Acceptance
"Tama lang naman iyon ginawa ko, hindi ba, matteo?" Maluluhang sabi ko.
Tumango ito at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Umigting ang kanyang panga at pinantayan ang paninitig ko sakanya. Bumaba rin ang tingin nito sa labi ko. Huminga ito nang malalim.
The way his thumb brushed on my cheeks, para na ako hinihili sa lambot na iyon. Hindi ko naman maiwasan isara ang mga mata ko at damahin iyon. Kung hindi lang niya ako hawak ay baka kanina pa ako natumba rito.
Nang magsalita ito ay minulat ko ulit ang mga mata ko at tumingin sa kulay brunette nitong mata.
"Walang mali sa ginawa mo, Aera..Nasaktan ka lang at hindi mo iyon sinasadya. Siguro naintindihan ka rin naman nila. You're still in pain and everything is a process, sweetheart, bago ka tuluyan makawala sa nakaraan mo. Anna will be the first process to accept everything. Kasi ako..ikaw parin iyon babaeng minahal ko noon."
Tuluyan ng bumagsak ulit ang mga luha ko. Mabilis niya naman iyon pinunasan. Hindi ko akalain maririnig ko ito galing sakanya. Sumisikip ang dibdib ko sa sobrang saya at halong sakit at lungkot.
Sa kabila ng lahat at iyong mga bagay na nalaman niya tungkol saakin ngayon ay nanatili parin ito sa tabi ko. Sa dami rami ng babae sa mundong ito, ako parin ang pinili niya.
Mabilis na pinulupot nito ang kamay sa baywang ko at niyakap ako nang mahigpit na para bang natatakot itong mawala ako muli. Niyakap ko rin ito pabalik.
Sa kanya ko parin talaga mararamdam ang lahat ng ito. Na pakiramdam ko walang mangyayaring masama saakin hangga't andito siya.
Bumalik na kami sa loob pagkatapos at naabotan si mommy at daddy na mukhang kanina pa nagtatalo. Si anna naman ay patuloy na nilalaro ang binigay noong matanda. Habang si tanya ay nasa gilid nito tinatanaw siya. Nang makita nila ang pagpasok ko at ni matteo ay umangat ang ulo nila saakin.
"Mommy, daddy!" Ngumiti ito at gusto pang tumayo pero agad na pinigilan ko.
"Anna! Don't move too much, okay?"
"Ow! Sorry, mommy. Nasaan na si lola at lola?"
Huminga muna ako nang malalim bago sinagot ito.
"Umuwi na. They're going back to US."
Umawang ang labi nito sa sinabi ko. Ito ang ayaw ko, iyong tinatanong niya lagi ang mga iyon, at wala naman akong masagot. Paano pa kaya...pumikit ako ng mariin at hindi iyon inisip.
"Are thew coming back, mommy?"
Umangat ang kamay ko at sinuklay ang mahabang buhok nito.
"Oo naman babalik iyon!" Si tanya.
"Babalik sila.." sabi ko at ngumiti ng pilit kahit ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko.
"Okay!" Sagot nito at agad binalik ang atesnyon sa laruan.
"Matteo, aera, pwede ba namin kayo makausap?" Biglang lumapit si daddy saamin.
"Sure, tito." Si matteo.
Hindi ko alam anong pag-uusapan namin at bakit nasama pa si matteo. Sumulyap ako kay tanya. Hindi ko pa naibuka ang bibig ko ay inunahan niya na ako.
"Take your time. Ako na bahala kay anna." She smiled and assured me na okay lang sakanya na iwan ko ulit siya dito kasama si anna.
"Thank you, tanya.." sabi ko at tuluyan ng lumabas.
"Aera, matteo.." si daddy. Nakita ko ang parin ang iritasyon sa buong mukha ni mommy at hindi ko alam anong pinag-awayan nila ni daddy kanina.
"Ano po iyon, tito?" Si matteo na ang nagsalita para saakin.
"Napaisip lang ako..kung pwede bang ipakilala nalang natin si anna sa totoo niyang--"
Naestatwa ako doon at ayaw na marinig ang sasabihin nito.
"Daddy!" Putol ko.
"I told you vino! Hindi tama itong mga plano mo!" Si mommy na mukhang hindi narin napigilang sumabog sa tabi niya.
I can't believe this! Hindi ako makapaniwala!
Naramdaman ko ang kamay ni matteo sa baywang ko at hinagod niya pa iyon na para bang pinipigilan ang hindi ko pagsabog sa harap.
"I can't do that, daddy! Alam mong..damn it!" Pumikit ako ng mariin at hinilot ang sentido. Hindi ko kayang isipin na makita ni anna ang walang hiyang lalaking iyon! Wala siyang karapatan sa lahat..wala!
"Aera..baka lang kasi-
"Stop it, vino! Hindi tama itong mga iniisip mo! Hindi kailangan ni anna ang lalaking iyon! Binaboy niya ang anak natin at ano?!"
"Martha!" Parang kidlat ang boses ni daddy.
"Kahit anong sabihin niyo, hindi ako papayag! Si matteo ang ama ng anak ko, daddy! You're being too insenstive with my feelings! Ni hindi mo sinabi saakin ang tungkol sa pagdating ng mga iyon kanina! Are you really on my side, dad? Sana man lang ipaalam mo saakin, hindi iyong binibigla mo ako!"
"Hush, sweetheart, pls.." si matteo at gusto na akong yakapin pero umiwas agad ako.
Hindi ko akalain gagawin ito ni daddy saakin. Pinalampas ko iyong pagtawag niya sa matandang iyon para makita si anna, pero ito..bullshit! Hindi ko kakayanin! Ni hindi ko kaya na makita ang lalaking iyon!
Baka makapatay pa ako pagnakita kong mahawakan niya lang ang anak ko! Hindi maaring maging parte siya ng pamilya o kahit sino! Ni indi ko kayang ipagkatiwala na ipakilala si anna sakanya!
Kaya kong magpatawad, pero ito? Hindi ko kakayanin. Hindi ganoon kadali para ipakita si anna sakanya.
"I don't like your plans, daddy!"
"I'm sorry, aera..I just thought it will help you."
Pumikit ako muli at naramdaman ang pagkahilo pero hindi ko iyon pinansin.
"I know what I'm doing, daddy. Let me handle everything! Alam ko ang ginagawa ko..so please.."
"Sweetheart, calm down.." si matteo. "Tito, Ako po ang ama ni anna. I can give my surname to her. Papakasalan ko po si Aera sa tamang panahon."
Nakitaan ko ang gulat sakanila.
"Vino, will you please, let them handle this situation? Huwag natin silang pangunahan!" Si mommy at hinihilot and sentido.
Hindi nagsalita si daddy at mukhang nagsisi sa ginawa niya.
Unti-unti ay nanlabo na ang paningin ko. Sinubukan kong imulat iyon pero dahil sa panghihina ko ay dumilim na iyon at tuluyan na akong bumagsak.
"Aera!"
"Anak!"
Iyon lang ang huli kong narinig bago tuluyan mahimatay.
Hingang malalim ang ginawa ko pagkagising. Nanginginig ang kamay ay inilibot ko ang mga mata ko sa paligid.
"Aera!" Si matteo.
Mabilis na niyakap ko ito at humagulhol ng iyak. Nanaginip nanaman ako..
"Nanaginip ako, Matteo. Akala ko..akala ko totoo!"
"Pinagalala mo ako kanina..please, stop stressing yourself."
Inangat nito ang mukha ko at mataman akong tiningnan. Hindi ko mabasa anong nasa-isip niya ngayon. Ang alam ko lang masaya ito.
"Please, Don't stress yourself.."
"What happened, matteo? Bakit andito ako?"
Ngumiti lang ito at hinaplos ang pisngi ko. Nagtaka naman ako sa ikinikilos niya.
"You make me happy, Aera.."
Kumunot ang noo ko at pinaalis ang natitirang luha para matingnan ito.
"Matteo, what happened?"
"Sweetheart, You're pregnant.." ngayon halos umabot ang ngiti niya sa tenga habang sinasabi iyon.
Umawang ang labi ko at naestatwa dahil sa narinig. Kahit ang luha ko ay umurong dahil sa gulat.
"I'm p-pregnant?" Ulit ko.
Dahan-dahan na tumango ito at nakita ang pamumula ng mga mata niya. Ngayon nakita ko ang tuwa at saya sa nagliliwanag niyang mukha.
"You're pregnant with our child, Aera..May kapatid na si Anna. So please, stop stressing yourself. Ako na ang bahala sa lahat. Ayokong maulit ito at baka ano pa ang mangyari saiyo."
Dahil narin sa halo-halong emosyon ay mabilis na niyakap ko ito at bumuhos muli ang luha. Wala nabang tigil itong mga luha ko?
"I'm p-pregnant..magkakaanak na tayo!" Ulit ko at hindi parin makapaniwala.
Hinaplos niya ang buhok ko at naramdaman ang hininga sa leeg ko.
"Yes, sweetheart. And I can'wait to hold our baby. I promise, I'll protect this family.."
Naging ganoon lang ang position namin. Dumating rin ang doctor at sinabi na rin ang tungkol sa kalagayan ko.
"I want you to go to trauma center, Ms. Fumilla. Para sa ganoon mawala iyong takot mo. At paaala ko saiyo na buntis ka."
"Thank you, Doc."
Nakapamulsa at kausap parin ni matteo ang doctor. Sa tingin ko ay may bilin parin iyon sakanya.
Ngayon ko lang napagtanto na kailanman ay hindi pa ako pumunta ng psychiatrist dahil sa traumang natamo ko noon. Ang ginawa ko lang naman ay magkulong sa kuwarto at ibuhos ang galit sa anak ko at sa buong mundo.
Hindi ko kayang maalala ang ginawa kong kamalian sa anak ko. Lahat ng iyon ay pinagsisihan ko.
Nasa ibang room ako dinala. Mahigit oras din bago ako nakalabas at pinuntahan na si anna. Wala na si tanya doon at pagkakaalam ko ay umuwi muna ito. Nang makapasok ako ay nakita ko agad ang mahimbing na tulog ni anna. Bago pa ako makalapit doon ay mahigpit na yakap agad ang sumalubong saakin.
"I'm sorry, anak..hindi mo alam na tinakot mo ako kanina. I would blame myself if something bad happen to you.." si daddy.
Huminga ako ng malalim at niyakap narin ito pabalik.
"It's okay, daddy..naintindihan kita.."
Humiwalay kami sa yakap at mabilis na pinunasan ko naman ang luha nito. Ngumiti ako. Si mommy naman ay nasa gilid nakikiiyak narin.
"Magkaka apo kami ulit.." napiyok pa ang boses ni daddy na sinabi iyon.
"Ano na ang plano niyo?"
Sumulyap ako kay matteo at marahan na hinila niya ako para mahalikan sa gilid ng aking noo.
"I'll marry her as soon as possible, Tita."
Hindi ko maiwasang pagmasdan kung gaano kasaya ito habang sinasabi niya ang tungkol na bagay na iyon.
"Thank you, matteo. Thank you at tinanggap mo ang anak namin at si anna.." si mommy.
"Mahal ko si Aera, tita. And I'll do my best to be a good father and husband to her."
Alam kong hindi pa sapat ang panahon para makabawi ako kay Anna. Pero kahit magkaka-anak kami ni matteo, sinisigurado kong araw-araw kong iparamdam sakanya ang pagmamahal ko bilang ina. At itong bata na nasa loob ko, mamahalin ko siya nang buong-buo. Na hindi na maulit iyong nangyari. Iyong pagtataboy at kawalang hiyang ina ko noon. Magiging mabuting ina at asawa ako para sa pamilya ko.
Siguro nga, may tamang panahon para saakin. Na maging masaya ako. Maging masaya sa kung anong meron ako.
Wala na akong hihilingin pa, kung hindi ang kasiyahan sa buong pamilya ko.