webnovel

Alice In The Mafia World

Alice Natasha Baltazar, an orphaned girl, seeking for justice for the death of her parents. Was force to join the Douglas Mafia who promise to help her to hunt those people who killed her parents. But then, slowly, a box of secret was revealed. And she never thought that her life since then was a lie. From the people who killed her parents who she thought that her biological, her sister, and her real identity. What will happened if she finally know the truth about all the lies? Will she able to handle it? Or will she runaway and forget everything?

jeclover · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
45 Chs

Chapter 18

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

••••••

Chapter 18

Nang mawala na sa paningin namin ang doctor at mga nurse, naramdaman ko ang pagbaling ni Boss sa akin. "What the hell, Alice!?" he hissed.

"Huh?" nagsalubong ang kilay ko.

He scanned my body or should I say sa suot ko. Nagbaba naman ako ng tingin ang tiningnan ko bakait ganon nalang ang reaksyon niya. Halos mapamura ako nang mapansing nakasuot pa pala ako ng robe.

"Oh shit! Nasa kalagitnaan kasi ako sa pagligo kanina, hindi na sumagi sa isip ko ang magbihis dahil sa pagmamadali." nahihiya ko sabi.

Napatingin din ako sa suot niya na may mantsa ng dugo ng kapatid ko. Lumipat ang tingin ko sa kamay at braso niya na may maliliit na sugat. Napansin siguro niya kung anong tinitinganan ko kaya mabilis niyang itinago sa likod niya ang kanyang dalawang kamay.

"Umuwi muna tayo para makapagbihis. Seriously? Robe?" iritado niyang sabi napairap ako.

"Ipagamot mo muna yang mga sugat mo." sabi ko.

Umiling siya. "I'm fine. Let's go." sabay hila sa akin palabas ng hospital. Bigla ko namang naalala ang kapatid ko. "Wait. Paano si Yanna? Walang magbabantay sa kanya." nag-aalala kong sabi.

"Hindi naman siguro papabayaan ng handsomeness kuno na 'yon ang kapatid mo diba? And naglagay din ako ng mga taong magbabantay sa labas ng hospital at sa kwartro kung nasaan si Yanna. They're just around the hospital, securing and checking the surroundings." paliwanag niya.

"You trust L?" di makapaniwala kong tanong.

As far as I remember ay halos magpatayan na sa titig ang dalawang tuwing nagkikita kaya nakapagtataka lang. "No, of course. But I'm sure he'll protect your sister if something bad happens." kahit naguguluhan ay tumango nalang ako at nagpahila hanggang sa makarating kami sa kotse.

Hindi kagaya kanina ay panatag na ang loob ko ngayon. Dahil magiging okay na si Yanna sa oras na masalinan siya ng dugo. Salamat kay, L. Masasabi kong hulog siya sa puno ng mangga kanina. Hindi langit dahil hindi bagay sa kanya maging isang anghel. He's a devil.

But still there's something bugging in my mind. Bakit hindi kami parehas ng blood type ni Yanna? Pero mas nawewerduhan ako sa blood type ko. Tss. I think si tatay ang kamatch ni Yanna samantalang kamatch ko si nanay. Naalala ko pa noon nang magkasakit si Yanna tapos kailangan ng blood donor, si tatay ang nag-donate dahil pareho sila ng blood type. But I'm not sure kung pareho ba talaga sila or kami ni nanay. Dahil never kong nakita ang mga papers nila.

"We're here." napatingin ako sa labas. Hindi ko man lang napansin.

Nauna akong bumaba at nagtungo sa elevator. Rinig ko ang yabad ni Boss sa likuran ko. "Tatanggalin mo pa rin ba ako sa trabaho ko Boss? Look what happened to my sister. How can I protect her, you really gonna do it." basag ko sa katahimikan habang nasa loob kami ng elevator. "Alam mo namang sa oras na tanggalin mo ako sa mga autoridad na ako aasa. Hindi na ako pwedeng kumilos at patayin nalang ang mga nagtatangka sa akin because it's beyond the rules of the organization. Alam mo 'yon diba?" paalala ko sa kanya.

Hindi mabasa ang emosyon sa kanyang mata ng tumitig iyon sa akin. "But I can protect you."

Umiling ako. "You'll gonna break a rule, Saber. You know sa oras na tatanggalin mo ako dapat wala na akong maging koneksyon sa mafia o kaya naman sayo.. Dahil sa oras na lumabag ka buhay mo ang kapalit." matigas kong sabi.

"I'm not scared. I'm the Boss. At I already broke the rules, Alice. I can break the rules for you." puno ng kompyansa niyang sabi.

"Don't use your positioned, Boss. Because Mister is more superior than you. He's the law at the same time the punisher. And what didi you say? Kaya mong labagin ang batas para sa akin?! Nahihibang ka na ba?!" nagtagis ang bagang niya sa sinabi ko,

"I don't care. Kahit buhay ko pa ang kapalit."

"But I care! Why are you doing this huh?" naiinis na talaga ako sa kunehong 'to.

"Because I love you! And I will you protect you and Yanna kahit ama ko pa ang magiging kalaban." sagot niya.

May biglang humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Yes, I know that. Pero hindi parin ako sang-ayon sa kanya.

"I know. But we can protect each other no need to dismissed me in Douglas!" inis kong sabi.

Pero hindi niya ako pinakinggan sa halip sa nakatuon ang atensyon niya sa dibdib ko. "Baby, your breast is waving at me." he grinned.

Mabilis kong inayos ng robe ko at sinamaan siya ng tingin. "Manyak ka talaga kahit kailan!" at nag martsa palabas ng kakabukas na elevator.

"Sayo lang naman!" natatawa niyang sabi. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Bwesit na 'yon.

Palagi nalang ba kami ganito? Nag-aaway tapos maya-maya ay parang okay kami? Lagi niyang pinuputol ang pag-uusap namin.

Pagkapasok sa loob ng unit napataas ang isang kilay ko sa dalawang taong prenteng nakaupo sa malaking sofa habang nakapatong ang paa at umiinom ng soda.

"Anong drama niyong dalawa? Bakit ganyan ang suot niyo?" sabay silang napalingon sa akin.

Tumayo si Rai at sumipol. "Akala ko ba galing ka sa hospital pero mukhang," he scanned of what I'm wearing. "sa motel ah." biro niyang sabi.

"Gago. Barilin kita eh." masama ko siyang tiningnan. "Bakit ganyan ang suot niyo?" ulit kong tanong.

"As you can see mga pulis kami ngayon kung hindi mo alam, Alice." puno ng sarkasmong sagot ni Mina.

Isa sa mga rason kung bakit hindi sila nakikita o nahahanap ng mga kalaban at hindi sila nakikilala dahil sa dami ng katauhan nila. Kung hindi pulis, nagiging doctor o hindi kaya ay piloto and so on. They trained very well. Matagal na sila sa Douglas kahit noong wala pa ako. Isa sila sa mga naging trainer ko. Every reaper has a group consist of three people and the three of thme should protect their boss. But I decided to work solo at desisyon din ni Saber na ako lang ang reaper niya. Ayoko din namang may kasama pagdating sa trabaho dahil nadidistract ako. So, I am the only solo reaper and the only visible.

"Whatever." irap ko. "Let's talk later. Maliligo lang ako." paalam ko. Sabay naman silang tumango.

After kong maligo ay lumabas ako sa kwarto para magkipag-usap kina Mina at Rai na siyang nag-imbestiga sa nangyari kaninang umaga. Dumeretso ako sa kusina nang maamoy ko ang mabangong adobo.

Naabutan ko si Boss na halatang kakaligo lang din na naghahain sa niluto habang ang dalawa naman ay nakaupo at tulalang nakatingin kay Boss na nagluluto. Oh fuck. Hindi pala alam ng dalawang 'to.

"Hey." tawag ko sa kanila nang makaupo ako sa harap ng dalawa. "Problema niyo?" tanong ko.

Sumulyap sila saglit kay Boss. "Si Boss ba yan?" mahinang tanong ni Rai.

Tumango ako. "Hayaan mo siya. Maid ko yan dito." nakangisi kong tanong.

Natawa naman ako ng sabay nanalaki ang mga mata ng dalawa at laglag ang panga. "The fuck." mura nila.

"Kumain na tayo." sabi ni Boss at inilapag ang nilutong ulam. Adobo.

I crossed my arms as I rest my back on the chair and looked at him. "Walang plato, kutsara at kanin." mataray kong sabi.

"Yes, Boss!" at tumingin sa dalawa. "Narinig niyo 'yon? Wala dawng plato, kutsara at kanin, kumuha kayo." utos niya sa dalawa na agad namang tumayo kahit lutang parin hanggang ngayon.

Bumaba nag tingin niya sa akin. He mouthed "I love you" at yumuko para bigyan ako ng mabilis na halik sa labis.

Malakas ko siyang siniko at pinanlakihan ng mata. "Bwesit ka. Lumayo ka sa akin. Galit ako sayo." madiin kong bulong. Napakamot siya sa kanyang batok.

Sabay napatingin ng tumikhim ang dalawang kasama namin. "K-Kain na tayo." naiilang na sabi ni Mina.

Tahimik kaming kumaikain. Tanging tunog ng lang mg kubyertos ang naririnig namin. Paminsan minsan ay nagkakatingin kami ni Boss. He pouted but I just rolled my eyes. Kagaya ng sabi ko malayo siya nakaupo, nasa dulo siya na katapat ko kahit labag sa loob niya ay wala siyang nagawa dahil ayaw ko siyang makatabi.

Pinakiramdaman ko ang dalawa. "Talk and ask baka mabilaukan kayo diyan bigla dahil hindi niyo yan masabi-sabi." Tiningnan ko ang dalawa na nagkatinginan bago nag-angat ng tingin sakin bago at kay Boss na ngayo'y malamig silang tinitigan.

I want to laugh at them dahil sa tinatagal-tagal nila sa Douglas mas kilala nila si Boss sa pagiging walang emosyon at nakakatakot. They known him as a scary beast just like his father. But he show me the real him that's why natatakot sila minsan para sa akin sa tuwing inaasar ko si Boss baka daw patayin ako. Gaya ng sabi ko magaling siyang manlinlang. Siya ang Kunehong Manlilinlang ko.

"Bakit siya nandito?" tanong ni Rai sa akin na hindi na muling tiningnan si Boss. Si Boss na nakangisi ngayon dahil sa dalawa. He's enjoying how this two asking curiously but you can feel their fear dahil siguro sa presensiya niya.

"Gaya ng sabi ko. He's my maid." sagot ko.

Nabitin ang sasabihin ng dalawa dahil bigla siyang nagsalita. "What? A maid?" di makapaniwala niyang sabi. Hindi niya pala narinig nag sinabi ko kanina. My bad. " Sa pagkakaalam ko, ako ang boyfriend mo!" puno ng pagmamalaki niyang sabi.

"Boyfriend!?" the two. Oh gosh! How should I explain this?

I don't know if I should nod or whatever. "Y-yeah." sabi ko sa dalawa at tiningnan si Boss na nakasimangot. "Tutal tapos na tayong lahat na kumain. Maghugas ka muna ng plato." utos ko sa kanya.

"What? Why would I wash the fucking dishes!?" gulat niyang tanong.

Tinasaan ko siya ng kilay. "Dahil kong hindi. Hindi ko hahayaang lumapit ka sa akin. Five meters away from you will do. At galit parin ako sayo!" mataray ko sabi.

Padabog siyang tumayo at nag-uumpisang magligpit sa pinagkainan. "Sabi ko nga ako ang maghuhugas." magmamakatol niya. "Swerte ka mahal kita." bulong niya ng dumaan siya sa likod ko.

Napailing ako at bumaling sa dalawa na nakaawang ang bibig. "Doon tayo sa sala. Hayaan natin yang maghugas." sabi ko at naunang tumayo at naglakad palabas ng kusina.

"Wow. Just wow. Bakit mas takot yata si Boss Saber sayo?" hindi makapaniwalang sabi ni Rai.

I shrugged. Nagsimula na silang magtanong sa akin tungkol kay Boss at sinasagot ko naman. Hanggang ikunwento ko nalang sa kanila dahil napapagod ako kakasagot. Pero syempre maliban sa nangyaring haplosan, hubaran at halikan, ang sagwa pag pati yon sasabihin ko. And their reaction was very very priceless!

"Fuck. I can't believe it!" sabi ni Mina na parang hindi parin maproseso sa utak niya ang mga sinabi ko.

"Me too." Rai at naiiling.

"Me three." sabay kaming napatingin kay Boss.

Umupo siya sa tabi ko at yumakap sa beywang at ipinatong ang baba sa balikat ko. Napaubo ang dalawa. "Boss hindi ko akalaing may tinatago ka palang kalandian." biro ni Rai. Siniko siya ni Mina para suwayin.

"Baka yang bibig mo gustong landiin ang bala ng baril ko." seryosong saad ni Boss.

Napakamot naman siya sa batok. "Sabi ko nga hindi Boss." bawi ni Rai.

"Shut your mouth about this or else hindi ako magdadalawang isip na patayin kay. Maliwanag?" may pagbabantang sabi ni Boss.

The two suddenly paled. "Y-Yes Boss!" sagot nila.

Mahina naman akong natawa. "Pag-usapan na natin ang dapat nating pag-usapan dahil babalik pa ako sa hospital to check my sister." sabi ko na ikinatango nila.

Kinuha ni Mina ang laptop niya at binuksan iyon. "We found something from the bullet." pinaharap niya sa amin ang screen ng laptop.

"Oh fuck." sabay naming mura ni Boss.

"The bullet was from ours, Boss. Nakuha ko ang bala na yan na nakabaon sa pader ng kwarto ng kapatid ko kanina. "At may isa pa," inilipat niya sa isang picture at zinoom. "That logo that engraved on the bullet was known here as the unknown organization." nang maipakita niya ang picture.

"That means dalawa ang hitman?" tanong ko.

Umiling si Rai. "Three and it came from different directions. But the other bullet was missing." sabi ni Rai.

"The other bullet was in the hospital. Natamaan ang si Yanna sa hita, kapatid niya." wika ni Boss.

"Can we get that as soon as possible?" tanong ni Mina habang abala sa harap ng laptop niya.

"Yes." sagot ko at mabilis tinawagan si L. Gising naman siguro 'yon ngayon.

Two rings and he answered. "Ikaw ba ang sumapak sa akin?" galit niyang bungad.

"No."sagot ko.

"I did." sabat ni Boss at bumalik sa posisyon niya kanina.

"You fucker!"sigaw niya.

Napairap ako at siniko ang katabi ko.

"Mamaya ka ng mag alburoto. Do me a favor." sabi ko sa kabilang linya.

"What is it?"

"Can you get the bullet? Yung tinanggal galing sa hita ng kapatid ko. We need it as soon as possible."

"Yeah. Yeah. Give me fifteen minutes, tatawagan ko muna ang ibang tauhan ko para magbantay dito sa hospital." sabi niya at binaba ang tawag.

"Fifteen minutes." agad naman nilang naintindihan ang sinabi ko.

Kumunot ang noo ko ng masilip ang kwarto ng kapatid ko mula dito. Malinis na ulit iyon at wala naang basag na binatana.

"We cleaned the room and change all the window with bullet proof glass." nasabi ni Rai. Napansin siguro niya kung anong tinitingnan ko.

Napatango ako.

"I love you." bulong ng katabi ko.

"Edi wow." irap ko. "Galit ako sayo wag mo akong idadaan sa I love you mo na yan."

"Ayun basag." rinig sabi ni Rai kaya matalim siyang tiningnan ni Boss. "Ang salamin kanina kaya kailangan palitan." dugtong niya bahagyang lumayo ng papatirin siya ni Boss.

"Inaasar niya ako." parang bata niyang sumbong.

"Manahimik ka kung ayaw mong basagin kita." banta ko.

"Sadista mo talaga sa akin. Okay lang mahal naman kita." napangiwi ako sa banat niya.

"Gotcha!" napasuntok sa hangin si Mina at may ngiting tagumpay. "What is that?" tanong ko.

"I already know the name of that unknown organization." she grin. Mabilis kaming tumayo ni Boss at pumunta sa likod ni Mina para makita ang ginagawa niya.

"This unknown organization was from Greece. Pantasiz Organization, yan ang nalagay dito pero walang nalagay kung sino ang may hawak. This organization's security system was too tight that I can't even hacked. They blocking the way of my data. That's all I can have." may bigong sabi ni Mina.

Tinapik ang balikat ko niya. "It's okay. Ang importante ay alam na natin kung sino ang organisayon na yan pero bakit nandito sila sa Pilipinas? Their country was too far." nagtataka kong tanong.

Napabaling kami ni Rai ng bigla siyang nagsalita pero hindi namin maintindihan. "Théloume tin prinkípissa mas píso."

"Pinagsasabi mo?" iritadong tanong ni Boss sa kanya.

Itinaas niya ang hawak na envelope. "I saw this in your sister's bedroom." sabi niya at inilapag ang envelope.

Parehas ito sa natanggap ni Boss at nakuha ni L na may pamilyar na logo. Pantasiz Organization known as unknown organization. Pero kahit kailan ay hindi namin tinangkang buksan ang envelope. Inabot ko ang envelope at kinuha sa loob ang sulat. A Greek letters was engraved in gold on the scented black paper.

Θέλουμε την πριγκίπισσα μας πίσω.

"You know how to read this?" manghang sabi ko.

Tumango siya. "A little. I have a cousin from Greece."

"Anong sabi dito sa sulat?" curious kong tanong.

"It say's, We want our princess back."

Who's that princess?

Napatingin ako kay Mina na nakatingin din pala sa akin at nag-baba ng tingin. Muling inabala ang sarili sa laptop niya. I have this sudden bad feeling towards Mina.