webnovel

Chapter 11

Natatawa pa rin si Charisse sa reaksiyon ng amo niya kahapon nung sinubuan niya. Kahit ayaw nito ay wala naman itong choice. Mas pipiliin pa ba niyang mag-inarte at magutom? Hindi maipinta ang mukha nito nung sinubuan niya. Naiinis na nandidiri ay hindi niya sigurado. Pero malamang ay pareho ang naramdaman nito. Naisip niyang baka sa bawat oras ng pagkain nito ay kailangan niyang subuan. "Ang swerte naman niya!"

Agahan na naman. Tapos na siyang maghanda ng pagkain nang bumaba si BJ.

"Good morning po!" Masayang bati niya dito.

"Anong maganda sa umaga?" Sagot nito.

"Ay ang aga aga pa ang sungit na." Bulong niya.

I'll just have coffee and sandwich." Wika nito at tinalikuran na siya.

"Hala! Sir nakapagluto na po ako ng agahan."

"So? Bakit hindi mo ako tinanong kung anong gusto ko bago ka nagluto?"

"Paano ko po kayo tatanungin kung tulog pa po kayo at saka po magagalit po kayo pag gising nyo at wala pang pagkain." Katwiran niya.

"So nagrereklamo ka?"

"Sir nagpapaliwanag lang po, sayang po kasi yung inihanda kong pagkain."

Humakbang ito palapit sa kanya at hindi pinansin ang kanyang sinabi. "Baka nakakalimutan mo kung sino ang amo dito? Bakit ba ang dami mong reklamo? Ayoko ng breakfast." Diin nito.

"Obey first and never complain! That's the rule! Now, I want my sandwich and coffee." Mahina ngunit may diin na sabi nito.

"Ito na po, sabi ko nga po. Coffee and sandwich." Aniyang tumalikod na at naghanda ng maiinit na tubig. "Coffee and sandwich." Ulit pa niya habang naghahanda ng sandwich.

"Dalhin mo yan sa sala at dun ako kakain." Wika nito at lumabas na.

"Talaga naman eh. Daig ko pa ang may kasamang buntis dito, paiba iba ng gusto, paiba iba ng mood. Buti pa ang kape natitimpla, pero itong amo ko ay ewan ko na lang. Ang hirap timplahin ng ugali." Pagmamaktol niya.

Pagkatapos maghanda ay dinala na niya sa sala ang kape at sandwich. Naabutan niyang nanonood ng palabas si BJ. Inilapag niya sa mesang nasa bandang kanan nito ang bitbit na pagkain.

"Ilipat mo nga yang mesa dito sa kabila." Utos ni BJ na hindi lumilingon at nakatutok sa pinapanood.

"Po? Ano po yun sir?" Parang nabingi siya bigla sa sinabi nito. Akalain mong ipabuhat sa kanya ang mabigat na mesa na yun? Nagbibiro ba ito?

Tumayo si BJ at lumapit sa kanya. Inilapit ang bibig nito sa tenga niya at sinabi "ang sabi ko, ilipat mo yung mesa dito sa may bandang kaliwa." Halos pasigaw na sabi nito. Akala niya ibubulong lang. Pero in fairness ang bango nito kahit di pa naliligo.

"Sir pwede naman po na kayo ang lumipat ng upo dito sa kabila." Suhestiyon niya.

"Inuutusan mo ba ako?"

"Siyempre po sir, hindi." Aniyang ngumiti. "Ang sabi ko po, pwede...suhestiyon po yun sir hindi utos."

"Kahit na. Teka, bakit ba ang dami mong sinasabi? Kung ilipat mo na lang kaya?"

"Mabigat po kasi yung me-sa..."

"Ano nga yung golden rule ulit?" Putol nito sa sasabihin niya.

"May golden rule pa 'tong nalalaman." Bulong niya.

"What did you say?"

"Ay wala po, sabi ko po ay ito na at ililipat na." Aniyang inililipat ang laman sa ibabaw ng mesa bago ito binuhat.

"Bilisan mo na at lalamig yung kape ko."

"Wow naman talaga grabe makademand ah!" Muntik na niyang maisagot yun. Buti na lang at napigilan pa niya ang bibig niya. Naisip niyang oo nga naman at siya ang amo so dapat lang na nagdedemand siya. Pero bakit ba siya naiinis?

Bigla siyang napasulyap sa braso nito na may bendahe pa. "Sir kumusta na nga pala ang braso nyo?" Tanong niya na nakatingin pa rin sa braso nito. Napatingin naman si BJ sa braso niya. Biglang dumilim ang mukha niya.

"Hindi lang naman ako pinatulog nito." Maikli niyang tugon.

"Sorry po talaga sir." Sabi niyang nakayuko. Kaya siguro mainit ang ulo nito dahil hindi nakatulog ng maayos.

"You know what, stop saying you're sorry. Kung mapapagaling ako ng sorry mo then I'll accept that."

Napatingin siya dito ngunit nakatingin naman ito sa TV. Hindi niya lubos maisip na hindi siya kayang patawarin nito. "Understood?" Bigla itong lumingon. Nagulat siya. "Array!" Sigaw niya. Naitabig niya ang baso ng kape at tumapon ito sa kamay niya.

"Goodness! Why are you so clumsy!" Sigaw nito na napatayo.

"Pasensiya na po sir." Sabi niya habang pinupulot ang baso. "Saglit po at lilinisin ko lang. Tumakbo siya sa kusina at kumuha ng basahan. Napakamot naman ng ulo si BJ. "Haaay!" Sabi nito na bumalik sa pagkakaupo.

Bumalik si Charisse na dala dala ang basahan. Pinunasan niya kaagad ang naitapon na kape. Buti na lang at di tuluyang nahulog ang baso dahil nasalo pa niya. Pero napaso naman ang mga daliri niya. Tiniis niya ang sakit at tinapos na ang paglilinis. Hindi na naman maipinta ang mukha ng amo niya. Halatang iritang irita ito sa kanya. "Saglit po at ipagtimpla ko po ulit kayo ng kape."

"Make it fast!"

"Ito na po, binibilisan na." Sabi niyang tumakbo papuntang kusina. Nilagyan muna niya ng toothpaste ang napasong mga daliri.

Bumalik siya sa sala dala ang bagong timplang kape.

"Sir heto na po ang kape nyo." Sabi niyang inilapag ang ito sa ibabaw ng mesa.

Hindi ito sumagot. Hindi man lang lumingon.

"Yung braso nyo po titingnan ko ulit mamaya." Sabi niya bago tumalikod. "Pag may kailangan kayo nasa kusina lang po ako." Saka lang lumingon si BJ. "Yung kwarto ko nga pala linisin mo kunin mo na din ang mga labahan."

Ay ipaglalaba pala niya ang napasong kamay. Yun nga lang, wala rin naman siyang choice. Dumiretso na siya sa kwarto nito sa halip na sa kusina pupunta. Mas maganda nga yatang maging busy siya at hindi nakakausap ang amo para matahimik naman ang buhay niya.