webnovel

Against All Odds (Short Story)

DarkLeague · perkotaan
Peringkat tidak cukup
8 Chs

Part 4

"Thank you for calling." Nakangiting bati ko sa huling tawag na natanggap ko. Nasa office ako ngayon at bilang call center agent ay halos ganyan lahat ang sinasabi ko kada may matatapos na tawag. Tumingin ako sa screen ng computer at nanlalabo na naman ang paningin ko.

Eto na naman po kami.

"Uy girl, mukhang pagod na 'yang mata mo, ah," ani Sue, katrabaho ko. "Dumadalas ata ang panlalabo ng mata mo?" puna niya kasi madalas kong ipinipikit nang mariin ang mata ko kada may matatapos na tawag.

"Pagod lang 'to," ngiti ko. "Di bale, 2 am naman na, out ko na." sabi ko saka tumingin sa wrist watch ko. "Ikaw? May kasabay ka ba?"

Nakangiting tumango siya, "Susunduin ako ng boyfriend ko, e. pero sabay na tayong mag-out," aniya saka tumayo at nilikom ang mga gamit niya. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at tumayo na. sabay kaming nag-out at lumabas ng building.

Nang makalabas kami ay nakita namin doon ang boyfriend niyang si Jules, call center agent din siya pero sa ibang department. Nagpaalam kami sa isa't isa saka ako lumakad ng konti para pumara ng taxi. Twenty minutes ang byahe dahil medyo malayo ang tinutuluyan kong apartment sa pinagtatrabahuhan ko.

"Manong, eto po."

Matapos magbayad ay agad na din akong lumabas. Sarado ang lahat ng ilaw sa bahay at alam kong tulog na si Andrew. Pumasok ako at nagtungo agad sa ref para kumuha ng inumin. Nakapag dinner na naman ako kaya ready na akong matulog. Pero bago tumuloy sa kwarto ko, nakasanayan ko na ring tingnan si Andrew sa kwarto niya.  Wala lang, gusto ko lang i-check kung okay siya.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang ballot na ballot ng kumot. Nakasindi ang lampshade sa side table at sa tabi nito ay may baso ng tubig at sa ilang mga gamot. Umupo ako sa gilid ng kama niya at hinipo ang noo niya.

Nilalagnat nga.

Sa loob ng isa't kalahating buwan ng pananatili niya dito, isa't kalahating buwan ng pagiging katulong at alila, hindi na ako magtatakang bibigay din ang katawan niya. Biruin niyo naman kasi, senyoritong senyorito siya doon sa condo niya pero pagdating dito naging all around kasambahay siya. Tagaluto, tagalaba, tagalinis at lahat ng gawaing may 'taga' sa umpisa—siya lahat!

Nakaramdam naman ako ng awa dahil kung tutuusin, ako ang may kasalanan sa pagkakasakit niya. Kahit pa'no naman mabait ako.

Mahigpit ang pagkakahawa niya sa kumot at bahagyang nakakunot ang noo niya. Inuubo rin siya habang tulog.

Kawawa talaga.

Tumayo ako at nagtungo sa kwarto ko, hindi para magbihis kundi ay para kumuha ng bimpo. Bumaba ako at naglagay ng tubig sa palanggana saka ibinabad 'yung bimpo doon. Umakyat ako ulit at nagtungo sa kwarto niya. Una kong pinunasan 'yung mukha niya saka ibinaba ng konti 'yung kumot niya para makuha at mapunasan ko rin 'yung braso niya. Naalimpungatan ata siya dahil sa ginagawa ko at idinilat niya ng bahagya ang mga mata niya.

"R-Rica..." pagtawag niya sa'kin saka umubo ubo. Napangiwi ako.

"Shh... magpahinga ka lang. Tulog ka na ulit," sabi ko saka ipinagpatuloy ang pagpupunas sa kanya.

Namayaning muli ang katahimikan. Akala ko tulog na siya pero...

"S-Salamat..." nanghihina pero sinsero niyang sabi na nakapagpatigil sa akin. Napatingin ako sa kanya at nakitang half open ang mga mata niya at pinapanuod ako sa aking ginagawa.

"S-Sige na... m-matulog ka na ulit." Naiilang kong sabi saka nag iwas ng tingin. Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa noo niya saka ipinatong sa noo niya 'yung basang bimpo. Pumikit siya at sa tingin ko ay muling nahimbing sa pagtulog.

 Di ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan siya habang payapang natutulog. Pero ang mas bumagabag sa akin ay ang mga pagkakataong tulad nito.

Gusto kong alagaan at bantayan siya sa tuwing magkakasakit siya. Gusto kong laging nasa tabi niya sa mga gabing kailangan niya ng mag aalaga sa kanya.

"Gusto kong tumanda kasama ka... pero baka hindi na ako tumagal ng ganoong katagal..." unti unting nagtubig ang mga mata ko hanggang sa mag unahan na sila sa pagtulo. Hinaplos ko ang pisngi niya habang tahimik akong umiiyak dahil sa mga iniisip ko.

"Bakit kasi ako pa? bakit ako pa ang napili mo, Andrew? Bakit 'yung tao pang hindi maipapangako ang habang buhay sayo?" patuloy lang ako sa pag iyak at pilit kong pinipigilan ang mga hikbi ko.

Nang muli ko siyang tingnan ay unti unting nanlabo hanggang sa hindi ko na talaga makita nang malinaw ang mukha niya. Lalong bumuhos ang luha ko dahil do'n.

Ito ang ilan lamang sa mga paalala na ang mabuhay kasama siya ay hindi maaari. Malabo. Tulad ng pag asang manatili sa piling niya.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at unti unti akong napadausdos pababa hanggang sa mapaupo ako sa sahig. Nakasandal ang aking ulo sa gilid ng kanyang kama at pinanatiling nakapikit ang mga mata... habang patuloy ang pag agos ng aking mga luha.

Dala ng puyat at pagod—physically, mentally at emotionally, ay unti unti akong hinila ng pagod... hanggang sa napapikit ako at nakatulog sa ganoong pwesto.

Andrew's POV

Naalimpungatan ako mula sa pagkakahimbing ko. Napatingin ako sa gilid ko kung saan naroroon ang orasan at nakitang alas kwatro sinko palang ng umaga. Pupungas pungas pa ako at marahanag umupo mula sa pagkakahiga. Nalaglag mula sa noo ko ang isang bimpong basa. Napangiti ako nang maalala kung sinong may gawa nito.

Napalingon ako sa gawing kanan ko at doon, nakita ko siyang nakasalampak sa sahig at nakaunan ang ulo sa mga braso.  Ni hindi niya na rin nakuhang magpalit ng damit. Napailing ako pero mas nangibabaw ang tuwa sa puso ko. Binuhat ko siya at marahang inihiga siya sa higaan ko. Di bale nang pagalitan at awayin niya ako dahil dito pero gusto ko lang siyang pagmasdang matulog. Humiga ako sa tabi niya at marahang kinumutan siya. Napangiti ako nang marinig ang pagbuntong hininga niya.

Habang pinagmamasdan siyang matulog, doon ko napagtanto kung gaano ko kamahal ang babaeng 'to. Na, sa kabila ng mga pagpapahirap at pagsusungit nia sa akin, at kahit madalas siyang mantrip, ay nawawala ang mga 'yon sa tuwing ngingiti at tatawa siya.

Siya ang gamot ko sa lahat ng hirap at pagod na nararamdaman ko. Pakiramdam ko sa tuwing katabi ko siya ay nawawala ang anumang sakit na nararamdaman ko. At gusto kong maging ganun din ako sa kanya.

Dahil sa kabila ng mga tawa at ngiti niya, alam kong may iniinda siyang problema. Tulad ng iba, ipinapakta niyang malakas siya, kahit na ang totoo ay nanghihina na siya. Gusto kong sa akin siya humugot ng lakas sa tuwing nanghihina at pakiramdam niya ay bibigay na siya. Gusto kong maging lunas sa anumang sakit na iniinda niya. Hindi man maging lunas pero 'yung makasama at malaman lang niyang may kasama siya at laging nakaalalay sa kanya... okay na ako do'n.

Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa maamo niyang mukha. Hinalikan ko siya sa noo saka  ako nahiga at yumakap sa kanya.

"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, Rica. I'll never let you go. Never."

At muli, pumikit ako at natulog... katabi ang taong mahal ko.