webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · perkotaan
Peringkat tidak cukup
131 Chs

C-110: THE SECRET CONFESSION (Part 2)

Huminga muna si Dustin ng malalim at nag-alis ng bara sa lalamunan.

Bago pa nito nagawang ipagpatuloy ang nais nitong sabihin. Magkaharap pa rin sila Dustin at Joaquin at seryosong nag-uusap.

Alam ni Dustin na maaaring ikagalit ni Joaquin ang mga bagay na ipagtatapat niya dito.

Ngunit kagaya ng nasabi na niya hindi niya pinagsisihan ang lahat ng kanyang ginawa. Pananagutan niya ang lahat ngunit hindi niya ito kailanman pagsisisihan.

Kaya dapat niyang tatagan ang sarili upang harapin ang galit nito.

"Dahil ano?!

'Anong dahilan mo para manipulahin ang lahat at gumawa ng desisyon para sa aming dalawa!

'ANO?!" Malakas niyang sigaw.

"Dahil buntis siya noon!"

"A-anong ibig mong sabihin..." Hinatak niya ang kuwelyo ng polo nito at dumukwang. Pigil pigil naman nito ang kanyang kamay.

"Tumigil ka, bitiwan mo ko!"

"Hayup ka Torres! Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin ang lahat nang ito, walanghiya ka?!

'Kung ganu'n sa akin siya at hindi mo siya Anak?!" Bigla naisip ang sinaryo sa batang iniisip niyang Anak ni Dust kay Angela.

"Buwisit!"

Nanlulumo niyang saad ngunit gusto rin niyang lumundag sa tuwa. Halo-halo ang emosyon na kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.

Ngunit kasabay rin nito ang panghihinayang sa mga panahon na nasayang sa pagitan nila ni Angela at ng kanilang Anak.

Dahil doon tumitindi ang galit na halos gusto na niyang maiyak sa galit.

Inalisan siya nito ng karapatang maging Ama. Kaya naman hindi na siya nakapagtimpi pa...

Binigwasan niya ito sa panga bago pa niya ito binitiwan.

Tumama ito sa divider na naging sanhi ng pagkalabog. Naalarma sila Russell at Anton biglang lapit ang mga ito sa kanila.

"BOSS!" Sabay pang pagtawag ng mga ito sa kanilang dalawa.

Sinenyasan lang ito ni Dustin na pabayaan sila, pinilit rin niya ang sarili na tumayo na agad at saglit na pinahiran ng kamay ang dumugong labi.

Napilitan na rin ang dalawa na iwanan na sila at bumalik na lang ang mga ito sa dating pwesto.

__

"Magalit ka na sa'kin hangga't gusto mo pero hindi ko pa rin babaguhin at pagsisisihan ang ginawa ko.

'Kahit ano pa ang sabihin mo iyon pa rin ang gagawin ko.

'Kung talagang mahal mo si Amanda hindi ka dapat tumigil sa paghahanap sa kanya.

'Hindi ka dapat agad sumuko at kung alam mo naman pala kung nasaan kami. Bakit hindi mo kami sinundan?

'Dapat nagpakitang gilas ka man lang... 

'Pero anong ginawa mo naniwala ka lang sa kasinungalingang alam mo!

'Kaya kasalanan mo rin kung bakit nawala sa iyo ang mga panahong iyon. Huwag mong ibunton lang sa'kin ang sisi!

'Dahil lalaki ka naman hindi ba? Ginawa ko lang naman 'yung alam kong tama at ang parte ko bilang kapatid.

'Ang tiyaking ligtas at maayos ang kalagayan ng kapatid ko, iyon lang ang priority ko.

'Hindi ko na obligasyon pa na i-develop ang pag-iibigan n'yo. Dahil hindi rin naman ako si Mr. Kupido! Hindi ba ikaw ang may obligasyon nu'n bilang lalaki at dapat mo ring pinatutunayan." Mahabang paliwanag ni Dustin.

"Alam ko kung ano ang mga obligasyon ko, kaya hindi n'yo pa rin dapat itinago sa'kin.

'Dahil karapatan ko rin 'yung malaman, gaya ng karapatan ko bilang Ama!" Humihingal na siya sa galit pero pilit pa rin niyang pinipigilan ang sarili.

"Sige nga, paano mo sila maalagaan kung kailangang ibigay mo rin ang atensyon mo kay Liscel?

'Naisip mo man lang ba, buntis ang kapatid ko sa kambal at alalahanin mo rin na kagagaling lang niya sa sakit.

"Kambal?!" Bulong niya, ngunit nagpatuloy lang ito.

"May ideya ka man lang ba kung ano ang pinagdadaanan niya ng mga panahong iyon?

'Magulo ang isip niya noon dahil sa sunod-sunod na rebelasyon na pumuno sa utak niya.

'Panandalian ka niyang iniwan dahil alam niyang magulo ang buhay na pinanggalingan niya. Ayaw ka niyang madamay pati ang Anak at pamilya mo!

'Gusto niyang tiyaking magiging maayos ang lahat sa kanya bago ka niya balikan.

'Gustong gusto niyang balikan ang lahat ng mga nawala sa kanya. Hindi kasi niya alam na wala na talaga siyang babalikan.

'Gustong gusto ko siyang pigilan pero wala akong magawa. Gusto ko ring sabihin sa kanya ang totoo at ang lahat ng alam ko.

'Ngunit paano? Hindi pa rin niya ako naalala kahit na bumalik na ang alaala niya, hindi pa rin niya ako kilala.

'Alam mo ba 'yung pakiramdam na gustong gusto mo siyang yakapin at sabihin sa kanya na masaya ka dahil magaling na siya?

'Pero hindi mo magawa at kailangan mong magpanggap na iba at magpakabait para lang yakapin ka niya. Dahil kailangan mong ibigay sa kanya ang isang bagay na kahit hindi mo pa gusto wala kang magawa!

'Dahil iyon lang ang isang bagay na hiniling niya sa'yo makalipas ang mga taon na hindi mo siya kasama.

'Wala siyang gustong gawin noon kun'di ang balikan ang kaniyang nakaraan. Ang buuin muli ang kanyang sarili at alalahanin ang mga alaalang nawala sa kanya noon.

'Kasama na doon ang kanyang pamilya. Dahil hindi rin niya alam na matagal nang wala si Tita Anna at si Amara ay narito na rin sa Manila.

'At nang malaman niya ang tungkol doon, hinangad niyang gumanti sa taong iyon.

'Pero hindi rin naman siya nagtagumpay at inilagay lang niya ang sarili niya sa panganib.

'Mabuti na lang nandoon si Gavin ng oras na iyon. Hindi ko alam na magkakaroon siya ng lakas ng loob na gawin iyon.

'Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa kanya.

'Kung alam ko lang sana hindi ko na siya hinayaang bumalik. Sana ikinadena ko na lang siya kahit naging masama pa ang tingin niya sa akin. Huwag lang siyang mapahamak!

'Pagkatapos nu'n nalaman ko pa na buntis siya! Kaya ginawa ko ang lahat para muli siyang ibalik dito.

'Galit na galit din ako sa iyo noon baka nga kung magkaharap tayo napilipit ko na ang leeg mo!

'Pagkatapos pagbalik niya dito iba na ang kasama mo. Ngayon mo sabihin at itanong sa sarili mo kung bakit ka niya iniwan?!"

Pabulyaw na tanong nito.

"Bakit ba hindi mo na lang sinabi kay Amara na may sakit ang Ate niya noong nalaman mo ang tungkol doon?

'Hindi na sana sila nagkaroon pa ng sama ng loob sa isa't-isa at nagkasakitan pa. Baka hindi na rin siya bumalik pa doon at umabot pa sa ganito ang lahat."

"Mula ng umalis ako ng Santa Barbara nawalan na rin ako ng kominikasyon at balita kay Amara.

'Hindi na kami nagkita pa at hindi rin ako maaaring lumapit sa kanya noon. Dahil pareho lang kaming mapapahamak, hindi alam ni Anselmo na buhay pa ako.

'Ang huling alam ko lang nasa pangangalaga siya ni Anselmo noon. Hindi ko alam kung paano niya natakasan ang taong iyon.

'Pero alam kong matapang at matalino si Amara at kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.

'Nitong huli ko na lang din nalaman na magkasama na pala sila ni Amanda. 

'Naging abala na rin kasi ako noon sa paghahanap kay Amanda sa pag-aaral ko at pagsisikap sa aking sarili.

'Hindi ko natagpuan si Amanda sa address na ibinigay nila sa akin na tinuluyan nito dito sa Manila.

'Naisip ko baka natagpuan na niya ang pamilya ni Tito Darius.

'Hanggang isang araw nakita ko siya sa isang mall kasama ng pamilya mo pero hindi niya ako nakilala.

'Ang akala ko kaya hindi niya ako nakilala. Dahil sa matagal na rin kaming hindi nagkita o baka malaki na rin ang ipinagbago namin pareho kaya binalewala ko lang 'yun.

'Nakita ko rin kung gaano siya kasaya kasama ng pamilya mo lalo na nang Anak mo. Sabi ko siguro kailangan ko munang magsikap at magtagumpay.

'Para magawa ko ring i-provide ang mga kailangan niya at ang mga bagay na kaya n'yong ibigay sa kanya. Para maging masaya rin siya kapag magkasama na kami. Responsibilidad ko siya bukod kay Amara ako na lang ang pamilya niya.

'Kapag nakita na ni Amara ang pamilya ni Tito Darius kami na lang dalawa. Lalo na alam na nila ang totoo at baka hindi rin nila matanggap si Amanda?

'Kaya ipinangako ko sa sarili ko na kapag kaya ko na, babawiin ko rin siya sa inyo.

'Mula noon naging masaya na lang ako na kahit paano naman nababantayan ko pa rin siya kahit na hindi kami magkasama.

'Noong malaman ko na may sakit pala siya papunta na siya ng Italy para doon mag-OJT.

'Tamang tama naman na kinailangan ko ring bumiyahe papuntang New Zealand. Kaya panatag ang loob ko na wala siya dito sa Pilipinas at nakabalik na ako bago pa siya bumalik ulit.

'Pero hindi iyon ang nangyari hindi ako nakabalik agad. May inasikaso pa kasi ako na hindi ko maiwan.

'Hindi ko alam kung nagkataon lang pero maraming nangyari isa na doon na kinailangan ko ring protektahan ang asawa ko si Angellie.

'Kinailangan ko siyang pakasalan agad. Inisip ko na lang na nasa pangangalaga n'yo naman siya at alam ko na hindi n'yo naman siya pababayaan.

'Pero nangyari pa rin iyon...."

"A-anong ibig mong sabihin?" Muling tanong ni Joaquin.

"Alam mo ba kung bakit may humahabol sa inyo noon? Hindi 'yun bunga ng isang carnapping at sino naman ang mag-iinteres sa bulok mo nang kotse?"

"Buwisit ka! Bakit hindi mo na lang ituloy ang sasabihin mo?"

"Mga tauhan sila ni Anselmo at ang habol nila ay si Amanda. Dahil nu'ng  araw na iyon iniutos ni Anselmo na ipa-patay siya, naiintindihan mo ba?!"

/

"Paano niya magagawa 'yun sa sarili niyang Anak?" Gulat at hindi makapaniwala niyang tanong.

"Dahil ang pagkakaalam niya si Amara ay si Amanda! Kaya si Amanda ang hinahanting niya dahil na rin sa kagagawan ni Amara."

"Anong ibig mong sabihin, alam kong nagpanggap si Amara bilang Amanda. Pero ang hindi ko maintindihan bakit kailangan niyang habulin si Amara?"

"Dahil naniniwala si Anselmo na si Amara ang kumuha ng mga katibayan nasa kanya lang naman ang dokumento na nagpapatunay na sila lang ang tunay na tagapagmana ng mga ari-arian ng kanilang Angkan.

'Kapag nakuha 'yun ulit ni Anselmo maaari na niyang maisalin sa pangalan niya ang lahat ng mga pag-aari ng mga Ga-an."

"Dahil sa pera papatay siya ng tao?" Napapailing na lang niyang tanong.

"Hindi mo kilalà si Anselmo, lahat gagawin niya para sa pera at para mapanatili ang kanyang kapangyarihan.

'Dahil wala siyang kinatatakutan kahit pa ang batas at wala rin siyang kasing samà!"

Bigla na lang nagbago ang expression ng mukha ni Dust na nauwi sa matinding galit.

"Pero siya rin ang Ama mo hindi ba at hindi mo 'yun maitatanggi.

"Hindi! Kahit kailan hindi siya naging Ama sa'kin, wala siyang kwenta. Kaya wala rin siyang karapatang maging Ama sa amin ni Amanda!

'Kaya huwag mo na uuliting sasabihin sa'kin na siya ang Ama ko o kahit ni Amanda. Kung ayaw mong bangasin ko 'yang mukha mo!" Ito naman ang dumaklot sa harap ng kanyang damit.

"Hey relax, huwag mo nga akong idamay sa galit mo sa kanya." Pinalis niya agad ang kamay nito.  

"Huwag lang naman siyang magkakamaling galawin ulit si Angela. Dahil sinisiguro kong mananagot rin siya sa'kin!"

Mariing banta niya, ngayong alam na niya ang lahat hindi na siya papayag na mangyari ulit sa kanila ang nangyari noon.

"Mabuti naman kung ganu'n magkakasundo tayo diyan!"

"So, siguro naman sasabihin mo na sa'kin kung nasaan ang bahay ng Gavin na 'yan?! Para masundo ko na ang mag-iina ko." Makikita sa mukha niya ang matinding pananabik at antisipasyon.

Ngunit....

"Hindi!" Bigla na lang nakaisip ng kalokohan si Dustin.

"Eh' di hanapin mo! Ano ka sinusuwerte paghirapan mo muna ang  paghahanap sa kanila at saka para na rin dito." Turo pa nito sa nasaktang labi at saka ito ngumisi ng nakakaloko.

"Damn you, Torres!" Napatayo na siya sa sobrang inis.

Hindi na napigilan pa ni Dustin ang tumawa ng malakas ng dahil sa nakikitang itsura ni Joaquin.

Tuwang-tuwa itong makita siya sa pinaghalong prustrasyon at inis na halos malukot na ang kanyang mukha sa matinding pagngingitngit.

"Ano pa ang saysay ng pag-uusap na ito kung hindi mo naman pala sasabihin sa'kin gago ka!" Dahil sa inis pinagsisipa niya ang mga nakikitang gamit sa loob ng cubicle.

Hindi napatigil nito ang tuwa ni Dustin. Ngunit ng balingan na niya ang isa sa floor lamp doon ay bigla itong naalarma.

Ang floor lamp na gawa pa nang isang sikat na furniture designer.

"Gago ka ba limited edition lang 'yan babaliin ko talaga ang buto mo kapag nasira 'yan!" Banta nito.

"So what? Eh' di babayaran ko na lang pero sisirain ko muna!"

Handa na sana niya itong ihampas ngunit bigla siyang natigilan...

"Siraulo ka ba, si Angellie at Amanda ang pumili n'yan! Sige ka lagot ka sa'kin kapag nasira 'yan bwisit ka!" Napatigil naman siya sa narinig ngunit hindi pa rin niya ito binitiwan.

"Huwag mo na kasi siyang itago sa'kin Kuya mababaliw na ako sa kakaisip kung saan ko ba siya hahanapin?"

"Kuya, Gago! Hindi mo pa nga siya hinahanap eh'." Tila naman lumambot ang puso ni Dust ng tawagin niya itong Kuya.

"Okay ano ba talaga ang gusto mong gawin ko? Sige na sabihin mo na!" Saad niya sa mababa ng tono at may halo nang pakiusap.

Si Joaquin rin ang unang sumuko kay Dust at muling ibinalik ang lamp sa dati nitong pwesto. Hindi na niya maaari pang kalabanin si Dust ngayon.

Lalo na ngayong alam na niya, na kapatid pala ito ni Angela.

Nakakagulat pero masaya siya na nalaman niya ang totoo.

Ngayong alam na niya kung bakit ganu'n na lang ang pag-iingat nito kay Angela. Hindi naman pala siya dapat na magselos kay Dust.

Isa lang ang naiisip niyang may kasalanan ng lahat ng ito. Ang walanghiyang babaing iyon.

Sinungaling siya niloko niya ako ginawa niya akong tanga!

"Anong iniisip mo, gusto mo talagang magpa-good shot sa'kin no? Huwag kang mag-alala wala akong gusto kun'di ang mapabuti ang kapatid ko.

'Mangako ka lang at siguraduhing poprotektahan mo siya, wala tayong magiging problema.

'Isang bagay lang ang hihilingin ko hangga't maaari sana ilihim na lang muna natin sa kanya ang napag-usapan natin ngayon.

'Gusto ko sana narito si Amara at sabay na lang naming sasabihin sa kanya ang totoo.

'Dahil alam ko rin naman na dapat rin niyang malaman ang totoo. Para wala na rin kaming itinatago sa kanya.

'Sa ngayon dapat muna nating siguraduhin ang kaligtasan niya. Hangga't hindi namin nakikita si Anselmo sa kulungan hindi kami mapapanatag." Seryoso nang saad ni Dust.

"Kung may maitutulong ako sabihin mo lang sa akin. Handa akong gawin ang lahat para matulungan kayo."

"Salamat aasahan ko 'yan!"

"Sabihin mo lang....." Hindi na niya nagawang dugtungan ang sasabihin ng magsalita si Russell.

"Mabuti pa kumain muna kayo bago pa mag-init ng tuluyan ang ulo n'yo sa isa't-isa. Baka gutom lang 'yan!" Saad nito at inilapag sa lamesa ang isang plato na puno ng pagkain.

Tumawa naman si Anton na kasunod rin nito at dala ang pagkain naman ni Dustin.

Sabay pa silang nagbuntong hininga at nagkatinginan.

Tila ba tuluyan na ring nagiba ang dating matibay na pader sa pagitan nilang dalawa.

Hindi na nga pala nila naisip na kumain dahil na rin sa tensyon sa pagitan nila kanina.

Pagkakita sa pagkain saka lang sila nakaramdam ng gutom.

Kaya awtomatikong pareho rin nilang hinarap muna ang pagkain.

"Tingnan mo ang mga ito kanina pa pala gutom nagtikisan lang..."

"Tumahimik ka!" Nagkasabay pa nilang sigaw kay Rusell.

"Pambihira!"

____

"DUSTIIIN, KUYA TULUNGAN MO KO!" Sigaw ng isip ni Amanda ng mga sandaling iyon.

Hindi siya makapaniwala na nakikita niya ang kanyang mga buhok na unti-unting nalalaglag sa ibabaw ng lamesa.

Habang siya ay walang magawa kun'di sundan lang ito ng tingin. Hindi na rin niya napigilan ang pagpatak ng masaganang luha sa kanyang mga mata.

Habang patuloy na tumatawa lang si Chloe na hawak pa rin siya nito at tuwang-tuwa pa ito sa nangyayari sa kanya.

Hindi!

Hindi p'wedeng ganito lang...

Sigaw ng isip niya, wala man lang nagtangkang tumulong sa kanya o sumaway sa babae.

Dahil marahil lahat sila takot kay Chloe. Kaya kung hindi niya ito mapipigilan siguradong makakalbo siya ng tuluyan.

Pilit niyang pinatatag ang sarili at pinilit niyang gumalaw. Dahil marahil sa pagkalibang nito kaya siya nito nabitiwan at mabilis rin niya itong naitulak.

Saglit na natigilan ito at nabigla sa kanyang ginawa.

Hindi rin nito inaasahan na magagawa pa niyang makaalpas.

Hindi na siya nag-aksaya pa nang sandali, hinablot niya ang buhok nito ng isa niyang kamay.

Habang ang isa pa niyang kamay ay malaya itong pinagsasampal.

Dahil sa matinding galit kaya nakapag-ipon siya ng lakas at nagawa niya ang bagay na iyon.

Ngunit saglit lang...

Bigla na siyang nahimasmasan ng may pumigil sa kanyang mga kamay at tumulong rin kay Chloe na ayusin ang sarili.

Bakit ganu'n? Biglang sumagi sa kanyang isip.

Dahil sa ginawang pagpigil sa kanya ng mga empleyado.

Nagkaroon tuloy ng pagkakataon si Chloe na sugurin siya ulit.

Ngunit hindi na niya ito hinayaan pa na makalapit sa kanya.

Bago pa man ito makalapit at saktan siya ulit sinipa na niya ito na tumama sa sikmura nito. Kaya napaupo na lang ito sa sahig.

Mabuti na lang mabilis pa rin ang kanyang reflexes nang maramdaman niyang palapit ito sa kanya. Kahit pa bahagyang napunit ang laylayan ng suot niyang skirt.

Kahit paano rin naturuan siya ni Dust ng basic techniques sa self defense.

Pero hindi niya ito nagawa kanina dahil naunahan siya ni Chloe. Hindi naman kasi niya inasahan na magiging ganito karahas ang babaing ito sa kanya.

Bukod pa sa hindi siya bayolenteng tao at lalong hindi niya gustong makasakit ng kahit sino. Pero hindi rin naman siya papayag na madehado ulit.

Ngunit agad rin naman itong dinaluhan ng mga empleyadong naroon at malapit sa kanila. Iba talaga kapag makapangyarihan ka.

Kanina walang isa mang gumalaw para tulungan siya pero ngayong si Chloe ang nasaktan nag-uunahan pa.

"Naku po Ma'am, anong nangyari walanghiya kang babae ka anong ginawa mo sa kanya?" Sigaw sa kanya ng Chief Supervisor na gumupit ng kanyang buhok.

Habang hindi pa rin binibitiwan ng isang lalaki at isang babaing empleyadong may hawak sa kanya ngayon.

Lalo pang hinigpitan ng mga ito ang pagkakahawak sa kanya ng dahil sa ginawa niya. Para bang siya ang kriminal.

"Bitiwan n'yo ako, mga sipsip kayo kapag nakausap ko ang Boss n'yo ipatatanggal ko kayo!"

"Walanghiya kang babae ka nababaliw ka na talaga, tumawag na kayo ng security bilisan n'yo!"

Muling utos ng Chief Supervisor

Tumalima naman agad ang inutusan. Habang si Chloe unti unti nang nahimasmasan. Nang tuluyan na itong makabawe muli siya nitong hinarap.

"Gaga ka talagang babae ka! Huwag n'yo siyang bibitiwan dahil tuturuan ko pa ng leksyon ang babaing 'yan!

'Ang kapal ng mukha mo akala mo ba hahayaan ko na makalapit ka pa sa kanya ha'?"

"Ikaw ang makapal ang mukha matagal na akong nagtitimpi sa'yo, walanghiya ka!" Sagot niya.

Ngunit bigla siya nitong sinampal at dinuro duro ng daliri.

'Ito ang tandaan mo ha' sa akin lang siya kaya huwag kang ambisyosa buwisit ka!" Dagdag pa nito.

"Makinig kayong lahat alam n'yo ba kung ano ang ginagawa sa babaing haliparot at malanding tulad ng babaing ito?

'Sa isang kabit!"

"Bitiwan n'yo ako sabi..."

Pilit siyang kumakawala pero tatlo na ang humahawak at pumipigil sa kanya.

"A-anong gagawin mo? Bitiwan n'yo ako ano baaahh?!"

Nagsimula na rin siyang kabahan...

"Ano pa, ito ang bagay sa'yo?!"

"HUWAAAG!"

*****

By: LadyGem25

      (06-09-21)

Hello there...

Isa pang pabitin Part 2 ng tapatang Joaquin at Dustin susunod na ang kay Angela at Chloe.

Pasensya na kung hindi kayo satisfied sa pagiging mahina ni Angela. Kaya po Angela ang napili kong name niya dahil 'yun talaga ang character niya sa story soft at mabait lang!hahaha

Maraming Salamat po ulit sa suporta

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS PLEASE...

UNTIL NEXT CHAPTERS!

STAY SAFE AND HEALTHY EVERYONE GOD BLESS PO SA ATING LAHAT.

SALAMUCH ❤️

MG'25 (06-09-21)

LadyGem25creators' thoughts