webnovel

BACHELOR'S PAD

Bachelor's Pad revolves around the men living on a five floor apartment (condo-type) building owned by Maki Frias, an elusive millionaire living at the top floor (But the people living in there doesn’t know he's a millionaire except one. They just know that he's a recluse, with a genius of a brain when it comes to information technology). It is located at the heart of the city but not as noticeable as other residential buildings. The building looks normal on the outside but it is high-tech and modern on the inside with very tight security. That’s why those who prefer extreme privacy and safety wants to live there. But there is a catch. This building is exclusively for men only at ang pwede lang tumira doon ay iyong personal na nirekomenda ng isang residente ng building. Bawal din magpapasok ng babae sa building. That is because Maki Frias is said to be a woman hater that he doesn’t want any woman inside his building. So when a man decides to live there, he must sign a contract that states that he abides that rule. But what if they fall in love?

MarickoYanagi · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
104 Chs

Chapter 4

"OUCH."

Napailing si Rob habang nakatingin sa nakangiwing mukha ng babae na kasalukuyang ginagamot ng isang nurse. Nakahalukipkip siya at nakasandal sa pader.

"Dahan-dahan naman," reklamo pa ng babae sa nurse.

Tumiim ang kanyang mga bagang. What am I doing? Hanggang ngayon, hindi niya maintindihan kung bakit niya tinulungan ang babae. Hindi lang niya ito inilayo sa mga kaaway, nagpumilit pa siyang dalhin ang babae sa ospital kahit estranghero sila sa isa't isa. Wala sa karakter niya ang maging pakialamero sa buhay ng ibang tao.

Marahil sa loob ng ilang taong pagiging manager ng bandang binubuo ng limang kababaihan, na minsan ay matitigas ang ulo at nitong mga nakaraang taon ay laging nasasabak sa mga eskandalo, nasanay na ang katawan at mentalidad ni Rob na umasikaso ng babaeng nangangailangan. Nasanay siya na umaayos ng gusot.

O marahil, matindi na talaga ang boredom niya at naisipan nang gumawa ng isang bagay na hindi naman niya gagawin sa normal na pagkakataon.

Or you can get to the point and admit that she caught your interest.

Pinagmasdang mabuti ni Rob ang babae. Aminado siya na maganda ito sa kabila ng mga pasa at sugat sa mukha at katawan at sa magulong buhok. Nang tulungan niya ang babae kanina, ang intensyon lang ay ilayo ito sa limang babaeng nagtulong-tulong dito. Dahil kahit sino ang makakita, unfair na pagtulungan ng limang babae ang isa lang. Subalit nang nasa labas na sila ng club at makita ang kislap sa mga mata ng babae, bigla ay hindi na niya ito magawang iwan.

There was fire in her eyes. May spunk. At kung kailan naisip ni Rob na isa lamang itong mataray na babaeng mataas ang tingin sa sarili, may nakita siyang kislap ng vulnerability sa mga mata nito. Noon pa man ay magaling na siyang magbasa ng karakter ng isang tao. Kaya nga siya naging matagumpay na talent agent. And this woman had more depth than her appearance betrayed.

"Ouch!" angal na naman ng babae sa nurse.

"Sandali na lang ito, Miss. Pakitanggal ho ang sapatos ninyo, namamaga ang sakong n'yo."

Kumilos ang babae upang yukuin ang paa subalit nakita ni Rob na napangiwi ito at napapikit nang mariin sa sakit.

Napabuntong-hininga siya at umalis sa pagkakasandal sa pader. Pagkatapos ay walang salitang yumukod sa harap ng babae at boluntaryong sinimulang alisin ang pagkaka-strap ng sapatos nito.

Napaigtad ang babae. "What are you doing?" manghang bulalas nito.

"I'm helping you get out of these shoes," sagot ni Rob na hindi nag-aangat ng tingin.

Hindi na nagsalita pa ang babae. Dahan-dahan niyang hinubad ang mga sapatos nito. Napailing siya nang makitang namamaga nga ang mga sakong ng babae. Marahil ay nagkandatapilok ito kanina habang nakikipag-away. Inayos ni Rob ang mga sapatos sa tabi ng babae bago tumayo at bumaling sa nurse.

"May puwede ba siyang isuot na iba?"

Tumingala ang nurse at matamis na ngumiti. "Mayroon, Sir. Sandali lang ho." Tumayo ito at mabilis na umalis. Naiwan silang dalawa ng babae.

Umismid ito. "May gusto sa `yo ang nurse na `yon."

Niyuko ni Rob ang babae. Nakatutok ang tingin nito sa mga paa.

"I know," sagot niya.

Tumingala ang babae at nagtama ang kanilang mga mata. Mayamaya ay umangat ang isang kilay nito. "Alam mo, huh?"

Nagkibit-balikat siya at namulsa. "I'm used to it."

Pagak na tumawa ang babae at umiling. "You are so confident."

Umangat ang gilid ng mga labi ni Rob. "Bakit? Ikaw ba, hindi mo alam kapag may interes sa `yo ang isang lalaki?"

Ngumiti rin ang babae at nagmukhang mas maamo ang mukha nito kaysa kanina. "Alam ko. I'm used to it."

Ilang segundong nagkatitigan lamang sila, parehong matipid na nakangiti. Naramdaman ni Rob na bahagyang nawala ang tensiyon sa pagitan nila.

Naputol lang iyon nang bumalik ang nurse. May dala na itong hospital slippers. Hindi na nag-usap pang muli si Rob at ang babae hanggang matapos itong bendahan ng nurse. Tumayo ang babae at kusang gumalaw ang mga kamay ni Rob upang alalayan ito. Sa pagkakataong iyon, hindi nagprotesta ang babae. Kahit nang pumirma ito para sa bill ay hindi siya umalis sa tabi nito. Iyon ang dahilan kaya nagawa niyang sulyapan ang pangalan na inilagay nito sa form.

Daisy Alcantara. Sounds familiar.

"Ihatid mo na lang ako hanggang sa kotse ko. Kaya ko nang magmaneho pauwi," mayamaya ay sabi ni Daisy.

Kumunot ang noo ni Rob. "Are you sure? Nakabenda ang mga paa mo."

Tumaas ang baba nito. "Of course I can drive. Isa pa, kahit tinulungan mo ako, isa ka pa ring estranghero. Sa tingin mo ba, magpapahatid ako sa isang taong hindi ko kilala?"

May punto si Daisy. Kung isa sa miyembro ng Wildflowers ang nasa posisyon ngayon ng babae, magagalit si Rob kapag nalaman niyang sumama ito basta-basta sa kung sinong estranghero.

"Fine," sagot niya.

Inihatid niya si Daisy hanggang sa sasakyan nito. Nang nasa driver's seat na ang babae, ipinatong ni Rob ang braso sa bubong ng kotse at yumuko upang magkapantay ang kanilang mga mukha.

"Well then, take care."

Tumingin si Daisy sa kanya nang ilang segundo bago marahang tumango. "This is good-bye then, Mr. Stranger."

Umangat ang gilid ng kanyang mga labi. "Maybe. Maybe not. You never know."

Umangat naman ang kilay nito pero hindi na nagkomento. Dumeretso na rin ng tayo si Rob at lumayo sa sasakyan. Saglit pa ay nakasunod na lamang siya ng tingin sa papalayong sasakyan ni Daisy. Nang mawala iyon sa paningin ay saka siya pumara ng taxi at bumalik sa club upang kunin naman ang sariling sasakyan.

Habang pauwi na sa Bachelor's Pad, muling bumalik sa isip ni Rob ang maikling engkuwentro nila ni Daisy Alcantara. And he realized he didn't feel as bored as he did earlier that night.

Nakauwi si Daisy at nakapasok sa silid nang walang nakakapansin sa kanya. Kahit paano ay nakatulog siya sa kabila ng pananakit ng buong katawan. Pero kinabukasan, paggising niya ay lalong tumindi ang sakit na halos hindi siya makabangon. Kaya nagdesisyon siyang huwag lumabas ng kuwarto. Isa pa, hindi siya puwedeng makita ng kanyang papa sa ganoong sitwasyon.

Subalit muli pa lamang siyang naiidlip pagkatapos magising nang alas-siyete nang muling mapadilat dahil sa malalakas na katok sa pinto ng kanyang silid.