webnovel

After You Fall Asleep

Vampire

xiarls · Fantasi
Peringkat tidak cukup
22 Chs

Chapter 15

MARJ POV

Bumukas ang gate at bumungad sa akin ang isang babaeng pagkakaalam ko ay matagal nang patay.

"Marj, anak..."

Yes, it's my mom.

Tumalikod ako at aalis na sana pero pinigilan niya ako sa braso.

"Can I explain this?"

Hindi ko siya sinagot at kinuha na lang ang kamay niya. Ayoko nang umiyak pero bakit hindi ko mapigilan? Ang sakit na sa pakiramdam na 'yong mga malapit sa akin ginagawa nila akong tanga sa pag-aakalang wala na sila.

Lalakad na ako ng tuluyan pero hindi ko naiwasan kasi hinila ako pabalik ng tatlo.

"Problema niyo?" Naiinis na tanong ko sa kanila.

"Tinatawag ka ng Mama mo hindi mo pinapansin. Anong klaseng anak ka?" Sermon ni Gio.

"Yeah, hindi tamang talikuran mo ang magulang mo kapag tinatawag ka." Si Kris naman 'yan.

"At," Huminto muna si Niel bago ipagpatuloy ang sasabihin. "Ah wala akong maisip na sasabihin." Sa sinabi niya kaya nakatanggap siya ng batok sa dalawa niyang kapatid.

"Nagsalita ka pa." Si Kris.

"Tsk, kahit kailan ang bobo mo!" Si Gio.

Napakamot na lang sa ulo si Niel.

"Ahm." Boses ng lalaki.

Tumigil sila sa paghaharutan ng marinig ang tumikhim. Tinignan ko kung siya at napanganga ako ng makilala kung sino 'yon.

"Papa."

"Marj." Tawag niya.

Lumapit ako sa kanya at yumakap. Hindi ko akalaing makikita ko ulit si Papa. Noon sa kanya lang talaga ako malapit at ngayon 'di ko akalaing dito siya. Parang nawala bigla ang pakiramdam ng pagkainis at galit ko sa kanila.

Humiwalay siya sa yakap at pinisil ang pisngi ko. Namiss ko 'to. Namiss ko ang lahat sa kanya. Pero bakit nila tinago sa akin na buhay pala sila? Kitang kita ng dalawang mata ko na nakahiga sila sa kabaong at nilibing. Paanong nabuhay sila?

"Bakit buhay kayo?" Naiiyak na tanong ko.

"Tara sa loob, dun tayo mag-usap." Sabi niya at papasok na sana sa bahay nang maalala ko ang tatlo.

"Kayo? Hindi ba kayo papasok?" Tanong ko.

"Ah huwag na. Oras mo na 'to para makausap mo sila. Sige alis na kami." Sabi ni Kris. Tumango na lang ako at saka na sila umalis. Tumingin ulit ako kay Papa, nakangiti siya. Lumipat ang mata ko kay Mama, nakayuko lang siya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Naramdaman kong yumakap siya pabalik kaya napaiyak na naman ako.

"Sorry, Ma." Sabi ko sa kanya.

"It's okay, anak." Narinig kong umiiyak na si Mama habang hinahagod niya ang likod ko.

Humiwalay siya at napapikit ako ng halikan niya ako sa noo. Napangiti ako sa ginawa ni Mama.

"Tara na sa loob." Basag ni Papa sa kadramahan namin.

Nakaupo na kami sa sala. Kaming tatlo lang ang nandito. Tahimik. Hanggang sa bumukas ang pinto at umalingawngaw ang mga salitang...

"Nandito na po ako, Ma, Pa. May kasama po ako, si Jason boyfr-- ay, bisita pala." Awkward siya tumawa sa likod ko. Tinignan lang siya ni Mama at Papa.

Ayokong isipin na siya ang kasama ni Marie. Pero hindi ko maiwasan ang pag-aalala ng marinig ko ang boses niya.

"Marj, ikaw ba 'yan?" Tanong niya.

"Maupo kayo." Sabi ni Papa kaya mas lalo akong kinabahan.

Napapikit ako ng mata ng maramdaman kong nakaharap siya sa akin.

"Ikaw nga." Bulong niya.

Nagmulat ako ng mata at tinignan silang apat, nakatingin sila sakin.

"Ah, Marj, si Marie pala, kakambal mo."

And dang! Nalaman ko sing ang katotohanan. Ngumiti na lang ako kay Marie at siya ngumiti din pabalik. Akala ko iba ang pakikitungo niya sa akin pero nagkamali ako. Mabait naman pala.

"Hi." Sabi niya.

Lumapit siya sa akin at tumabi sa kinauupuan ko. Napapitlag ako ng humalik siya sa pisngi ko.

"Masanay ka na sa akin. Ganito lang talaga ako kapag nakakilala ng mga bagong tao sa buhay ko."

Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya. Parang ayaw kong magsalita. Naging awkward lang dahil nandito din siya, na ngayo'y boyfriend na ni Marie. Seriously? Anong ginawa niyang kalokohan para mapasagot ang isang tao sa madaling salita niya? Oo galit pa rin ako pero ayoko lang ipakita sa kanila kasi baka mag-iba na naman ang tadhana namin.

"Ano 'yong naputol mong sinabi kanina, Marie? At sino siya?" Tanong ni Papa sa kapatid ko.

Tumingin din ako kay Jason pero napaiwas agad ng makita kong nakatingin din siya sa akin.

"Ah, si Jason po, boyfriend ko." Diretsong sagot niya kay Papa.

"Anong boyfriend-boyfriend ka dyan? Hindi pa pwede!" Sigaw ni Papa kaya napapitlag ako.

"Papa naman..."

Tinanguan ko si Jason na umalis na pero parang hindi pa niya na gets kaya tinext ko siya kahit magkaharap kami.

'Umuwi ka na.'

Tumango din siya at tumayo.

"Ah, mauna na po ako."

"Aalis ka na?"

Natawa si Mama sa reaksyon ni Marie. Parang kasing bata na ayaw magpaalis ng kalaro.

"May gagawin pa kasi ako sa bahay eh. Babalik na lang ako sa susunod."

"Huwag ka nang bumalik. Hindi ka welcome dito."

Hindi na sumagot si Jason. Lumabas na lang siya ng bahay. Maya-maya nakatanggap ako ng text galing sa kanya.

'Hihintayin kita sa kabilang kanto.'

Hindi na ako nag-reply. Pero kaming apat, tahimik pa rin. Gusto kong malaman ang lahat, 'yong mga araw na wala sila sa tabi ko pero sila namuhay ng masaya na wala ako sa poder nila. Ang saklap ng buhay ko.

"Sabihin niyo nga po sa akin ang lahat? Ipaliwanag niyo sa akin kung bakit kayo buhay dahil sa pagkakaalam ko namatay kayo at nakita ko pang nilibing kayo. Tapos makikilala ko ang kakambal ko? Anong klaseng pagsisinungaling 'tong ginawa niyo sa akin?"

Pinigilan kong huwag umiyak sa harap nila. Malaki na ko. Ang gusto ko lang malaman ang katotohanan.

"Okay, I'll explain it to you. Pero mag-promise ka na huwag kang magtamin ng sama ng loob sa amin kapag nalaman mo na."

Tumango ako kay Papa bilang sagot. Hinawakan ako ni Marie sa kamay at marahang pinisil iyon.

"Magiging okay din ang lahat." Bulong niya sa akin.

Nagsimula ng magsalita si Papa kaya nakinig ako sa kanya.

"Pumunta kami sa bakasyon noon, hindi ka kasama kasi ang sabi namin para lang sa amin ng Mama mo 'yon, pero hindi. Kasama namin si Marie."

Sa huling salita niya nakaramdam ako ng selos.

"Pumunta kami sa Baguio, nagpakasaya at walang ibang ginawa kundi ang mamasyal, kumain kung saan, bumili ng kung ano, pero hindi ibig sabihin noon na naging pabaya kami sayo dahil iniwan ka namin ng mag-isa sa bahay mo.

"Pauwi na kami noon sakay sa isang bus. Nagkataong may mga bampirang nakasakay dun, pinapili nila ang driver kung ano ang gusto niya. Kunin ang mga materyal na bagay ng mga pasahero o papatayin kaming lahat. Hindi sumagot ang driver kaya bago pa man nila gawin 'yon pinahulog na ng driver ang bus sa bangin. Patay ang mga bampira dun pati ang ibang mga pasahero. Pero si Marie nabuhay. Nakita niya daw ang isang bampira na hindi pa gaanong patay kaya pinainom niya 'yon ng dugo ng isang pasaherong patay na. Humingi siya ng kahilingan na buhayin kami ng Mama mo pagkatapos kaming ilibing. Ipapakita lang sayong patay kami para maniwala ka. Oo mali ang ginawa namin pero wala na kaming nagawa dahil sa kapalit na kahilingan ng bampirang 'yon kay Marie."

Bumuntong hininga si Papa bago pinagpatuloy ang pagsasalita.

"At 'yong kapalit nun ay ang maging katulad namin sila, maging bampira. Ayaw naman naming iwanan lang kayo ni Marie kaya pumayag kami."

"Pero huwag kang mag-alala, hindi bampira ang kapatid mo." Si Mama.

"At dahil nandito ka na ulit, pwede bang magpakasaya ulit tayo bilang isang pamilya? Huwag mong isiping bampira kami dahil hindi namin pinapakita iyon sa ibang tao kahit malalapit o pamilya natin. Wala naman din silang pakialam sa atin noon pa man.

Tumango din si Marie bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Mama at Papa. Wala na akong nagawa kundi ang tumango din. Wala na din akong sasabihin kaya tahimik lang ako.

So, lahat na lang ba ng mga malalapit sa akin bampira? Ayos ah.

This is so hella d.amn family of mine. Hindi ako makapaniwala na pati sila bampira. At ang tanong, magiging masaya na ba ulit ako sa piling ng totoo kong pamilya? O iiyak at iiyak na naman akong wala sa oras?