webnovel

Agent Vlogger Becomes my Lover

Isang boyish na babae si Yesha Dhel Gonzales at lihim na humahanga sa isang vlogger na si Dyla Josh Fernandez. Upang makita at mapansin ng iniidulo, gumawa siya ng paraan para mapalapit dito. Nakapasok siya sa boutique na pag-aari ni Dj bilang tagabantay. Sa pagtatagpo ng kanilang landas at pananatili niya sa boutique ay lagi siyang iniiwasan ni Dj dahil allergy nga ito sa mga babaeng siga pa maka-porma rito. Expectations vs Reality, ika-nga dahil sa pagtatrabaho niya roon marami siyang nalaman tungkol dito. Isa na roon ang pagkababaero nito. Marami na itong babaeng napaiyak dahil kapag nagsawa na madali lang sa kanya ang makipaghiwalay na akala mo ay nagpapalit lang ng damit. Ngunit paano kung dumating ang oras na ma-fall siya sa taglay na karisma nito? Ano ang gagawin niya? Hahayaan ba niyang mapabilang sa mga babaeng sinaktan nito? O aalis at iwasan na lang ito habang may pagkakataon pa? Pero paano nga kung pinili niya parin ito kahit na sasaktan ulit siya? Muli niya parin ba itong tatanggapin sa buhay at bibigyan ng panibagong chance?

Abby_Magbanua · Seni bela diri
Peringkat tidak cukup
11 Chs

Chapter 2

Yesha's P.O.V.

Hindi na ako nakapagpaalam sa mga kaibigan. Sumakay na ako ng taxi pauwi pagkatapos akong iwan ng lalaking sumagip sa akin.

Pagdating sa bahay agad kong tinawagan si Kate para ipaalam ditto na nakauwi na ako. Sinabi ko lang na na-bored ako kaya umuwi ako. Hindi ko sinabi sa kanila ang totoong nangyari dahil ayaw ko ng mag-alala pa ang mga ito. Hindi pa rin nakauwi ang kapatid ko.

Wala na akong ama dahil namatay ito noong 10 years old pa lang ako. Tanging ang kapatid ko lang at si mommy ang kasama ko. Nagtatrabaho ito sa isang call center kaya umaga na ito umuuwi.

Tulad ng mga nagdaang taon. Nag-iisa na naman ako sa bahay. Simula ng mamatay si papa ako na ang tumayong lalaki sa bahay. Pinilit kong magdamit lalaki para magmukhang matapang pero sa totoo lang ako ang pinakamahina.

Si Ayesha naman ay malaya nitong nakukuha ang mga bagay na gusto nito. Nagagawa nito ang mga gusto nitong gawin. Si mommy naman simula ng mawala si papa ito na ang bumubuhay sa aming magkapatid. Samantalang ako, kahit ang course na gusto kung kuhanin hindi ko makuha dahil masyadong mahal ang tuition fee. Ang mga damit na gusto kung suotin hindi ko rin mabili dahil iniisip kong gastos lang iyon.

Sa paglipas ng mga taon nakagawian ko na rin ang ganong ayos. Feeling ko safe ako kapag gano'n ang damit ko. Feeling ko walang pweding manakit sa akin kapag siga ang asta ko. Feeling ko hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko dahil feeling ko kaya kong protektahan ang sarili ko.

Mag-aalas 2:00 na ng madaling araw ng narinig kung pumasok si Ayesha sa kwarto nito. Buti pa ang kambal ko nagagawa ang mga gusto.

Kinabukasan maaga akong nagising kahit madaling araw na ako nakatulog. Kahit inaantok pa pinilit ko pa rin ang sariling gumising ng maaga dahil plano kong puntahan ang boutique ni Dj.

Nakita ko kasi sa blog nito na mayro'n itong pinatayong boutique. Mahigit tatlong taon na rin mula ng huli ko itong makita. Naging busy na kasi ako sa pag-aaral kaya wala akong oras para sundan ang mga lakad nito.

Ngayong tapos na akong mag-aral siguro oras na rin para sundin ko ang gusto ko. Iyon ay ang sundan ang idol ko saan man ito magpunta. Gusto ko kasing mas makilala pa ito ng husto.

Naligo at nagbihis na ako suot ang t-shirt na maluwang at maluwang na pantalong maong. Sinuot ko rin ang black cap ko pabaliktad tulad ng normal na get-up ko. Pagkatapos makapag-ayos lumabas na ako ng bahay.

Gamit ang google map. Madali kung nakita ang boutique nito. 'The Knight' 'yan ang pangalang nakasulat sa itaas. Maliit lang iyon at crystal ang dingding sa harapan kaya kita talaga ang loob niyon. May isang hindi kalakihang counter sa may bandang daanan pagkapasok mo at may babaeng nakaupo roon.

Lauren's P.O.V.

Inis na inis ako dahil ako nanaman ang iniwang magbantay ng boutique ng kapatid kong magaling. Taga-gawa at taga-design lang ako ng mga damit nito pero simula ng itinayo nito ang boutique two years ago ako na rin ang ginawang tindera nito. Wala din naman akong choice dahil gusto ko ring mabenta ang mga gawa ko.

Napangalumbaba ako sa counter habang naghihintay ng mga customer ng may napansin akong babaeng palingalinga sa labas na parang may hinahanap.

Parang isang lalaki ito kung pumorma dagdag pa ang pagsuot ng cap na pabaliktad. Pero hindi maitatago niyon ang taglay na ganda nito. Napangiti ako sa kalokohang naiisip para makaganti naman sa kapatid ko kahit papano.

Agad kung pinuntahan ang babae para simulan ang plano.

"Hi, ikaw ba 'yong hinihintay ko na mag-aaplay bilang tagabantay ng shop? Halika sa loob doon tayo mag-uusap," sabi ko sa likuran nito na ikinaigtad nito sanhi ng pagkagulat. Humarap ito sa akin. Alam kong naguguluhan ito pero kasama na iyon sa plano ko para hindi na ito tumanggi.

Yesha's P.O.V.

Nagulat ako ng may biglang may nagsalita sa likuran ko habang busy ako sa pagmamasid kung na saan si DJ. Hinarap ko kung sino iyon at nakita ko ang napakagandang babae sa harap ko. Nakangiti pa ito habang nakatingin sa akin.

Sasagutin ko na sana ang tanong nito ngunit hinila na ako nito papasok sa loob ng boutique.

"Madali at magaan lang naman ang gagawin mo rito. E-gaguide mo lang ang mga customer natin at 'pag nakapili na sila tatanggap ka lang ng bayad." sabi nito pagkapasok namin.

"Ma'am n-nagkamali po yata kayo." sabi ko

Tiningnan lang ako nito at binaliwala ang sinabi ko.

"Ayaw mo bang magtrabaho rito? 40k a month 'yong magiging sahod mo."

Pakiramdam ko lumuwa ang mga mata ko dahil sa offer nito. Hindi na nga naman ako lugi dahil bukod sa makikita ko lagi ang idol ko... napakalaki pa ng sasahurin ko. Magiging choosy pa ba ako? Ngayon pang kailangan ko ng trabaho.

"S-sige po… Tinatanggap ko na po ang trabaho." pumayag na agad ako ng 'di pinag-iisipang mabuti. Nakita ko ang tuwa sa mukha nito. Gano'n ba ito ka atat na makakuha ng taga-bantay kaya natuwa ito?

Ini-explain nito sa akin ang magiging trabaho ko.

"Pwede ka ng magsimula bukas." Sabi pa nito pagkatapos nitong ibilin sa akin ang mga dapat gawin.

Ibinigay pa nito sa akin ang spare key ng boutique dahil ako na raw ang magbubukas niyon simula bukas. Ang bilis naman yata nitong magtiwala para ibigay agad sa akin ang susi ng boutique.

Sinabi rin nito na dadalaw na lang daw ito doon kung may mga bago itong gawa. Sinabi rin nitong sarili nitong gawa at design ang mga damit na naka-display roon at ang bag naman ay ino-order nila mula pa sa France.

Aalis na sana ako nang tinawag ako ulit nito.

"Wait. Ano nga pala name mo?"

"Yesha po." nakangiti kung sagot.

"Yesha, no need na pa lang magsuot ng uniform dahil ikaw lang naman mag-isa rito at 'di naman malaki ang boutique. Kung anong damit ka mas komportable 'yon ang isuot mo." nakita kong sinulyapan nito ang suot ko pero hindi iyon ang klase ng tingin na nanlalait. Ikinatuwa ko ang sinabi nito dahil hindi ko na kailangang baguhin ang ayos ko.

Pagkatapos naming ma-settle ang lahat ay nagpaalam na rin ako para umuwi.