webnovel

Chapter 23

I really didn't expect this thing will happen to me. It really hurts and I think my heart stabbed repeatedly and how am I stupid to not see those things.

I cried in a week and now I am here in my friend's house, I just wanted to stay in my room for days, but I know how my life will ruined if I didn't move on my plan.

I started to talk to hans in skype and sometimes on my phone. Hindi ko aakalain na hini talaga sya tumigil tungkol sa pag-iimbestiga kay Lucas. I have this feeling that Lucas will not betray them to be a new member of a squad named 'unknown'. Because we don't want to other enemies to know our squad/member.

"I have this feeling that he will betrayed us someday." Napataas ang kilay ko kay Hans habang kausap sya sa Skype gamit ang laptop ko.

"Don't predict it yet or you will regret your fake instinct." Sabi ko sa kanya habang nakaupo sa kama.

"Chloe, ang dami nang nagsasabi ng linya na 'yan. Pero ano nangyayari? Minsan ay nagkakaroon ng tama ang hinala ko. At saan ka makakakita nang papasok sa squad/member kung tago ang background nya. Hindi ba kataka-taka iyon?" Nagtatakang tanong nya habang nakakunot na ang noo at kung may anong pinpindot sa computer nya.

"Marahil nagtataka din pero hindi ako pwedeng pangunahan ng pangamba. Ilang araw ko na din sya nakakasama-"

"What" Putol nya sa sasabihin ko. "Nakakasama mo? Bakit hindi mo sya subukan tanungin about sa background nya?"

"Hindi ganoon kadali 'yon hans, lalo na kung hindi sya mag o-open about background nya."

"Pero lalong manghihinala nito ang boss natin kung wala akong maipapakita sa kanya." Nai-stress na sabi nito.

Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Hindi ikaw ang recruiter nya, iba ang kumuha sa kanya at kailangan mong malaman ang pangalan kung sino ang nagpapasok sa kanya sa grupo natin." Naalala ko bigla na babae ang nagpasok sa kanya sa grupo namin. Minsan ay hindi ako nanghinala noon na kung bakit kasali sa misyon na ito ang pinsan ng kaibigan ko.

"Si Larisa? Ang alam ko ay nasa misyon ito ngayon at wala sa lugar natin." Pagdadalawang isip na sabi nya matapos ay ginulo nito ang buhok dahil sa inis.

"Ako nang bahala, ipasa mo sakin 'yang ginagawa mo." Nakita ko ang pagdadalawang isip sa mukha nya bago ito tumango.

Naipasa sa akin ni Hans ang file dahil sa hacking skills nya. Nagpaalam na muna ako sa kanya bago ko tignan ito. Nakita ko ang larawan ni Lucas na tila'y nakangiti suot ang puting polo blouse nito.

I almost check his full name and birthdays at nabigo ako ng iyon lamang ang aking nakita. Sinubukan kong i search ang Facebook at Instagram na mayroon sya ngunit ang isa doon ay wala akong nakita.

Nakakapagtaka na pumayag syang sumali sa aming grupo ngunit tago ang background nito. Sa ilang buwan na nakasama ko sya ay tila ba'y misteryoso pa rin sya para sa akin.

Bakit nga ba hindi ko naisip iyong panahon ng magkaroon kami ng tyansa na magkita at magkaroon ng oras ng magkasama? Ngunit, handa ba akong itanong ang kanyang background at ang buhay nito?

I also felt safe and comfort when I am with him in a short time. Kaya napaka imposible nang hinala ni Hans tungkol kay Lucas. Mas lalong imposible na maging kalaban namin ito kung tama ang hinala ko.

Kasali rin si Krisha, ngunit sa ibang grupo sya. Kung alam nya na delikado ang pinsan nya ay sasabihin nya iyon agad sa akin at hindi na kailangan maglihim pa.

Lumabas ako ng kwarto at wala akong nakasalubong na kahit sino man. Nadaanan ko ang hallway na tila ba'y ang ilaw lamang nito ay nasa gilid ng pader dahil sa dilim.

Nang makababa ako ay nakita ko ang ilaw na nagliliwanag sa living room. Alas otso pa lamang ng gabi nang makita ko ang orasan ngunit ang ipinagtaka ko ay kung bakit madilim sa itaas.

"Chloe." Napatalon ako sa gulat nang tawagin ako ni Krisha. Natawa sya sa reaksyon ko ay sinyenyasan ako na sundan sya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko at umupo sa malambot nilang sofa.

"Kamusta ka?" Biglaang tanong nya habang ang paningin ay nasa TV.

"O-ok naman." Sagot ko.

I.. really didn't know how to answer the question. So instead of being honest, I choose to lie just to pretend that I am okay to all of my life.

Tiningnan nya ako nang matagal. I already knew that she know that I was lying to her. But instead of protecting myself to have an explanation.. I just choose to smile at her and wanted to tell her that everything will be fine.

May katapusan ang problema na ito. Lahat ay may katapusan. Ngunit sa maikling panahon pa lamang ay parang pinapatay na ako sa sakit ng muli akong umibig sa maling tao. Na kahit anong ipilit ko ay hindi kami pwede.

"Ni lucas?" Natauhan ako sa tanong nya. Nagugulat na napatingin sa kanya at nagtatanong ang aking mga mata.

She laughed before she sit properly in a sofa before she speak. "I knew that my cousin is a mystery guy in your eyes.. Am I right?"

Mas lalo akong nagulat ngunit hindi ko pinahalata nang magbukas sya nang topic mula sa pinsan nya. Tinignan nya ang magiging reaksyon ko bago nagpakawala ng buntong hininga.

"I just want to share this with you.. But I am not a brave woman like you Chloe.. May takot din ako na baka masabi ko ang hindi ko nararapat sabihin sa'yo. Pasensya kana, wala ako sa posisyon upang maisagot ang mga tumatakbo sa utak ninyo." She smiled at me before holding my hand.

"Pero ito ang tatandaan mo Chloe. Pagdating sa usapan ng pinsan ko, alam ko na hinding hindi ka mabibigo sa kanya. Maybe for now, he's still trying to find himself." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nya. Hinintay ko pa muna na magsalita sya ngunit naramdaman ko na hanggang doon na lang ang maibibigay nya.

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya upang maisagot ang katanungan na tumatakbo sa isip ko.

Ngunit imbis na sagutin nya ang tanong ko ay hinawakan nya ang hibla ng buhok ko at inilagay nito sa tenga ko. "Be a good friend to him. That's all that I can say."