga yan!!!"napatayo na talaga ako habang sumisigaw at tinuturo ang mga pagkaing hindi ko kinain.

busheytttt rin itong si insan ihhh

kaya pala siguro isinama nya ako dito kasi iiwan nya rin ako para bayaran mga nilalamon nila kanina.hayyy kung nalaman ko siguro ito ng maaga aba'y kakain nalang talaga ako kanina at makaalis ng una.

paktayyy wala pa naman akong pera ngayon ni wala na na ako kahit pamasahe man lang.

"Pero sabi po ng isa nyong kasamang matangkad na ikaw nalang daw po ang magbabayad"

"Talagang bakulaw na 'yun"mahina kong sabi at sakto namang nakita ko yung singkit na busheyttt.Tumatawa pa ito kasama ang isang may hindi katangkarang babae pero nangingibabaw parin ang natural nitong ganda.

HEHEHE.

may naiisip akong paraan

lumapit ako dito sa lalaki at parang nagulat pa sya dahil bigla nalang akong ngumingiting ma-isa..oo alam ko namang baliw ako sa isa at talagang mababaliw ako ng sobra kung hindi ako didiskarteng bayaran ang mga ito. "kita mo ba 'yung lalaking singkit na may kasamang magandang babae?"

"Hindi ihh"

gusto ko syang batukan pero hindi ko na ginawa dahil mas lalo lang nasasayang ang oras pag ginawa ko pa 'yun.

"Ahh iyon ba?"sabay turo nya dito kaya pinalo ko kamay nya.

bakit ba kailangan pang turuin eh baka makita pa nya ako at kukulo na naman ang dugo nya sakin

"Oo, kaya kung ako sa iyo puntahan mo na sya dahil sya ang magbabayad sa lahat ng mga pagkain na kinuha nang aking mga kasamahan."

"kilala ka ba nya?''

''alam mo ang dami mong tanong...kaya nga nagpunta sya dito para bayaran ang mga ito"kinuha ko ang isang basong saka ko ito ubusing inumin.

Isang basong tubig sa hapunan busheyttt ka talaga insan

sinimulan kong maglakad na nakayuko at rinig ko agad ang sigawan dito

nakuuuuu poooo

"What?!!"

"Sir kailangan nyo po talagang bayaran"

"At bakit ako ang babayad sa mga yan!!"

"Sabi po kasi nung isang lalaki na mukha pong babae na kaya daw po kayo nandito para po bayaran ang mga nilalamon ng kasamahan nya"kailangan pa ba talagang sabihin ang mga salitang 'lalaki na mukhang babae'.si kuya naman wala kang tipsss.

napahinto ako sa paglalakad upang tingnan sila na nakatingin na pala sakin at nagtama ang panigin namin ni singkit.

"Sya po"sabay turo sakin

patayyy

ang tangi kong ginawa ay tumakbo paalis dito at hindi ko na alam kong saan man ako dadalhin ng aking mga paa