webnovel

CHAPTER 1: PATAPONG APOY

DY GRIMONY's POV

"Congrats! Buwenas ka talaga sa mga anak mo, Liz" - si Aleng Yna, isang kapitbahay.

"Salamat po" - si Mama, ang mama ko.

"Alam mo ba yung anak ni Rositta nakailang ulit na nag-take ng entrance exam pero hindi pa rin nakakalusot. Biruin nyo? Extention nanga lang ng ALVAACAD hindi pa makapasa tapos nangangarap pa ng matayog?"

Ikaw kaya mag take ng exam?! Tignan natin kung kaya mo!

Ano ba ang pinunta nyo dito? Ah alam ko na... CHISMIS.

Halos andito ang buong taga River. Nakakairita ang ingay nila. For sure naman chika lang ang pinunta nila. Ang kapal ng mukha! Friendly sila kay Mama?

Sa sobrang saya ni Mama nawala sa kanyang isipan ang mga natatapakang halaman. Mahal na mahal nya yang mga pananim na yan, kung ituring tela ba kapatid namin ni Sol. Dinidiligan, pinapaganda at kinakausap ganyan sya sa mga halaman. Sabi nya, ang mga halaman parang humans lang din daw? Weird, diba?

"Anong meron? Ba't andaming tao?" - si Sol, my younger twin brother. Meron syang 'nangyayari ba talaga ito' look. "Sis, anyayari?"

"Kumalat ang chismis! Isang himala raw" isinaulat ko. I thought... magugulat sya pero nag pokerface siya.

"Alam ko na yan. Ang hindi ko inasahan ay kung bakit... bakit.. hinahayaan lang ni Ermat na tratuhin ng ganyan ang mga babies nya?!" Turo ni Sol sa kawawang rosemary.

Nagkibit balikat lang ako tas nilingon ko si Mama. "Ma, aalis na kami. Baon?" Tinapik ko siya habang sya ay nakikipagchikahan sa mga chismosa't chismosong kapitbahay. Buti naman at nagising sya sa tapik ko.

Sinamaan ko ng titig ang ka chika nya. Hate ko sila. Mga plastik sila at user! Ginagamit lang naman nila si Mama!

"Huh? Baon? Ay! Oo! baon! Sandali!" Dali-dali syang kumuha ng 100 spri sa bulsa ng kanyang mahabang palda. Nang inabot sakin kinuha ko agad saka inilagay sa aking paboritong pitaka.

Nang makita ni Sol ang halaga ng baon ko lumubo ang mata nya. (Syempre metaphor lang yan)

"Huh?! 100 spri? Eh ang sa akin beinte?! Ano ang nabibili ng beinte?! Ice cream?!" Tumaas ang kanyang kaliwang kilay.

Huminga ng malalim si Mama bago namewang. Napaatras ng kunti si Sol. "Sol, beinte ang sayo dahil may ulam na kayo dyan, tama?"

*tango-tango*

"100 spri ang kay Dy kasi bibili pa sya ng ulam on the way pauwi nyo. Gets mo Sol?" Tinaasan nya ito ng isang kilay.

Syempre! Hindi sya magpapatinag sa anak kahit magpout pa ito o 'di naman kaya mag-puppy eyes. Sya pa rin ang Nanay kaya sya pa rin ang masusunod.

"Wateber..." - Sol

"Shoot! Akala ko pa naman 100 Spri talaga yung baon ko. Pambili pala ng ulam?!" pa rinig ko.

Sabay na umirap si Sol at Mama. "Maging grateful nalang kayo, pwede? Pasalamat kayo at may kinakain kayo!"

"Correct ang Nanay nyo! Maging grateful kayo kasi may kinakain kayo. Magpasalamat kayo sa nanay nyo!" sabat ni Aleng Yna na ewan bakit nakikisali sa usapan namin dito.

"Bakit po kayo nakikisali?" - seryosong tanong ni Sol. Klaro sa expression nya ang genuine curiosity.

Inantay namin ang magiging sagot ni Aleng Yna. Mga 10 seconds kami nag-antay.

"Duh?! Dahil kapitbahay nyo ko. Obviously!✨" - si Aleng Yna na may smug face. "I'm just your concern neighbor"

"Liz, ang ganda at ang gwapo talaga ng mga anak mo. E-kontrata mo nalang sakin bagay na bagay sila sa mga anak ko" - si Aleng Savanna.

'di na kami nagulat. As usual from Aleng Savanna and as usual nagtaas ng kilay si Mama.

"Hehe.. nagbibiro lang naman.. hehe.. uhm.. chill?" - Aleng Savanna

Narinig ko bumugtong hininga ang kapatid ko. "Sis, tara na nga! Umalis na tayo baka ma-late pa tayo. First day of school pa naman tas late?!"

"Okay. Okay. Chill lang po lolo..." payo ko. Umirap si Sol.

Both of us bigla namutla ng ma-realize namin ang hardship sa paglabas.

"Excuse me lang ho makikira---Aray!" - me

"Excuse us! Dadaan lang po... BA'T BA KAYO NANDITO WALA BA KAYONG BAHAY?! Please naman umuwi na po ka---Aray! Ano ba! Wag mo tapakan ang sapatos ko! Ah! Naku! Natapakan! Letche! 1v1 ?! " - Sol

"HALA!! ANG MGA BABIES KO!" - buti naman... at nagising na si Mama. Kaagad napalayas ang mga taga-ilog.

Hindi ko alam kung sinong 'babies' ang tinutukoy niya. Kami ba ni Sol na naiipit o yung mga halaman na natatapakan? Hayst. Anyways, huling narinig ko nalang ay ang mga bulungan ng tao habang pauwi na sila..

"Ay.. grabi naman si Sol.. natapakan lang sapatos 1v1 agad?" - Mang Hades

"Alam nyo.. yang mga anak ni Liz sobrang beautiful creatures. Talaga bang tao sila o mga engkanto?" - Mang Keso

"Tumahimik ka nga! Engkanto-engkanto ka dyan! 'di porke blond at blue eyes sila ay engkanto agad!" - Mang Goreng

"Kaingit ang ganda nila. Sana all." - Mang Keso

"Alam na~ Paraherong magagandang nilalang ang mga magulang. San pa ba magmamana? Alangan naman sayo?" - Mang Goreng

"Tama.. tama.. tama.. May point ka. May point ka pero matanong ko lang? Sino ba ang tatay ng kambal?" - Mang Keso

"Hala! hindi ko alam.." - Mang Hades

"Aba! Ba't hindi natin alam? Itanong kaya natin kay Elizabeth? Tara?" - Mang Keso

"Hoy! Wag na kayo magsubok! Natanong ko na yan pero hindi sinagot!" - Mang Goreng

"Ay.. controversial?" - Mang Hades

"Anong controversial pinagsasabi mo?"

- Mang Keso

"Nakakapagtaka naman.. Sino kaya ang tatay nina Sol at Dy?" - Mang Goreng

"Hala! Baka ako?!" - Mang Hades

"Sus! Wag kang ambisyoso!" - Mang Goreng

'di kami umimik ni Sol. Hindi namin pinansin ang bulungan ng tatlong Mang Maritis.

Nilakad lang namin yung cement road papuntang waiting shed. Liblib itong River Side 100 meters ang distance mula simbahan papuntang waiting shed vice versa tapos parang snake ladder din yung daan.

Tahimik kaming naglalakad. Tinatapakan ang mga tuyong dahon na nalalagas mula sa mga puno at umiiwas sa maliit na puddles, na nakaharang sa daan, tas tumatalon sa nasagasaang palaka, na kinakain ng mga uud.

Mabilis maglakad si Sol dahil dyan binilisan ko rin kahit nakakahingal wag lang ako maiwan. Yung hakbang ng kapatid ko parang isang metro! Naol.

May dumadaang mga sasakyan. Nakasakay sa pampasaherong motor ang mga taong 'hindi-ma-budget-sa-pera'.

Binibilang ko nalang yung mga biktima ng hit-and-run sa kalsadang nadadaanan ko habang pinapakinggan ang mahinahong hampas ng hangin sa mga dahon at ang dalisay na agos ng tubig sa ilog na napapakalma ng puso. Parang may maririnig kang bulong ng hangin na nagsasabing 'all is well..' paulit-ulit.

Mistulang nagtawanan sa amin ang mga ibon na nasa itaas ng mga puno, sumabay sa tawanan nila ang mga kambing at baka na kumakain ng damo sa may ilog, doon sa part ng ilog na may damo at 'di abot ng tubig. Lol. Sana mabulunan kayo.

Tumakbo kami ng tanaw na namin ang waiting shed. Agad kaming sumilong at tumayo nalang kasi walang bakanting upuan.

Sa tapat ng waiting shed ng River ay ang waiting shed din ng Roots. May mga tao bawat waiting shed nag-aabang ng masasakyan sa araw ng damason (lunes).

Ang nasabing Roots ay isang area rito sa Green Ville na makikita lang sa kalsada. Paglabas mo lang ng bahay kalsada na. Ganun.

"Hala... ang daming estudyante.." isang pasahero na anyo palaka at naka-office attire ang dumating. Umupo sya sa isang seat na iniwan ng isang Ale.

Ngumiti yung perma-type. "Good Morning"

Mag-go-good morning din sana ako ng biglang dumating yung mga estudyanteng taga-Ilog din. Mga estudyanteng pumasa gaya namin.

"Sol! Dy! Magandang umaga!" Kaway-kaway ni Seth; the Gravity Changer.

Malapad ang ngiti ni Seth, as usual. Sya na yata ang may pinakamagandang smile. Ngunit nabawasan ang lapad ng smile nya ng makitang wala ng vacant seat para sa kanya, hmm.. well.. that's unusual. Fortunately, effective yung smile nya kasi yung perma-type ay tumayo sa kanyang seat para paupuin doon si Seth. Iba talaga pagnaka-smile! Sana all.

"Hala! Tama pala yung chismis? Nakapasa talaga kayo? As in.. kayong dalawa?" - at dumating din ang isang Azure a.k.a the Medussa, na nag-fake-surprise face pa. "Hmmm.. Anong klase ng pandaraya kaya ang ginawa nyo?" Accuse nya.

Confident, sassy, cute, at matalino pero may something sa kanya na ayoko ko. Hindi kaya.. yung height?

"Hindi magandang mangbintang, Azure" saway ni Maye, na kararating lang din. Maye the Floater ang nickname ng tao sa kanya.

Napairap si Azure ng makita na hindi lamang kaming dalawa ang may parehas na uniform kundi pati si Maye rin.

Ang school uniform ng ALVAACAD ay simple lang hindi gaya ng mga uniform sa movies o sa wattpad na nababasa at napapanood nyo.

"Hala! Si Maye? Nakapasa din? OMG! Nakakagulat!"

Inirapan ko lang si Azure, hindi sya pinansin ni Maye.

Si Seth tumayo ng makita si Maye. "Good morning, Miss Maye! Ikaw na rito" offer ni Seth. As usual, may malapad syang ngiti pero kapansin pansin na iba ang ngiti nya kay Maye. Hmmmm?

"Ows, napaka-gentleman mo naman, Seth" sarcastic na comment ni Azure.

Napairap ako sa sinabi nya. Alam ng lahat ang love-triangle na meron sil-

"Good morning, Sol!"

-O, baka naman... love square? -_-||

Tinanguan lang kasi ni Maye si Seth tas nilapitan nya si Sol para batiin ng magandang araw.

"Ba't ako walang good morning?" Bulong ni Seth.

Kawawa naman si Seth. Yung smile nya kaagad naglaho. Yung mukha nya parang batang naagawan ng candy.

Si Azure naman may nakakaawang look. Nakatitig sya kay Seth. Yung titig nya parang nagsasabing 'Why not me?'

Si Sol naman tumango lang kay Maye habang binibilang ang mga dumadaang motorcyles. Parang hindi sya aware na crush sya ni Maye o baka aware sya pero wala syang pakialam?

Nakaka-stress panoorin ang mga taong 'to. Haaaay. Masuntok ko kaya ang puso para magising?

Ang pinakaayaw ko sa isang 'kwentong pag-ibig' eh yung love square. Ang upgraded version ng love triangle. May masasaklap pa ba dun?

"HOY! MAY JEEP NA!" - sigaw ng mga nasa kabilang kalsada.

Nang huminto ang jeep unahan agad sa pagsakay. Nang makapasok, kaagad akong umupo sa pwesto malapit sa konduktor. Yung mga lalaki nasa itaas ng jeep at yung iba sa kanila nakatayo malapit sa konduktor.

Masikip dahil dalawang area ang sumakay. Yung iba nakaupo sa extension na upuan. Si Azure nasa may frontseat sa tabi ng isang teacher na pasahero while si Maye nakaupo sa extension doon sa pinakaliblib malapit sa frontseat at si Seth naman sigurado nasa bubong ng jeep.

Nakasakay na kayo ng jeep?

If 'oo' ang sagot nyo.. malamang alam nyo na yung feeling na sobrang sikip at halo-halong amoy, tama?

If 'hindi' well.. try nyo kaya? Ang hirap mag-describe dito.. ('ー`)

Nang sandaling umandar na yung jeep nahagilap ko ang perma-type na may masayang mukha kahit hindi sya nakasakay? Ang Weird ha.

Mga ilang minuto huminto yung jeep, 'di ko namalayan nasa Moss na pala kami. Part ng Green Ville ang Moss. Located sa Moss ang ALVAACAD. Medyo highland ng kaunti itong Moss lalakad kami mga ilang minutes para marating ang ALVAACAD. Hindi rin mabahay ang Moss kunti lang yung nakatira.

After walking narating din namin ang campus. Medyo private ang place na to. Kanina sa may waiting shed ng Moss may mga nakabantay na Regalias. Hindi kami pinapapasok if 'di kami taga doon at if wala kaming student ID.

Mukhang normal lang naman ang gate ng ALVAACAD not like sa mga gate na nababasa nyo sa wattpad. Walang kakaiba. Hindi rin masyadong matatayog ang pader kaya kita lang namin ang mga gusali at ang mga estudyante bawat rooms.

"Good morning!" Isang magandang bati mula sa isang magandang Ate na nakatayo sa may gate.

"Illusion?"  Tanong namin sa aming mga sarili. Ang ganda nya kasi. Sobrang ganda as in!

"Bilis! Malapit na magsimula ang Flag Ceremony! Worms ba kayo?!" Pinapagalitan ng babaeng may dalang megaphone ang mga mababagal na estudyante.

"Sino sya?" turo ni Sol sa babaeng sumisigaw. Buti hindi nakatingin sa kanya.

Guys, a bit of advice... wag nyong ituro. Kay?

Sinagot sya ng mabait na ate. "Siya si Alice Universe, ang Vice President ng SSG. Ako naman si Estella Plum o Stella, ang President ng Student Medic Club. Dahil na tanong nyo... Hmmm... Grade 11?"

Tumango kami.

"Wag kayong mag-alala. Okay dito sa Citadel Campus. Sana mag-enjoy kayo sa buong school year" she smile.

Wow! Ang ganda ng smile nya at ang bait nya tignan. Parang na-OP ang beauty ko. She stand like a princess! Yung galawan nya mukhang princess din!

"Gagi! Dalian natin!"

"Malilintikan na naman tayo?"

"At tinanong mo pa?!"

"Double time! Double tim----Putek! Nakaapak ako ng tae!"

"Hala! Kaninong tae yan?"

"Yuck! Linisin nyo! Ang kalat!"

Rinig namin mula sa mga estudyanteng tumatakbo papasok ng school gate. Double time kung kumilos yung mga estudyante. Kami lang ang hindi nagmamadali sa mga minuto na ito. Bakit sila ganun?

Nag-excuse kami kay Ms. Stella at nagmadali na lang din ng hakbang ng biglang may bumangga sa akin.

"ARAY!"

At sabay pa talaga kami?

Napakamot ako sa ulo. Ang sakit! Baka magkabukol.

"Pwede ba? Pakitignan mo ya-"

Hindi ko na natapus kasi gusto ko pa-thrill...lol. joke lang!

Hindi ako makapaniwala sa nakikita!

(☉。☉)!

Susunod: Bombilya

Comment para sa chapter 2 (⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡

itsmelassmayacreators' thoughts