webnovel

chapter 8 ang ALTAENDRA

lumipas ang halos isang linggo ay napagdesisyonan narin ng lola ni anghel na e uwe nalang sya sa kanilang bahay tulad ng sinabi ng doktor. doon ay bumuhos ang tulong at pagkakaisa ng kanilang mga kapit bahay upang matulungan sila anghel at kanyang lola. at mula doon ay nakikita nga ni anghel ang lahat ng nangyayari iyon.. doon ay nalaman at napatunayan nya kung sino nga ba ang totoong mga tao o kaibigan na ang mamalasakit sa kanila.

sa tahimik na dalampasigan ng baseco ay muling nakita ni anghel ang kanyang sarili.. doon nagmunimuni sya... at nag isip. " zandro??? nandito kaba" wika ni anghel ngunit wala kahit sinong sumagot. maya maya " zandro wag kanang magtago dyan alam kong kanina ka pa naririyan" wika ni anghel bago lumabas si zandro. " matulis din pala ang pakiramdam mo noh" wika ni zandro. " hmm di ka naman talaga umalis eh.. akala mo ba hindi ko alam. mula sa ospital hanggang sa bahay hanggang dito alam ko sinusundan mo ko. alam mo kung di kita nakikita ang lungkot siguro ng buhay mo. biruin mo wala kang ibang makausap..tapos pagala gala kalang" wika ni anghel. "iyon ang akala mo. tandaan mo tagapangasiwa ako ng altaendra..marami akong mga taong dapat bantayan( biglang may naisip) alam ko... tara.. sumama kanalang saakin..para naman malaman mo kung anu ang sinasabi( iniiabot ang kamay) sasama kaba" aya ni zandro. " papaano ang katawan ko" wika ni anghel. " wala ka bang tiwala sa akin" wika ni zandro. at mula nga doon ay iniabot ni anghel ang kanyang kamay kay zandro at biglang nagliwanag ang buong kapaligiran isang liwanag na napakalakas.. isang liwanag na nagdala kay anghel sa panibagong mundo.

sa pagmulat ng mga mata ni anghel ay agad nyang nakita ang malawak na kalangitan mula doon ay nakita nya ang mga malalaking nilalang na lumilipad sa kalangitan na kanyang nakikita sa kanyang panaginip. ngunit kasabay noon ay napansin din nito na ang lugar na iyon ay parehong parehong lamang sa lugar na meron sila..naiba lamang ang kulay ng mga bahay doon, may mga nilalang din roon na hindi nya maunawaan at mga tao tila may mga kapangyarihan. bagay na agad na nagpagulo sa kanyang isipan

" maligayang pagdating sa mundo ng altaendra. " wika ni zandro. " ito na iyon. e parang mundo lang din namin ito. ayan!! nandyan parin ung tindahan ni aling sibing mas maganda nga lang tignan ngaun. ung bakanteng lote na iyon!! kung saan kami nag iinum nandyan parin naman eh. ang pinagkaiba lang napakaganda ng batis doon napakalinis eh maduming kangkungan lang yan saamin eh ung daanan o kalye saamin napakagulo dito napakalinis.

( mula doon ay napahinto si anghel sa pagsasalita ng kanyang matanto na mas maganda ang altaentra kesa sa kanilang lugar) teka.. kung di ako nagkakamali.. ang altaendra at mundo namin ay iisa" wika ni anghel. " tama.. may mga bagay lang na sandyang hindi nyo nakikita na tanging mga taga altaendra lamang ang nakikita..iba ang nakikita nyo sa nakikita namin. kahit nasa isang lugar lang tayo. ( tumayo sa harapan ni anghel at ipinakita ang kamay) ito ang tatandaan mo anghel.. habang nakasara o nakatikum ang aking mga kamay ay makikita mo ang altaendra at sa oras naman na ibuka ko ang aking kamay ay muli kang babalik sa inyong mundo.. panuurin mo ko" wika ni zandro.

mula nga doon ay dahan dahang ibinuka ni zandro ang kanyang palad at doon ay bumalik nga sila sa kanilang mundo.

pagmasdan mo sya" wika ni zandro( tinuro si ligaya) " kilala ko yan sya..si ligaya madalas syang pinagtatawanan dito saamin lage kase syang nagsasalita nang mag isa eh wala naman sya kausap. kaya nga sya nasasabihang baliw ng mga tao dito. ayan nakikita mo naman siguro.. nagsasalita syang mag isa" wika ni anghel. " iyon ang akala mo. manuod ka" sagot ni zandro bago muling isara ang kanyang kamay. at mula doon at muli nga silang bumalik sa altaendra at laking gulat ni anghel nang makita nya si ligaya na may kausap pala talaga. " ang ibig sabihin meron talaga sya kausap hindi lang namin nakikita" pagtataka ni anghel. " tama ka...dahil isa si ligaya sa mga taong narating ang mundo ng altaendra.. at maswerte sya. dahil maraming bagay sa altaerdra na hindi nyo nakikita.. kaya ang inaakala ng mga tao sa mundo nyo na sila ay mga baliw. wika ni zandro. " eh sino yung kausap ni ligaya" wika ni anghel bago nila nilapitan si ligaya. " ligaya may panauhin ka" wika ni zandro bago lumingon si ligaya. " kayo pala gerente" wika ni ligaya bago napansin si anghel." anghel ikaw ba yan.. sa wakas at naririto ka narin" wika ni ligaya. " ang buong akala ko ay nasisiraan talaga kayo ng isip.. hindi pala" wika ni anghel. " hindi na iyon mahalaga saakin anghel. may mga bagay na dapat ay hinahayaan mo na lamang. kapag nakita mo na nag totoong kaligayahan mo wala ka nang pakiaalam pa sa sasabihin ng iba..sya si hernan ang aking mahal.. at masaya na ko na manahan rito sa altaendra. dito wala bawal.. walang humuhusga..malaya kami.. nawa ganun din ang maramdaman mo" wika ni ligaya.