webnovel

Chapter 21

Naglilibot ang mga mata ng propesor, bias pa, talagang papel ko lang ang sinisipat.

"Hindi ka pa pala nagda-drop." sambit niya sa aking tabi.

"Edi sana hindi moko nakikitang nagsusulat? Hay, ang utak." bulong ko. Hindi yata narinig dahil nilagpasan na lamang ako, sayang.

Nagtuloy ako sa pagsusulat at pagbabasa nang marinig na naman siyang nagsalita ilang hakbang mula sa aking likuran.

"I expect a lot from you, Mr. Arquez. I know you won't fail me."

Hindi ko napigilang hindi magngitngit, nag-iigting ang panga.

Favoritism pa! Tingnan mo kung paano ko talunin ang alaga mo.

Pero hindi lang pala isa, halos lahat ng propesor, bet ang epal na bida-bida.

Wow the fuck?

"Very well."

"I knew it."

"As expected."

Talagang pinagkakaisahan nila ako? Baka naman? Ha. I can't believe them.

Makikita mo Levithan! Mananalo ako! Ipapanalo ko 'to this time!

I spend my break time resting. I need to concentrate and calm my mind down, dahil kung hindi, mauuwi sa wala ang lahat.

'Eat, or you can't beat me.' paglitaw ng isang sticky note na nakadikit sa isang box.

Napakunot ako ng noo. Amoy spaghetti. Kaso hindi ako mahilig dito. Saka as if naman kakain ako ng bigay niya?

Nang mag-angat ng paningin ay hangin na lamang ang nadatnan ng aking mata. Nahagip nito si Levithan na kauupo lamang, may nginunguyang kung ano.

"Hoy!" pagkuha ko ng kaniyang atensyon. Hindi siya lumingon. Inulit ko pa pero umakto siyang parang walang naririnig. Wala nang kwenta, bingi pa.

Ano na naman kayang trip ng epal na 'yon sa buhay at may ginagawa na namang kababalaghan? Ay, baka balak akong lasunin.

"Hindi ko 'to kakainin." sigaw ko pa saka siya tinalikuran at padabog na ilagay sa tabi ng bintana ang box.

Natapos ang mga exams na panghapon, kaurat ang mga prof na pinariringgan pa yata ako.

Nang makita siyang patayo na ay dagli akong lumapit.

"Mga gamit mo. Iniwan mo pa. Napakaburara. Pasalamat ka, hindi ko tinapon." saka inilapag ang mga binanggit na notebooks and so on sa desk niya. Ipinatong ko rin ang box na ibinigay, hindi nagalaw, o nasilip man lang. 

"Goodluck na lang bukas. Hindi ko hahayang pumalakpak ang tainga ng mga naakit mong tuta." saka siya tinalikuran.

Ipinasok ko na ang mga gamit sa bag at paalis na nang may maglapag ng kalat sa table ko.

Muli niyang ibinalik sa akin ang box na may note.

"Hoy--!" pero nag-walk out na naman. Ang lalaki pa ng mga hakbang, hindi ko na naabutan.

Dinampot ko 'yon at itinapon sa basurahan, ganoon na ang nasa isip kung hindi lang may epal na kamay ang pumigil sa braso ko.

"Walang kasalanan ang pagkain. Concern lang si Night, sana ma-appreciate mo man lang." saka siya nag-iwan ng nakapangtataas ng kilay na tipid na ngiti.

So, ako na naman ang mali?

"Kumain na ako."

"Saan ka kumain? Anong kinain mo?" hindi makapaniwalang usal ni Nanay matapos akong ayain sa kaluluto lamang niyang inilapag sa side table.

" 'Yang nasa box. Pinilit ibigay, itatapon ko na sana kung wala lang nangonsensya."

Iniisip ko palang ang ginawang pagnguya at paglunok kagabi sa binigay na pagkaing 'yon ng epal, naninindig ang mga balahibo ko sa katawan. Goose bumps. Para akong kumakain ng tae anakng!

Kung hindi lang talaga!! Argh! Lalong ang hindi ko matanggap ay alam kong siya ang may bigay pero tinanggap ko pa rin. Sa pangalawang pagkakataon, naisahan na naman ako ng Levithan na 'yon!

Pakiramdam ko ay may kung anong umaatras abante sa lalamunan ko. May balak talaga siyang lasunin ako, eh. Torture lang at inuunti-unti pa!

"Get one and pass."

Panay ang himas ko sa braso dahil sa mga nagtitindigang mga balahibo. Ang OA na pero hindi ko talaga mapigilan! Para akong nage-LBM amp! Gustong-gusto kong dumuwal sa pandidiri at kilabot! Bakit ko ba kasi kinain 'yon?! Argh.

"If you're not feeling well, you can go to the clinic, Ms. Samonte." suhestiyon ng intrimidida at matandang dalagang propesor na laging namamansin sa amin ni Yuri. Sus.

"Wow, concern?" bulong ko.

"At least for once, act like you deserve that rank you're named for. Attitude is always greater than intellect. Like a treasured gold in a stone than a stone with a dust of diamond."

Napasinghal ako sa pagpapaka-deep niya. Iba pala nagiging epekto ng ilang araw lang nawawala, hindi updated na ang isang witch ay pwede pala maging santa. Kung sabagay, bilang naman na ang mga oras niya why not change of beliefs? Ha.

Ilang exams pa ang natapos, katulad kahapon ay kung hindi sabay ay nauuna akong nakakapagpasa ng test papers. Napapakunot pa ang noo ng mga propesor at pagtataka ng mga mangmang kong classmates. Palibhasa umaasa lang sa kung anong isinusubo sa kanila.

Hanggang sa mag-uwian nakaririndi na mga reklamo nila ang naririnig ko.

'Ang hirap.'

'Nagreview naman ako, saan ako nagkulang?'

'Ayan kasi, hindi mo masyadong itinaas. Kaunti lang tuloy nakopya ko.'

'Ganoon ba ako kabobo?'

Gusto ko silang sabihin ng, "Oo, ang bobobo niyo kasi. Likas na ngang mangmang, pinangatawan pa at inalaagaan. Ano nang future ng Pilipinas niyan?" kaso baka ma-bash na naman ako.

'Sa classroom, dapat tulungan, hindi kompitensya, hindi paangatan.'

Literal na napa-arko ang kilay ko dinig na dinig na boses. Nang lingunin ay kumpol ng mga bobong bitches na walang alam kung hindi makipagpalitan ng papel at mangodigo.

"Pathetic." I uttered then roll hard my eyes. Napasinghap sila. May pagtakip pa ng bibig.

Ipalulon ko kaya sa inyo 'yan nang makita niyong mas malaki ang mayroon kayong bibig kaysa utak na ginagamit?

Mga tao nga naman, ayaw tumanggap ng masakit na katotohanan, mas gugustuhin pang magpakabulag at magpauto sa mga kasinungalingan.

Ngunit bago pa man makatayo si Levithan ay tumayo na ako sa harapan niya.

May ilan na namang nangungusap, tumitingin. Kaimbyerna talaga.

Nakamaang akong tiningala ng epal. Ako naman ay naghalukipkip sa kaniyang harapan saka ngumingisi siyang niyuko.

"Sumama ka sa akin." utos ko. Matagal na itong ibinabagabag ng isip ko. Sa totoo lang, dapat wala akong pakialam katulad ng usual kong ginagawa. Pero simula nang magmagaling siya, mas lumalim ang tanong sa isipan kong, sino nga ba talaga ang epal na bida-bidang hanep maghakot ng fans sa classroom namin?

At para ganap ko siyang matalo, dapat ay alam ko ang kahinaan ng isang 'to. Imposibleng wala.

Mukha siyang may sinasabi sa buhay sa kilos pa lamang at pananamit. Pero nagtaka ako nang isang araw ma-discover na siya pala 'yong lalaking mascot sa mall.

Bakit kailangan niyang gawin 'yon kung mayaman nga siya? Saka napaka-weird ng pagtatransfer niya, second semester ng 3rd year college? Wow. Kung ganoon, dapat irreg siya, pero bakit parang same lang ang subs niya?

"Ha?" naisagot niya matapos ang mahabang pananahimik. Hindi ako makapaniwalang napahalakhak. Pinaglololoko ba ako ng isang 'to?

"Akala ko ang sasabihin mo, 'Bakit?' 'Saan?' 'Anong meron?' Ha? Wow. Iba nga talaga takbo utak mo. Pwede ko ba 'yang tingnan?" ngumisi ako saka hinawakan ang buhok niya. Ramdam kong natigilan siya. Sinuklay ko pa ito pababa sa kaniyang batok.

Ngunit mabilis niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan. Hindi naman niya itinapon o inilayo.

"What are you doing?" walang kwenta niyang tanong.

Maski ako ay kinikilabutan sa mga pinaggagagawa. Plan failed.

Marahas kong binawi ang kamay at tumayo ng maayos saka pa nagpagpag. Kadiri. Ginawa ko talaga 'yon? Wtf.

Tapos hindi naman pala siya tinablan. Baka lalaki talaga ang tipo?

"Sasama ka o sasama ka?" paghalukipkip ko.

Napangisi ako nang mauna siya at hinintay akong sumunod.

"Anong flavor?" hindi tumitingin na tanong ko.

"Ikaw."

"Ikaw?" napakunot ako ng noo nang tumawa ang nasa kahera saka tinaasan ng kilay ang kasama ko.

"Ikaw, kung anong gusto mo." Napairap ako sa kaniyang paliwanag at um-order na lang ng lagi kong binibili.

"Hindi siya nag-jojoke, kaya hindi ka dapat tumawa." usal ko pagkaabot ng order namin. Kinuha naman ni Levithan ang tray na sana ay bubuhatin ko. Ay, okay din palang may kasamang alalay.

"Huwag kang mag-isip o magtanong ng kung ano. Nakonsensya lang ako dahil 'di ko kinain ang ibinigay mo kahapon. Saka, alam kong matatalo kita kahit na pinilit mo pa akong pumasok. Gift ko na. Pampalubag loob na rin" ismid ko. Nanatili siyang nakamasid, tahimik.

Ang boring naman kasama nito. Parang nanonood lang ng movie. Kahit yata gulatin ko ay hindi kukurap.

"Dahil mukhang wala ka namang balak magsalita, ako na lang ang mangungusap. Sasagot ka sa ayaw at sa gusto mo."

"Paano kapag ayaw kong sagutin?" biglang turan niya. Umangat ang sulok ng aking labi.

"Sasagot ka pa rin." saka panalong ngumiti.

Napansin kong naglapat ang kaniyang mga labi bago nawala.

"Anong trabaho ng parents mo?" pagsisimula ko. Nabigla yata siya na tungkol sa personal niyang buhay ang tinatanong ko. Malay mo naman, baka under pala sila nila mom and dad, madali na lang paalisin sa school para wala ng problema, katulad ng lagi kong ginagawa.

"Wala na sila." Eh? Nanlaki ang mga mata ko. Wala palang kwenta 'to.

"Eh saan ka kumukuha ng panggastos? May iniwan sayong assets? May nima-manage kang business? Or what?" tahimik niya muna akong pinagmasdan bago muling sumagot.

"Working student."

Napamake face ako.

"Nagjo-joke ka?"

"Hindi."

Tuluyan akong nilamon ng interes. Wala siyang magulang? Working student? Ha.

"May mga kapatid ka?" sunod kong tanong. Umiling lamang siya dahil sa tuloy-tuloy na pagsubo ng ice cream.

"Eh ano ka na ngayon? I mean, sinong kasama mo? Saan ka nakatira? May mga kamag-anak ka pa ba?" nasobrahan yata dahil nariyan na naman ang paghilig ng ulo niya. Nagtataka na yata siya. Argh! Bakit ba hindi ko mapreno ang bibig ko?!

"Bakit interesado ka?" nabulunan ako sa kasusubo pa lamang na ice cream. Tila napaso pa ang lalamunan sa sobrang lamig at sapo-sapo ang bibig sa kauubo.

"Anong karapatan mong magtanong? Pinayagan ba kita?" pagbawi ko matapos huminahon sa bigla niyang banat. Tumikhim pa ako bago nabawi ang nawalang postura.

Ako? Interesado? Wow. Sa kaniya talaga? Saan siya nakakakuha ng ipinangdadagdag sa kapal ng mukha?

Muli siyang nanahimik.

"Ang wirdo mo. Alien ka ba?" Pero hindi na naman siya sumagot.

"Wala ka man lang ba sasabihin na matino? 'Yong may kwenta sana para naman hindi sayang ang oras ko." umiling lang siya sa tuloy-tuloy kong sambit. Unbelievable. Ano 'to musmos? Mangmang? O palabas niya rin lang ang lahat?

"Nasaan ang bahay niyo? I mean saan ka nakatira?"

"Bakit?" puro tanong na lang din ang isinasagot niya. Wala akong mapapala kung magtutuloy-tuloy ito. Hindi magiging tagumpay ang plano kong mapabagsak siya.

"Sasama ako, bakit?"

Akala ko ay ipagtatabuyan niya ako at kaiinisan dahil sa kanina ko pang pagsunod sa kaniya. Pero kabaliktaran ng inaasahan ko ang nangyari.

Hinayaan niya akong magmukhang ignorante sa kakalinga at kakatingala ng mga bahay na dikit-dikit at siksikan.

Napakaliit at sikip lamang ng daan saktong pang-isang tao. Kaya naman napapareklamo ako tuwing may mga batang gusgusin na nagtatakbuhan ang nakadadanggil sa akin.

"Sigurado ka bang dito ang daan sa bahay mo?" hindi na siya sumagot. Kanina ay um-oo pa siya sa pang ilang ulit kong tanong pero mukhang nagsawa na dahil hindi na rin ako pinapansin. Nagtutuloy-tuloy lamang siya sa paglakad kaya humahabol ako dahil baka maiwan, bakit ba ang bilis maglakad ng isang 'to?!

Kapag nawala ako sa lugar na ganito, pakiramdam ko ay hindi ako makalalabas ng buhay. Kaya kahit nakakabugnot, ay kailangan malapit lamang ako sa kaniya.

Idagdag pa ang nakakatakot na mga tingin ng mga nakatambay. Madudungis at dugyot ang mga ibang nakatira. Ang mga kababaihan naman ay nagko-contest-an sa paglabas ng singit at kaluluwa na sinasaliwan pa ng mga make-ups. Ang papangit naman ng paglalagay. Mga hindi marunong.

"Argh, ano ba naman 'to." reklamo ko sa mga naka-hang na mga hose. Seriously?!

Umaayon pa ang naghahalu-halong amoy ng kanal, mga basura kung saan-saan, amoy ng sigarilyo, nag-iinom kahit na may araw pa, at mga pawis na nilalabanan ng mga masakit sa ilong na mga pabango.

Kung hindi ako nagkakamali, skwater ang tawag sa lugar na ganito.

"Yuck overload. Paano kaya nila natitiis na tumira sa ganitong lugar?" bulong ko sa sarili habang nandidiri na tinitingnan ang niyayapakan at pwedeng madikitan. Baka magkasakit pa ako ng wala sa oras.

"Kung puro ganiyan lang rin ang sasabihin mo, pwede na kitang ihatid pauwi." natigilan ako sa biglang usal ni Levithan.

Eh? Pinagtatanggol? Naks naman. Ha. Sinu-sino nga naman ba ang magtutulungan kung hindi sila-sila rin lang.

Napangisi ako sa isip ngunit napangiwi sa reyalidad.

"Kuya! Kuya!" may isang bata ang nakatakbong lumapit sa gawi namin. Tuwang-tuwa pa itong nagtatalon. Napaatras naman ako sa pag-aakalang lalagpas siya at baka mabangga ako.

"Nasaan si 'nang?" tanong niya saka binuhat at ikinalong sa kabilang braso ang bata. Natuwa naman ito lalo.

Hindi ko napigilang mapangiwi nang makita kung paano nito pinunasan ang sipon na tumutulo gamit ang likurang kamay, maingay pa siyang suminghot bago sinagot ang epal.

"May pupuntahan lang daw po," saka siya nagawi sa akin, napahilig ng ulo, "Sino po siya kuya Tantan?" saka itinuro ang nanggigitatang mga daliri sa akin. Napapairap akong umiwas dahil 'di kayanin ng sikmura ang mga nasasaksihan. Bakit ba parang uso sa kanilang itinatabingi ang ulo? Ang alam ko ay sa mga horror lang 'yon at creepy movies ipinalalabas. Nilamon na rin ba sila ng sistema?

Ngunit hindi niya pinansin ang tanong ng bata.

Mula sa tuloy-tuloy na paglalakad ay unti-unti kaming bumagal nang marating ang isang tulay. Nakita kong bumaba sila sa may gilid nito, may hagdan pala.

Kung maingay ang bungad kanina ay mas sa pinagsamang sigawan ng mga batang naglalaro sa tubig na umaagos sa ilalim ng tulay at ang rumaragasang halos nangingitim nitong kulay.

"Teka.." napapahiya kong usal nang tuluyan silang makababa samantalang ako ay hindi makahakbang. Nakakabanas mang isipin ay totoong nakakatakot ang hagdan, dahil bukod sa parang bulok na ito at hindi katiwa-tiwala ay maroon ding mga lumot, walang kakapitan at napakakipot ng daan. Isang maling hakbang ko lang ay pwede akong magdire-diretso, kung hindi sa kanila ay sa tubig na umaagos. Nakakadiri, anakng.

Sabay silang lumingon. Napasimangot ang bata nang ibaba siya ni Levithan at kausaping mauna na.

Kahit tila labag sa loob ng bata ay sumunod ito.

"Hmph!" aniya pa kaya't hindi ko napigilang panlakihan ito ng mata.

"Wala kang balak bumaba?" natauhan ako sa tinig niya sa harapan ko. Ilang hakbang pababa mula sa akin, nakatingala at nakalahad ang kaniyang palad para alalayan ako.

Napakagat ako nang palihim sa pagkapahiya. Bakit ko ba kasi tinawag pa siya?!

"Kaya ko." singhal ko sa kaniya. Ngunit nanatili siya sa ganoong pwesto.

"Bakit mo pa ako tinawag kung ganoon?" maang niyang untag.

Nakakainis din talaga madalas kaengotan ng isang 'to eh noh? Hindi malaman kung nananadya ba o sadyang natatanga. Manhid ka ba ha?! Ilang anesthesia ba inaadik mo?

"Mauna ka, susunod ako. Sa susunod kasi, bagalan mo lang, akala mo laging may lakad" ako pa ang nainis, nagtutunog galit. Nang mapagtantong seryoso nga ako ay saka pa lamang siya nauna. Mahinahon na.

Argh! Bakit ba parang ang bagal ng oras?! Ilang kilometro pa ba ang lalakbayin namin bago ko tuluyang laitin at husgahan ang buhay at pagkatao niya?! Kainis.

Ilang saglit lang ay lumusot sila sa isang tabing. Tiningnan ko muna ang kabuuhan nitong barong-barong at tila pinagtagpi-tagpi ng kung anu-ano lamang na mga sako, yero, mga trapal at iba pa, bago maingat na pumasok.

Nag-aalangan pa akong kumapit dahil baka bumigay. Mamaya ay ako pa ang mapagbintangan.

"Hindi ba ito--"

"Hindi 'yan." saka siya lumabas mula sa isa pang tabing na may dalang baso at pitsel. Kung hindi rin nagtatagos ng bastos ang isang 'to eh. Akala ko ako lang, may kulo din pala.

Inimuwestra niya ang isang upuan kaya't doon ako naupo. Kahit ayoko talaga, wala akong magawa dahil ang sakit na ng mga paa ko. Para kaming nag-hiking sa flat na bundok ng basura.

"Now tell me," umupo siya sa katapat na mesang kahoy. "What do you still want to know? Nakita mo na kung saan ako nakatira. Nalaman mo na ang tungkol sa pamilya ko."

Eh? Naitago ko ang mga palad sa pagkuyom. Hindi pa tapos, hindi pa ako kumbinsido. Alam kong may kulang sa litrato, eh.

Argh! Bakit ko ba kasi kailangan ring alamin?

"Sinong kasama mo dito sa bahay? At saka ang batang 'yon, kaano-ano mo siya?" pinangatawanan ko na. Kahit na ramdam na may bahid ng pagkasarkastiko ang kaninang sinabi. Hindi na ako tinatablan, wala naman akong pakialam kung anong isipin niya.

Muli siyang natahimik dahil sa inusal. Ilang minuto pang pamamayani ng ingay sa labas, panay lamang ang masid ko sa bahay kunong tinutuluyan nila, nang muling magbukas ang pinto.

Iniluwa niyo ang isang matandang babae. Hindi naman sobrang payat ngunit kulubot na gaya ng pagkakaputi ng halos lahat ng kaniyang buhok.

Iika-ika siyang naglakad papasok na siyang pag-alalay naman ni Levithan.

Sa ikalawang pagtatagpo ng mga mata ay natuloy ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Walang anu-ano akong biglang nakaramdam ng hiya. Pakiramdam ko'y isa lamang akong ligaw na mabangis na hayop sa lungga nila.

Walang sabi-sabi akong tumayo na kanilang ikinabigla. Halos sabay silang napatingin sa akin.

"Mauuna na ako."

"Hindi. Iha, huwag kang mahiya." pag-upo niya sa isang maliit na bangko. "Pasensya na at hindi agad ako nakapagsalita. Nagulat lang ang 'nang. Ito kasi ang unang beses na nagdala si Tantan ng bisita sa munting bahay namin." pagsenyas niya na muli akong maupo, pero hindi ako sumunod. Desidido na ako. Dapat pala hindi na lang ako tumuloy. Argh, bakit ba kasi pumayag ang epal na 'to eh!

Kumibot ang aking mga labi sa pagpoprotesta ngunit nauna siyang makapagsalita.

"Pasensya ka na at masyadong maliit ang tirahan namin, pero sana ay maging kumportable ka." aniya pang ngiting-ngiti habang pinagmamasdan ang kabuuhan ko.

Mas nabuhay ang kati sa kung saang parte ng aking katawan. Hundi ko mahanap, hindi ko maintindihan.

"Aalis na ako. May mga dapat pa akong gawin."

"Sandali." naramdaman ko ang palad niyang magaan na nakahawak sa palapulsuhan ko. Hindi ko maiwasang hindi iyon tingnan at pagtuonan ng pansin. Ngunit mas lalo lamang itong umayos ng kapit. "Ihahatid na kita."

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip kung paanong nakauwi sa bahay nang lutang.

Pakiramdam ko ay naapektuhan yata ang pag-iisip ko dahil sa matapang na naamoy, hindi kaaya-ayang tanawin at nakarinding ingay ng lugar na 'yon.

Iyon ang una kong beses na makapunta sa ganoon lugar, kakaiba sa pakiramdam. Parang may pamilyar na pagtataka. Kahit na inis na inis sa napakikiramdaman ay hindi maitatangging may kung anong tumatalima sa akin.

Argh. Ano bang sinasabi ko?! Para akong tanga, amp!

Tama na nga. Masyado lang akong naging ignorante. Kung bakit ba kasi hindi niya ako pinigilan na sumama, eh! Humanda talaga siya sa'kin bukas!

All Rights Reserved

alleurophile