webnovel

Alchemic Chaos: Fate

ANG MGA ALKEMISTA ang tinaguriang 'magiting' at makapangyarihan sa buong kontinente ng Azalea. Pinaniniwalaang iginawad ng Diyos ang kanilang taglay na lakas. Lakas na nararapat na gamitin sa kabutihan at sa paglaban ng masama. Ngunit hangga't namamayani ang inggit at kapangyarihan ay magagamit ito sa hindi nararapat-sa kasamaan. Ang mabuti laban sa masama. . . Isang kapalaran. At doon nagsimula ang unang digmaan ng kapangyarihan. *** Isang gabi, isang pangyayaring hindi inasahan. Isang pangyayaring labis na pinagsisihan ang nagpayanig sa takbo ng buhay ni Kira - ang pamosong binibining heneral ng Titania. Trinaydor ng kaibigan at iniwang mamatay sa kamay ng isang halimaw. At ang isang bagay na hindi niya matatakasan. Mahika. Tentasyon ng kasalanan. Responsibilidad. Digmaan. "Kaya mo bang tanggapin ang kapalarang kaakibat ng pagiging alkemista? " -

LaSolaPythia_ · Fantasi
Peringkat tidak cukup
34 Chs

Kabanata Dise sais: Ang batang hari ng Krūō (2)

"Dapat hindi na kita pinapasok! Mga hayop kayo! Mga gahaman! Mga mamatay-tao!" Nanginginig ang kaniyang laman at naramdaman ang mainit na luha na kumawala sa kaniyang mga mata.

"P..P-pa...t-ta..w-wad," pilit na nagsalita ang babae at nakita ni Spencer ang pagbuhos din ng mga luha ng babae,mga mata'y puno ng dusa at paghihirap na katulad ng kaniya.

Hindi! Walang alam ang babaeng ito sa salitang dusa dahil ito ay instrumento ng kasamaan!

"Sinungaling!—" bago niya pa tuluyang baliin ang leeg ng babae ay naramdaman niya ang mga matitinik na halaman na gumapos sa kaniyang katawan at tinapon siya sa may aparador.

Naramdaman niya ang kirot sa kaniyang katawan at ang pag-agos ng dugo mula sa kaniyang sugat. Nakita niya ang kaniyang tagapagligtas na mabilis pa sa kidlat na lumapit sa babaeng hayop at niyakap ito nito gamit ang isang kamay; ang isang kamay nito ay hawak-hawak ang walang malay na bata. Nagsimulang umubo ang babae at umiyak sa bisig ng lalaki.

Hindi siya naniniwala sa kaniyang nakikita. "D...Diba't kalaban mo ang Titania? Bakit mo kinakampihan ang cxeytri na iyan?-"

"TUMAHIMIK KA! WALA KANG KARAPATANG PAGSABIHAN SIYA NG GANIYAN!" Dumagundong ang boses ng kaniyang iniidolo, boses ay punong-puno ng poot na naririnig niya lamang kapag pinaguusapan ang mga nangyari rito sa Titania, mata nito'y nagbago mula sa kulay luntian na naging matalim na ginto at ang mga pangil nitong lumabas mula sa bibig nito.

Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang galit ni Xerxes ng sabihan niya ng masama ang babae at bakit humihingal ito na para bang napagod at mukhang may iniinda.

"Siya ang may kasalanan kung bakit nasakoo ang kaharian ko! Alam mo iyan, Xerxes! Alam mong kalaban siya, bakit mo siya nililigtas?" Malakas at nanginginig niyang wika habang sinusubukang tumayo, muling naalala ang nangyari sa kaniyang kaharian; kamay ay dumudugo sa higpit ng kaniyang pagkakakuyom.

Natagpuan niya ang kaniyang sarili na mahigpit ang hawak sa kaniyang espada na naliligo sa pulang likido ng kaniyang mga kaaway, ang dating makulay na palasyo ay naging magulo, puno ng mga sirang gamit at mga katawan ng mga namayapa't amoy ng malansang dugo; karaniwan sa mga namayapa ay kaniyang kababayan, pinatay ng walang laban.

Natagpuan niya ang sariling sumisigaw sa dusa,  mga luha hindi natatapos yakap-yakap ang malamig na bangkay ng nagdusang ina. Lasog na katawan at duguan... Wala nang buhay,  kapareho rin ang sinapit sa kaniyang ama.

Dumapo ang kaniyang mga mata sa kumpulan ng mga kawal na siyang pumatay sa kaniyang mga kababayan at sa may trono ay ang babaeng malamig lamang na tumitingin sa kaguluhan.

Nanginginig siya sa galit.  Nag-aapoy sa poot ang kaniyang puso at kaluluwa.  Ito ang naging lakas ng kaniyang mga tuhod upang tumakbo sa kinaroroonan ng babae habang mahigpit na hawak ang espadang nais niyang tatapos sa buhay nito.

Ngunit bago pa siya magawa ang kaniyang nais... Napatigil siya nang maramdaman ang hapdi at tulis ng espadang sinaksak sa kaniyang tiyan at ang init at lagkit ng pulang dugong umaagos sa kaniyang sugat at sa kaniyang bibig na tila tinatawag ang kadiliman upang kapitan siya.

At ito nga'y kumapit sa kaniya,  nanlambot ang kaniyang mga tuhod at napaluhod,  bago tuluyang yakapin ng dilim ang kaniyang paningin nakita niya ang mukha ng babae na gulat na nakatingin sa kaniya,  sa mata nito ay isang emosyon na hindi niya mawari.

"K.. Kapag... " sinubukan niyang makalapit sa paanan ng babae ngunit tinadyakan siya ng isang kawal.  "M... Mabubuhay ako... " isang matalim na tingin ang binigay niya sa babae kahit na alam niyang hinang-hina na siya.

"P... Papatayin kita! " At tuluyan na siyang nawalan ng malay.

"Papatayin kita! Papatayin kita! Wala akong pakialam kung kailangan ka pa sa digmaang magaganap! Wala kang karapatan!  Dahil ang isang tulad mo ay nararapat na mamatay bilang isang kalaban kaysa maging isang tagapagligtas!" Itinaas niya ang kaniyang kamay sa ere at nagliwanag iyon hanggang sa kumorte itong isang mahabang espada,  ang itsura ng espada ay tulad noong espadang sumaksak sa kaniya.

Natigilan naman si Xerxes at si Kira sa narinig,  sinubukang tumayo ni Kira at tiningnan ang dating hari ng kahariang kaniyang sinakop. 

'Isang digmaan na kakailangan siya? ' tanong ng isip ni Kira at wala sa sariling napatingin sa lumang libro na hawak ng walang malay na si Violet.

"A-Ano ang ibig mong sabihin?  May alam ka tungkol sa digmaan? " tanong niya sa dating hari.

Ngumisi naman si Spencer at malamig na tiningnan si Kira.  Nagustuhan nito ang kakatwang ekspresyon sa mukha ng babae na mas lalong nagbibigay rason sa kagustuhan niyang patayin ito.

"Bakit parang wala kang alam sa digmaan, Kira? 'Diba't ikaw ang nagsimula nito? Ikaw ang puno't-dulo nito dahil sa kasamaan mo!" Humalakhak ng mapakla ang lalaki.

Mas lalong nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Kira na para bang nagtatanong ito at walang alam. Napaluhod ito at napahawak sa kaniyang ulo.

"Simula noong kunin mo ang mga antigong bagay sa kanluran kung saan malapit ka nang mamatay, simula noong basagin ng kapangyarihan mo ang selyo, sinimulan mo na ang digmaan at mas lalong bumukas ang pintuan ng impyerno nang tulungan mong mapatay ang hari ng Titania, isang dugo, isang puso ng pinaka-masamang nilalang sa buong kontinente upang ialay kapalit ng buhay ng hari ng kasamaan. " Mahigpit ang hawak ni Spencer sa espada at inihahanda ito upang umatake sa babaeng ngayon ay umiiyak at sumisigaw, siguro'y naalala ang ginawa, sa paligid nito ay pinalilibutan ng malamig na hamog na ikinalalamig ng paligid.

"Ano ba ang sinasabi mo, Spencer! Itigil mo na ito!" Matalim na ani ni Xerxes na nasa tabi ni Kira.

Tumawa siya nang mapakla. "Oo, Kira. Ikaw! Ikaw ang may kasalanan! At nararapat lang na mamatay ka na ngayon dahil ikaw ang totoong halimaw!" Mas lalong lumiwanag ang kaniyang espada habang tumatakbo siya palapit kay Kira upang sugurin ito.

"...H...Hindi!" bumuhos ang saganang luha mula sa mga mata ni Kira,  nanginginig at puno ng pagkamuhi sa sarili habang paulit-ulit na sinasabi ang parehong mga kataga.

'Sa wakas,  maihihiganti ko na kayo'

Kahit kapalit non ang panghabang buhay na butas at kadiliman sa aking puso.

"Spencer!  Isa kang hangal! Kaya mo talagang isuko ang kapakanan ng buong kontinente upang maghiganti sa taong biktima lang din naman ng mga totoong sakim?" Naramdaman ni Spencer ang pagpulupot ng mga halaman sa kaniyang espada,  tila kinakain nito ang kapangyarihang inilagay niya rito.

Winasiwas niya ito nang buong lakas.  Lumiwanag ang isa niyang kamay,  "Galit ng mga diyos,  kayo ay aking tinatawagan,  sumasamo na ako'y dingin... Makapangyarihang siyang mayhawak sa kulog at kidlat,  ako'y pakingan... "

'Kung kakampihan mo lang ang babaeng iyan,  Xerxes... Pasensyahan na lang tayo na kailangan ko itong gawin. '

Nagkaroon ng maliit na kidlat sa kaniyang kamay hanggang sa ito'y lumaki at naging korteng pana.

"Ito ba talaga ang gusto mo,  Spencer? "

"..."

Kahit na ikakamatay ko,  kahit na sa kamay pa ng itinuturing kong kaibigan.  Maghihiganti ako... Kahit ano pa ang kapalit!

"Recrûtió Srchaber! Ang sayaw ng pana ng diyos ng bagyo,  kulog at kidlat! "

Isang ngisi ang pinakawalan ni Spencer.  "Paalam,  Kira." Hindi alintana sa kaniya ang matatalim na mata ni Xerxes na tila isang lobong mabangis na pinoprotektahan ang pamilya nito,  mga lumang simbolo at runes ang umukit sa balat nito,  ang isang mata'y nagsimulang maging kulay pula at tila isang bulaklak na biglang bumuka ang nagsilabasang mga buntot nito.

"Maghihiganti ako para sa kanila. "

"..."

Ngunit bago niya pa ito magawa, bumuka ang lupa at kinain silang naroroon.