webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
34 Chs

Wakas

Hi! Wakas is now up! Hope you like it!

I know hindi ito kagandahang story at wala pa akong masyadong experience pero sa mga susunod 'kong stories, gagawin ko ang lahat para mapaganda iyon, improvement kumbaga.

Thank you and congrats again sa ating lahat dahil nakaabot na tayo ng wakas! Love you all cutiesizzums *mwahh*

-----------

Third Person's POV

4 years later...

"Oh there you are Eliana! How are you?" pagsalubong ni Doc Celyzze kay Eliana na syang kakapasok lang sa clinic nito. They've been friends for years when Doc Celyzze started to be her Doctor.

Naupos naman sa visitor's chair si Eliana habang si Doc Celyzze ay may inaasikasong file ng pasyente nya "I'm bored, Celyzze. Kailan ba ang day-off mo? Gusto kitang makabonding pero lagi kang busy" nakanguso ito at rinig sa boses ang pagtatampo

"Actually half day lang ako ngayon—"

"Really?!" napatayo pa si Eliana sa tuwa at akmang hihilahin na papalabas si Doc. Celyzze ngunit umiling ito

"May date kami ni William. Sorry, Eliana. I promise, babawi ako sayo"

William and Doc Celyzze are officially in a relationship since last year. Eliana is happy for the both of her friends kaya suportado nya ito. Mabuti na nga lang at nagkaroon na ng girlfriend si William dahil sa tuwing binibisita nito si Eliana sa Seattle ay selos na selos sya

"Mukhang magmo-movie marathon na lang ako magdamag mamaya or aalagaan ko na lang ang mga pamangkin ko" bulong ni Eliana sa sarili

Her brother, Nathan and Ate Anne have a son and a daughter. Kasundo nya ang dalawang chikiting na iyon kapag nabibisita ito sa mansion nila. Nakahiwalay na kasi ito ng bahay dahil may sarili nan gang pamilya ang kuya nya.

Kapag naman si Ethan ay hindi busy sa trabaho, ipinagpapaalam nila ang dalawang bata sa magulang nito saka sila na ang mag-aalaga at mamasyal kasama nito.

Yeah.. She and Ethan are still together. Hindi nila binali ang pangako nila kay Lolo Cris at isa pa, mahal na mahal nila ang isa't isa. Nang makagraduate sila ng sabay, ineexpect na nya ang busy schedule nilang dalawa. She's an architect and she might be handling their own company while Ethan's an engineer and gonna handle their business too. Pero naglaho lahat ng mga negatibong iniisip nya tungkol sa kawalan nila ng oras dahil palaging gumagawa ng oras si Ethan para sa kanya.

"Oo nga pala, umuwi na si lover boy mo sa pinas. Bakit hindi ka sumama nga pala? Tsaka wala ka bang trabaho ngayon at nag-aaya ka ng gala?" Eliana just gave her a big smile

"Well, it's my last day here. At gusto kong mamasyal kasama ka pero may date kayo ni William"

Natigil naman si Doc Celyzze sa ginagawa nang sabihin iyon ni Eliana "What do you mean? Mag-a out of the country ka na naman ba kasama ang parents mo? Ang yaman nyo talaga noh? Monthly yata kayo nangingibang bansa"

The first time she felt healed alive from the scars she experienced, her parents gave her a vacation to relax. Pambawi na raw nila iyon kay Eliana dahil sa ilang taon nilang pagkakahiwalay. At bilang regalo iyon sa kanya, nirequest nya ang bansa na gusto nyang puntahan which is Paris, France. Pero hindi lang pala iyon ang pupuntahan nila noong panahong iyon kundi lahat ng bansa na nais nyang puntahan!

Also, may time na silang dalawa lang ni Ethan ang nagta-travel. Like pumunta silang Barcelona, Iceland, at sa kung saan-saan pa.

"Nope!" tumayo si Eliana ngunit huminto sya bago buksan ang pintuan "Susundan ko si Ethan sa pinas. I'm gonna surprise him kaya shh ka lang ha?"

"Wow! Really?! Finally, uuwi ka na rin sa pinas" Doc Celyzze shouted and Eliana gave her a smile

It's been 4 years since she last saw the Philippines personally. Nagpagaling kasi sya ng halos isang taon at pagkatapos ay itinuloy nya ang isang taon pa nyang pag-aaral saka naman sya nagsimula nang magtrabaho.

She misses her hometown and also her parents. Para sa kanya, pamilya pa rin ang tingin nya sa mga Ocampo. Hindi man sila magkakadugo pero itinuring pamilya na rin sya ng mga ito noon pa man.

Pagkalabas nya ng hospital ay agad nyang pinuntahan ang sasakyan nya saka nagdrive patungo sa malapit na mall. Nagtext kasi ang Kuya Nathan nya na kasama nila ang anak nito mamasyal ngayon since day off nito. Kaya naman mamimili na lang sya ng mga pasalubong para sa mga taong uuwian nya sa Pilipinas.

"SIR, here's the files that you need to sign. Mayroon din po pala kayong meeting with Mr. Dela Franco, 10 minutes from now" Ethan's secretary informed him

Ethan quickly get his pen and the folder where the papers he needs to sign. Ayaw nyang paghintayin ang dad ni Eliana dahil sa marami ang inaasakaso nya. May pag-uusapan kasi sila kaya medyo nakakaramdam din sya ng kaba.

Ang Tito Edmund lang kasi nya ang available ngayon ngunit susubukan pa rin nyang kausapin ang Tita Elise nya na nasa Seattle pa kasama si Eliana.

In just less than 10 minutes, he finished everything. So he stood up quickly and then he left his secretary at his office while arranging the files. Erin, his secretary, is loyal to the Jimenez for many years so he trusted her.

"Tito" pagkuha ni ethan ng pansin dito dahil nakita nyang may kausap ito sa telepono ngunit agad din ibinaba

"Let us now discuss your plans about my daughter" pormal na sabi nito

Naupo na agad si Ethan sa harapan nito saka nagsimulang magsalita at ipaalam ang mga plano nya.

MAAGANG gumayak si Eliana para sa pag-alis nya ngayong araw. Mabuti na lamang pala at naiayos nya na ang lahat ng pinamili nyang pasalubong para wala ng problema paggising nya.

"Anak?" naglalagay na lang sya ng mga importanteng gamit nya sa small bag nya nang katukin sya ng kanyang ina "Are you done preparing, Eliana? Kumain na muna tayo ng breakfast bago pumunta ng airport. Pakilabas na rin ng mga gamit mo para maisakay na yan sa van" paalala nito na syang agad namang sinunod ni Eliana

Pagkatapos kumain, agad na silang pumasok sa van ng kanyang ina. Hindi nya nga alam kung bakit ito nagpumilit na sumama sa kanya pauwi eh sosorpresahin lang naman nya si Ethan. Ngunit naisip na lamang nya na namimiss na nito ang Daddy nya kaya pumayag na sya. Wala naman kasing masyadong pinagkakaabalahan ang mommy nya dito kundi tulungan sya o kaya ang Kuya Nathan nya sa pag-aalaga kay Nate.

Ang balak nya ay kahit isang buwan syang manatili doon saka sya babalik sa Seattle para sa trabaho nya. Pero pinilit sya ng mommy nya na magtagal na sa Pilipinas kaya pinag-iisipan nya muna ang magiging plano nya.

After 14 hours flight from Seattle to Manila, they finally arrived at Ninoy Aquino International Airport. Halos magmadali si Eliana sa pagkuha ng bagahe nya dahil sa sobrang pagka excite. Finally, She's back!

Kaagad hinanap ng mata nya ang mga kaibigan nya pagkalabas nila ng mommy nya. Sa kanilang tatlo nya lang kasi ipinaalam ang pag-uwi nya.

"Eliana!"

"OMG! You're finally back!"

"Eli!!!!"

Napalingon si Eliana sa bandang kanan nya habang nakatapat sa kanyang tenga ang cellphone nya para tawagan sana sila Juliana pero nandito na sila at tumatakbo papalapit sa gawi nila

Kaagad syang dinamba ng yakap nila Akilah at Natalie habang si Juliana ay naglalakad pa lang papunta sa kanila

Pagkatapos ay agad naming binate nila Akilah at Natalie ang mommy ni Eliana

"Hi Tita! Welcome back po!" magiliw na bati ni Akilah saka ito niyakap at ganoon din ang ginawa ni Natalie

"Tita ready na po pala hihi" rinig ni Eliana na bulong ni Natalie kaya napalingon sya doon

"Ano ang ready na?"

"Ah.. ano.. edi yung van nyo! Sa tingin mo papaya kaming magcommute tayo pauwi? Edfi syempre inasikaso ko na yung van hihi" napatango na lang si Eliana saka nilingon ang gawi ni Juliana

"Hindi ka ba naeexcite na makita ako, Juliana? Naunahan ka pa nung dalawa oh" nakangusong sambit ni Eliana pero inirapan lang sya ni Juliana bago din sya yakapin nito at pagkatapos ay binate rin nito ang mommy nya

Ang sungit pa rin tsk!

"Ay Eli hindi 'yan pwede tumakbo kasi buntis" pag-iimporma sa kanya ni Akilah na syang ikinalaki ng mata nya

"OMG, excited na kaming mga magagandang ninang!" napapatili pang sambit ni Natalie

"t-talaga? Wow! Congrats" hindi makapaniwalang sabi ni Eliana. Sa isip nya kasi ay huli si Juliana sa ineexpect nyang magkakaasawa at magkakaanak pero mas nauna pa pala ito sa marupok na Akilah!

"Napakakulit kasi nung bwisit na Lucas na 'yon. Inuna ang honeymoon kaysa sa kasal na next year pa ang plano" ani Juliana habang may dinudukot sa small bag nya at nakita nyang may wafer na kinuha ito doon saka kinain habang papasakay sila ng van na ginamit ni Natalie para pang sundo sa kanila

Natawa na lang silang apat nila Akilah, Natalie, at ng mommy Elise nya sa sinabi ni Juliana dahil parang mas lalong sumungit ang ugali nito kaysa noon na tahimik lang pero kapag nainis ay saka pa lamang sisigaw at sasabihan ka ng kung ano-ano.

Sana hindi magmana ang anak nila ni Lucas kay Juliana ng ugali. Baka kasi mas malala pa ang maging ugali ng anak nila pag nagkataon na magmana sa mommy Juliana nito.

"Saan tayo pupunta? Hindi ba tayo didiretso sa mansion?" wala sa sariling tanong ni Eliana nang matanaw nya ang tinatahak nilang daan na hindi gaanong pamilyar sa kanya

"Sit pretty ka lang dyan, ok? Magbonding lang tayo kaya don't worry" hindi na nakapagreklamo pa si Eliana dahil nakunsensya rin sya dahil ilang taon din naman syang hindi nakauwi kaya sa tingin nya ay ayos lang iyon

Mukhang madedelay ang surprise visit nya kay Ethan ngayon. Sabagay, nasa trabaho naman iyon ngayon kaya bukas na lang siguro nya ito pupuntahan. Nang dahil na rin sa pagod, unti-unti syang napapapikit hanggang sa makaidlip na sya.

"Eliana, Wake up"

"OMG! I'm so excited!"

"Shh! Ang ingay mo, Natalie"

Naalimpungatan sya sa narinig at nang idilat nya ang mga mata nya ay nakita nya si Juliana na kasagutan si Natalie habang si Akilah ay tinatapik sya sa balikat na sa tingin nya'y ginigising sya.

"Nasaan na tayo?" umayos sa pagkakaupo si Eliana saka kumuha ng panyo dahil baka may tulo-laway sya hahaha

"Napagod ako sa byahe, mauuna na 'ko" paalam ni Juliana saka nila saka bumaba na sa van pero agad nitong hinila si Natalie dahil magpaapakay daw sya at kailangan nya ng alalay

"OMG! Ako?! Alalay? Sa ganda 'kong 'to" napa flip pa ito ng hair nya kaya hinarap sya ni Juliana saka hinila sa braso

"Huwag kang mag-inarte dyan kundi ihuhulog kita sa bangin, puny*ta"

"Pfft.." pigil ang tawa nila ni Akilah hanggang sa nawala na sa paningin nila ang dalawa

"Wait, mag-aayos muna ako" naka white-fitted sando lang kasi nya na pinaresan nya ng black cardigan. Nakasuot lang din sya ng denim jeans at white converse shoes para komportable sya.

"Sige, bababa muna ako ah. Mag-ayos ka ng hair para di ka magmukhang pugad ng ibon dyan" nailabas ni Eliana ng mabilis ang salamin nya saka nakita nya ang kaninang braided hair nya ay parang dinaanan na ng bagyo.

Halos dalawampung minuto syang nag-ayos. Nagtagal kasi sya sa pagbbraid. Hindi kasi magandang ilugay ang braided hair dahil sa tingin nya ay magmumukha syang bruha.

Iniaayos na lang nya ang gamit nya nang marinig nyang tumunog ang phone nya. Her mom texted her kung nasaan na sya at nireplyan nya na lang ito na papunta na sya.

Halos lunch time na rin pala nang icheck nya ang oras. Kinuha na lang nya ang sling bag nya at salamin saka bumaba na ng van. Nagtaka sya nang hindi nya nakita si Akilah. Baka nainip lang kaya nauna na.

Inilibot nya ang kanyang paningin at halos mapanganga sa sa natanaw. This is the overlooking place where Ethan brought her four years ago! Naglakad pa sya papaakyat ng kaunti hanggang sa marating nya ang tuktok na syang pinagdalhan ni Ethan noon.

Ang laki na ng pinagbago ng lugar na ito. Nagkaroon na ito ngayon ng harang para hindi ka mahulog dire-diretso sa dulo. May mga pine trees na ring nakatanim sa bawat gilid ng buong lugar na ito. Patag ang lupa dito sa tuktok kaya magandang ayusan at taniman ng mga puno at bulaklak.

Mainit man ang sikat ng araw, hindi naman nya ramdam ang pagkapaso nito sa balat nya dahil sobrang mahangin sa buong paligid. Namamangha nyang tiningnan ang paligid saka nya kinuha ang cellphone nya para kuhanan ito ng litrato

Paano kaya nalaman nila Juliana ang lugar na 'to? Baka naman naituro lang ni Ethan at nagkabonding silang magbabarkada.

Kinuhan nya rin ng video ang buong paligid hanggang sa mapaharap sya sa bandang kanan ng lugar na ito. Napanganga ito sa pagkamangha dahil may nadagdag pala dito.

May hagdan na medyo mataas dahil mula sa kinatatayuan nya ay hindi nya matanaw ng maayos ang nasa tuktok niyon.

Tinakbo iyon ni Eliana at nang makarating sya sa dulo no'n ay may parang gazebo ang dating ngunit wala itong bubong dahil puro mga puno at halaman ang nakapalibot doon kaya mukhang presko ang dating. May kurtina sa magkabilang gilid ng gazebo at napansin nyang may isang table doon na parang pang date.

Natulos sya sa kinatatayuan nya nang may marinig syang pag-strum ng gitara. Nang lumingon sya ay napangiti sya dahil nakita nya ang lalaking dapat ay susurpresahin nya pero mukhang nagkabaliktad yata ang plano.

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Hawak kamay, pikit mata

Sumasabay sa musika

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Heto na

Ang kantang

Hinihintay natin

Eto na ang pagkakataon na

Sabihin sa'yo

Ang nararamdaman ng puso ko

Matagal ko nang gustong sabihin ito

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Hawak kamay, pikit mata

Sumasabay sa musika

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Nilapitan sya ni Ethan saka nito inihinto ang pag-strum sa gitara ngunit patuloy pa rin ito sa pagkanta.

Ilalagay ang 'yong kamay sa'king baywang

Isasabay sa tugtog ng kanta ating katawan

At dahan-dahang magdidikit ating mga balat

Matagal ko nang gustong mangyari 'to

Habang kinakanta nya ito ay sinasabayan din nya ng action. Kinuha nya ang kamay ni Eliana saka dahan-dahang inilagay sa balikat nito habang ang isa ay hawak nya. Pagkatapos ay hinapit nya si Eliana papalapit habang hawak ito sa bandang bewang saka silang dalawa unti-unting nags-sway.

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Hawak kamay, pikit mata

Sumasabay sa musika

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Hawak kamay, pikit mata

Sumasabay sa musika

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Nang matapos ang kanta ay napahinto na rin sila sa pagsayaw pero hindi pa rin sila umaalis sa pwesto. Magkatitigan lang sila habang mga nakangiti. Ramdam na ramdam ang pagtibok ng puso ng dalawa.

"Ang plano ko ay ikaw ang susurpresahin ko ng uwi pero mukhang ako yata ang nasurpresa"

"I love surprising you with this efforts, Love" naiba ang ayos nilang nang biglang niyakap ni Ethan si Eliana "Hindi ako magsasawang sorpresahin ka. I love you, baby"

Gumanti naman ng yakap si Eliana "I love you too, Ethan ko"

Nang maghiwalay sila sa pagkakayakap ng isa't isa ay agad syang iginiya papaupo ni Ethan sa upuan.

"Anong meron?" iniisip ni Eliana kung may espesyal na okasyon ba ngayon pero hindi naman nila monthsary or anniversary man lang

"It's not a surprise anymore if I'm gonna tell it to you" Ethan hold her hand first and then he clapped 2 times.

Itatanong na sana ni Eliana kung bakit pumalakpak ng ganoon ang nobyo pero nang may makita syang paparating, nasagot na ang mga tanong nya.

"Ito na po, mga binibini at ginoo, ang inyong tanghalian" magalang na pagbati sa kanila ni Kevin. Nagmukha itong waiter sa restaurant dahil sa suot nitong white long sleeve at bowtie na pinarisan pa ng black pants and black shoes

Inilapag nito sa harapan nila ni Ethan ang full course meal. At pagkatapos nito ay umalis na si Kevin at nakita ni Ethan na may isa pang papalapit. It's now Lucas' turn who's holding a wine. Sinalinan nito ang wine glass nila ni Ethan at nginitian nya ito bago umalis.

"I know that you're already hungry so we'll eat first before I show my surprise for you" and after that, sinimulan nang kainin ni Eliana ang mga pagkain na nakahain sa harapan nila.

"AHH GRABE busog na busog ako! Thank you for this, love. Nakakapagod talaga ang byahe kanina" Ethan smiled at her sweetly after he saw that Eliana finished her food and desserts that Marco served a while ago but deep inside he's fvcking nervous.

This is his first time surprising a woman and it's not just a simple surprise because it's a surprise wedding proposal!

Iyon ang pinag-usapan nila ng dad ni Eliana kahapon at noong kinagabihan naman no'n ay nakausap nya thru skype ang mommy ni Eliana tungkol sa pag-uwi nito kinabukasan. Yes, he already knew from the first place that Eliana will be surprising her. He's also happy for her because he knew that Eliana's trauma here is now gone.

Pagkatapos na pagkatapos kuhanin nila Kevin ang pinagkainan nya ay saka nya inaya patayo si Eliana para ilibot ito sa buong lugar. Nagtungo sila sa bandang kaliwa ng overlooking place na iyon kung saan maraming puno ang nakatayo doon.

"Kailan mo pa 'to napaayos?"

"2 years ago. Ito 'yung gusto 'kong ipakita sayo no'n kaso mukhang hindi ka pa handang umuwi. And I understand you"

Two years ago ay kinukulit nya si Eliana na umuwi nang pinas matapos nitong gumaling physically and emotionally. Pero kahit anong kulit nya dito ay hindi pa rin ito pumayag dahil nagsisimula na rin naman itong magtrabaho no'ng panahong 'yon. At isa pa, may takot pa rin siguro itong nararamdaman na baka bumalik ulit ang Ledesma'ng iyon at tuluyan na syang saktan at agawan ng buhay.

But now things changed because she's back and ready to face them. The nightmares that once visited her four years ago. Also, she decided to came back because she misses her family here in the Philippines and the Ocampo's is one of her family.

"Remember this view? Alam mo bang dito din tayo sa pwestong 'to nahiga noong unang beses kitang dinala dito?" inilibot ni Eliana ang paningin nya at ngayon nya lamang napansin na may malaking puno pala malapit sa gawi nila. Hindi nya ito napansin noon dahil madilim at wala roon ang atensyon nya

Eliana get a sharp rock and then she started drawing at the tree.

"What are you doing? Carving?"

Nakangiting nagdrawing si Eliana ng heart shaped doon at sa magkabilang gilid no'n ay ang initial ng pangalan nila pareho

"'Yan! You like it?"

"Nah.. because you forgot this word" inagaw naman ni Ethan sa kanya ang bato saka ito naman ang nagcarve doon

Binasa ni Eliana ang ginawa nito at hindi nya mapigilang mapangiti pa lalo "forever" she whispered

EFJ <3 EVDF

forever

Actually, Eliana's real name is Zahra Veronica Dela Franco pero hindi na pinalitan since nakasanayan na nila iyon at may 'Veronica' naman sya sa pangalan nya.

"So do you want us to be together until forever?" Ethan looked seriously at her eyes

"Oo naman, Ethan. I love you, that's why I'm willing to spend forever with you"

"Really? Prove it, then"

Nangunot naman ni Eliana ang kanyang noo "What? How? Hindi pa ba sapat na mahal kita? Hindi naman ako nagkulang ah"

"May kulang pa, Eliana"

Naguguluhan man ay tinanong nya ito kung ano iyon. Kinakabahan sya na baka nagkulang nga sya sa pagbibigay ng atensyon dito, pagtitiwala at pagmamahal.

"Marry me" seryosong sambit nito

"What?.." bulong nya hanggang sa hindi nya namalayan na nakaluhod na sa harapan nya si Ethan habang hawak ang isa niyang kamay

"I want to spend forever with you, my love. So are you willing to be my partner forever too?"

Hindi sya makapaniwala sa nangyayari ngayon. Ethan is proposing to her! In just a snap, their memories with each other popped up in her mind. Lahat ng hirap, sakripisyo nila noon pati na ang una nilang pagkikita hanggang sa pagpapanggap, confession at sa trahedya na napagdaanan nila. Ngayon ay nandito pa rin sila at nagmamahalan, nagtutulungan at patuloy na nagtitiwala sa isa't isa. And that's what it makes her dream and an ideal love.

"Y-yes... yes, love. I'm super willing to spend the forever with you!" she said while a tear escaped from her eyes

Mabilis na tumayo si Ethan para isuot sa kanya ang singsing na sa tingin nya ay mamahalin at espesyal dahil sa malaking diyamante sa gitna nito habang may malaking ngiti. Pagkatapos ay agad sya nitong dinamba ng yakap at saka hinalikan sa ulo.

"I love you my love"

"I love you too" sagot naman ni Eliana

"Finally, you're mine forever, misis ko"

Natawa naman sya sa itinawag nito sa kanya "Agad-agad? Mag fiancé pa lang tayo huy hahaha"

"Advance ako mag-isip, misis ko. Tsaka doon din naman tayo papunta ah"

"Oo na.. sige na ako na ang misis mo at ako lang ang tatawagin mo no'n kundi ihuhulog kita doon" sabay turo sa dulo kung saan maaari ka nang mahulog kung itutulak ka man

"Sayo pa nga lang baby ko, hulog na hulog na ko eh"

Natawa naman si Eliana dahil pansing-pansin nya na marami talagang endearment sa kanya si Ethan. Para ngang nakadepende ito sa mood nya eh. Madalas yung 'love' o kaya babe, baby, sweetie, my love... Nasanay na lang sya doon saka wala naman sa kanya kung ano man ang itawag sa kanya nito eh

"Iba-iba talaga endearment mo sakin noh?" aniya

Inakbayan naman sya ni Ethan saka muling hinalikan sa tuktok ng ulo nya "Babe, Baby, Love.. kahit ano pang endearment 'yan, wala nang makakatalo sa panibagong endearment ko para sayo which is 'misis ko'. Pang forever na yan!"

Napangiti na lamang sya dito. Unti-unti naming umayos si Ethan ng tayo at saka sila nagkaharap. Lumalapit ng dahan-dahan ang mukha nito sa kanya kaya nagpadala na lamang sya sa nais nitong gawin. But before Ethan's lips touched hers, someone cleared it's throat

"Ehem..nakalimutan nyo na yata kami?" napatakip sya ng bibig nya nang mabosesan nya ang dad nya

Hala nakakahiya!! Si Ethan kase eh, tinetemp ako na halikan ko labi nyaaa

CHARRRRR

"Nandyan na po pala kayong lahat" sabi ni Ethan habang may malapad na ngiti

Lumingon naman sya at nagulat sya ng kumpleto pala silang lahat. Mula sa pamilya nya, sa pamilya ng Kuya nya, her friends, Ethan's friends, pamilya ng ate ni Ethan at higit sa lahat ay nandoon ang kinilala nyang pamilya, ang Ocampo family

Isa-isa syang nilapitan ng mga tao doon at saka sya niyakap. She feels complete because of what happened today.

And for her, this is indeed an ideal love. An Ideal love from her family including the Ocampo family and Jimenez family, their friends, Ethan itself and of course herself. Nalampasan nila lahat ng pagsubok na dumaan sa kani-kanilang buhay at ang tanging hiling na lamang nya ay gabayan sila ng Diyos sa araw-araw.

Pagkatapos syang kamustahin ng lahat ay nagtungo sila sa isang tagong lugar ngunit doon pa rin naman sa bundok na iyon, at doon pala nagstay ang lahat habang ginagawa ni Ethan ang surprise para sa kanya.

Napalipat naman ang tingin nya sa dalawang bata na naglalaro. Ang anak ng Kuya nya at ang babaeng anak ng Ate ni Ethan. Ang saya nilang tingnan at napapangitina lamang si Eliana sa tuwing umaasta bilang kuya ang kanyang pamangkin. Nate is so protective to Ate Ella's daughter lalo na noong accidentally itong nadapa sa katatakbo. Pinatahan ni Nate ang batang babae at hindi ito umalis sa tabi ng anak ni Ate Ella. At ngayon ay hiniling nya na sana ganoon din ang magiging anak nila ni Ethan.

Woah! She can't wait to have her own family with Ethan!

"Hey, what's wrong? Bigla-bigla ka na lang natutulala dyan tapos mamumula. What are you thinking?"

Napalingon naman si Eliana kay Ethan. Hindi nya manlang namalayan na nauna na pala sa kanila ang mga kasama nila

Napatingin naman ulit si Eliana kila Nate, Nate is hugging Ate Ella's daughter. "Ang cute nilang tingnan" itinuro naman nya kay Ethan ang gawi nung dalawang bata "Nate looks like a sweet and protective brother to Elle"

"Huwag kang mag-alala, misis ko, magkakaroon din tayo ng sarili nating mga anak" nginisian naman ni Ethan si Eliana saka nagtaas-baba ng kilay "Ano? Gusto mo na ba? Game ako ngayon, ako pa! Tara paalam muna tayo sa kanila para masimulan na natin"

Hindi mapigilang mamula ni Eliana dahil do'n "Ang harot mo talaga! Kapag kasal na tayo, ok? Sa honeymoon na lang"

"Sure ka? Final na talaga?" pinaningkitan naman nito ng mata ni Eliana "Sabi ko nga sa honeymoon na lang" mabilis nitong sabi saka sya inakbayan at sumunod na sa mga kasama nila

THE END <3