webnovel

Chapter 23

"Here."

I still can't believe.

How did that happened? How did I came up there, pleading for help?

It had and still felt like a nightmare. My mind and heart are synchronizing.

And then...all of a sudden. I was saved, by him.

He's really here.

"Gosh. Hindi ba ako naliligaw? Alam ko dito lang 'yon eh."

Inis akong napakamot, nagpapalinga-linga.

Bakit ba kasi ang daming pasikot-sikot na eskinita?! Wala bang note dito na "Way to Epal na Bida-Bida's Mini House" o kaya ay mapang magtuturo ng pinakamaduming tulay na nakita ko?

This is insane! I shouldn't have thought to go here in the first place. Why would I think such? Gosh!

"Hoy."

Napatingin ang isang gusgusing paslit sa aking gawi. Panay ang mantsa at tagpi sa kupas na nitong printed na suot.

"Saan nga dito 'yong tulay?" untag ko. Ilang metro ang distansya kaya't hindi ko napigilang mapasigaw. May ilan pang napatingin, may kanina pa ring nakamasid.

Masama bang mang-bulag? Pwedeng manusok ng ice-pick isa-isa?

Sinimangutan niya ako. "Doon," turo niya saka tumakbo.

Nagtuloy-tuloy ako sa paglakad habang tinatahak ang daang ini-muwestra niya.

"Sabi niya dito? Talaga naman! Ginogoyo ba ako ng batang 'yon? Eh wala naman akong matandaan na dumaan kami dito." reklamo ko saka tumalikod at bumalik.

"Miss."

Napairap ako sa sumitsit. Ha. Mukha ba akong aso para sitsitan?

"Pakipot pa oh."

"Titingin na 'yan."

"Psst! Sexy!"

"Witwiw!"

Napakuyom ako ng kamao. Pinipigilang mapuno at baka balikan ang makakapal na mga kulugong 'yon.

"Kanina ka pa namin tinatawag, bakit naman--" sumampal sa kaniya ang brasong hinawakan. Nandidiri, kinikilabutan.

"Aba pumapalag---?!" Nakatikim din ang isa pang humawak ng sipa. Buong lakas, sa ibaba.

"Talagang lumalaban ka ha?"

"Ano ba! Bitawan mo ako!" gigil kong singhal. Nagpupumiglas ako at nagkukumahog mawala. Sumisigaw para tigilan ang kalapastanganang ginagawa nila.

"Bitawan mo nga sabi ako!" Pero hindi sila nakinig. Hindi lang sila dalawa. Ang dami nila, apat...lima. Hindi ko kakayaning lumaban. Ang lalaki pa nilang kumag, anakng!

"Jackpot, pre!"

"Huwag mong pakakawalan."

"Gago. Sinong may sabi? Lulumpuhin muna natin 'to."

Nag-init ang tainga ko sa mga naririnig. Nakakadiri! Nakakasuka! Puro kahalayan!

"Bitawan niyo ako! Tangina naman! Kapag nakawala ako dito hindi na kayo sisikatan ng araw!" pagwawala ko. Mas lalong humigpit ang kapit nila sa akin. Gumagapang ang mga palad. May kung anong nabubuhay sa akin. Takot. Nag-iinit ang sulok ng mga mata.

Nagwawala na ako sa pagpupumiglas ngunit nagawa pa rin nila akong kaladkarin.

"Tulong! Tulong!"

Muling namayani ang demonyong pagtawa nila. Para akong unti-unting hinihila sa impyerno. Gusto kong makawala pero wala akong magawa.

"Damn! Fuck! Get your filthy hands off me! Fuck you asshole!"

Halos manghina ako sa mga ginagawa nila. Nagugusot na ang suot na unipormeng suot. Nababahiran ng dumi ang kabuuhan habang namumula ang mga parteng hinahawakan nila.

"Tulong!!!"

Tama na. Please.

"Tulungan niyo ako!"

Please. Someone, hear me. Yuri...

"Kuya Tantan!"

Ilang beses akong napakurap sa boteng ngayon ay nasa harapan.

"T-thanks." I almost choked. Since when ako natutong magpasalamat? Argh. Why am I not resisting his hand? Why am I not avoiding his presence?

I was supposedly irritated and annoyed. Why the hell am I not reacting such in front of him now?!

Dapat sinisigawan ko na siya ngayon. Dapat nilalait at pinagtutulakan ko na siya palayo.

But why the hell am I here?! With him?!

This weird guy whom I despise.

How the hell I came up agreeing with what he said?!

Tumikhim ako sa namayaning katahimikan. Salitan ang malalim naming hininga dulot ng pagod. Tagaktak ang butil-butil na mga pawis sa aming katawan. Magkalayo ang mga mata, nakasipat sa kung saan.

Pero nanatitili siyang tikom.

"Ano..." I started.

"What?" he responded not turning a glance. Napabuntong hininga ako sa mabilis pa ring tibok ng puso.

"Should we do this? I mean, I don't need--"

"You need to learn." matigas niyang sambit. Ramdam ko ang bigat sa paraan ng kaniyang pagkakatingin.

"Why?" untag ko, iniiwasan ang mga mata niya. Nakakatakot.

Naaalala ko na naman kung gaano ka-blangko ang mga mata niya nang araw na 'yon. Hindi normal na walang emosyon. Nakakakilabot. Parang kumikilos ang katawan niyang nimamando ng kung sino. Saglit niya lamang napabagsak ang limang naglalakihang mama na 'yon at hindi lang basta. Dahil kung hindi ko pa binanggit ang pangalan niya magtutuloy-tuloy siya sa ginagawa.

I wonder. Buhay pa kaya ang mga hayop na 'yon?

"Nakita mo ba ang nangyari sa'yo? Nakita mo ba kung saan ka dinala ng ugali mo? Masaya ka na ba? Ha? Paano kung wala ako doon? Ano nang nangyari sa'yo?!" gigil na gigil ang kaniyang tinig sa bawat pag-usal ng mga salita. Nabubuhay ang kaba sa dibdib ko.

It seems like anytime, he's about to explode.

"Why are you doing this Levithan?"

Mula sa nanginginig niyang kamao, bumigay itong tila nanghihina at muling nag-iwas. In an instant, he's there again, the not-caring look of an Arquez.

"Bilisan mo diyan. Marami ka pang dapat matutunan." saka siya bumalik sa yard. Naiwan akong nakaupo, nakamasid. Naguguluhan.

Nanatiling nakasalampak ang katawan ko habang nakataas ang magkabilang binti sa mahabang kinauupuan. My body is covered, the cuts, marks and scratches were not visible.

'Bakit?' my mind uttered as I stared at him.

"Stronger." Ginawa ko ang sinabi niya. Buong pwersa kong inilalagay ang lakas at bigat sa bawat pag-atake.

Panay pa rin ang pag-iwas ng paningin. Hindi mapalagay.

"Defense." Sa pagkakataong iyo'y oras naman niya para umatake. Bagaman hindi ko naiiwasan ang lahat ay hindi naman ganoong lumalapat ang bigat ng atake niya kapag nabibigo ako.

"Are you that really good at this?" untag ko out of nowhere sabay pagkawala ng sunod-sunod na suntok. Hindi ako mapakali sa ganitong set-up. I'm not used to stay shut.

Mabilis niya lang rin ang mga itong nailagan nang walang kahirap-hirap. "Not that much."

"But it seems like, sanay ka nang makipag-away."

Natahimik siya. Totoo ba?

Ang bilis niyang kumilos. Takte. Parang naka-fast mode. Parang hanging dumadaan-daan lang.

"Pero, noong nakaraan. Paano mong---"

"A kid saw you. 'Yong nakita mong binuhat ko." Hindi ata siya napapagod. Nagtataka na ako kung pinipigilan niya lang bang huminga at hingalin o sadyang ganoon katibay ang stamina niya.

"Ah..anong---"

Ang sakit na ng kamay ko. Ang higpit ng hawak niya, ang lakas mangaladkad. Parang naiwan yata ang naghihinagpis kong kaluluwa sa kasumpa-sumpang lugar na 'yon.

"Teka--"

"What?" kung gaano kadiin ang pagkakahawak niya sa akin ay siyang bigat ng pagkakabigkas niya.

Matalas ang kaniyang paningin. Nanggigigil. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon.

"Masakit." pagyuko ko sa mga kamay namin. Napakagat ako ng labi sa kahihiyang nagawa. Ilang saglit pa'y napapikit ako ng ilang beses, lumuwag ng kaniyang pagkakahawak ngunit hindi pa rin siya bumitaw.

"I'll take you home." Ngayon ay mas naging malumanay na ang kaniyang paglalakad. Ako naman itong si tanga, nagpapatangay pa rin.

Ang totoo'y wala na akong lakas magprotesta. Pakiramdam ko ay konti na lang ang meron ako, at kapag naubos ay bibigay na panigurado ang mga nanginginig na mga tuhod.

Ilang beses akong muntik mapaluhod. Ilang ulit na natatalisod at natatapilok hanggang sa unti-unting naging pamilyar ang daan. Ilang minuto kaming ganoon, hindi naghihiwalay. Ilang beses ko nang tinangkang bawiin ang kamay mula sa kaniya, sinabihan siyang bumitaw, pero hindi niya talaga ginawa.

My foolish part says, it's somehow a relief feeling. Someone saved me from a nightmare. Someone I never expect is holding my break of grudges.

"Isle! Anong nangyari? Bakit ganiyan---" natigilan si Nanay nang nagtuloy-tuloy siya sa paghila sa akin. Hindi siya pinansin hanggang sa dalhin niya ako tuluyan sa sariling kuwarto.

Isang mahinang pagtulak lamang, napasalampak na ako sa sariling kama. Nakakakaba ang pananahimik niya. Nakakabagabag ang paraan ng pagtitig. Hindi ko kayang tapatan. Wala akong mukhang maiharap.

"You shouldn't have gone  there."

Napayuko ako lalo. Hindi makasagot. Kunwaring sinisipat ang sapatos na puno ng dumi. Nanginginig ang mga labi at patuloy sa pag-init ang paningin. Napakuyom ang dalawa kong kamao sa magkabilang gilid.

"What if I didn't pass? What if I didn't come? Could you imagine how worst you could have suffer with?"

"You shouldn't have come."

"Fucking shit! Hanggang ngayon, ganiyan ka pa rin? Tell me, what's really into you?! Hindi ka mabubuhay nang ganiyan. Hindi lahat ng tao kikilos nang naaayon para sa'yo. May kaniya-kaniya tayong buhay. Ayusin mo ang sa'yo."

He was raged. Kahit 'di ko tingnan, alam kong nanggagalaiti siya sa galit. Ano bang dapat ikagalit? Dapat nga ay tinatanong niya ako kung ayos ba ako, may masakit ba. Pero mas galit pa siya sa akin.

How dare he?!

"Look--" natigilan siya nang saktong pag-angat niya ng baba ko'y tuluyang bumagsak ang luha sa aking pisngi.

Umiiyak? Ako? Bakit? Akala ko wala na sila. Akala ko sinukuan na rin ako't inayawan. Pero bakit nagmumukha na naman akong mahina?! Anakng takteng buhay naman 'to eh!

Our eyes met. Resembling each' emotions. Empathizing each' situation.

"Sorry..." his free hand suddenly flew to caress my cheeks lightly, enough to dry my broken heart and weeping  soul.

"Go home." I pushed him away. Tumalikod ako at tuluyang ibinalot ang sarili sa kumot.

He didn't respond. After the door banged, my eyes well more water.

Nararamdaman ko pa rin. Naririnig ko pa rin.

Napakademonyo nila! Paano nilang nasisikmurang gumawa ng ganoong kahalayan?! Ano na kayang nangyari sa akin kung hindi nga siya dumating? Buhay pa kaya ako? Humihinga pa ba? O ligtas na rin sa makamundong pasakit na ibabaw na 'to?

Should I tell to mom and dad? Would they even care? What if...what if Yuri found out?

I can't imagine how angry he'll be. Baka makapatay siya ng tao. I knew him.

Isang beses lang 'yon na may humawak sa aking iba, naging bugbog sarado sa kaniya. Paano pa kaya...paano kung...

Yuri...

I sobbed myself all the night.

"--teka! Bitaw!" itinutulak at pinaghihiwalay ko ang mga braso niyang nakapalibot sa'king leeg. Maging ang isang binti niya ay naka-lock sa akin. Hindi ako makagalaw.

"No. Try to escape." bulong niya. Pinilit kong sundin ang sinasabi niya, pero wala akong magawa sa kaniyang lakas. Hindi man lang siya nagbabago ng pwesto sa bawat pagpupumiglas na ginagawa ko.

"Oo na. I lose, okay? Now, let go of me." tumigil ako sa pagkilos, hinayaang huminahon ang tumutulak na hininga.

"Can...can I ask you some---ah!"

"Hali na kayo." napatakbo ako matapos makawala sa kaniya. Gosh! Buti hindi nakita ni Nanay! Buti naapakan ko kaagad ang epal na 'yon. Taragis, ang dami pang sinasabi eh!

"Kamusta ang pag-eensayo, Isle?" nakangiti niyang salitan ng tingin sa amin ng epal.

"Okay naman po." saka nilantakan ang carbonara. Huhu, the best talaga si Nanay magluto!

"Kaya pala ayaw mo ng spag?" napalabi ako sa tanong niya sa aking gilid.

"Oo, hindi talaga mahilig si Isle doon. Kaya nga nagtataka ako kung bakit may inuwi siyang box at inubos---"

"Nanay! Gutom pa ako. Nakakabitin." paawa effect ko sa kaniya bago inubos ang inumin.

"Sige, kukuha pa ako," aniya,ngunit mabilis kong pinigilan.

"Ako na po." saka tumayo. "Ikaw?" untag ko nang hindi tumitingin sa mukha niya. Nakakainis, bakit parang naaasar ako sa painosente niyang tingin? Argh!

"Sige." napairap ako sa simpleng sagot niya.

It's such a random feeling knowing that usually, my weekends are just typical restdays for me. But now, very exhausting, umaga pa lang.

I wondered why he didn't come yesterday. Not that I am expecting him. Like--argh--what?! It's just, normally, he would ask if I'm feeling okay or such.

Mabuti nga at hindi rin pumunta si Yohan para mambulahaw. Though I'm still wondering because I think I heard his voice yesterday? Argh. Am I imagining again? Gosh!

"You're occupied."

"H-ha? Ah....gusto mo pa?" pagligaw ko.

"I already answered."

"Ay, oo nga pala. Sorry." napangiwi na lang ako sa katangahan. Everyday routine ko na ba maging bangag at lutang?

" 'Yong tanong ko." panimula niya. Bigla naman akong kinabahan.

Gosh. Mag-isip ka.

"Ha? Ano---ay oo nga pala, may kukunin ako sa itaas. Pakidala na lang." saka bilis-bilis na tumalikod.

"Wait..." nagawa niyang hilahin ako pabalik. Nakatuon ang mga mata niya sa mga kamay ko.

"I want to ask you...about this," saka nag-angat ang kaniyang mga paningin sa akin. Mabilis akong napaiwas, kasing bilis ng kabog ng dibdib ko.

'Wear that, sakaling you came to the point of thinking about doing that again. If that time comes that I am not with you to listen and you can't hold anymore and bear the pain.'

"W-wala y-yan!" napamura ako sa pagkautal. Buong lakas kong binawi ang kamay ngunit ayaw niyang pakawalan.

Nakikipag-agawan ako sa sariling kamay hanggang sa waging natanggal niya ang pagkakasuot nito. Kinuha niya pa ang kabila kong kamay at hinubad rin ang nakasuot.

Wala na akong nagawa. Nakita niya na.

"Is this what you're doing?" hindi ako makasagot. Fuck! What ma I suppose to reply?

"Ito ba ang pinagkakaabalahan mo the whole yesterday for not going to school?" nakakunot na ang mga noo niyang palaging plantsado dahil sa kawalang emosyon.

Bumalik na naman siya, 'yong Levithan na nagligtas sa akin. 'Yong taong may nakakatakot na walang emosyon na mga mata.

"H-hind--"

"Kailan mo pa ginagawa 'to?"

"Ano..hin---"

"Can you please stopy messing around?! Do you realize what you're doing on yourself?! Your selfless. You just want others to look at your wounds without knowing how painful it brought them to see you."

Naramdaman ko ang unti-unting pagbaon ng mga ngipin sa sariling labi. Nanginginig na naman kasi. Bumabalik na naman ang pamilyar na init ng paningin. Naghahabol na naman ako ng hininga.

"Let go."

"No."

"Cut the shit! Can you please stop acting like you care?! You're not Yuri okay?! You cannot do anything about it! So please stop! Get off from my fucked up life!" I screamed and pushed my limits to free from him.

"No." But he did not listen. Of course. He's not listening and will never listen to me.

My body stiffed as I felt how warm were his arms around me. I felt how weak I am from him, freezing.

Nanginig sa panghihina ang buo kong katawan hanggang sa tuluyang umasa ang bigat sa kaniya.

I found my self sobbing in his chest. "Sshh." but his voice made me weep more tears in anguish.

All Rights Reserved

alleurophile