webnovel

Chapter One

Nightmares

"Huwag ka sabing malikot!" Sigaw niya saakin pero pilit ko parin itong tinulak at umaasang makatakas sa mga hawak niya.

"Tulongan niyo po ak—"

Bago ko pa matuloy ay sasabihin ko ay naramdaman ko nalang ang malakas na suntok na dumampi sa pisngi ko. Napasigaw ako sa sakit.

"Ah!"

Wala akong ibang iniisip kung hindi si Mommt at Daddy at umaasang makikita at matutulungan nila ako dito.

"P..please..tama na.."

Naramdaman ko nalang ay tuluyan niya nang binaba ang suot ko sa ibaba. Kahit mahigpit ang pagkahawak niya saakin ay pilit parin na inangat ko ang katawan ko.

"Tulong!"

"Ayaw mo talagang tumigil?!" Sigaw nito at mukhang nawawalan narin ng pasensya. Humigpit pa lalo ang pagkahawak niya saakin.

Kaba, takot at panginginig sa katawan ang naramdaman ko ngayon habang napansin ang pagnanasa sa mga mata niya. Namumula at desperadong magawa ang gusto niya. Hayop mo!

Alam kong hindi na siya mapipigilan at madadala sa usapan dahil sa itsura niyang ito, mukhang wala na ito sa sariling pag-iisip!

Napaka hayop mo! Wala kang kwentang tao! Walang konsensya!

Patayin mo nalang ako kesa naman magdusa ako rito ngayon!

Alam ko naman na kahit anong gawin ko, magtatagumpay siya sa binabalak niya. Malakas siya kesa saakin at tanging magagawa ko lang ay...wala..wala!

"Ang hayop m..mo!"

"Ayaw mo pang bumigay ha!"

"Makukulong ka! Sisiguraduhin kong makukulong ka!" Gusto ko man ipakita sakanya na hindi ako natatakot sa gagawin niya ,pero alam kong nangingibabaw parin ang takot ko.

Dahil sa liblib na lugar na ito alam kong walang makakarinig sa hikbi at iyak ko. Unti-unti narin akong nawawalan ng pag-asa.

"Tangina mong babae ka!"

Doon na ako nanghina nang maramdaman ulit ang malakas na suntok na dumapo sa tiyan ko. Pero kahit hinang-hina na ay pilit ko parin kumawala sakanya.

"Aera! Aera!" Isang babaeng boses agad ang narinig ko.

"Anak..Aera!"

Kilala ko ang boses na ito..Si Mommy!

"Mommy! Mommy! Tulong!" Parang nabuhay agad ako ng loob nang marinig ko ang boses niya. Sinbukuan kong kumawala pero malakas parin ito saakin.

"Mommy!"

I was yelling nonstop pero napatigil lang iyon nang maramdaman ko ang malambot na kamay na dumapo sa pisngi at balikat ko. Naramdam ko pa ang paggalaw ko ng kaonti dahil sa pagyugyog niya saakin. Sumikip and dibdib at halos hindi na makahinga.

"Aera, wake up! anak!" Umahon ako sa kama at hingang malalim ang unang ginawa. Nilingon ko agad kung sino ang nasa harapan ko. Nanginginig ang kamay ay mabilis na niyakap ko ito.

"You have nightmares, iha! Jusko!" Sabi nito at niyakap ako nang mahigpit.

"Mommy!"

Ngayon ko lang din na proseso na panaginip lang ang lahat na iyon. Nanginginig ang labi ko ay bumuhos ang luha ko sa takot, sakit at halohalong emosyon. Tuwing natutulog ako akala ko makakalimutan ko ang lahat, pero kahit sa panaginip ko ay naghihirap parin ako. Waking up everyday with fear and anxiety. My sleep wasn't peaceful, everynight. The past that I've been trying to slipped away..

Lagi nalang bang ganito?

"Mommy..kailan ba titigil ito? sobrang pagod na pagod na ako. Araw-araw nalang bang ganito? Bawat gabi o paggising, parang hinulog saakin lahat ng kasalanan..Sobrang hirap.."

Hindi ito kumibo at malungkot lang akong sinulyapan. Napansin ko rin ang pamumula ng mga mata niya. Imbes na sagutin ako, ay niyakap lang ako nito nang mahigpit. Mabilis naman napaangat ang ulo ko nang maramdaman ko ang pagpatak na luha niya sa balikat ko. Kagaya ko, napansin ko ang sakit, takot at lubusang pag-alala niya saakin. Pumikit ako nang mariin at yumuko, hindi na kaya makita pa ang panibagong luha ko.

Ayokong ganito kami lagi, ayokong ito lagi ang nararamdaman ko araw-araw. Iyong bigat at takot ko sa mundong ito, sa lahat..

"I wish I could take your pain away. Kung pwede lang sana noon ko pa 'yan ginawa. Nahihirapan na akong makita kang ganito, Aera. Sorry at wala kami ng Daddy mo noong kailangan mo kami. I'm so sorry..anak."

Kumawala ako nang malalim na hininga at inangat ang mga kamay para punasan ang mga luha niya. Umiling iling ako habang hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Ngumiti ako ng pilit.

Ito naman lagi ang naririnig ko. Laging sinisisi ni Mommy ang sarili niya, kahit hindi naman talaga dapat. Wala silang kasalanan sa nangyari saakin.

"'Wag mong sisihin ang sarili mo, Mommy. Ito na ang nangyari saakin. Wala po kayong kasalan, o kahit si Daddy. Hinayaan po ako ng diyos na mangayari ito saakin at—"

"'Aera, Huwag na huwag mong sabihin 'yan!" Putol niya at hindi nagustuhan ang sinabi ko.

Umiwas agad ako ng tingin.

Kahit nanghihina ay pilit kong tumayo mula sa kama para maiwasan ang ganitong usapan. Alam kong napansin niya iyon. Ayokong mag-aaway kami ulit nang dahil lang sa topic na 'yan.

"Maliligo na po muna ako. Susunod nalang po ako sa baba." Agap ko.

Hindi ko na nakita ang reaksyon niya at mabilis na tinalikuran para makapunta ng banyo. Mabilis na hinilamos ko agad ang mukha at tinukod ang sarili para matignan ang buong itsura sa salamin. Yumuko ako at pumikit ng mariin. May luhang lumandas sa pinsgi ko na agad ko rin pinaalis.

"Tanginang buhay 'to!"

Wala pa akong nagawa pero pagod na pagod ang buong katawan ko. Gusto ko nalang magpahinga at huwag nalang magising kailanman. Sana hindi nalang ako nagising.

Kung mahal nga ako ng diyos gaya ng sabi nila, Bakit niya ako hinahayaang masaktan at magdusa ng ganito?

Bakit ako pa? Wala akong maling ginawa sa buhay ko. Kailanman ay wala akong inapakan na tao! Kaya bakit ako pa iyong napili niya? Bakit kailangan ako pa ang maghirap ng ganito? Tangina naman!

Minsan iniisip ko kung totoo ka ba talaga?

Hanggang ngayon ay wala paring nakakaalam sa nangyari saakin m, maliban nalang sa pamilya ko. Pinili rin namin na ilihim nalang ang lahat at sumang-ayon naman ako doon. Ayokong pandirian nila ako at husgahan sa nangyari. Natatakot ako.

Umalis nadin ako sa trabaho ko dahil sa nangyari saakin. Hindi na nasabi ang totoong dahilan.

Yes, I survived. But, I'm not the old Aera anymore. Ang daming nagbago saakin. I become someone else, a new person. Everything has changed. Hindi na ako 'to.

Kung marami man akong hilig noon ay hindi ko na nagagawa ang mga bagay na iyon, ngayon. Takot na sa mga tao, takot na sa lahat. Hindi narin ako nakikisalamunga sa iba 'di gaya noon. Kahit kay Daddy at Mommy ay lagi kong inaayawan. Nawalan na ng gana para sa lahat. Kung ginagawa man nila iyon ay hindi na ako ang kasama, kung hindi ang batang iyon. Ayokong makasama siya o kahit madikit man lang ang mga katawan namin. Nandidiri ako sakanya.

She reminds me of everything.

I'm trying to sweep all the dust, pero hindi ko magawa dahil sa batang 'yon! Naiinis ako sakanya!

Kung sana hinayaan nalang nila akong ipamigay siya sa iba, 'di Sana wala na siya dito ngayon! At sana hindi na ako nahihirapan pa ng sobra!

I can't stand the sight of her, I can't..

Habang tumatagal ay nahihirapan nakong pakisamahan ang batang hindi ko ka ano-ano. Hindi ko siya anak, at hinding hindi ko siya magiging kadugo!

Gusto ko man siyang ipamigay, pero hindi sila sang-ayon lahat at mukhang gusto talagang maging parte sa buhay namin ang batang ito! Can they see? Anak iyan ng lalaking gumahasa saakin!

"Please, ipamigay niyo na lang 'yang batang 'yan..Sinunod ko naman ang gusto niyo na huwag ilaglag ang bata, pero ang buhayin siya dito kasama ko hindi ko kaya! Ano ba, bakit ba ayaw niyo nalang hayaan at ipa-ampon iyan sa iba?" Hindi ko na napigilan ang sariling sabihin lahat ang noon ko pa gustong marinig nila.

Nakita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon ng dalawa at dismayado sa mga sinabi ko.

"Aera, Stop this nonsense! Kung ayaw mo sa bata kami ng Mommy mo ang mag-aalaga sa kanya. Naintindihan mo ba 'yon?" Si daddy at mukhang pinigilan ang sariling pagsabog.

Alam ko naman na mali, eh! Pero ito na iyon! Buo ang desisyon kong ipa ampon 'yan!

Pumikit ako nang mariin at hindi parin alam paano ko sila makombinse. Iritado na at nawawalan na ng pasensya sa lahat ng bagay. Everything frustrates me!

"Anak, Aera. Pwede mo siyang itaboy sa harap namin pero 'wag mo naman ipamigay ang anak mo." Nakita ko ang pagpigil na iyak ni mommy at nasasaktan ako doon. Pumikit ako ng mariin at wala ng ibang magawa.

"Fine! Keep her if you want!"

Mabilis na tumalikod at at sinarhan sila ng pinto. Sa pagpasok ko sa sariling kwarto ay bumuhos ulit ang luha ko. Lintek! Kailan ba matitigil ito?

Mula ngayon ay hindi ko na pinipilit sa kanila ang gusto ko. Ayokong masaktan sila pareho. Wala narin akong magawa dahil sa tingin ko ay napamahal na ang bata sakanila.

Araw-araw ay mukhang pinapatay narin ako. Walang araw na hindi ako nahihirapan o umiiyak sa gabi bago dalawin ng antok.

Kung may lakas loob lang ako para harapin yung naglapastangan saakin noon, 'di sana nakaganti na ako sakanya. Pero wala eh! Takot na takot parin ako. Hindi ko kayang maharap siya o makita man lang. Alam kong hindi ko kakayanin. Babalik lang saakin ang nakaraan pagnakikita ko ang hayop na iyon!

Napaka walang hiya niya!

Sinira niya ang buhay ko, Ang pagkatao ko!

It's been a year but the pain is still here. The blood that still flowing. The memories that everyday tears me apart. And yes, I'm still gripping and dwelling on the past. Kahit anong pilit kong kalimutan ang nakaraan ay lagi nitong pina-alala saakin kung gaano ako kamalas sa buhay.