webnovel

CHAPTER 4

ALYNNA ROSE GARCIA POVS

Lumipas ang isang araw ay hindi parin ako lumabas ng aking kwarto, iyak lang aking ginagawa ngayon, pero ang mga magulang ko ay katok ng katok sa pintuan ng aking kwarto.

"Anak buksan mo ito! Nag aalala na kami ng daddy mo sayo!"

"Anak buksan mo ang pinto! Kahapon ka pa hindi lumalabas! Wala ka pang kain kain! Baka mapano ka!"saad ni dad.

"Mom and dad! Ok lang po ako! Huwag niyo na po akong alalahanin! Kaya ko po ang sarili ko!"sagot ko habang umiiyak.

"Paano ka magiging okay ng mommy mo! Ehh wala ka pang kain at hindi ka pa lumalabas ng kwarto kahapon! Siguro kay Joshua na naman nohh?!"

"Hindi po kasama si Joshua sa uusapan natin ngayon!"sigaw ko sa kanila habang humahagulgol sa iyak.

"Tignan mo umiiyak ka! Talagang iniiyakan mo si Joshua! Kung ako sayo kalimutan mo na siya! Mag aral ka ulit, para maka bangon ka sa sakit ng nararamdaman mo ngayon! Para maka move on ka ang gawin mo I focus mo ang sarili mo anak sa pag aaral mo! Dahil sa susunod na linggo pupunta ka ng Australia doon ka mag aaral!"mahabang sabi ni mom na napa isip ako.

Oo nga nohh pwede kong gawin ang pag mo-move on sa pag aaral ko para makalimot sa mga nangyari, hindi yung iyak lang ng iyak ako ngayon na parang tanga at walang ginagawa.

Lumakad ako sa pinto ng aking kwarto at binuksan ko iyon, tumambad saakin ang mga magulang kong halatang alalang alala, sabay yakap sa kanila.

"Thank you mommy! Dahil binago mo ang nasa isip ko! At ikaw rin dad! Dahil binigyan mo ako ng chance na makapag aral ulit!"saad ko habang umiiyak at yakap silang dalawa.

"Anak lagi mong tatandaan! Na andito lang kami ni mommy mo sa tabi mo! Okey!"saad ni dad habang yakap ako pati narin si mommy na parang group hug ang ginawa namin.

"Thank you dad and thank you mom."

"Your welcome my princess."sabay nilang sabi at nagtawanan.

_______________________

JESSICA SANCHEZ POVS

"Mario manmanan mo si baby Joshua kung saan nakatira lahat lahat! Kung anong paborito niyang pagkain at kung ano ano pa!."pag utos kong sabi kay Mario na private investigator ko, habang nag uusap kami sa cellphone ay tumutungga ako ng wine at pina iikot ko ng kamay ko ang baso na bago naming collection sa kompanya.

"Copy ma'am!"sabay baba ko ng tawag.

_______________________

JOSHUA VALDERAMA POVS

Naglalakad papuntang hotel dahil nag check in ako doon, pansamantala muna bago hindi pa ako nag hahanap ng trabahong mapapasukan ko.

Maya maya ay parang ma'y sumusunod sa akin, na ka ilang lingon na ako pero wala talaga, napag isipan kong mag tago muna para malaman kung sino ang sumusunod saakin, pero pag silip ko, wala na naman siguro guni guni ko lang toh sa sobrang kakahanap ng trabaho.

Ngayon narito ako sa kwarto na chineck in ko ngyon sa hotel at natulog na.

_____________________

JESSICA SANCHEZ POVS

Habang paakyat ako sa hagdan papunta sa aking

kwarto ko ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Mario.

*On the phone*

"Hello Mario, anong balita?"

"Naka check in po siya sa tri-star hotel, room 56 po ang room niya, ang paborito po niyang pag kain chicken curry, paboritong kulay niya ay pink."

"Pink?! Ginagago mo ba ako?! Mario! Ano siya bakla?!"sigaw ko na umalingawngaw sa buong mansion na ikina takot ng mga maid namin habang nag lilinis sa ibaba.

"Nagsasabi po ako ng totoo ma'am!"

"Okay! Siguraduhin mo na totoo ang mga sinasabi mo! Kundi papatayin kita!"pagbabantko ko kay Mario.

"Opo ma'am!"sabay patay ko ng tawag.

Pink pwede ba yun na iyon ang hilig niyang kulay, hayssst nakaka stress ayokong ng mag pakasal kung bakla pa siya, sana hindi siya bakla.