Gaya nga ng sinabi ni Titus kagabi ay hindi nagawang pumasok ni Vi sa eskwelahan. SInabihan na agad niya ang mga kaibigan niya upang hindi na siya hanapin ng mga ito.
"Masama lang talaga pakiramdam ko, kaya hindi ako makakapasok ngayon" sabi niya sa mga kaibigan habang naka video call sila.
"Ano ba kasing pinaggagawa mo kagabi para magkaganyan ka ha!" inis na tanong sa kanya ni Hail.
"Masama lang talaga ang pakiramdam ko huwag na kayong mag overthink pa diyan." pagpapaliwanag niya muli.
"Paano kaming hindi mag overthink eh tignan mo nga 'yang mata mo na namamaga" inis ring sabi ni Sky sa kanya ngunit hindi niya na lang ito sinagot pa at pinakinggan na lamang ang mga iba pang sasabihin ng mga kaibigan niya.
"Umiyak ka ba kagabi?" tanong ni Sam na ikinagulat niya ng bahagya.
"Ako?iiyak sinong may sabi sa inyong umiyak ako ha?!" inis na niyang sabi sa mga kaibigan niya.
"Sige magsinungaling ka pa, kahit halatang halata na umiyak ka talaga." sabi naman sa kanya ni Maky.
"Saan niyo ba 'yan nakuha ha? At saka bakit naman ako iiyak? May nagyari ba?" sarkastikong tanong niya sa mga kaibigan upang maitago ang inis na nararamdaman.
"Si Theo lang naman ang pwede mong iyakan eh sino pa ba?" sabay sabay na sabi sa kanya ng kanyang mga kaibigan.
"Ano naman ang kinalaman niya sa pag iyak ko ha?" pabalik na tanong niya sa mga kaibigan na ikanailang ng lahat dahil alam nilang iritado na si Vi sa mga pinagsasabi nila.
"Sige na bahala ka diyan sana gumaling ka na para makapasok ka na agad." pilit na sagot ni Sky sa kanya saka pinatay ang video call.
***
"Bro, kita tayo sa sat cafe. Doon tayo magbreakfast" bungad agad sa kanya ni Shawn na makita niya ito sa parking lot at kakababa ng ducati na walang kasama.
"Wala ka atang kasama ah?" tanong naman niya sa kaibigan.
"Wala na eh" maikling sagot ni Shawn na ikinatahimik na lang niya.
"Oh bakit wala?" bungad naman ni Lance sa paguusap nila.
"Anong bakit wala? Hindi ba pwedeng naghahanap lang ako ng bago?" iritadong sagot sa kanila ni Shawn saka patuloy sa paglalakad papuntang sat cafe.
Himala atang wala siyang dalang babae ngayon." pabulong na sabi ni Lance sakanya habnag pinagmamasdan ang naunang naglakad na si Shawn.
"Wala nga daw eh pero bakit pa din tayo kakain sa sat cafe kung wala talaga." sabi niya sa kaibigan saka na din naglakad para mahabol ang papalayong si Lance.
***
"Eternal Garden Cemetery" basa ni Vi sa nabasang nakasulat sa malaking gate. Saka tinignan ang kapatid.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong niya sa kapatid kahit pa may ideya na siya kung bakit.
"Basta sumama ka na lang muna" sabi ng kapatid sak binuksan ang bintana para kausapin ang guard. "Nag promise kang sumama kaya wag kang mag complain diyan." sabi sa kanya ni Titus saka tuluyang nakapasok sa cemetery.
Pinagmasdan naman ni VI ang kabuon ng lugar ngunit napako ang tingin niya sa kapatid ng bigla na lang itong huminto at bumaba. Kaya naman bumaba din siya sa kotse ng kapatid at sinundan ito sa pagkuha ng mga dalang gamit na nasa compartment ng kotse.
"Pwede mo bang buhatin yung mga bulaklak." utos ng kanyang kapatid na agad din naman niyang tinanguan.
Dala ni Titus ang isang basket na may lamang pagkain, tubig at mat. Habang si Vi naman ay may dalang isang bouquet ng sunflower at isang bouquet ng white roses. Sinundan lang niya ang kapatid hanggang sa huminto ito sa harap ng isang lapida at doon niya nabasa ang pangalan ng taong hinding hindi niya inaasahang makilala sa hindi inaasahang pagkakataon.
"Hey Babe, you can now finally meet my sister." maikling sabi ni Titus saka sinimulang ilatag ang dala dalang mat.
Pinagmasdan muna ni Vi ang kapatid na isa isang inilabas sa basket ang mga dalang pagkain at isang malaking water jug na agad na binuksan at ibinuhos sa lapida ng kanyang ex-girlfriend.
"Vi, upo ka dito samahan mo muna ako." utos sa kanya ng kapatid niya kaya naman agad din siyang sumunod at umupo sa mat na inilatag niya kanina.
"Alam mo ba kung gaano nakakailang na bisitahin si ate amora dito?" tanong ni Vi sa kapatid na ngayon ay naglalagay ng carbonara, chicken lollipop at barbeques sa isang paper plate.
"Bakit ka naman maiilang eh hindi ka naman niya masasaktan ngayon. Hindi mo ba siya nakikita Vi, masaya na siya at saka wala namang dahilan para mailang ka sa kanya. Kasi naikwento na din kita dati sa kanya." sunod na sunod na sabi ng kapatid niya saka naman nagsalin ng orange juice sa isang paper cup.
"Lagi ka bang dumadalaw dito?" hindi mapigilan ni Vi na magtanong sa kapatid.
"Ano sa tingin mo?" balik na tanong naman ng kanyang kapatid.
"Siguro, dahil madalas ka namang wala sa bahay saka hindi ko din naman alam ang pinagkakaabalahan mo kaya hindi kita maaaring masagot ng diretso.
"Sa totoo lang, hindi na nga ako madalas na nakakadalaw gaya ng dati. Hindi ko na nalilinis ang puntod ni Amora dahil napaka distracted ko ngayon.Ang daming schoolworks kaya naman nawawalan na ako ng oras para bisitahin siya." sagot ng kapatid saka siya inabutan ng paper plate.
"Kumain ka rin hindi yung puro kami ni ate Amora ang inaasikaso mo" birong sagot ni Vi saka tinanggap ang paper plate at kumuha ng pagkain mula sa dala ng kapatid.
Habang kumakain ay nagkwekwentuhan siang magkapatid tungkol sa mga masasaya nilang alaala ni Amora. Habang nagkukwento ay hindi mapigilan ni Vi ang makaramdam ng kirot mula sa nararamdaman ng kapatid. Hindi din niya lubos akalain na napakasakit ng mga pinagdaanan nito lalong lalo na ng malaman niyang hanggang ngayon ay sinisisi pa din niya ang sarili dahil sa nangyari sa kasintahan.
"Alam mo kuya, huwag ka na masyadong malungkot diyan dahil nasisiguro kong nasa maayos na lugar na si ate Amora. Isipin mo na lang na pinapanood ka niya ngayon, at kung ganun na nga ang nangyari tingin mo ba matutuwa siya sa nakikita niya. Seryosong sabi ni Vi saka bumuntong hininga. "Kung ako ang nasa katayuan ni ate Amora ngayon malamang binatukan na kita" pabiro pang sabi ni Vi saka nagpatuloy sa pagkain.
Habang nakaupo sa puntod ni Amora ay hindi na nila pa namalayan ang oras hanggang sa may tumawag sa cellphone ni Vi.
"Sagutin mo na 'yan baka importante yaN" sabi sa kanya ng kapatid na agad din naman niyang ikinailing.
"Hindi pa ako handang kausapin siya, baka kasi mas masaktan at umiyak lang ako" sagot niya saka pinatay ang cellphone.
"Alam mo bang napaka swerte mo" ika ng kapatid niya na ikinagulat niya
"Ako? Swerte? Paano ako naging swerte kung hindi nga ako magawang mahalin ng taong mahal ko." sarkastikong sagot naman ni Vi sa kapatid na agad din nitong ikinatawa.
"Ang ibig kong sabihin swerte ka dahil binigyan ka pa ni Theo ng oras para maihanda ang sarili mo. May oras ka pa para tanggapin ang mga susunod na mangyayari. At higit sa lahat may panahon ka pang ihanda muli ang puso mo para umiyak at masaktan."
"Bakit kasi kailangan ngayon pa kung kailan hulog na hulog na ako sa kanya." sabi ni Vi sa sarili saka muling kinuha ang cellphone para basahin ang isang text message.
FROM: THEO ALVAREZ
[Absent ka daw sabi ng mga kaibigan mo, ayos ka lang ba]
[Vi, please answer my calls]
[Alam kong nasaktan kita kagabi but please answer my calls]
[Kahit hindi mo na sagutin basta mag reply ka lang ok na sa akin]
[Vi, please gusto pa kitang makita at makausap]
[It's ok kung ayaw mo akong makita or makausap but please watch my debate next week]
[Please]
[For the last time, please]
Sa nabasang sunod sunod na message ni Theo mas nakakaramdam ng kirot si Vi kaya naman sinagot na lang niya ito ng isang maikling text message.
TO: THEO ALVAREZ
[See you next week, goodluck]
Sagot niya saka muling ibinalik ang cellphone sa bulsa at mas inenjoy ang katahimikan at kapayapaan kasama ang kapatid at si Amora.
A/N: Thenkyuu for reading please continue supporting the next chapters :)) stay safe and healthy!!!
Hey again! sinusubukan ko mag everyday update para maumpisahan ko na din yung book 2 for ASTER UNIVERSITY SERIES :))) thenkyuu again continue reading and supporting !!!
Please support my twit acc 🥺👉👈 :
✨@citrinelily17✨
Disclaimer:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance t