webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · perkotaan
Peringkat tidak cukup
131 Chs

C-73: THE ENGAGEMENT

Isang sopresa ang inihanda ni Liandro para sa kanya, isang sopresa na hindi n'ya alam kung dapat ba niyang ikatuwa o ikabahala?

Subalit narito na ang lahat, kung paano nila ito nagawang ihanda? Hindi man lang niya nahalata o di kaya ay napaghandaan.

Sira ka ba, sopresa nga hindi ba? Bulyaw pa niya sa sariling isip.

Pagbaba kasi nila ng sasakyan iginiya at inalalayan na s'ya ni Joseph at sabay-sabay na silang naglakad.

Ngunit laking pagtataka niya nang akayin s'ya nito patungo sa ibang direksyon.

Dahil sinusundan lang nito ang paglakad ng kanilang Papa Liandro kaya naman lalo s'yang naguluhan. Tuloy tuloy lang ang lakad nito sa tiyak na direksyon.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang umaalalay sa kanya at bakas rin sa mukha niya ang pagtataka. Marahil napansin ito ni Joseph kaya pinisil nito ang kanyang kamay.

"Relax sweetheart!" Sabi nito ng nakangiti, tila ba sa pakiramdam n'ya may ipinahihiwatig ang ngiti nito?

Ngunit bakit ba nakakaramdam s'ya ng kaba?

Imbes na makaramdam ng excitement. Bakit parang ang pakiramdam pa n'ya malapit na s'yang sintensyahan sa mga nagawang kasalanan.

Ano ba itong iniisip n'ya tila napapraning na naman yata s'ya? Dagli niyang pinalis ito sa kanyang isip at inirelax ang sarili.

Tama dapat s'yang magrelax kaya saglit na huminga s'ya ng malalim. Kasabay ng kanyang paghinga, nakarinig s'ya ng mga munting ingay na nagmumula sa di kalayuan.

Lumagpas na kasi sila sa Garden patungo na sila ngayon sa kabila ng swimming pool at garahe.

Nang lagpasan nila pati ito ay parang nahuhulaan na niya kung saan sila patutungo? Naisip niya ang lugar kung saan idinaraos ang party o social gathering ng pamilya kapag narito sa bahay. 

Ito kasi ang Ancestral home ng pamilya Alquiza may maluwang na bahagi dito na kanugnog ng lumang bahay ng angkan.

Dahil karugtong rin ito ng bahay ni Liandro kaya ito na ang laging nagmementina nito.

Habang palapit sila ng palapit sa lugar, tila lumalakas din ang kanyang kaba at hindi nga s'ya nagkamali. Dahil isang surprise party ang bumulaga sa kanya.

Pagbungad nila naroon na ang lahat, sabay-sabay ang mga itong nagsitayuan na tila inaabangan na talaga ang kanilang pagdating.

Saglit s'yang namangha at natigilan.

Namalayan na lang niya ang malakas na palakpak at hiyawan ng lahat.

And in one word their all said...

"CONGRATULATION!"

Kagaya rin ng nakalagay sa isang malaking banner sa gitna ng quadrangle mula sa malalaking letra...

HAPPY GRADUATION DAY AND CONGRATULATION... CHEF MARY ANGELINE "ANGELA" ALQUIZA.

Ngunit sa kabila nito at sa haba ng pangalan na nakasulat dito. Naging palaisipan sa kanya kung alin ba sa mga letra nito ang may pagkakatulad sa tunay niyang pangalan?

Kaya naman nanatiling hungkag pa rin ang kanyang pakiramdam.

Pero masaya pa rin naman s'ya bilang si Angela.

Magkakahalo rin ang emosyon na kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.

Hindi na rin niya napigilan pa ang pagpatak ng butil ng mga luha mula sa kanyang mga mata.

Hindi lang niya alam kung ito ba ay dahil sa kagalakan o labis na pag-aalala? Pag-aalala sa lahat sa maraming bagay.

Kasama na dito ang takot na baka hindi n'ya magawa ang expectation ng lahat sa kanya.

Ngunit na-appreciated pa rin n'ya ang effort ng mga ito upang pasayahin siya. Ramdam niya kung gaano s'ya kahalaga o siya bilang si Angeline.

Lalo na nang sunod-sunod na nagsilapit ang mga ito upang siya ay batiin.

Nanatili namang hawak pa rin ni Joseph ang kanyang mga kamay at patuloy rin na umaalalay sa kanya.

Napansin din n'ya nitong mga huling araw parang nagiging clingy ito sa kanya at malambing.

Dahil sa naging pag-uusap nila ni Liandro hindi n'ya ito magawang sawayin.

Lalo na at napansin din n'ya na laging nagmamasid si Liandro sa kanila. Kaya ayaw man n'yang itolerate ang ganitong sistema wala s'yang magawa.

Dahil hindi n'ya gustong saktan ito at mapahiya at lalong hindi niya gustong suwayin ang pakiusap ng kanilang Papa.

Ano ba ang gagawin niya? Wala sa tabi niya si Joaquin upang maging lakas niya...

"Hey, bakit ang tahimik mo yata hindi ka ba natutuwa?" Bulong sa kanya ni Joseph ng mapansin nito na kanina pa s'ya natitigilan.

Bahagya pa s'yang hinila nito palayo sa karamihan. Habang ang lahat ay nagsibalik naman sa kanya-kanyang ginagawa.

"S'yempre natutuwa hindi lang siguro ako makapaniwa at sa sobrang tuwa wala akong masabi. Hindi ko maisip kung ano ba ang tamang sabihin? Sinopresa n'yo kasi ako, salamat!' Umiiyak niyang saad at puno rin ng pasasalamat.

Napayuko pa siya sa harap nito niyakap naman s'ya nito habang nakayuko at nakatukod ang ulo niya sa dibdib nito.

Kasunod ang paghalik ng binata sa kanyang noo. Saglit pa s'yang napapikit at bigla ring pumuno sa kanyang isip ang imahe ni Joaquin at ang nagawa niyang kataksilan sa sandaling iyon.

Habang alam niyang nakikita at pinagmamasdan sila ng lahat...

What a beautiful scenery of a perfect couple that you ever seen by that time.

Siguro kung wala lang s'yang ibang minamahal. Maaaring napaka-swerte n'ya sa lalaking ito. Pero paano pa niya tuturuan ang puso na ito ang mahalin?

Kung may iba nang itinitibok ang puso niya ngayon.

Kung hindi siguro n'ya nakilala si Joaquin at hindi ito dumating sa buhay niya wala na s'yang ibang mamahalin pa kun'di ito lang...

Ngunit sino ba talaga ang pipiliin niya? Tanong ng naguguluhan pa rin niyang isip.

Handa ba ulit s'yang sumugal kahit alam niyang masasaktan niya lang ito at hindi n'ya ito magagawang paligayahin kahit kailan?

Muli niyang itinaas ang kanyang mukha upang pagmasdan ito, nakipagtitigan naman ito sa kanya. Hindi na niya alintana ang patuloy na pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

Kung sa paningin ng iba ay luha ito ng kaligayahan ng dalawang taong nagmamahalan. Para sa kanya luha ito ng kabiguan at katapusan ng kanyang pag-ibig.

Lingid sa kanyang kaalaman sa kanila na naka-focus ang tingin ng magpinsang Joshua at Arvin. Habang hawak ng mga ito ang camera.

Dahil maski na ang pagkislap ng camera na nakatutok sa kanila ay hindi na niya napansin. At ang pagkakaisa ng mga magpipinsan na kuhanan sila ng video.

Sobrang abala kasi ang isip niya kung paano n'ya haharapin si Joaquin sa sandaling malaman nito ang kanyang karuwagan.

Dahil hindi man lang niya magawang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Paano niya ipagmamalaki na marunong s'yang magmahal kung hindi naman niya ito kayang patunayan sa lahat.

Ang sakit sakit na nang kanyang pakiramdam, gusto na n'yang kabugin ang kanyang dibdib at sampalin ang sarili n'yang mukha pero hindi niya magawa.

"Wait dito ka lang ha' I have another surprise for you! And please stay where you are? Okay!" Biglang paalam ni Joseph sa kanya na hindi na inusisa ng isip kung bakit at saan ba ito pupunta?

Tango na lang ang kanyang naisagot parang gusto na lang n'yang sumabay sa agos at magpatangay kung saan man ito patutungo?

Nakikita n'ya si Joseph ng lumakad ito palapit sa mga tumutugtog. Nakita rin n'ya na kumuha ito ng microphone.

Subalit nakikita man niya ang lahat ng ginagawa nito, ngunit hindi naman maprocess ng utak niya kung ano ang kahulugan niyon.

Nanatiling blanko ang kanyang isip at hindi maintindihan ang nangyayari.

Kaya nagulat pa s'ya ng marinig ang boses ng binata na malakas na nagsasalita sa mike at nang bigla na lang magpalakpakan ang lahat.

Naramdaman rin n'ya ang paglapit at biglang paghawak ni Dorin sa kanyang kamay. Dahilan upang muling magising ang kanyang diwa.

Saglit s'yang napalingon dito.

"Hay, sa wakas nagkaroon din ako ng pagkakataong makalapit sa'yo. Grabe mukhang ayaw ka n'ya talagang pakawalan."

Ngunit hindi na niya ito nagawang sagutin. Dahil pareho na silang naagaw ang atensyon sa mga sinasabi ni Joseph.

"Ladies and Gentlemen may I have your attention please, I just want you to know that I have an announcement to make it tonight. This is for us and most especially to the one I love..."

Malalakas na kantiyaw at sigaw ang maririnig sa paligid at sa pangunguna na rin ng mga nagkatuwaang mga pinsan ng binata. Muli sinundan ng video cam ang ginagawa ni Joseph.

"Brace yourself darling... Mukhang may parating na bagyo!" Biglang bulong ni Dorin sa kanya.

Saglit niya itong nilingon, nakita niya ang simpatya sa mga mata nito at ang pag-iling na may kasamang lungkot.

Dahil kung meron mang nakakaalam ng tunay niyang nararamdaman sa mga oras na ito ay walang iba kun'di ito lang...

Gusto sana niya itong yakapin at umiyak sa balikat nito ngunit pinigilan muna niya ang kanyang sarili at muling nakinig...

"And I just want to take this opportunity to said to all of you. Matagal ko rin itong pinag-isipan at isang pagpapasya ang aking naging desisyon."

Saglit itong huminga habang natahimik naman ang lahat at hinihintay ang susunod nitong sasabihin.

"Sa tingin ko kailangan ko nang tapusin ang pagiging binata. Upang bigyan naman ng panahon ang aking sarili at ang babaing napaka-espesyal sa aking puso. Ang babaing gusto ko ring makasama habang ako ay nabubuhay."

Lalo namang lumakas ang konotasyon at sigawan ng mga naroroon.

Mabilis itong naproseso ng kanyang utak. Bigla tuloy niyang naitanong sa sarili...

A-anong ibig n'yang sabihin? Bigla ring lumakas ang kanyang kaba. Tila ba nagpapahiwatig ito ng hindi magandang bagay.  

"Mary Angeline Alquiza..." Ang sumunod na sigaw nito.

Saglit muna itong dumukot sa bulsa at mabilis na lumapit sa kanya na hindi nawawala ang ngiti sa labi.

Naramdaman niyang biglang napalayo si Dorin at bumitaw sa pagkakahawak sa kanyang kamay upang bigyang daan ang paglapit ni Joseph.

Pakiramdam tuloy niya nawalan s'ya ng kakampi at ng p'wedeng makapitan sa sandaling iyon.

Hanggang sa namalayan na lang n'ya na nasa harapan na niya ang binata.

Nakaluhod na ang kaliwang tuhod nito at nakataas naman ang kanan. Sabay hawak nito sa kanyang kamay.

Habang hawak rin nito sa isa pang kamay ang nakabukas na maliit na kahita na may lamang sing-sing at walang paligoy-ligoy rin itong nagsalita...

"WILL YOU MARRY ME?"

Apat na salita, isang tanong at isa lang din ang dapat n'yang isagot.

Ngunit tila bumingi sa kanyang pandinig.

Bigla s'yang natigilan at hindi alam ang gagawin at tila nakagat rin n'ya ang kanyang dila.

Gulong gulo ang kanyang isip at sa una'y tila nais pa n'yang tumakbo, lumayo o di kaya ay magtago.  

Subalit paano ba n'ya iyon gagawin o magagawa?

Napapaligiran sila ng lahat, saglit pa s'yang lumingon sa paligid. Hindi man lang niya namalayan na halos nakapaikot na pala sa kanila ang lahat ng naroroon at naghihintay ng kanyang sagot.

Hindi na nga s'ya makahinga dahil sa sobrang lapit ng mga ito sa kanila at sa malakas at iisang isinisigaw ng lahat...

"Say yes, yes!" Sigaw ng lahat habang patuloy sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata.

Halos ma-suffocate na nga s'ya sa paligid at sa nakabibinging sigaw ng lahat.

Hanggang sa mapadako ang tingin niya sa gawi ni Liandro. Isang tango ang ibinigay nito sa kanya na tila ba nagsasabi at nangungumbinsi sa kanya sa dapat niyang isagot.

Saglit s'yang pumikit upang pilit ikalma ang sarili at pigilan ang nag-uumapaw na emosyon.

"Yes..." Bahagya na lang itong lumabas sa kanyang bibig.

"Yes...? Ibig bang sabihin nu'n pumapayag ka na talaga?" Ulit at tuwang tanong pa nito at muli rin s'ya nitong niyakap.

Bahagya naman s'yang tumango at pinilit na ngumiti.

"Ayaw yata Ate Angel bawiin mo nga!" Katyaw ng pinsan nitong si Joshua saka sabay-sabay na nagtawanan ang magpipinsan.

Habang pigil pa rin niya ang totoong emosyon. Dahilan upang lalo pang bumalong ang luha sa kanyang mga mata. Iniyuko na lang niya ang ulo sa balikat ng binata.

Upang kahit paano maitago niya ang mukha at humugot ng lakas dito. Maaaring sa paningin ng iba luha ito ng kaligayahan at puno ng pagmamahal.

But no one know, if what is the truly meaning behind this tears? And that tears in every flow's deliver in to helpless pain.

Bigla na lang nagflashback sa kanyang isip ang imahe ni Joaquin habang nasasaktan at nasusuklam sa kanya.

Gustong panginigan ang kanyang mga tuhod sa isiping iyon.

Gusto na rin n'yang bumigay at wala s'yang p'wedeng kapitan kun'di si Joseph na nasa harapan niya ngayon.

Hinigpitan pa niya ang yakap sa binata upang mapanatili lang ang kanyang sarili na nakatayo.

Dahil baka hindi na niya kayanin pa ang tumagal. Ngunit ayaw rin niyang ipahiya ang binata at higit ang kanilang Papa.

Hindi kakayanin ng konsensya niya ang pang-uusig nito. Kapag nagkamali s'ya ng pasya at hindi rin n'ya gustong saktan si Joseph sa harap ng maraming tao.

Lalo na sa harap ng mga pinsan nito na alam n'yang mataas ang pagtingin ng mga ito sa pinsan.

Kaya hindi niya nais gumawa ng eksena na maglalagay dito sa nakahihiyang sitwasyon.

After all they have done to her and stay here in their possession.

Pangako niya sa kanyang sarili na hinding-hindi s'ya gagawa ng mga bagay na ikasisira ng pamilyang ito.

Bilang pagtanaw ng utang na loob hindi s'ya sisira sa kanyang pangako or else kailangan na n'yang iwanan ang lahat...  

Bagay na hindi pa niya kayang gawin sa ngayon kaya kailangan niyang tiisin ang lahat at patuloy na magpanggap kahit pa sobra na s'yang nasasaktan.

Ano ba ang dapat n'yang gawin, gulong gulo na ang isip n'ya at pakiramdam niya wala na s'yang pagpipilian kun'di ang sumabay na lang sa agos at kung saan man ito huminto o magpatuloy?

BAHALA NA!

__

Nagpatuloy lang ang Party na nanatiling hungkag ang kanyang pakiramdam. Ang tanging nais na lang n'ya hilahin na ang oras para matapos na lang ang lahat at para maaari na s'yang magpahinga.

Dahil sa totoo lang nahihirapan na naman s'yang magpanggap na okay lang at maayos ang lahat.

Sa huli natapos din ang Party. Ang surprised party na nauwi sa Engagement Party.

Hanggang isa-isa na ring nagpaalam ang lahat.

Hindi na rin sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap pa ni Dorin.

Dahil nauna na itong nagpaalam pagkatapos ng announcement ni Joseph. Malaki na rin kasi ang tiyan nito at hindi na p'wedeng magpuyat.

Pero nangako naman ito na dadalawin siya sa mga susunod na araw.

Nawala na rin si Joseph sa tabi niya saglit itong nagpaalam kanina. Ngunit hindi na yata bumalik kung tuluyan na itong nagpahinga o kung saan nagpunta hindi na niya alam.

Pero mabuti na rin at hindi na s'ya mahihirapang iwasan ito at makakapagpahinga na talaga s'ya.

Nagpaalam na rin kasi ang kanilang Papa na magpapahinga na rin at ang mga kaanak nila. Ang iba nagpaalam na babalik na rin agad ng Manila.

Ang iba naman ay sa Ancestral house tumuloy at nagpapahinga na rin.

Ibinilin na lang n'ya kay Nanay Sol at sa iba pang kasambahay ang pagliligpit ng ibang mga gamit. Dahil ang catering service naman ang bahala sa iba pa.

Pagod ang isip at katawan nang s'ya ay nagpaalam sa mga ito. Dahil talagang nais na niyang magpahinga.

Tuloy tuloy s'yang naglakad patungo sa bahay. Ngunit bago pa s'ya makapasok sa kabahayan.

Biglang may nagsalita sa isang tabi, nakasandal ito sa malaking poste sa harap ng bahay. Habang magkasalikop ang mga braso sa harap ng dibdib...

Nagulat na lang s'ya ng bigla itong magsalita.

"Ibang klase ka talaga ang galing mong magpanggap."

Tiningnan n'ya ito at pagkatapos huminga ng malalim saka niya ito nilagpasan. Ayaw na niya ng argumento pagod na s'ya gusto na niya ng pahinga.

"Kung talagang hindi mo s'ya gusto, bakit hindi ka na lang maging totoo sa sarili mo?"

Bigla s'yang napahinto at lumingon sa gawi nito. Dahil ngayon n'ya lang napagtuunan ng pansin.

Bukod sa ipinakikitang ugali nito ngayon, napansin din n'ya ang pagkakahawig ng boses nito kay Mandy.

Ang babaing iyon matapos ang insidenteng nangyari sa kanila sa Resort hindi na ito nagpakita pa.

"P'wede ba Maru' wala na akong panahon na makipag-talo pa sa'yo. Kung hindi ka pa pagud ako pagod na! Wala kang alam at wala ka ring pakialam sa buhay ko. Tulad rin ng wala kang kinalalaman sa pamilyang ito. Kaya p'wede ba? Kung wala kang sasabihing maganda tumahimik ka na lang..." Malakas niyang bulyaw dito saka siya muling tumalikod.

Ngunit...

"Tama ka... Pareho lang naman tayong walang kinalalaman sa pamilyang ito, kaya wala ka ring karapatan na saktan silang lahat!" May diin ang bawat salitang saad nito.

Dahilan upang muli s'yang mapalingon. Daig pa niya ang sinampal dahil sa sinabi nito.

Ano nga ba ang karapatan niyang sabihan ito ng maanghang na salita.

Gayung totoo namang pareho lang sila, ano nga ba ang pagkakaiba nila?

WALA!

Kaya wala rin s'yang karapatan na mag-assumed na kabilang s'ya sa pamilya.

Dahil isang kasinungalingan lang naman ang lahat.

Bigla tuloy n'yang nasigawan ang sariling isip...

"HUWAG KANG ASSUMERA DAHIL HINDI IKAW ANG TUNAY NA ANGELINE ALQUIZA AT HINDI RIN IKAW SI ANGELA!"

Ang naghuhumiyaw na katotohanan sa isip niya ng mga sandaling iyon...

*****

By: LadyGem25

Hello guys,

Kumusta na... Sana nagustuhan n'yo ulit ang ating updated.

Hanggang sa susunod na Chapters!

Don't forget to...

VOTES, COMMENTS AND GIVE SOME REVIEWS AND PLS. RATES MY STORY GUYS!!

BE SAFE AND GOD BLESS SA ATING LAHAT...

MG'25 (10-10-20)

LadyGem25creators' thoughts