webnovel

Ang Kabiyak ni Hudas

Heleana Sanchez, isang kandidato ng isang survival game. Siya ay naiiba sa lahat kung saan naakit niya ang hari ng Impyerno. Pipiliin niya bang sagipin ang kanyang sarili o pipiliin niyang manatili? Makikita niyo rin itong libro sa wattpad:[https://my.w.tt/ykZFVxPxQ7]

MariaMaharlika · Fantasi
Peringkat tidak cukup
46 Chs

Ang Kasalanan

Kami ay nasa hapagkainan na, nagsimula na kaming kumain. Ang iba'y hindi kumakain, ang iba naman ay tulala habang tinitignan ang pagkain nila, ang iba naman ay umiiyak, at ako dito ay isa sa mga tao na kumakain sa kanilang pagkain. Kailangan ko kumain dahil kailangan ko magpalakas, lalong-lalo na magsisimula muli kami magensayo para sa ikalawang laro.

Natapos na kaming kumain at hinanda na namin ang aming mga sarili sa pageensayo. Naalala ko ang sinabi ni Madam Miranda na sasabihin niya kung ano ang nilalaman ng ikalawang laro.

Ako'y pumunta patungo sa mga kandidatong nakaligtas sa unang laro. Bakas ang kaba at takot sa kanilang mukha.

"Pwede bang magtanong?"Di ko na kayang tiisin ang pagiging usisera ko. Ang kanilang mukha ay puno ng pagtataka. Walang sumagot niisa sa kanila.

"Anong nangyari sa unang laro niyo?" Tanong ko ulit, sanhi ng pagkagulat na reaksyon sa kanilang mukha. Hindi pa rin sila sumasagot sa tanong ko. "Bakit di niyo kayang sagutin ang tanong ko? At nasaan din yung ibang kandidato? Hindi man lang sila nagpaalam sa amin." Saad ko, nakita ko ang matalim na tingin sa akin ng isang babae sa dulo. Tumungo siya sa akin at hinawakan ng dalawa niyang kamay ang kwelyo ko.

"Hindi mo ba naiintidihan! Wala na sila! Patay na sila! Malamang ang kanilang kaluluwa ay nasa demonyo na!"Sigaw ng babae sa akin, ang kanyang mukha ay puno ng lungkot,kaba,takot at panghihinayang. Tumutulo na rin ang kanyang mga luha na kanyang pinipigilan kanina pa, habang kami ay nasa hapagkainan. May pasa ang kanyang mga kamay at may  maliit na pilat rin sa kanyang mukha. Ibinaba niya ang kanyang mga kamay galing sa kwelyo ko. "Ang unang laro ay celabimus et quaeris(tagu-taguan)." Saad niya, nakita ko ang kanyang mata na puno ng lungkot habang naaalala niya ang mga alaala na mapait sa kanyang isipan.

"Hindi na ako magtatanong pa. Patawad sa aking inasal."Sabi ko at umalis sa kanilang lugar ngunit hinawakan ng babae ang aking kamay.

"Ang ikalawang laro ay in indumentis ovium lupi est scriptor(mga lobo sa damit ng tupa)" Saad niya. Tumaas ang mga balahibo ko sa kanyang sinabi. "Patayin mo ako pakiusap, dahil isa ako sa mga lobo."

Umiwas ako sa kanya at umalis agad, hindi ako nagsalita buong araw ng pageensayo. Si Yurika at Janine ang kasama ko habang kami ay nageensayo. Para akong tanga dahil lumulutang na ang isip ko sa kakaisip ng mga bagay-bagay.

"Anong gumugulo sa iyong isipan?"Tanong ni Yurika.

"Ikatlong-araw ko pa ito sa totoo lang, o ikaapat."Saad ko sa kanya. "Pero Yurika, ang rami nang nangyayari sa lugar na ito. At nagtataka din ako bakit walang dumadalaw sa akin. Kayo lang mga babae maliban sa akin. Nagpapasalamat naman ako na hindi ako ginagalaw pero nung unang araw ko pa dito Yurika may nakita ako...may nakita akong halimaw na naglalakad sa pasilyo, at yung aso, may kakaibang aso sa labas ng palasyo Yurika!" Sigaw ko sa kanya dahilan na tinakip niya ang aking bibig.

"Hindi dapat tayo dito mag-usap, naririnig nila tayo." Paalala niya sa akin.

"Sinong sila?" Tumingin kami kay Janine dahil sa tanong niya.

"Nakinig ka?"Tanong naman ni Yurika.

"Bakit, bawal bang makinig?"Tanong naman ni Janine."Ang lapit lang natin, sa palagay mo, di ko maririnig mga sinabi niyo?"

"Punta tayo sa kwarto ko."Sabi ko sa kanila. Sila'y sumunod, may nakasalubong kaming groupo ng kalalakihan patungo sa opisina ni Madam Miranda. Nabangga si Janine sa isa sa mga guwardiya sanhi ng pagkatumba nito.

"Aray!"Sigaw niya. Inilahad ng lalake ang kamay niya. Imbis na makipagkamay si Janine sa lalake ay ako ang kinamayan niya, aking kinuha agad ang kamay ni Janine dahil nakatitig si Madam Miranda sa amin.

"Malapit mo nang inalay ang iyong sarili sa mga kalalakihan. Alam mo bang kasalanan ang mga babae?" Tanong ni Madam Miranda, kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkadismaya.

Yumuko si Janine. Aking tinitigan ang lalake, iba ang kanyang mata sa aking nakilala na lalake, malamang hindi siya ang aking kakilala.

"Paumanhin ho Madam Miranda, nagpadalos-dalos ho kami ng aming aksyon."Humingi ng patawad si Yurika para sa aming maling nagawa.

Tinignan ako ni Madam Miranda, ulo hanggang paa. "Parang may hinahanap kang panauhin dito binibini." Saad niya dahilan sa aking pagkagulat.

"HO?"Tanong ko sa kanya.

"Alas tres y medya na ngayon, sulitin ninyo ang inyong mga libreng oras. Baka isa kayo sa mga kandidato, na ang mga kaluluwa ay nasa demonyo na ngayon." Paalala ni Madam Miranda.

"Opo madam." Sagot naming tatlo at nagtungo sa aking kwarto.

"Malapit na tayo doon." Sabi ni Yurika sabay tumawa.

"Hahawakan ko lang naman yung palad ng lalake para makatayo ako, mabuti nalang kinuha mo ako agad Heleana. Maraming salamat sa inyong dalawa dahil tinulungan niyo ako." Pasasalamat ni Janine.

"Okay lang yun, kung tutuosin ay kukunin ko talaga ang kamay mo. May nabasa kasi ako na libro kanina sa silid aklatan. Ang pinagtataka ko lang...ang raming kahulugan tungkol sa mga kababaihan, ngunit ang karamihan na nakita kong salita ay..."Nakinig sila ng mabuti sa aking sinasabi."Kasalanan."

"Kasalanan naman talaga ang mga babae, dahil noong unang-una, si Eva ang ina nating lahat ay nagpadala kay Satanas." Sabi ni Yurika at humiga sa aking higaan.

"Alam ko...pero ang iba ring kahulugan ng kababaihan ay kamatayan."Sabi ko.

"Anong klaseng depinisyon yan."Sabi ni Janine at tumawa ng malakas."Malamang lahat tayo ay mamamatay."

"Heleana."Tawag sa akin ni Yurika."May larawang guhit sa iyong itaas."Tinignan ito ni Janine, gulat na gulat ang kanilang reaksiyon.

"Bilog lang yan." Sabi ko at agad tumingin sa taas. May hugis bituin na lumalagpas sa bilog. Ako'y nagulat sa aking nakita.

"Wala ka bang krus?"Tanong ni Janine.

"Diba bawal magsabi ng pangalan ng Diyos o kahit ano na may knoeksyon sa kanya?"Nagtataka kong tanong.

Umiling-iling si Yurika."Pwede, pero ipinagbabawal ito sa oras ng alas sais at alas dose." Paalala niya.

"At lalong-lalo na sa alas tres ng madaling araw."Sabi ni Janine.

Tumunog ang orasan mula sa labas,dinig na dinig namin ito sa loob.

"Alas kwatro y medya na, kailangan na naming umalis sa kwarto mo." Sabi ni Yurika.

"Bakit?"Nagtatakang tanong ko.

"Maghihinala na naman si Madam Miranda sa atin."Paalala ni Jessica."At Heleana, biyernes ngayon. Kabilugan ng buwan mamaya. Hindi ko alam, pero may nararamdaman akong may mangyayari sayo."Bigla akong nakaramdam ng kilabot sa kanyang sinabi.

"Dadalhan kita ng rosaryo mamaya pagkatapos nating kumain."Sabi ni Yurika. Gumaan ng konti ang kalooban ko, pero di ko maalis sa aking isipan na nanganganib pa rin ang buhay ko.

Noon pa man, noong namatay ang aking ina ay hindi na ako naniniwala sa Diyos. Ang aking tinitiwala na lamang ay ang aking sarili.