webnovel

Chapter one

Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa library kung saan ang opisina ni papa.

Magpapaalam ako na papunta sa ibang bansa para mag-aral roon, at kailangan ko rin itong gawin para na rin makaranas ako ng bagong environment.

Kahit na labag pa iyon sa kalooban ni mama ay wala naman itong nagawa dahil ito ang unang beses na may hihilingin ako sa kanila.

Nasa bungad palang ako ay rinig ko na ang malambing at masayang kwentuhan ng mga magulang ko. I was smiling at the thought of how they deeply in-love with each other until now. That is why i love them more than anything.

Pinakalma ko muna ang sarili ko at saka muling huminga ng maluwag at humawak ako sa necklace ko at ngumiti.

Walang dapat ika-takot at ika-lungkot gusto ko lang naman na.

"Baby?" Napatigil ako sa pag-iisip at nakita ko si mama na papalapit sa akin nakangiti siyang lumapit sa akin.

"Good morning mama." Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap na sinuklian rin niya ng mahigpit na yakap para bang takot siyang bitiwan ako. Nasanay na ako sa ganitong sitwasyon kaya napapangiti na lang ako.

"What a sweet moment i was capture right now." Boses ni papa na nakahalukipkip habang nakangiting nakatingin sa amin ni mama.

Napangiti ako lalo ano ba ang ginawa ko para bigyan ako ng ganitong kasayang pamilya.

Ang kabataan ko ay masaya rin noon pero sinira ng isang trahedya ang masayang pamilya na mayroon ako noon at akala ko ay hindi ko na mararanasang muli ang ganitong tagpo.

Nang mawala ang mga magulang ko na akala ko ay ang totoo kong pamilya. Pero dahil sa trahedyang iyon ay kaya nakilala ko kung sino talaga ako at kung ano ang totoo kong pagkatao.

Nakilala ko ang totoo kong mga magulang, sina mama at papa ginawa nila ang lahat para mapalapit ako sa kanila at ibalik ang dating masayahin at puno ng pagmamahal na isang batang babae noon.

My name before, is just a simple Allia Aragon.

But when my foster parents died.

Nalaman kong mayroon akong totoong mga magulang.

Ngayon ako na si Allia Seirin Xylia Rosenthal Goldsmith Giou. Sa haba nito ay sinimplehan ko na lang ng Seirin Giou. I have four bloodline in my viens because of my parents.

Si mama ay Half Italian, Half Romanian. She's the daughter of Salvador Goldsmith and Alyna Xenia Rosenthal. My Lolo is a famous Businessman and a what they called it a Mafia Lord but even he is a mafia he still my sweetest lolo ever. And my lola is a great pianist and the daughter of Prince of Romania.

My Papa is Half Filipino, Half Japanese. He is the son of one of the most powerful mafia lord in Japan and his mother my granny is also a pianist and a former singer in Japan.

Masyadong tanyag ang pangalan ng pamilya ko. At kakabit na ng pamilya namin ang panganib kaya ni minsan hindi ko naranasan na lumabas sa mansion na ito ng nag-iisa marami akong bodyguards at may limitasyon rin ang pakikipaglapit ko sa ibang tao. Sanay na rin ako sa ganitong sitwasyon sa araw-araw.

Mayroon akong tatlong nakatatandang kapatid. Sina Kuya Seiran ang panganay sa amin at ang kambal na sina Kuya Ryuuren at Kuya Ryuuki.

Sa ngayon ay nasa iba't ibang bansa sila isang bagay na mahirap sa pamilya namin ay ang paghihiwa-hiwalay namin.

Kailangan iyon para hindi malaman ng mga kalaban ng pamilya ang pagkakakilanlan ng bawat miyembro ng pamilya namin.

Natigil ako sa pagbabalik tanaw ng hawakan ako ni mama.

"May problema ba baby ko?" Tanong ni mama sa sandali kong pagkatahimik, huminga muna ako ng malalim at saka tumingin sa mga magulang ko.

"Gusto ko po sana pumunta ng Pilipinas mama, papa." Sandaling natahimik ang paligid pero binasag iyon ng malakas na buntong hininga ni papa.

"I will let you my baby, pero hindi ko hahayaan na basta ka na lang pumunta doon na mag-isa." Nagliwanag ang mukha ko ng sabihin iyon ni papa at kahit hirap siyang sabihin iyon ay atlist pumapayag na siya.

Yumakap na lang ako ng mahigpit sa akin si mama na panay ang pagpapabaon sa akin ng mga tagubilin at kung ano ang mga dapat kong gawin sa hindi pamilyar na lugar na iyon.

Gusto kong bumalik sa Pilipinas, gusto ko ulit siyang makita at makasama at kagaya ng pangako ko noon ay babalik ako.

Malapit na konti na lang mahahanap ko na rin siya, si Kazami ko ang taong dahilan kung bakit gusto kong pumunta ulit sa bansang Pilipinas, dahil nasa lugar na iyon ang taong mahal ko at sana nandoon siya sa pagkakataong ito.

Tumingin ako sa malaking arko ng harap ng university kung saan sabay kaming papasok ni Aika ang bestfriend ko dalawang taon na ang nakararaan ng makilala ko siya ng minsan akong mag-aral sa isang painting school sa Italy naging magkaibigan kami kahit na nanggaling siya Japan at siya lang ang tanging pinayagan nina lolo na maging kaibigan ko.

Pumisil ang kamay ni Aika na nakahawak sa akin at sabay naming tiningala ang 'CERES UNIVERSITY' iniisip ko pa lang na dito nanggaling ang mga magulang ko ay nakaka-preasure rin pala lalo na hindi ko alam kung ano magiging buhay studyante namin ni Aika dito.

"Okay lang yan bessy, nandito naman ang pinsan ko at mga kaibigan niya hindi tayo mapapahamak." Pagpapakalma niya sa akin.

Napatango ako sa kanya at saka sabay kaming pumasok ni Aika sa loob ng school, agad kaming pumunta sa faculty room para malaman ang schedule namin.

"Seirin tara na pasok na tayo." Untag sa akin ni Aika.

Pero tinignan ko lang siya na parang maiiyak, first day of school and to think na ibang environment ang haharapin ko hindi ko tuloy mapigilan ang hindi kabahan.

"Parang ayokong pumasok Aika kinakabahan talaga ako." Sabi ko sa kanya kaya tinaasan niya ako ng kilay sabay hila sa akin.

"Ano kaba halika na pumasok na tayo ako bahala." Nagpahila na lang ako sa kanya.

Nang makapasok kami sa naka-assign na section sa amin ay malugod naman kaming tinanggap ng mga bagong classmate namin at ang magiging adviser namin.

Mababait naman pala sila pati ang bago naming professor.

Natuwa ako sa mga pinag-aralan namin minsan pa ay natatawa sa akin si Aika pati ang iba naming mga classmate, kasi masyado akong na-fascinated sa tinuturo ng teacher buong buhay ko kasi ay ngayon lang talaga ako nakapasok sa eskwelahan dahil home-schooled lang ako at tanging si Miss Maze lang naging teacher ko kaya naman natutuwa ako na natupad na ang isa sa mga pangarap kong gawin.

Hindi namin napansin ang oras dahil seryoso kaming nag-aral kung hindi pa kami tinawag ng classmate namin na mag-tanghalian ay hindi pa kami lalabas ng room.

Agad naman kaming pumunta ni Aika ng cafeteria para kumain.

"Seirin mauna ka na muna sa cafeteria para maka order ka na mag-babanyo lang ako." Sabi niya sa akin kahit nagdalawang isip ako ay tumango na lang ako sa kanya.

Habang naglalakad ako ay nagpapalinga-linga ako sa schoolground ang ganda pala dito ang laki nga talaga nito sa pagmamasid ko sa mga estyudanteng nakakalat sa buong schoolground ay hindi ko sinasadyang makabanga ang isang babae kaya pareho kaming natumba.

Ouch! ang sakit ng pang-upo ko mahina kong bulong.

"Hoy! ano ba sa tingin mo ginagawa mo ha hindi ka tumitingin sa dinadaan mo!"

Bulyaw sa akin ng babae namumula siya sa galit kaya bigla akong kinabahan at hindi nakagalaw nakakatakot naman ito parang bulkan na sasabog.

Aika nasan ka na natatakot ako? Pipi kong tanong.

"Hoy! kinakausap kita bwiset!" Muli niyang bulyaw sa harap ko kaya nagulat ako sa kanya.

"Pa-pasensya na hindi ko sinasadya." Nakatungo kong sabi sa kanya habang dahan-dahan akong tumatayo napahawak pa ako bigla sa beywang ko dahil sumakit ito.

"Anong hindi sabihin mo tatanga-tanga ka lang!" Hahablutin sana niya ang buhok ko pero may bigla na lang humila sa akin palayo at itinago ako sa likod ng estrangherong ito.

"Keita! ikaw pala yang babaeng iyan tinulak ako kanina ang sakit nga ng pang-upo ko." Sumbong niya sa lakake grabe naman to makagawa ng maling kwento.

Hawak pa rin ng lalake ang braso ko kaya naramdaman kong humigpit ang hawak niya.

Pilit kong binawi ang kamay ko pero ayaw niya itong bitiwan.

"Please bitawan mo po ako hindi ko po sinasadya hindi ko alam sinasabi niya."

Pagde-depensa ko sa sarili ko.

"Hoy! Wag na wag kang nambibintang ha!" Bulyaw ni Aika sa babae na gulat na napaatras base sa itsura niya ay halatang kilala niya si Aika na kadarating lang.

Tumingin siya sa lalake at ngumiti.

Nang tignan ko rin ang lalaki mula sa pagkakayuko ko bigla nalang akong kinabahan.

"Aika? Anong ginagawa mo dito?" Biglang tanong ng lalake sa kaibigan ko kaya napatingin ako sa kanilang dalawa.

"Sorry, Kuya Keita hindi ko nasabi na dito na kami mag-aaral." Nginitian niya lang ang lalaki na ikinataas lang ng kilay nito.

"Seirin halika na. At ikaw babae wag kang sinungaling baka masuntok ko yang pagmumukha mong mukhang ispasol!" Galit siyang muling humarap doon sa babae na namumula ang mukha.

Bigla akong hinila ni Aika papunta sa canteen na parang walang nangyari.

Nakita ko na nakasunod sa amin ang kuya na tinawag ni Aika.

Bakit ganito na lang ang lakas ng tibok ng puso ko ng makita ko ang lalakeng iyon at parang pamilyar siya sa akin.