webnovel

Ang mga tula

Nandito ako ngayon upang ibahagi sainyo ang aking buhay sa pamamagitan ng tula. Kung hindi niyo magugustuhan ang aking pagkakagawa ng tula ay itigil mo na ang pagbabasa. Binase ko ang iilang parte ng tula sa totoong buhay. Salamat.

LonelyMonster · Realistis
Peringkat tidak cukup
20 Chs

Ako dito sa dilim

"

Nakatago ako dito sa dilim

Kasama ng aking mga kinikimkim

Ito'y aking matagal ng lihim

Mundo ko'y lagi nalang makulimlim

Ako ngayo'y nagiisa

Sa mundong hindi ako masaya

Makita mo man akong tumatawa

Huwag ka saakin maniwala dahil mapanlinlang ang aking mga tawa

Kailan kaya ako magiging masaya?

Magiging masaya , kapag ako'y wala na

Isip ko'y napapariwara

Di na alam ang pinaggagawa

Pagod na ako sa lahat ng ginagawa ko

para na akong tinutusok ng pako.

Gusto ko man saksakin ang aking puso

sa sarili ay hindi ko magawa ito

"