webnovel

Chapter Three

Sorry

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ang napakaraming katok mula sa labas ng aking pinto.

"Aera.."

Napatingin ako sa gilid ng orasan at nakitang alas onse na nang umaga.

Hindi pa ako nakaupo ay biglang bumukas na ang pinto at nakita ang pagsilip ni mommy doon. Ngumiti ito saakin. Namumungay ang mata ay ngumiti ako pabalik sakanya.

"Mommy, why are you here.." sabi ko habang inaayos ang sarili. Naramdaman ko ang pag-uga ng kama nang umupo na ito sa tabi ko.

"Anak, okay ka naba?" Tanong nito saakin habang hinawi niya ang takas ng buhok na nakatakip sa mukha ko.

Nagkibit balikat ako. Pero sa huli ay tumango nalang ako.

"I know you're not, Aera. Bakit mo iyon ginawa?"

Alright. Here we go again..

Inasahan ko naman talaga na pupuntahan nila ako dito para lang kausapin ako sa nangyari kanina. Kung pag-uusapan lang namin ang kanina, ayoko ng humaba ito. Kung gugustuhin kong tumayo ay kaya ko, pero ayoko naman maging bastos kay mommy.

"It wasn't my intention to hurt her, my.."

Umiiling ito at parang hindi sumang-ayon sa naging sagot ko.

"Yes. It wasn't your intention, pero tinakot mo ang anak mo, iha."

I looked away. Hindi ako sumagot at nakayuko lang habang nakikinig sakanya. Hinawakan ni mommy ang kamay ko at hinahaplos- haplos iyon.

Ano pa ba ang dapat kong sabihin? Hindi naman sila nakikinig sa sasabihin ko, 'diba?

They never understand me, no one will understands me that I'm still hurting. Na naghihirap parin ako sa nakaraan ko.

"Iha, alam kong galit ka parin. Pero 'wag mo naman isisi lahat sa anak mo. She's still your daughter. Kahit saamin nalang ng daddy mo ibuhos ang galit mo, huwag sakanya."

Napasinghap ako nang makitang may isang patak na luha sa kamay ko na hinawakan niya.

"Mom..my.." I looked at her.

"Lagi ka niyang tinatanong saakin. Ang dami niyang tanong, aera. Kung bakit.. kung bakit ayaw mo raw siya gustong makatabi. Halos naubusan na kami ng daddy mo ng idadahilan sakanya. Pleasee, anak..Dalawang taon na kailang--"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko ay sumabog na ako sa harap ni mommy. Ang galit at iritasyon na kanina ko pa dinadala. Ganun ba kadali? Ganun ba talaga kadali para sakanila na kalimutan ang lahat ng iyon?! These will ramain forever! Madadala ko ito kahit mamatay na ako sa mundong ito. Hindi iyon kadali! Hindi!

"Oo, mommy! Dalawang taon na, dalawang taon na pero hindi parin mawala-wala ito! Hindi niyo alam kung paano ko pinilit na kalimutan ang lahat, my..Pinilit ko naman, eh..Pero walang nangyari. Hanggat nakikita ko 'yang batang yan hindi ko malimot-limot iyong nakaraan ko! She evokes everything..hindi niyo ako masisisi doon..please.." Kung hindi lang ako nakaupo sa kama ay baka kanina pa'ko natumba sa sobrang panghihina ko.

Naramdaman ko nalang ang paghila ni mommy saakin para yakapin ako nang mahigpit. Pilit niya akong tahanin pero hindi ko kayang hindi niya marinig ang sasabihin ko.

"I'm trying, mommy. Pero ang hirap pala..sobrang hirap..Nakakapagod na. Hindi ko alam kung kailan matatapos ito. Kahit ngayon lang, intindihin niyo naman ako. Nasasaktan parin ako. Oo na, kasalanan ko na! Lagi niyo naman siyang kinakampihan, hindi ba?"

"Sssh, please..please stop crying. Don't you ever say that! Mahal ka namin. Anak kita at naintidihan ka namin ng daddy mo. Kung pwede lang sana, ako na ang naghirap, aera, hindi na ikaw.."

kumalas ako sa yakap nito at pagod itong tinignan. Nagmamakaawa at gusto ng sumuko sa harap niya.

"Please, Help me to move on, mommy.."

"Alam kong hindi ganoon kadali makalimutan ang lahat, aera. Ang gusto ko lang gawin mo ay tanggapin na ang lahat na nangyari." Si mommy.

Bumuntong hininga ako at tumawa nalang sa naging sitwasyon. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni mommy at mukhang iniisip na nababaliw na ang anak niya. Sana nga mabaliw nalang ako rito.

"Mommy, we're getting emotional, right now!Tama na ang iyakan." Sabi ko at pilit pinapagaan ang sarili.

Ngumiti ako at niyakap ito ulit.

Mommy is very senstive person at namana ko iyon sakanya. We easily get emotional on small or pretty things. Minsan napatawa si daddy saamin dahil nag kaiyakan kaming dalawa habang pinapanood namin iyong  ghajini. We shared same thoughts, unlike with daddy he's very acute and humorless.

Napakalas kami sa yakap nang bumukas ang pinto at nakita namin si daddy doon. Agad na lumapit siya at napahinto rin nang makita ang itsura namin galing sa iyakan.

"Oh, You two are crying again. Bakit hindi niyo ako sinama?"

Tumawa kami ni mommy at agad sinalubong ang yakap ni daddy saamin. I felt him kissing the side of my head pagkatapos ay kay mommy.

"Vino, si anna?" Mabilis na umiwas ako sa usapan nila nang marinig ang pangalan niya. I hate her name..so much.

"Ayun, Nakatulog sa kakanood ng zombies. Yung batang yun talaga namana kay aera ang pagkahilig sa horror. "

Nakita ko ang paglipat ng tingin ni mommy saakin nang mabanggit iyon ni daddy. Hinampas niya ang braso nito at ngayon lang narealize ni daddy ang sinabi niya.

Umiling iling ako at napatawa nalang sakanila.

"I m..mea--"

Hindi ko na ito pinatapos at inunahan na siya.

"It's really okay, dad."

Ngumiti si daddy saakin at agad hinila kami ni mommy para yakapin ulit.

"I'm sorry, iha. Hindi ko sinasadyang masigawan ka kanina. I didn't mean to raised my voice at you. Nadala lang ako sa galit ko."

Umiling-iling ako sa dibdib niya at hindi nalang inintindi ang sinabi nito.

"Let's just forget it, daddy." Bulong ko dito.

Naramdaman ko nalang ay hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ito.

I'm very lucky to have them. I've got two loving parents. Hindi ko makayanan ang lahat ng ito pagwala sila sa tabi ko. Hindi ko na alam kung sino pa ako kung wala sila. Kahit minsan nag-aaway kami dahil sa hindi pagkaintindihan, nandiyan parin sila saakin para intindihin ako at pinaramdam saakin na walang naging kulang saakin. Buong-buo parin ang pagmamahal nila.

May mga ala-ala talagang gusto mong alisin, but those memories will really continue to haunt us. Kahit ibaon mo pa iyon sa lupa, makikita mo parin iyon.