webnovel

Chapter 7: I hate you

Napatakip siya sa kanyang baba. Hindi niya akalain na makita niya ngayon sa personal ang anak ni Don Javier. Parang napako ang kanyang mga paa sa nakita. She is surprise by the man standing in front of her is Third.

Nagmamadali itong pumasok  sa loob, sumunod naman siya dito sa loob. Naghubad ito ng jacket na may nakaborda sa likod na NIKE. Shems! Napalunok siya nang nakita niya ang matikas na katawan nito na bumakas dahil medyo basa ang  tee shirt nito. Aakmang huhubarin na sana nito ang tee shirt ng sumigaw siya habang napatakip sa kanya mga mata.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha!" singhal niya dito. Habang takip ang mukha. Marami naman siyang nakikita na ganun sa club na sumasayaw din. Mga macho pa nga kaysa dito.

Kinuha niya ang kamay na nakatakip sa kanyang mara nang tumahimik ang paligid. Nakita niya na nagulat din ito sa kanyang presensiya. Nasa mata nito ang pagtataka. "Sino ka?" tanong nito sakanya. Ano daw? Hindi niya nakita na ako ang nagbukas ng gate. Naks naman! Ano ako dito multo.

Kunot noo niya itong tiningnan. She cross her arms. At lumapit dito ng kunti. "Hi. I'm Aloha. And before I forgot, huwag kang magkalat dito." as she said and left. Tumungo na siya sa kusina para hugasan ang bowl na hugasan niya sana kanina pa kung hindi lang  dumating ang Third na 'yon.

Bumalik na pala ang naglayas na anak ni Don Javier. At bakit kaya bumalik ito? Naubosan naa siguro ang pera. Hay! Tanging sambit ni Aloha, naawa siya sa Don. Subsob sa trabaho ito kahit matanda na dapat mag retire na ito.

"Oh Aloha? What a lovely name! But excuse me? Ano ang sinabi mo kanina na huwag akong magkalat? Bakit hindi? Bahay ko ito at isa pa, sino ka para mangialam sakin ha!?" nagulat siya sa presensiya nito kaya nabitiwan niya ang bowl at nabasag ito. Tinignan niya ito ng masama. Kinakabahan siya baka mapagalitan pa siya ng Don. Dali dali naman niyang pinulot ang mga bugbog pero binitiwan niya din dahil nasugatan siya.

"What the ---" tanging sambit niya. Nanginginig ang kanyang mga kamay. Namanhid ang kanyang katawan. Medyo takot siya dugo. Dali naman itong sumaklolo pero lumayo siya dito. Naiinis siya sa lalaki. Ito ang dahilan kung bakit na bitiwan ang bowl kanina.

"Tingnan mo ang ginawa mo!" aniya na nangangalaiting tumingin dito. Ang hapdi pa ng nasugatan niyang hintuturo.

"Look. I am sorry kung nagulat kita." anito

Magsalita na sana siya nang narinig niya ang boses ni Don Javier. "Third?" anito na nagagalak ang boses. Lumingon silang dalawa kung saan nasa labas ng kusina ang nakatayong si Don Javier, bakas pa nito na mula ito sa pagtulog.

"Son." ani ng Matanda at yumakap dito. Nakita niya ang pananabik na boses nito para sa anak. "I' am happy nandito kana ulit." dagdag pa nito. Iniwas niya ang tingin kasi naninikip ang dibdib niya sa sandaling 'yon. Itinuloy niya pag kuha ng bugbog na nabasag na bowl. Nakakainggit kasi tignan ang mag ama. Kailan kaya niya maramdaman ang yakap ng ama.

"Aloha, he is here." ani ni Don Javier sakanya. Kita nito ang kasiyahan sa mukha nito. Ngumiti din siya pabalik dito.

Inilagay niya sa plastic ang nabasag. Hinugasan niya naman ang kanyang sugat para hindi impekted. "Teka, anong nangyari sayong daliri! Nasugatan ka!" anito sa gulat na boses. Dumalo naman ito sakanya at kinuha ang kamay niya.

"Halika, gagamutin natin 'yan." anito na hinihila siya ng matanda. Napasunod naman siya dito. Nakita niya ang kunot noong si Third ng dumaan siya sa harap nito.

Ginamot nga ng matanda ang daliri niyang nasugutan. Okay naman 'yon sakanya. Malayo lang ito da bituka kung tutuusin. "Don't make me worried Aloha." sambit ng Don pagkatapos nito ng paglaga ng bandaid.

"She is okay Dad. Malayo naman 'yan sa bituka! Tssk." ani Third ng makahulugan sa likod niya. Binawi niya agad ang kanyang kamay.

"Ano ba kasi ang nangyari Third?" tanong ng matanda sa anak.

"Wala ho ito. Malayo po ito sa bituka." aniya at tumayo. "Maiwan ko na po kayo. Inaantok na po ako." paalam niya dito.

Tuloy tuloy lang lakad niya paakyat na siya ng hagdan ng tinawag siya ulit ni Don Javier. And there eyes meet. Napalunok siya. Nanunuot ang titig  nito sakanya. Sumiklab ang kaba sakanyang damdamin. Nakakatakot ang mga titig niyang 'yon.

"Aloha, let's eat. I know hindi ka pa kumain!" sigaw ng Don. Umi echo ang boses nito sa loob ng bahay.

"Hindi po ako gutom. Mauna na po kayo" aniya, naiilang kasi siya sa presensya ng lalaki. Mga titig nitong may malisya. Nuon naiinis siya sa tuwing kinikwento ng Don tungkol dito, nang nakita niya ito hindi pala madali. Parang may kakaiba siyang nararamdaman na hindi niya alam.

Tumuloy na siya sa pag akyat at tinungo ang kwarto ni Lovie. Dun siya matutulog ngayong gabi. Bukas aalis na siya sa bahay dahil may klase pa siya sa hapon at papasok pa siya opisina.

Nang nakapasok siya sa kwarto ay agad niyang isinilampak ang likod sa kama. Dun lang siya nakaramdam ng kaginhawaan na nag iisa na siya sa kwarto. Parang itinulak ang kanyang katawan sa kama at nakaramdam na siya ng bigat sa kanyang mga mata para ipikit ang mga 'yon.

***

Nagising siya sa hapdi ng kanyang tiyan. Nakaramdam siya ng gutom. Nakatulog pala siya, hindi tuloy siya nakakain. Maya maya pa ay kumulo ang kanyang tiyan. Nagugutom nga siya. Pinasadahan niya ang orasan sa dingding ng kwarto. Alas diyes na ng gabi. Tulog na siguro ang mga tao sa bahay.

Nagpasya siyang bumaba para kumain. Ingat na ingat siyang bumaba sa hagdan. Nagtataka siya kung bakit nakabukas pa ang ilaw sa sa sala. Walang lingon siyang deritso ang lakad papunta sa kusina.

Nakita niyang may pagkain sa mesa na tinatakpan. Kinuha niya iyon at nilalantakan ang pagkain. Panay ang subo niya. Nagugutom kasi siya at nakakatakam ang ulam, favorite niya. Ang giniling. Sumubo siya, napapikit pa siya, ninamnam ang kanyang pagkain.

"Hindi pala nagugutom ha?" ay kalabaw! napatigil siya sa pagnguya at napadilat ng kaunti nang may nagsalita. Si Third ang nakita niya, parang tuwang tuwa pa ito sa nakita. Inilapag nito ang dalang beer in can na dala nito at umupo sa tapat niya. Uminom muna siya ng tubig, nakaramdam siya ng pagkailang dahil nakatitig na naman ito sakanya ng seryoso.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya dito sabay subo.

"Bakit? Naiilang ka? Bakit?" anito na nakatingin pa rin sakanya. Napakunot ang noo niya sa tanong nito. Halata ba siya.

"I just think kung saan ka nakita ng Dad ko?"

Mas lalong kunot noo niya itong tiningnan. I gave him a what look. Anong ibig niyang sabihin. Yumuko siya. Parang nawalan siya ng ganang kumain. Tumayo siya at nilagay ang pinggan sa lababo. Hinugasan niya ang pinggan. Hindi siya umimik.

"Well, gusto ko lang sabihin sayo. Just stay away from my father. Wala kang makukuha dito."

Huminto siya ng paghugas at hinarap niya ang lalaki. Tinignan siya nito, nag abot na naman ang mga mata nila. Sinalubong niya ang mga titig "Think what you want to think Mister. And I don't care!" diin niyang sabi dito. Bumalik siya paghugas. Anong akala niya? Boss ko ba siya. Kung makautos akala mo sino. Pagpuputok ng butse niya.

Pagkatapos niyang maghugas hinarap niya ulit ito at nilapitan ang lalaki. "I hate you." aniya at iniwan ang lalaki sa kusina. Dali siyang umakyat sa taas. Nanginginig ang kanyang kamay dahil sa inis sa lalaki umusbong ang galit miya dito. How dare him! Kung makapagsalita ito parang kilala siya nito. "Fuck you Third!" Pagsisigaw niya ng nasa taas na siya ng ikalawang palapag.

Gusto niyang isigaw na naiinis na siya dito. Gusto niya malaman ng lalaki na kinamumuhian niya ito. Hindi niya akalain na may mas maitim pa itong budhi sakanyang pagkakakilala.