webnovel

All The Love in the World (TAGLISH)

Ano nga ba ang Love? May pagmamahal sa magulang, pagmamahal sa kaibigan, pagmamahal sa alagang hayop at maski sa mga personal na bagay ay nagagawa nating mahalin. Pero para kay Laurah, isang babaeng naibibigay ang lahat ng luho ay wala ni isang pagmamahal na nakuha. Mukhang impossible pero possible. Lumaki siyang walang ina at malayo naman ang loob sakanyang ama. Uhaw man sa pagmamahal ay nagawa niyang mabuhay mag isa. Hanggang sa makilala niya ang mga taong nagpabago ng kanyang buhay pero lahat ng magagandang bagay ay mayroon ring katapusan, nagkaroon ng hindi inaasahang trahedya at naiwan na naman siyang mag isa. Ang akala niyang mga kaibigang pang habang buhay ay pansamantala lang pala. Dahil sa utos ng kanyang ama ay napilitan siyang mag-aral sa isang sikat na paaralan sa loob at labas ng bansa. Labag man sa loob pero tinanggap niya ito.Pero lingid sa kanyang kaalaman ay doon muli magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Lahat ng mga akala niyang tama ay mali pala. Ang akala niyang pamilyang tapat sakanya ay may nililihim pala sakanya? Ang mga hindi niya inakalang magiging kaibigan ay pamilya pa ang turing sakanya. But how will love reach her cold heart when she is trying hard to avoid it. Kahit man lamang ang maging masaya ay ipinagkakait niya sa kanyang sarili? NOTE: Original story of ko po ito. (MAESTRAC). Hope you enjoy. Cherish those who around you no matter they are families or your friends. Don’t leave any regrets behind.

THEODDGIRL · Umum
Peringkat tidak cukup
8 Chs

KABANATA 7

CL//

"Uy CL gusto mong sumabay ng lunch sa amin?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko. May mga kasama pa siyang dalawang babae.

Inayos ko ang mga gamit ko saka isinukbit ang bag sa likod ko.

"Sorry but I've got something to do" Sinsero kong tugon ng lumungkot ang mga itsura nila at bumagsak ang balikat nila.

"Oww okay lang. By the way ang cool mo kanina sa astronomy hehe hope we could be friends" Nakangiti niyang tugon kaya nginitian ko rin siya yung tipid lang saka ako lumabas ng classroom. Sorry but I don't want to be your friend.

Habang naglalakad ay nag uunat ako ng braso. Ayoko talagang umuupo ng ganun katagal. Mabilis na sumakit ang likod at batok ko. Ang boring boring pa sa klase bukod kasi sa alam ko ang mga lumalabas sa bibig nila ay nakakaantok pa silang magsalita. And here's the catch, mas marami pa ang kwento nila kaysa sa tinuturo nila.

Habang naglalakad naman ako sa hallway palabas ng building ay walang tigil ang mga tingin nila. Mga tingin na paghanga at pangungutya o inggit. Letse! Sarap iuntog sa dingding. Sakit na ata to ng pamayanan namin.

Dapat kasi hindi na ako nag aral eh. Nakakatamad, ang utak ko ay pang college na pero ang edad ko ay pang highschool pa lang kaya wala na akong magagawa.

Bata pa lang ako ay home schooled na ako hanggang mag trese ako. Tumuntong lang ako sa totoong paaralan noong katorse hanggang nga sa maglayas ako sa bahay namin dahil sa pesteng step mother ko.

Tumambay lang ako sa oval saka nilapag ang bag ko sa bermuda grass. Naalala ko na naman ang paglaglag ng bote ng yakult. Aminin ko hiyang hiya ako doon pero sa loob loob ko inis na inis ako. Dapat kasi tinapon ko na iyon.

Muntik pa akong mawala sa daan dahil sa pare parehas ang mga itsura ng buildings dito. Maaga nga ako lumayas ng bahay nalate parin ako.

Sa ngayon nakahiga ako sa malambot na bermuda grass habang nakatanaw sa asul na langit. Naririnig ko ang tunog ng pagsipa ng bola at mga boses ng mga manlalaro.

Pati huni ng ibon rinig na rinig ko. Sana pala noong umpisa palang dito na ako dumiretso para natahimik ang buhay ko. Baka sakaling hindi nangyari ang mga kamalasang naranasan ko.

Nakakrus ang mga binti ko at ginawa kong unan ang dalawang braso ko.

Dama ko sa aking balat ang malakas na ihip ng hangin at minsan pang may nalaglag na dahon sa ilong ko.

Hay, sana ganito nalang lagi. Kung ganito lagi aba talagang masaya na ako at tahimik ang bu---

"What are you doing?"

-.o

Naidilat ko ang kaliwang mata ko saka tinignan ang lalaking nagsalita sa gilid ko. Nanatili lang akong nakahiga habang tinititigan ang lalaki sa harap ko.

"Arthur Bodhi Santos" Pagpapakilala niya pero tinignan ko lang siya saka ipinikit muli ang mata ko. Tch anong nakain ng gagong to at dito pa talaga tumabi sa akin. At dahil ayokong masira ang araw ko ay hindi ko nalang siya pinansin at pilit na kinalimutan ang kasalanan niya sa akin kahapon.

"Looks like I really pissed you off huh? By the way I'm really sorry about the other day. I don't have an idea that you're a transfer student hehe sorry" Aniya na parang nahihiya. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang pinagsasabi niya.

"By the way here's my peace offering, hoping we could be friends" May narinig akong kaluskos sa tabi ko at maya maya lang ay binuksan ko muli ang mga mata ko.

Napalingon ako sa gilid ko ng hindi gumagalaw at natanaw ko ang dalawang balot ng yakult. Agad akong napabangon saka nag Indian seat. Kinuha ang kulay itim na supot saka kinuha ang yakult.

"Tss" Singhal ko.

"Parang bata"

Ipinasok ko sa bag ang mga yakult saka isinukbit ito sa likod ko. Napatingin rin ako sa oras at ng makitang malapit ng mag ala una ay naglakad na ako pabalik sa classroom.

Mabilis akong naglakad hanggang makarating ako ng classroom. Pero malayo pa lamang ng matanaw ko na ang tatlong babaeng kasama ko. Nakaharang pa talaga sila sa harap ng pinto.

"Uy andiyan na si CL! CL! Yuhoo!" Sigaw ni Fluer saka kumaway kaway.

"Hi CL! Saan ka nag lunch? Bakit hindi ka nakisabay sa amin kanina?" Tanong naman ni Claire na kumakain ng lollipop. Tch

"Saan ka galing?" Seryosong tanong naman ni Rica na nakakrus naman ang mga braso. Nakasandal siya sa gilid ng pinto. Nang makalapit ako sakanila ay agad silang lumapit sa akin.

"Ikaw ah? May nabalitaan ako sayo!" Mapang asar na tugon ni Fluer saka dinutdot ang tagiliran ko. Pero hindi ako natinag, di ko alam kung nang aasar ba siya o nangingiliti kasi hindi siya nagtagumpay.

"Oo nga! Yiiieeh! Ang bilis ah? Balita ko seatmate rin kayo? Ahaha" Sumunod naman si Claire. Ha? Pinagsasabi ng mga to?

Hindi naiwasang tumaas ang kilay ko.

"Ha? Problema niyo?"

"Luh kunwari pa siya oh"

"Pwede ka namang mag boyfriend CL pero wag muna ngayon ka--- Pinutol ko ang sasabihin ni Rica ng iharang ko ang palad ko sa mukha niya.

"Anong mag boyfriend? Seriously? Don't you people have works to do? Haish" Asik ko saka ko sila nilampasan at nagdiretso sa upuan ko. Pero kung akala ko matatahimik na ang paligid ko ng pumasok ang tatlo saka umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.

"Pst CL uso magkwento uy. Room mates tayo kaya naman mag kaalaman na" Ani Fluer. Pinatong niya ang dalawa niyang braso sa likod ng upuan saka tinignan ako na akala niya may lalabas na kwento sa bibig ko.

"Are you really with Arthur earlier?" Si Claire naman ang nagtanong. Nasa tabi siya ni Fluer na nag aabang ng sagot.

"Listen maraming nagkakagusto diyan kay Arthur pe--

"Ok ok I see you point. Ngayon ko lang nalaman na ang dami palang tsismosa dito sa academy? At dumagdag pa talaga kayo?" Nagkasalubong ang kilay ko. Hindi na rin naiwasang maging sarkastiko ng tono ko.

"Ahihi ano ka ba? Diba friends tayo? Natural lang na magkalat tayo ng kwento nukaba!"

HA! Friends?! Are they for real? How can you be friends with someone you just met?!

"Oo nga CL, para saan pa at tayo ang magkakasama sa isang bahay"

"Don't be harsh to them CL, just tell them wha--

"Ano ba k--

"Hoy CL kanina mo pa ako tinitigil sa pagsasalita ah?" Singhal nitong si Rica saka tumabi sa akin sa kung saan nakaupo si Arthur.

"So what? You have a problem? Kung ayaw mong napuputol ang dada mo wag ka nalang magsalita" Sabat ko naman habang nasakanya ang paningin. Napapikit ako saka malalim na bumuntong hininga. Minasahe ko rin ang batok ko saka isa isa ko silang tinignan.

"I don't want to be harsh but please stay out of my sight. And most of all were not friends. You can't be friends with someone you just met. Hindi niyo ako kilala. At kahit tayo ang magkakasama sa dorm were not friends. Let's just proceed on our lives without disturbing each other okay?" Pinilit kong maging kalmado pero mukhang hindi napigilan ng mga mata ko na tingin ko ay walang kasing sama na ang tingin.

"O-okay." Nanlulumong tugon ni Claire.

"Sorry naman po. Pero mark my words! Sa amin ka rin lalapit friendship!"

"Bakit naman kailangan maging ganun ka pa? Pakiayos minsan ang mga salitang lumalabas sa bibig mo"

Napaikot ako ng mata. Watever! Pinabayaan ko ang pagiging madrama nila saka kumuha na lang ng libro sa bag saka nagbasa. First of all, pumunta ako dito para malayo sa magulo kong buhay at para mag-aral hindi para maghanap ng kaibigan na makakatsismisan.

Gusto kong sabihin sa harapan nila yan pero dahil sabi ni Rica ay wag maging harsh kaya yun nalang ang sinabi ko. Kainis! Dapat kasi doon nalang ako pinunta sa cabin para wala akong kasama doon. Nakakairita ang mga bibig nila na hindi matigil sa kakadada. Una sa lahat ayoko sa madaldal.

Nag umpisa na naman ang klase at puro na naman pagpapakilala sa aming dalawa ni Fluer. Pero siya lang ang naglakas loob. Ako tahimik lang sa gilid na mukhang hindi na kinontra ng mga guro. Mabuti naman at nakakaintindi sila sa isang tingin lang.

Huling subject na at Speech class.

"Good mowning stuuudents!" Maarteng bati ng titser. May accent ang pananalita niya. Babae na naman.

Inilibot niya ang paningin sa buong klase para siguro tignan kung may lumiban ng tumigil ang paningin niya sa akin.

"You! Lady at the back beside Mr. Santos stand up and introduce yourself" Maawtoridad nitong utos.

K!

Mukhang wala akong takas dito. Nagkamot muna ako ng mata dahil inaantok na ako bago nagsalita. Gaya kanina, lahat ng paningin ay nasa akin. Peste! Walang lakas akong tumayo sa aking pagkakaupo at hinarap ang guro.

"Good afternoon maam! I'm CL Morris" Pagpapakilala ko at uupo na sana ng patayuin ulit ako.

"Ilang taon ka na? I think hindi ka pa dapat senior? Mukha ka pang bata eh kung ikukumpara ko sa mga andito na parang ang rami ng pinagdaanan"

"Sixteen and you are correct"

"Why is that? Did you take an acceleration examination for seniors?"

Bakit ang daming tanong nito?

"No, I started my primary school at the age of 3 and I got my certificate proving I finished my Junior high at the age of 14" Sunod sunod kong paliwanag at naiwan siyang nakanganga. Ayan! Interview pa more.

"O-okay t-t-take your seat"

"Thank you" Prente akong umupo saka nag dekwatro ng pambabae. Tinignan ng diretso sa mata si maam. Isa rin to sa mga ayaw ko, ang puro tanong.

Pinakilala rin niya sa klase si Fluer na alam ko namang kilala na ng lahat dahil sa paulit ulit na lang namin ito ginawa hanggang sa nag umpisa na kaming magklase.

Hindi na rin ako tinanong pa ni maam dahil puro si Arthur ang sumasagot sa mga tanong niya. May pagkakataon rin na si Rica at Fluer na meron rin palang maibubuga.

Buong oras ng klase ay nakadungaw lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga nagliliparang ibon at ang malawak na oval. Tanaw na tanaw rin pala dito ang dorm ng mga girls na may malaking wall clock sa itaas nito. Ngayon ko lang nalaman na mayroon palang epek ang dorm.

Buong oras ng klase ay puro si Maam Fely lang ang nagsasalita pagkatapos ay nagpakopya ito. Nang matapos ang isang oras ay nadismiss na rin kami. Mabuti na rin at hindi ako pinuntahan ng dalawang babae at pinilit na makisabay sakanila. Mas maganda na yon!

At tignan mo nga naman ang kamalasan naiwan ako sa classroom dahil isa raw ako sa mga cleaners. Anak ng! Kadarating ko lang ah? Bali anim kaming cleaners ngayon at kung minamalas talaga, kasama ko na naman ang lalaking to?

Ako ang naglilinis ng blackboard samantalang ang iba ay nagwawalis. Tahimik lang akong nagbubura sa pisara tapos kinuha ko ang eraser para ipagpag sa labas. Natanaw ko naman sa labas si Arthur na nagwawalis sa labas ng classroom.

"Tch! Seniors at naturingang private academy pero bakit kami pa ang pinaglilinis?" Asik ko habang padabog na pinapagpag ang eraser sa box na para sa pagpapagan ng eraser. Di alintana ang mga lumilipad na pulbos ng tisa.

Narinig ko pang tumawa si Arthur sa gilid at ng lingunin ko ito ay wala na sa paningin ko. Inaayos na nila ang mga upuan. Ganun sila kabilis maglinis?

Kung sabagay hindi naman kami ganoon kadugyot sa classroom para magmukhang dumpsite ang loob. Kaunting alikabok lang ang nawalis at ni isang plastik at wala akong nakita. Tignan mo nga naman, ganyan dapat. Kung ganito lagi ang lilinisan ko aba walang problema sa akin kahit araw araw akong cleaners.

"MWF naglilinis ang school janitor sa lahat ng classrooms. TTH naman nakaschedule ang mga students na maglinis para magkaroon ng disiplina ang mga mag-aaral" Ani Arthur sa gilid ko na ngayon ay inaayos ang basurahan.

Hindi ko siya pinansin at pumasok sa loob para kunin ang bag ko.

Hindi ko akalaing sampung minuto lang ang ilalagi ko sa paglilinis. Ang ilan sa mga kaklase ko ay nagsialisan narin sa classroom at naiwan si Arthur na magsasara ng pinto.

Hindi ako ganoon kabilis maglakad kaya nakita ko ang ilan sa mga classroom na nililinisan rin ng ibang mga estudyante. May ilan rin namang sarado na at talaga nga naman malinis tignan. Hindi katulad sa huli kong pinag-aralan, nakakalat ang mga basahan, basag ang ilan sa mga bintana, yung basurahang halos umapaw na sa sobrang dami ng laman, yung lalagyan ng mga walis tambo at bunot ay halos masira na dahil ginagawang taguan ng mga lalaki kong kaklase, mga kurtinang nangingitim na dahil isang beses lang ata sa isang taon iyon labhan, ang pintong minsan walang kandado dahil kung hindi afford bumili ay laging nananakaw at higit sa lahat ay ang hindi matatapos tapos na paglalagay ng floorwax sa sementadong sahig. Pero hindi ako nagrereklamo, in fact namimiss ko yon. Malayo iyon sa academy kung saan ako nakatapak ngayon, dahil maski ang sahig sa hallway ay lumiliwanang sa sobrang linis. Pwede ka ng manalamin.

"CL! Hintayin mo naman ako!" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang sigaw ni Arthur. And did he call me?

Ano na naman ang kailangan ng lalaking to?! Pero hindi ako nagpatinag, nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Pero dahil mahaba ang biyas ng lalaking to ay nahabol niya ako. Katabi ko siya sa gilid ngayon at sabay na naglalakad pababa. Hindi na ako kumontra pa, naniniwala ako sa kasabihang kapag hindi mo sila papansinin ay magsasawa rin silang kausapin ka.

"Grabe ang bilis mo namang maglakad" Tugon niya habol habol ang hininga. Hindi ko siya pinansin.

"Hindi ka ba talaga palasalita?" Tanong nito. Diretso lang ang tingin ko sa daan.

"Depende sa kausap at kung may kwenta ang sinasabi"

"Ha?"

"Wala, lumayo ka nga sakin"

"Ha?"

"Bingi?" Tumigil ako sa paglalakad saka hinarap siya. Edi nagtitigan kaming dalawa.

"Bakit? Hehe?"

"Ang laki ng kasalanan mo sa akin tapos kung makalapit ka akala mo close tayo, move away please" Sinenyasan ko siyang lumayo sa akin pero hindi siya sumunod.

"Nag sorry na ako diba? Atsaka masama bang makipagclose? Kung tutuusin ikaw ang unang nilapitan ko sa lahat ng mga babae dito" Mayabang niyang sambit niya saka siya ngumiti ng pagkatamis tamis. Yung kita ko na ang gilagid niya.

Tumaas tuloy ang kilay ko.

"Tapos? Anong ineexpect mong gawin ko? Magtatalon sa tuwa? Tss KEEP DREAMING"

"Hindi naman sa ganun. Okay ganito nalang how about a coffee? You know? Get to know each other? Hm?"

Nailaro ko ang dila ko sa ngala ngala ko saka dinilaan ang labi ko.

"Listen I'm not interested. Why don't you just go back to being the asshole I used to know para tahimik ang buhay ko. Yung hindi mo ako kinakausap at hindi rin kita kinakausap"

Natigilan siya saka nalaglag ang panga. Tinulak ko ang balikat niya saka ko siya iniwan mag isa pero mukha nga talagang makapal ang mukha niya kasi hindi pa ako nakakalayo ng hilain niya ang bag ko at nakisabay na naman sa paglalakad.

Now this is fucking great!

"Sorry naman kung napakitaan kita ng ugali kong ganon last time. Bawal kasi talaga ang gadge---

"Alam ko na yon at wag mo ng ibalik kasi nanggigigil ako sa tuwing naaalala ko yon" Angil ko habang patuloy paring naglalakad.

"Ahh hehe sorry talaga. Sorry kasi nadelete ko lahat ng mga pictures mo doon hindi ko naman sinasadya kasi ang hirap gamitin ng cellphone mo kasi naman matagal tagal na rin bago ako makaha---

"Could you just please shut up?! Papayagan kitang sabayan ako ngayon pero wag ka ng lalapit sa akin bukas!" Bulyaw ko saka ko nilakihan ang hakbang ko para maiwan siya pero talaga nga naman nananadya ang gunggong.

Hanggang makalabas kami ng building ay nakasunod parin siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Hanggang sa makarating ako ng girls dormitory ay nandoon parin siya sa tabi ko. Nakakairita!

"Wag mong sabihing pati ba naman dito sa loob papasok ka?" Mataray kong sambit. Pinaparamdam na naiirita ako sa presensya niya.

"Kyaaah!"

"Andito si Arthur my loves!"

"Pinuntahan kaya niya ako dito? Omo omo! What to do?!"

"Gaga hindi ikaw ang pinunta niya dito! Hindi ba pwedeng napadaan lang kasi kapitbahay lang naman natin ang boys dorm?"

"Hindi rin! Duh! Sa ganda kong to alam ko ako ang pinunta niya"

"Naku ang feeling ni ate! Kapal ng apog"

Napabuntong hininga ako sa lakas ng tsismisan sa labas. Who would have thought sikat ang lalaking to? Hindi naman gwapo. Maputi lang at matangos ang ilong. Okay singkit na rin pero hindi siya gwapo.

"See? Swerte mo kasi ikaw ang sinamah---

"Watever! Wag ka ng lalapit sa akin I'm tellin you" Pinandilatan ko siya ng mata pero tatawa tawa lang ang gago. Humakbang ako sa maliit na hagdan papasok pero napatigil ang paghakbang ko ng may marinig akong sigaw.

"Bodhi! Si Ken pinagkakaguluhan na naman!" Naestatwa ako sa sahig ng marinig ko ang pangalang iyon.

Walang ano ano'y nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko ang lalaking mataba, kausap si Arthur. Ang gulo ng buhok nito at punit ang longsleeve niya sa balikat. Ang dumi rin ng damit niya at mukhang nakaranas ng bugbog.

"Asan daw sila? Anong ginawa nila kay Ken?!" Pasigaw na tanong ni Arthur sa kasama. Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko.

Kapangalan lang naman niya yun diba? Impossibleng andito siya. Oo maraming Ken sa bansa kaya impossibleng ang lalaking iyon ang tinutukoy ng taong ito. Biglang sumikip ang dibdib ko. Ken? Tch

"Hindi ko alam, nagmemeryenda lang kami sa umbrella ng bigla kaming sinugod ng college department. Wala kaming laban Bodhi ang lalaki nila" Hinihingal na siya. Ngunit hindi ko inaasahang hihilain niya sa kwelyo yung matabang lalaki saka kinaladkad.

"Dalhin mo ako kung nasaan sila Ken"

"Saglit lang naman bitawan mo muna ako oy! Arthur mapupunit ang damit ko!" Walang ano ano'y binitawan nga niya saka sapilitang pinatayo at tinulak tulak. Sunod sunod na sumama naman ang ibang mga estudyante kung saan sila papunta.

Nagkakagulo at puro bulungan ang naririnig. Ako naman ay hindi alam ang gagawin. May kung anong bumubulong sa akin na tignan ang pangyayari at meron naman nagsasabing wag nalang akong mangialam at pumasok sa loob.

Pero sadyang makulit ang loob ko dahil sumunod ako sa kung saan sila pumunta. Malayo layo rin ang nalakad namin hanggang sa makarating kami sa likod ng boys dormitory. Tumambad sa akin ang malaparkeng lugar. Maganda iyon at madaming bench na nakakalat at may nakatayong malaking umbrella sa likod nun.

Sa gitna ng parke ay may pabilog na fountain. Pero nawala ang ganda ng lugar dahil sa grupo ng mga lalaking nagkukumpulan sa tabi ng fountain. Mga hindi na nahiya. Dahan dahan akong lumapit at nakipagsiksikan sa mga estudyante at may nakita akong lalaking kulay pula ang buhok halos nakahiga na sa sahig. Pinagtutulungang sipain ng mga malalaking lalaki. Wala man lang tumulong sakanya.

"Ken! Shit!" Napalingon ako sa likod kung saan nanggaling ang sigaw. Dahan dahang naglakad si Arthur pero ng makita niya ang lalaking nakahiga sa sahig ay agad siya tumakbo at umamba ng suntok sa mga nakatayong kalalakihan.

Nakita ko namang dahan dahan tumayo ang lalaking kulay pula ang buhok at nagtama ang paningin naming dalawa.

Tignan mo nga naman ang tadhana oh dito pa talaga kita makikita.

"L-laurah?"

Naestatwa ako sa sahig at hindi makagalaw. Hindi ko alam kung aalis ba ako palayo o pagmamasdan ko pa siya ng matagal.

"L-laurah" Akma siyang lalapit pero nagulat ako ng hilain ng lalaki ang likod ng damit niya saka siya inambahan ng suntok.

Natumba siya sa mismong paanan ko.

Pero hindi ko inaasahang ngingiti siya sa harapan ko. Gusto kong maluha pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko. Blangko kong tinignan ang itsura niya saka nilibot ang paningin sa kabuuan ng mukha niya.