webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · perkotaan
Peringkat tidak cukup
131 Chs

C-107: NEIGHBOR'S

Maaga siyang gumising ngayong araw para makapagluto agad ng almusal.

May pasok kasi si VJ ngayon kaya kailangan muna niyang ipagluto ito ng almusal. Bago niya ihanda rin ang sarili sa pagpasok niya ulit sa opisina.

Husto na ang kanyang bakasyon kailangan na niyang magtrabaho ulit. Okay na ang dalawang araw na pahinga. Kahit paano naman nakabawi na rin siya ng lakas.

Baka matambakan na siya ng trabaho kapag pinalawig pa niya ang kanyang bakasyon.

Kaya kailangan na talaga niyang pumasok. Kahit hindi pa nawawala ng tuluyan ang mga pasà niya sa mukha at katawan.

Kung bakit naman kasi magaling pa yata sa martial arts ang lintek na alikabok na iyon. Kailangan na rin yata niyang mag-aral ng karate.

Para naman sa susunod matapatan na niya ito at hindi na ganito kasakit. Buwisit!

Ilang beses tuloy siyang nagkamali sa simpleng pagprito lang ng itlog ng dahil sa inis na nararamdaman niya. Hindi talaga niya linya ang magluto.

Ahh' Angela kailan ba kita maiuuwi dito sa bahay ko?

Ang sigaw ng isip niya ng mga sandaling iyon. Dahil sa hindi magkandatuto sa pagluluto.

Nakakainis naman talaga!

Kaya sa huli napagpasyahan niyang gumawa na lang ng pancakes.

At least kahit paano namaster na niya ang paggawa ng pancakes. Kahit paano rin magugustuhan ito ni VJ at iyon ang mahalaga.

Gumawa na lang siya ng fresh cut fruits salad. Healthy pa hindi naman reklamador ang kanyang Anak.

Mabuti na nga lang at kahit paano nagagawa pa rin nitong ma-appreciated ang pagsisikap niya na maalagaan ito ng mabuti.

'Kung hindi ka lang inilayo sa'kin ng Alikabok na iyon, masaya sana tayo dito sa bahay natin.'

'Sa susunod hindi na ako papayag na hindi ka maging akin ulit. Kahit pa maging kabit mo lang ako! Masiguro ko lang na magiging akin ka ulit....'

___

Matapos silang kumain pinaliguan at tinulungan na niyang magbihis si VJ. Kailangan kasi nakagayak na ito pagdating ng school bus sa kanilang bahay.

Mabuti na lang may school bus talaga na dumadaan dito mismo sa tapat ng kanilang bahay at sa buong Village.

Kaya hindi na niya problema pa ang paghahatid dito sa eskwela. Kasama naman nito si Didang kaya hindi siya nag-aalala.

Saka kinabitan naman niya ng tracking device ang suot nitong smart watch pati na ang sapatos nito.

Sadyang pinag-aralan talaga niya ang paglalagay at pagkakabit nito noon pa man.

For security purpose, Hindi niya magbabantayan si VJ sa lahat ng oras. Mabuti na iyong sigurado siya sa siguridad nito.

Ano mang oras na gustuhin niyang malaman kung nasaan na ba ito madali na niya itong mate-trace.

"Anak hindi na kita ihahatid sa labas ha', nandiyan naman si Yaya eh'.

'Maliligo pa kasi ako kailangan ko nang pumasok sa office."

"Okay lang Daddy, sige na po magshower ka na po! Padating na rin po ang school bus."

"Okay magkita na lang tayo mamaya ha'? Halika kiss mo na lang si Papa." Patakbong lumapit ito sa kanya, sabay halik at saka yumakap sa kanya.

Sakto namang narinig na nila ang pagbusina sa labas. 

"Daddy nariyan na ang school bus, aalis na kami ni Yaya. Bye na po I love you!"

"Okay I love you too Buddy! Sige na mag-ingat kayo ha', oh' dahan dahan lang..." Nagmadali na itong makalabas ng marinig nito ang busina ng school bus sa labas.

Tuloy tuloy naman siyang pumanhik sa itaas para maghanda na rin sa pagpasok sa opisina.

Patakbong lumabas si VJ at lumapit sa bus. Saglit muna nitong hinintay si Yaya Didang na, hirap na hirap sa pagbuhat ng Bag nito na naglalaman ng mga gamit nito sa eskwela.

Habang nagmamadaling lumapit sa sasakyan. Dumeretso na rin ang mga ito sa sasakyan at tuloy tuloy ng umalis.

Hindi na tuloy nila nakita ang biglang paglabas ni Amanda sa gate na katapat ng kanilang bahay.

___

Gulat at biglang napalabas ng gate si Amanda mula sa bahay ni Gavin.

Nang makilala niya ang mga lumabas sa gate ng mismong tapat ng kinatatayuan niya.

Gusto man niya itong habulin ngunit huli na. Nakaalis na ang mga ito at wala na rin siyang nagawa pa kun'di habulin na lang ito ng tanaw.

Habang nanatili lang siyang nakatayo sa tapat ng bahay na pinanggalingan ng mga ito.

Habang ibinubulong ng kanyang isip ang mga katanungan...'Kung ganu'n pala magkapitbahay lang sila Joaquin at Gavin?'

'Nasaan kaya siya, bakit hindi man lang niya hinatid si VJ sa labas?

'Okay lang kaya siya, o baka iniinda pa rin niya ang nangyari sa kanila ni Dustin?

'Baka nahihirapan pa rin siya hanggang ngayon o baka nasa Ospital kaya wala siya dito?

'OMG! Buwisit kasing alikabok 'yun. Alam naman niyang walang laban sa kanya si Joaquin. Bakit pa niya ito pinatulan?

'Nakakainis ka talagang alikabok ka!

"Joaquin! Nasaan ka na ba kasi?"

"Huwag n'yo na po siyang hintayin Ma'am. Baka hindi naman po siya lumabas? Pumasok na po tayo sa loob umiinit na po dito sa labas."

Nagulat pa siya sa boses ni Lester na biglang nagsalita sa kanyang likuran. Marahil naalarma ito at nasabihan na rin ng guard.

Ngunit bigla rin siyang napaisip sa mga sinabi nito...

"Kung ganu'n, alam mo?"

"Ha' a-ang ano po Ma'am?" Tila ba ito nalito at nataranta sa klase ng pagtatanong niya.

"Huwag ka nang magmaang maangan! Dahil alam ko, na alam mong magkapitbahay sila Joaquin at Gavin no?"

"Po! Ah' eh' oo naman po Ma'am. Bakit n'yo naman po tinatanong secret po ba 'yun?" Nalilitong tanong nito.

Pambihira! Bakit nga ba niya ito tinatanong eh' mukha naman itong walang alam sa kanya at kung mayroon man itong alam.

Baka nitong huli na lang ng mag-away si Joaquin at Dustin.

"Ang akala ko po alam n'yo na, na dito sila nakatira. Kasi nalaman ko lang din na dito siya nakatira. Noong minsang pinapunta ako dito ni Boss.

'Dati kasi bakanteng lote lang 'yang nasa tapat saka iba rin ang may-ari. Tapos bigla na lang nagkaroon na nang bahay ng muli akong mapunta dito.

'Sabagay 3 yrs. din naman kasi akong hindi nakauwi dito sa Pilipinas."

"Ang ibig mong sabihin mas unang tumira dito si Gavin?" Curious niyang tanong.

"Hindi po Ma'am, dati po itong bahay nila Boss. Bago pa natapos 'yun bahay nila sa kabilang Village. Dito sila nakatira ni Ma'am Gelli, umalis sila noong matapos na ang bahay sa kabila. Pero sa pagkakaalam ko bakante pa rin ito noong umalis sila dito."

"Kung ganu'n paano napunta kay Gavin ang bahay na ito?"

"Ang alam ko po pinabebenta ito ni Boss pero dahil gusto dito ni Gavin. Dito rin kasi siya natira noon pang nandito rin sila Boss.

'Kaya hindi na ibinenta ni Boss itong bahay. Ang alam ko rin hinulugan ito ni Gavin sa Bangko sa pangalan ni Boss.

'Alam ko pina-renovated muna ni Gavin itong bahay. Kaya hindi rin siya dito nakatira noong nasa London pa tayo. Pero dahil tapos na kaya siguro dito na siya ulit.

'Kaya nga siya pumunta sa bahay nila Boss noong isang araw. Dahil tinawagan talaga siya ni Boss para pag-usapan na nila ang paglilipat sa pangalan ni Gavin nitong bahay." 

"Ah' ganu'n ba?" Kaya pala, alam  rin ni Gavin na narito si Joaquin. Pero hindi pa rin niya direktang sinabi sa akin.

"Huwag kayong magalit kay Boss Ma'am. Dahil huli na rin nang malaman ni Boss na dito na pala sila nakatira."

"Sandali hindi ba si Chloe kilala mo ba siya?"

"Ah' si Ms. Chloe po 'yung pinsan ni Ma'am Gelli opo Ma'am, bakit n'yo po naitanong?"

"Si Chloe matagal na niyang kilalà si Joaquin. Kaya marahil nasabi na sa kanila ni Chloe na dito rin ito nakatira."

"Si Ms. Chloe po, imposible hindi po sila magkasundo ni Ma'am Gelli. Iba po kasi ang ugali ni Ms. Chloe, hindi rin po gusto ni Boss ang ugali nu'n.

'Kaya lang ito pinakikiharapan ni Boss dahil sa pamilya nila at sa magkasosyo sa negosyo. Maliban doon hindi po sila magkasundo."

"Ah' ganu'n ba?"

"Ah' pasok na po tayo sa loob Ma'am, umiinit na po dito."

"Okay Si Lyn nasa itaas pa ba?"

"Bumaba na po Ma'am, kasama 'yun kambal at si Ate Liway. Pakakainin daw ang kambal."

"Ganu'n ba, sige halika na tayo na sa loob!" Nagpatiuna na siya sa pagpasok at tuloy tuloy na naglakad pabalik sa loob ng bahay.

Napailing na lang si Lester na naiwan pa sa labas. Ngunit sumunod na rin ito agad sa pagpasok matapos luminga sa paligid.

Eksakto namang nagbukas ng gate ang gwardiya sa tapat. Dahil palabas na rin ang sasakyan ni Joaquin.

Pahapyaw pa nitong nasilayan ang babaing nagmamadaling pumasok sa gate.

Habang natatakpan ng lalaking kasama nito na naiwan pang nakatayo. Nakatalikod ito sa kanyang direksyon ng bigla itong tumingin sa paligid.

Pagkatapos ay agad din itong pumasok na sa loob. Medyo para itong pamilyar pero hindi niya maisip.

Ang bilis naman kasi kaya hindi niya ito gaanong nakita. Pero bakit ba niya inaabala ang isip sa walang kwentang bagay.

Pero curious pa rin siyang nagtanong sa guard.

"Mukhang may ibang tao na sa tapat bahay ah', nariyan na ba ang may-ari ng bahay?"

"Siguro po Sir, noong isang araw pa po kasi parang maraming tao diyan. May bata pa nga po akong nakita. Pero nakita ko rin po na may umalis na sasakyan."

"Ah' ganu'n ba, okay rin naman palang usisero ang gwardiya ko paminsan-minsan. Atleast alam ko na nadadagdagan na pala ang kapitbahay ko." Nangingiti niyang saad sa kausap na guard.

"Ah' eh' Sir!" Napakamot na lang ito sa batok at saka ngumisi.

"Ah' sige na, salamat!" Deretso na itong lumabas ng gate at patuloy na nagdrive upang pumasok sa opisina.

Nasa kalagitnaan na siya ng biyahe at palabas na ng Village. Nang may mapansin siyang tila sagabal sa kambyo ng sasakyan.

Nang usisain niya ito parang isang clutch bag o pouch na black.

Kaya sa unang tingin hindi ito mapapansin na nasa unahan ng  braker ng sasakyan niya. Halos kakulay rin kasi ito ng loob ng kanyang sasakyan.  

Kun'di pa sa palawit nito na pahaba at kulay emerald green. May naka-engraved din itong pangalan...

"ANGELA?!"

Awtomatikong inusisa rin niya ang loob ng pouch habang maingat pa ring nagdadrive.

Gamit ang isang kamay nagawa niya itong buksan. Tama siya ang cellphone ni Angela at ang mga munting gamit nito ang laman ng pouch.

'Kay Angela nga ito, ito pa rin kasi 'yun cellphone na binili niya noon. Bakit hindi siya nagpalit ng cellphone imposible namang hindi siya kayang ibili ni Dust o hindi niya kayang ibili ang sarili.

'Ang ibig bang sabihin?'

Beeeeep, beeeeep!

Nagulat pa siya sa pagbusina ng kasunod niyang sasakyan.

Shit! Huli na nang  marealize niya na nakapagcause na pala siya ng traffic.

Hiyang hiya man dineretso na lang niya ang takbo sa kabila ng nangyari. Nakarating tuloy siya sa lugar ng opisina nila na puno ng tensyon.

Mabuti na lang nasa Alabang rin ang kanilang opisina.

Ang dating RAC na ngayon ay ARC na Alquiza Real & Co. Dahil ibinenta na rin sa kanya ni Mr. Aldana ang shares nito.

Nagmigrate na kasi ito sa California kasama ang pamilya.

Agad naman siyang nakarating sa Falcon building kung saan sila nag-oopisina.

Sakop ng ARC ang buong fifth floor kilalà na kasi ang ARC dito sa Falcon building.

Kahit pa marami ring mga accounting firm na dito rin piniling mag-opisina.

Tuloy tuloy siyang pumanhik sa fifth floor gamit ang elevator. Nakasabay pa niya ang ilang mga co-tenant nila sa elevator.

Dahil sa pagmamadali nawala tuloy sa loob niya na may pasa pa nga pala siya sa mukha at hindi na niya nagawang takpan.

Kaya pala kaiba ang mga tingin ng mga ito sa kanya. Ngunit hindi siya nag-paapekto, tango at ngiti ang isinagot niya sa mga ito.

Deretso pa rin siya hanggang sa makarating siya sa loob ng ARC na deretso lang hanggang sa kanyang private office.

Nagulat pa ang mga nadaanan niya sa bigla niyang pagsulpot. Agad tuloy napatayo si Lucille at kasunod na niya ito pagpasok sa loob ng kanyang private office.

Tila ba nagkaroon ng saglit na tensyon at anasan ang paligid. Subalit balewala lang ito sa kanya. Ano bang pakialam n'yo sa akin? Katwiran niya sa sarili.

"Good morning po, Sir!" Pagbati nang kanyang sekretarya ang muling nagpaangat ng kanyang mukha.

"Good morning!"

Agad nitong inilagay ang ilang folder sa ibabaw ng kanyang mesa. Sinimulan niyang buklatin ang mga folder habang kausap ito.

"Okay may meeting tayo ng alas nuwebe?" Tanong niya ng makita sa chart ang schedule ngayong araw.

"Yes Sir!" Saglit muna siyang tumingin sa kanyang relo.

"Okay maaga pa naman, nasaan ang mga kailangan ko munang pirmahan? Ibigay mo na lang muna sa akin 'yung mga urgent."

"Okay po, Sir!"

"Dumating na ba si Rusell?"

"Yes Sir, nasa kabilang department lang may konting problema lang yata doon."

"Problema?"

"Konting problema lang Sir, may nagkamali lang na isang staff pero hindi naman big deal 'yun Sir!" Medyo alanganing saad nito.

"Ah' ganu'n ba, okay sige back to work na tayo!"

"Okay Sir kukunin ko lang po 'yung mga files."

"Okay, do it!"

Lumabas na nga ito ng kanyang opisina. Habang hinihintay ito naalala niya ang pouch ni Angela na hindi niya natuloy buksan kanina at agad niyang itinabi.

Naalala niyang nailagay niya ito sa likod ng kanyang back pack na lagi niyang dala.

Muli niya itong inusisa...

Narito ang cellphone ni Angela at ilang mga personal na gamit nito. Pero bakit hindi man lang siya nito sinubukang kontakin?

Para naman makuha ang mga gamit nito. Pinagbawalan ba siya ni Dustin?

"Ah' Sir narito na po ang mga files...." Saglit na napahinto ito ng makitang malayo ang kanyang pansin.

"Ah' sige pakilagay na lang dito sa table ko." Nang muli siyang mahimasmasan.

Saglit pa nitong tiningnan ang hawak niya saka deretso lumapit sa table niya at ipinatong ang makapal na files.

____

Ilang minuto pa ang lumipas...

"Ah' Sir, malapit na pong magsimula ang meeting in ten minutes."

"Ah' okay sige tatapusin ko lang ito pupunta na ako du'n!"

"Okay Sir, mauuna na po ako sa conference room."

"Bossing, totoo nga pa lang narito ka na kadarating mo lang ba?"

Sabay pa silang napalingon ni Lucille sa pagbungad ni Russell sa pinto.

"More or less 1 hour na ikaw ba kanina ka pa, ano nga pala 'yun problema sa kabilang department?"

"Ah' wala 'yun Bossing konting hindi pagkakaunawaan lang medyo high blood lang si CS."

"Ah' okay sabay na pala tayong pumunta sa meeting, hintayin mo na ako sandali na lang ito."

"Sige, pero sigurado ka bang okay ka na Boss?"

"Okay lang ako, huwag mo nang pansinin ang mga pasà sa mukha ko okay lang 'yan!"

"Okay sinabi mo eh'."

___

"Bakit daw kailangan tayo ang magquit sa kanila?" Tanong ni Amanda sa assistant na si Dessa.

Kausap niya ito ngayon sa phone, tinawagan siya nito para ibalita ang nangyari sa ARC.

"Eh' Ma'am kailangan na daw po nilang i-full out ang works services nila sa atin.

'Kasi hindi na daw po tayo under ni Mr. Torres."

"Ano naman ang problema dun, kaya rin naman nating ihandle ang expenses. Sinabi mo bang babayaran naman natin nang tama ang service fee nila kaya wala silang dapat alalahanin.

'Bakit pa tayo lilipat eh' di lalaki lang ulit ang gastos natin. Saka magkahiwalay naman talaga kami ng account ni Dust sa simula pa lang kaya ano ba ang problema?

'Sabihin mo nga sa'kin may kinalalaman ba dito ang Sir Dust mo?"

"Naku, wala po Ma'am hindi nga po alam ni Sir na ganito nangyari eh'. Hindi ko naman po masabi kasi alam n'yo na? Si Mrs. Tecson lang po ang nagsabing i-check ko na lang daw sa ARC 'yun mga documents natin.

'Dahil kailangan na daw nating ilipat at humanap ng ibang gagawa ng ITR."

"Pambihira, naghiwalay lang kami ni Dust pero bakit naman kailangang i-discharge nila tayo agad."

"Eh' Ma'am, huwag n'yo na lang po sanang sasabihin na sinabi ko ito sa inyo. Kasi po narinig ko po na si Miss Chloe po ang nagsabi na ihiwalay na kayo. Pero narinig ko lang po na pinag-uusapan nila 'yun Ma'am ha' hindi rin po ako sigurado!"

"Walanghiyang babae 'yun ah' talagang namomoro na siya sa'kin." Nanggigigil na niyang tugon sa kanyang assistant.

"Naku Ma'am sigurado pong malalagot ako kapag nalaman nila na ako ang nagsabi sa inyo!"

"Bakit ka nag-aalala sa'kin ka nagtatrabaho kaya ako ang bahala sa'yo.

'Kapag may kumanti sa'yo diyan sa akin sila mananagot!

'Ganito ang gawin mo bumalik ka sa ARC mamayang after lunch. Hintayin mo na lang ako sa ibaba ng Falcon building.

'Ako na ang makikipag-usap sa kanila magkita na lang tayo doon maliwanag?"

"Ano po kaya kung lumipat na lang po tayo Ma'am? Mayroon din naman iba du'n Ma'am sa 6th floor may sinasabi sila na maayos din ang trabaho."

"Alam kong marami tayong p'wedeng paglipatan Dessa. Pero sa tingin ko hindi naman tama ang ginagawa nila. Lilipat tayo kapag nakausap ko na ang CS nila na kausap mo kanina. Hindi ako papayag na gawin nila sa atin ito.

'Nagbayad tayo ng tama sa maikling panahon na nagtrabaho sila sa'tin. Paano kung totoong may nag-utos sa kanila para i-pull out tayo. Abà hindi tama 'yun at hindi ko 'yun palalagpasin."

"Pero Ma'am paano kung gumulo lang lalo at mapahiya lang tayo?"

"Huwag ka nang mag-alala basta magkita na lang tayo du'n ako na ang bahala!"

"O-opo sige po Ma'am, basta sagot n'yo po ako Ma'am ha'?" Tila naman nag-aalalang salita nito.

"Sabi ko nga akong bahala sa'yo, basta bumalik ka du'n hintayin mo ako!"

"Okay po Ma'am."

"Okay sige na..." In-off na niya ang linya.

"Oh' bakit parang high temper ka naman yata, sino ba ang kausap mo?"

Kunot ang noong tanong ni Lyn ng mapansin nitong nakatingin pa rin siya sa kawalan habang nakasimangot.

"Si Dessa, naiinis kasi ako napakabwisit nila!" Inis pa rin niyang tugon.

"Sandali kanino ka naman naiinis, kay Dessa?" Nalilitong namang tanong nito.

Tumabi na rin ito ng upo sa kanya sa sofa habang nasa sa salas sila ng mga sandaling iyon.

Napaliguan at napatulog na nila ang kambal. Balak sana niyang tumulong sa paghahanda ng lulutuin sa pananghalian ng tumawag sa kanya si Dessa.   

"Nakakainis lang kasi komo alam nilang naghiwalay na kami ni Dust. Kaya ayun mukhang gusto na rin nila kaming iterminate sa opisina at sa ARC."

"Teka sandali alam ba ni Bossing ito? Imposibleng gawin 'yun sa'yo ni Dust. Kahit galit pa 'yun sa'yo sigurado ako na hindi niya 'yun gagawin!"

"Alam ko at nalaman ko rin naman kung sino may gawa! Talagang pinag-iinitan niya ako hinintay lang talaga niya na magkasira kami ni Dust!"

"Sandali sino bang tinutukoy mo?" Curious nitong tanong.

"Ang walanghiyang Chloe na iyon talagang binubwisit niya ako. Hindi ko na palalagpasin ang ginagawa niya ngayon. Buwisit talaga siya!"

"Hindi ko alam na gan'yan na pala kalalim ang galit mo kay Chloe. Buwisit nga talaga ang babaing iyon.

'Kahit si Gelli hindi niya kasundo kaya lang hindi nila ito makanti. Dahil marami itong alam tungkol sa kanila."

"Puwes ako p'wede ko siyang kantiin, gagawin ko kung anong gusto ko!"

"Hindi ko alam kung anong gagawin sa kanya ni Boss sa oras na malaman niya ito?" Saad ni Lyn.

"Huwag mo na lang sabihin sa kanila, ako na lang ang bahalang lumutas sa problemang ito.

'May ipakikiusap lang sana ako, p'wede bang ikaw muna ang bahala dito? Pupuntahan ko si Dessa mamaya magkikita kami sa ARC, ako na makikipag-usap sa kanila." 

"Ano sigurado ka ba, paano kung magkita kayo ni Joaquin doon?"

Bahagyang napataas ang kanyang kilay dahil sa sinabi nito. Napakunot naman ang noo nito sa naging reaksyon niyang iyon.

"Ano naman kung magkita kami doon? Hindi na iyon mahalaga wala na rin akong balak na iwasan pa siya. Dahil mukhang hindi na maiiwasan na, magkita kami talaga ng madalas."

"Dahil ikaw na ang laging pupunta sa opisina nila?"

"Ano ka ba Lyn, kahit naman hindi ako magpunta ng opisina nila nariyan lang sila sa tapat ng bahay na ito!"

"Ha' a-anong ibig mong sabihin?"

"Sandali huwag mong sabihin na hindi mo alam na diyan lang sila nakatira sa tapat ng bahay?!"

*****

By: LadyGem25

(05-29-21)

Hello Guys,

Mainit na tanghali po sa ating lahat...

Pasensya na ulit sa delayed na update, nagkaroon po kc aq ng extra work na need munang tapusin. S'yempre need din nating kumita.

Pero narito na po ulit ang bago nating update sana magustuhan n'yo.

Abang abang lang po tayo sa mga susunod pang kabanata. Dahil mas magiging kapana-panabik ang mga susunod pa...

Don't forget to:

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS PLEASE!

GOD BLESS PO SA ATING LAHAT!

SALAMUCH!

MG'25 (05-29-21)

LadyGem25creators' thoughts