webnovel

chapter 3

kinabukasan isang kakaibang umaga ang gumising kay anghel. mula sa pagbangon nya sa kanyang hinihigaan ay tila mausok na ang kanyang nasa kapaligiran. wala ring ibang tao at madilim ang kanilang tahanan ..at doon mula sa katahimikan ay narinig nya ang mga mahihinang bulong ng nang gagaling kung saan saan. kaya agad syang nagtaka sa kung anu ang nangyayari sa kanya.. tinakpan nya ang kanyang tenga.. ngunit ang mga bulong ay nanatili parin sa kanyang mga tenga. dahil roon ay agad itong tumakbo papalabas ng kanilang tahanan sa kanyang pagtakbo nawalan sya ng balanse dahilan ng kanyang pagkadapa at agad nyang tinignan ang kanyang tunod at doon ay nakita nya ang malaking galos na dulot ng kanyang pagkadapa. kaya agad syang tumayo at tumakbong muli at sa kanyang pag takbo ay napansin nya ang mga batang nag lalaro sa lansangan ngunit ang karamihan dito ay tila ngayon nya lamang nakita habang nakatingin sa kanya habang syang pinagtatawanan.. dahilan kung bakit sya tumakbo ulit papalayo at mula sa labasan ay mas nagulat sya sa kanyang mga nakita.. may kung anong malalaking nilalang ang lumilipad sa kalangitan.. bagay na nag pabilis ng kanyang takot at mag tago na lamang sa lugar na di sya matatagpuan.

sa isang taungan sa baybayin ng dagat sa baseco tondo kung saan madalas tumatambay si anghel ay napiling nitong magtago. hawak ang inuming nasa supot at isang tinapay ay nagmumuni muni ito. sa kanyang pag mumuni muni sa may di kalayuan ay napansin nito ang isang lalaking may katangkaran. kalbo,at maganda ang pananamint nito na tila ikakasal habang ito ay nakatingin sa kanya. ngunit habang nag tatagal ay tila di parin tumitigil ang lalaki iyon sa pag tingin sa kanya. " sino ka" sigaw ni anghel sa lalaki na tumingin sa kanya ng masama. " ang sabi sino ka bakit mo ko tinititigan" aning muli ni anghel. ngunit sa pag kakataong iyon ay nagulat sya ng tila lumutang sa hangin ang lalaki at lumipad patungo sa kanya. dahil doon ay kumaripas ng takbo si anghel tumakbo sya ng tumabok hanggang sa di nya napansin ang isang malaking bukas at doon sya na hulog" aaahhhhhhhh.....aaaayhh"

"anghel apo hoy gumising ka nga dyan" wika ng kanyang lola bago sya nagising. " bakit dyan ka naman natulog sa lamesa apo...mainit ba sa itaas" wika muli ng kanyang lola. sa pag tayo ni anghel ay pilit nyang pinaniniwala ang sarili nya na sanay panaginip lang ang lahat ng iyon. ngunit napasin nito na tila mausok ang labas na parte ng kabilang lugar. " lola.. bakit po mausok" wika nito. " ai nako..oo apo di ko nabanggit sayo may kasalan kase dyan sa kabila e may naglilechon ata.. ito ngat kinuha nila akong ninang . kaya ako naka ganito.. kung gusto mo pumunta ka nalang doon mamaya.. ha" wika ng kanyang lola. mula doon ay agad nyang tinignan ang mga bata sa labas tahimik namang silang naglalaro ngunit wala doon ang mga batang kanyang nakita na tumatawa sa kanya..kaya agad nyang tinignan ang langit at doon ay kanyang nakita ang mga malalaking saranggola na lumilipad sa langit. kaya kaagad syang nagtaka kung anu nga ba ang mga nangyayari.. ngunit mas nagulat sya sa kanyang nakita..dahil tumutulo na pala ang dugo mula sa sugat ng kanyang kanang tuhod.. "ano to" mga tanong nya sa sarili.