webnovel

chapter 15

dumating na nga ang araw ng pag alis ni esmeralda upang magtungo sa maynila para doon ay magtrabaho.

" magiingat ka roon ha anak.. susulat ka sa amin" wika ng kanyang ina. opo mama.. lahat po nang payo nyo susundin ko po" wika ni esmeralda. " kung sakaling mahirapan doon magsabi ka lamang .. ha ..susunduin kita kaagad doon" wika ng kanyang ama bago dumating si angelito kasama ang kanilang tiya meling. " ma.. nandito na po si tiya meling" wika ni angelito. " oh nakahanda na ba si esmeralda.. nako baka maiwan na kami ng unang byahe ng bus" wika ni tiya meling. " opo nakahanda na po ako tiya meling" sagot ni esmeralda

" wag kayong magalala aalagaan at iingatan ko si esmeralda alam nyo namang di na iba ang tingin ko sa batang ito." wika ni tiya meling. " alam ko naman iyon .. oh sya ikaw na ang bahala sa kay esmeralda ha" wika ni miranda bago sila mag paalam sa isat isa.

alam ni esmeralda na mahirap makipag sapalaran sa maynila ngunit kung para naman ito sa kanyang magulang at pamilya ay wala sya di kayang gawin.

mula doon ay nagulat si anghel nang biglang nagiba ang paligid tila bumilis ang oras at nag iba ang panahon. " anong nangyari" tanong ni anghel. " wag kang magalala pinabilis ko lamang ang oras.. hindi mo naman kailanagan masubaybayan oras oras o araw araw ang nangyayari sayong magulang.. kung baga ipapakita ko lang sayo o pupuntahan lang natin ang mga mahahalagang bagay o pangyayari na dapat mong malaman" wika ni zandro bago nya dalhin si anghel sa isang lugar. ito ang binondo maynila. at nakikita mo yan( tinuro ang isang kainan) dyan nagtratrabaho ang iyong..siguro isang taon na ngayon ang nakalipas mula ng umalis ang iyong ina sa kanilang bahay. mula doon ay nakitang muli ni anghel ang kanyang ina. malaki na ang pinagbago nito.. mas gumanda at bahagyang tumaba..doon ay nakita nya rin na marami rami naring kilala o kaibigan ang kanyang ina bagay na ikinatuwa nya.

mag mula din doon ay nakita ni anghel ang isang magarang lalaki.. maporma at mapustura.. na agad na lumapit sa kanynag ina. kamusta esma..lalo kang guamganda" biro nang lalaki. " ayan ka nanaman berto.. puro ka nananman biro.. anu ba ang kakainin mo? sagot ni esma.

" nagsasabi lang ako ng totoo.. kailan mo ba ako sasagutin?" tanong ni berto. " wala akong oras para dyan....nasa oras pa ako ng trabaho.. baka mapagalitan pa ako ng tiya ko pag nakita ako." wika ni esma." ikaw talaga. oh sige bigyan mo na lamang ako ng isang palabok at malamig na softdrink..( biglang may kinuha..)ai ito na nga pala ang bayad ko" wika ni berto. " ang laki naman nito wala ka bang naliit na halaga lamang" wika ni esma. " ah ayos lang yan.. sayo nalang ang sukli nyan..tip ko nalang sayo" wika ni berto " nako subra subra ito alberto.. ayos lang naman kahit di mo na ako bigyan ng tip. sa tuwing kakakain ka nalang dito lagi mo na lamang akong binibigyan ng tip" sagot ni esma. " ayos lang talaga tanggapin mo na yan. wika ni alberto.

" sino sya.. sya ba ang magiging tatay ko" wika ni anghel.. " hindi.. isa yan sa mga mga nanliligaw sa mama mo" sagot ni zandro.

mayamaya matapos umalis ni alberto ay sya namang dating ng isang gwapo, makisig at morenong lalaki. "maari bang kumain" wika nito. " armando.. ikaw bayan.. aba purmadong purmado ka ha.. san ang lakad mo" tanong ni esma. " nakalimutan mo ata linggo ngayon at alam kong hanggang tanggali ka lang magtatrabaho.. gusto ko sanang yayain ka na mag simba" aya ni armando... " siguro naman sya na ang tatay ko" wika ni anghel. " oo anghel .. sya ang tatay mo.. hindi mo ba nahahalata na may pagkakahawig kayo" wika ni zandro.

" ah.. oo naman .. basta ba maantay mo ako.. maliligo at mag magaayos pa kase ako" wika ni esma. "walang problema.. ah.. alam ko na habang inaantay kita.. bibili narin ako ng ticket sa sinehan.. ano ba ang gusto mong panuurin" tanong ni armando. "ikaw na ang bahala arman" sagot ni esma.