webnovel

Chapter 25

Pilipinas...

Ilang beses ikinurap kurap ni Andy ang kanyang mga mata, sapagkat di parin makapaniwala na sa loob ng halos pitong taon ay hindi siya nakauwi rito. Napangiti siya, ngiting tila ba naabot na niya ang kanyang pangarap.

"I love your smile hon, hope to see that everyday." pansin naman ni Marika sa kanya. Hindi nalang siya sumagot at hinila na ang kanyang maleta.

Sa mansion nina Andy tumuloy si Marika dahil wala naman itong kamag anak dito sa Maynila. Ayaw man ni Andy pero wala siyang magagawa dahil malaki ang utang na loob niya rito, ito ang dahilan kung bakit siya nakauwi. Kaya naman lahat ng magandang pakikisama ay ginawa niya para rito.

Inihatid ni Andy sa kwartong uukopahin niya si Marika.

"Here's your room, just tell me if you need anything. Nasa kabila lang nitong kwarto mo ang kwarto ko at pwede mo rin tawagan sina Manang kung may ipag uutos ka, I just want to take a nap."

Hindi na niya hinintay pang magsalita si Marika at agad niyang isinara ang pintuan ng silid nito bago pumasok sa kanyang silid naligo siya at nang makatapos ay agad dumapa sa kama at binuksan ang kanyang laptop.

Hinanap niya sa social media si Jade ngunit wala. Nagpasya siyang hanapin ang kapatid nitong si Jodi at laking tuwa niya ng makita ang Facebook account nito ngunit ang tuwa ay agad napalitan ng pagkadismaya ng makitang naka locked iyon.

Naisip niya ang cellphone na naiwan niya agad niyang hinanap iyon at di siya nagkamali nakita niya iyon sa drawer niya at battery empty iyon. agad niyang kinuha ang charger at isinaksak habang naghihintay ay tinawagan naman niya si Kristel sa Messenger at agad naman itong sumagot.

"Hey! I'm back. How are you? " agad niyang tanong rito. Medyo naipaliwanag na niya kay Kristel ang ilang detalye ng nangyari sa kanya at ganon din si Kristel naikwento na nito kay Andy ang ilan sa nalalaman nito kung kaya't nagkasundo na sila.

Agad namang ngumiti ang dalaga sa kanya.

"Hope to see you in person so that magagawa ko na yung matagal ko ng gustong gawin sayo." sabay irap ng dalaga na ikinatawa naman ni Andy.

"Yan ang ang salubong mo sakin, pumunta ka rito sa mansion marami akong pasalubong sayo. Just tell me if kailan ka pupunta para di ako makaalis ng bahay."

"Owwwwsss! What did you call that nga? Hmmmm Ah... Is that what you call SUHOL???" sabay bungisngis nito habang inaasar ang kaibigan.

"Tsssk! Kris you know me sa lahat ng friends ko ikaw lang pinagkakatiwalaan ko at hindi lang naman tayo basta magkaibigan diba baka nakakalimutan mo na pinsan morin ako kaya syempre may pasalubong ka at madaming madami yun."

"But you know naman na hindi ko maibibigay ang gusto mo diba Andz?" malungkot na tanong nito.

"I know...Pero alam kong ikaw kang ang kakampi ko at ikaw lang ang makakatulong sakin upang mahanap si Jade."

"Okay...puntahan kita dyan tomorrow may Duty pa kasi ako ngayon at male-late na ko kaya ba bye..." Kumakaway pa ito at biglang nawala sa monitor.

Napabuntong hininga nalang si Andy, muling binalingan ang cellphone at sinubukang buhayin at nang makita niyang nabuhay ito halos mapatalon na siya sa sobrang tuwa. Naupo siyang muli sa kama at unti unting pinag bubuksan at pinagbabasa ang mga messages na hindi niya nabasa mula kay Jade.

Halos madurog ang puso niya sa mga mensahe nito maging ang pakikipaghiwalay nito sa kanya ay naroroon at ang lubos na nakapag paiyak sa kanya ng basahin niya ang mensahe tungkol sa ipinag bubuntis nito.

Sender: Jade

Sinayang ko ang buhay at kinabukasan ko, Hindi ko alam kung bakit mo nagawa sa amin ito ng magiging anak mo. Pero tama ka, gaya ng sinabi mo ito ipinalaglag ko na ang anak natin dahil baka masira ang buhay mo dahil sa kanya. Pinaglaruan mo lang ako Andy Lee, pinagdamutan mo ng buhay at pagmamahal ang sanay naging anak natin. Sana makatulog ka pa sa gabi at sana rin hindi ka multuhin ng konsensya mo! Kahit kailan sana ay huwag mag krus ang ating landas dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo. Sinira mo ang buhay ko! Bubuuhin ko itong mulu at kakalimutan ka. Kaya sana hwag na hwag na kitang makikita kahit sa kabilang buhay. Kalimutan na natin ang isa't isa diko ko na tinatapos ang lahat lahat sa ating dalawa.

Halos sabunutan ni Andy ang sarili niya sa mga nabasa niya ang ibang mensahe ay hindi na niya nabuksan pa dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang utak niya.

Agad siyang bumaba at nagtungo sa bar area ng bahay nila. Kinuha niya ang whiskey at basta nalamang iyon tinungga. Muli siyang bumalik sa kanyang silid gabang nilalaklak ang alak na hawak at pabalik balik pinapanood ang mga larawan nila ni Jade na naka save sa cellphone niya.

Mabilis siyang nalasing ayñt nakatulog sa sahig ng kanyang silid. Samantalang si Marika ay hindi maintindihan ang gagawin nakita niyang papaakyat si Andy kanina na may dalang alak at umiiyak. Natitiyak niyang may natuklasan nanaman itong hindi maganda.

Sa tagal ng pagkakakilala niya sa binata ay kabisado na niya ang ugali nito. Nagtitiis siya sa lahat ng kasungitan nito sa kanya nuon dahil gusto niyang mabaling ang pagmamahal nito sa kanya.

Ngayon ay pinag mamasdan ni Marika ang lalaking minamahal hawak ang cellphone at kitang kita niya ang larawan ng babaeng iniibig nito sa mahabang panahon.

Heto nanaman siya nag-uumpisa nanaman siyang mag-inom at umiyak. Naaawa siya sa lalaki ngunit hindi rin niya kayang mawala ito sa kanya onipaubaya sa iba. Kaya nga nagpapakahirap siya upang makuha ang inaasam na pag-ibig ng binata.

"Darating ang araw mamahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sa'yo, ang ang babaeng yan pipilitin kong mawala siya sa isip mo. Buburahin ko lahat ng ala ala ninyong dalawa dahil ako lamang ang dapat mong mahalin. Ako lamang ang nababagay sa'yo. ''

Bulong ni Marika sa sarili habang pinagmamasdan ang lalaking nakahiga sa paanan niya, lasing na lasing ito. Pinilit niya itong ibangon at alalayan upang maihiga sa kama. Ang cellphone na hawak nito ay bahagya niyang sinipa ng paabpapunta sa ilalim ng kama. Wala siyang lakas ng loob upang damputin iyon dahil qlam niyang masasaktan lamang siya sa makikita.

Matapos maihiga si Andy ay pumasok siya sa cr nito upang kumuha ng face towel at saka niya iyon binasa pinunasan niya ang mukha ng binata. Pinakabtitigan niya ito.

"Mahal na mahal kita Lee akin ka lang." at dala ng bugso ng damdamin ay hinalikan niya ito sa labi nagulat siya ng tugunin ng lalaki ang halik na iyon kaya naman sinamantala niya ang pagkakataon.

Lumalim ang halikang iyon at hindi napigilan ni Marika na sambitin ang pangalan ni Andy ng dumako sa leeg niya ang labi ng binata.

"Ooh...Lee..... please take me now." pakiusap niya rito sa pagitan ng paghalik.

Wala sa sariling katinuan si Andy ang nasa sa isip lamang niya ay ang babaeng iniibig. Nakikita niya si Jade at hinalikan siya nito sa sobrang pangungulila ay agad niyang sinibasib ang labi nito na kay tagal niyang kinasabikan. Narinig niya ang pag-ungol nito at pakikiusap na angkinin niya. Kaya naman marahan niyang tinanggal ang butones ng blouse nito at agad pinagpala ang malulusog nitong dibdib.

Gumanti ang babae at hinubad ang pang itaas niya at saka pumaibabaw sa kanya na tila di na makaantay. Tinatanggal nito ang belt niya sa pantalon habang ang kanyang mga kamay ay naglalakbay sa makurba nitong katawan.

Muling hinalikan ni Marika si Andy sa mga labi nito habang tinatanggal ang pang-ibaba nito bahagya itong umungol at para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan ng malinawan siya sa pangalang sinabit nito.

"Oh.....Jadeeee..."