Forgiveness
"Pumayag ka?" Bulong ni tanya malapit sa tenga ko.
Wala sa sariling tumango ako sa tanong niya. Palihim na pinagmasdan ko lang ang dalawang matanda na nag-uusap. Hindi ko alam ano pa ang pinag-usapan nila at mukhang gusto pang tumagal dito.
"You trust them?" Tanong niya ulit.
Lumingon ako sakanya at hindi alam anong isasagot.
"I...don't.."
Ngumuso ito at tumango-tango.
Nasa dulo ako ng kama nakaupo habang binabantayan si anna na natutulog. Nakatayo naman si tanya sa gilid ko. Wala si niccolo at nico dahil umuwi muna ito.
Umuwi rin si matteo gaya nila. Kanina ko pa napapansin ang pagtunog ng cellphone niya at alam kong importante iyon. Hindi ko alam bakit ayaw niya pa iyon sagutin. Ayokong saakin lang lagi ang atensyon niya. Meron din siyang trabahong pagkakaabalahan. I can handle my problem at hindi na dapat siya damay dito.
"You should answer it."
"There's nothing to worry about. I'll just move my meetings."
"You should go..Kaya ko naman ito, matteo. Ayokong ipagliban mo ang lahat dahil saakin."
"Baby, There's a lot of days to do that." Seryosong sabi nito at mukhang wala talagang pakialam kung sino man ang tumatawag sakanya.
Nagtalo pa kami doon, pero sa huli napapayag ko rin siya. Ayoko naman pumermi lang siya rito. May mga bagay din na dapat siyang asikasuhin, hindi lang saakin. Kung may oras lang ako ay sumama na ako sakanya para naman makita ko ulit si Tito at tita Edith. Pero sa ngayon..hindi ko muna iyon inisip. May tamang araw pa ako roon. Sa ngayon, ay itong problema at kay anna muna ang haharapin ko.
Naramdaman ko ang paggalaw ni anna at agad na yumuko ako para matignan ito. Unti-unti ay bumukas ang mga mata niya. Saktong paggising nito ay ang paglapit din ng matanda. Mariin ang pagsulyap ko sakanila at pinigilan hindi sila ipagtaboy sa harap ng anak ko.
"Mommy.."
Gusto nitong umupo kaya inalayan ko ito. Sana sa madaling panahon, dapat makauwi na kami. Napansin ko rin na medjo nawawala na ang pasa niya sa ulo.
"Hi, iha.." ang matandang babae ang nagsalita. Nakita ko ang bahagyang paghawak niya sa braso ni anna. Gusto ko iyon iwasan at ialis pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong sa harap pa mismo ng anak ako mag e-eskandalo. Ayokong matakot siya saakin ulit. Hindi ko kailanman makalimutan iyong takot sa buong mukha niya noon dahil saakin. At ayokong mangyari ulit iyon.
Sumulyap ako sa dalawang matanda at hindi maiwasang matakot para sa anak ko. Alam kong impossibleng gumawa sila ng masama dahil andoon sa labas ang mga tauhan ni daddy, pero hindi ko lang talaga mapigilan mangamba. Ni ayokong hawakan nila ako o ang anak ko. Pero sa sitwasyong ito, alam kong wala na akong magagawa kung hindi hayaan sila ngayon kahit labag sa kalooban ko.
Hindi ko alam na ganito sila kakapal para pumunta rito.m, para bisitahin ang anak ko. Ni hindi man lang nag-iisip kung ano itong nararamdaman ko.
Kahit wala silang kasalanan noon, hindi ko parin kayang magalit at maalala ang buong nangyari saakin noon. Oo, mahirap patawarin ang kababoyan na ginawa ng anak niya, pero ano bang magagawa ko? Tapos na ang lahat. Kahit magtanim man ako, hindi na iyon mababalik pa.
Gusto ko nalang matapos ito at para makaalis na sila.
"Hi, anna..I'm your lola yasmin and this is your lolo simon."
Umigting ang panga ko sa nakita at halos diniin ang mga kuko sa kumot. Pansin iyon ni tanya kaya hinagod niya ang likod ko. Umiwas ako nang tingin dahil hindi ko kaya makita ang buong reaksyon nila dahil kay anna. Sising-sisi at puno ng pangulila sa bata. It was genuine at hindi ko iyon kayang makita.
"Matagal na namin hinintay ito.."
"Mommy..."
Umangat ang ulo ng anak ko at parang nagtataka pa at puno ng katanungan sa buong mukha.
Pilit na ngumiti ako. Umangat ang kamay ko at sinuklay ang mahaba niyang buhok. Bumababa rin ito sa pisngi niya. Sa lambot ng mukha niya ay halos napapikit na ako at dinama iyon. Sa paraan ng paghawak ko sakanya ay unti-unting gumaan ang puot at galit para sa dalawa na nasa harapan ko ngayon. May namumuong luha sa mga mata ko pero pinigilan ko iyon.
"Anna...s-say hi to them.." hindi ko pa iyon mabigkas nang maayos dahil sa kaba na hindi ko alam bakit.
Napasulyap sila saakin at mukhang gustong magsalita pero tinikom nalang nila iyon at maluhang-luhang tinignan si anna.
"Simon, saan iyong dala natin? Ibigay mo na!" Masaya at naexcite pa na sabi nito.
"Yes, yes! Andito!"
Dali-dali at agaran na sinunod ng matandang lalaki ang utos ng asawa niya.
Ngayon ko lang din napansin ang dalawang nakabalot na regalos sa gilid ng pinto. Malaki iyon. Nagtiim bagang ako dahil sa nakita.
"Ito, iha..bili namin iyan saiyo. Sana magustuhan mo!" Iyong matandang babae.
"Wow! Ewts big!" Masayang tinanggap iyon ni anna at kinandong agad sa paanan. Tinulungan ko pa siyang buksan iyon.
"Let mommy open this to you."
Unti-unti ay lumuwa saamin ang isang malaking doll. Iyong isa naman ay malaking kahon na may lamang mga laruang pangluto.
"Yehey! I like this lola!" Si anna.
Umiwas ako ng tingin nang niyakap nilang dalawa ang anak ko. Gusto kong umiyak. Hindi ko alam bakit kailangan maramdaman ko ito. Gulo-gulo ang isip at gustong maluha sa hindi malaman.
"I told you, simon! She will like it!" Nakita ko ang mga patak na luha sa matandang babae habang hinahaplos ang buhok ni anna.
Wala akong ibang makita sakanila kung hindi ang saya sa buong mukha ngayon. Alam kong may gusto silang sabihin..pero sa tingin ko'y pinipigilan lang nilang magsalita sa harap ko. If she feels sorry again for what his son did to me, sana hindi niya na kailangan ulitin iyon.
Hindi madaling magpatawad sa kasalanang ginawa niya, pero alam kong balang araw, buong puso kong matatanggap ang lahat para patawarin siya. Sa ngayon, gusto kong bumawi sa lahat nang pagkukulang ko, para sa anak ko at sa mga maling ginawa ko.
Sa loob ng isang taon, hindi sapat ang lahat ng sorry na sinabi ko sakanya.
"Masaya kami at nakita ka na namin., apo..Patawarin mo kami sa mga nagawa namin at sa anak kong s-"
"Stop bringing his name, here." Putol agad ko at mariin ang bawat salitang binitawan.
Mabilis na tumango sila saakin at mukhang natakot pa.
"Sorry, nabigla lang kami.."
Hindi na ako nagsalita pa at itinuon nalang ang atensyon kay anna na ngayon ay nilalaro na ang bago niyang laruan.
Hindi ko alam ilang oras bago sila tuluyan nagpaalam. Nakita ko naman na naging masaya rin si anna na nakilala sila.
"Bago kami umalis, pwede bang makausap kita, iha?"
Umangat ang ulo ko at nakitang nakatingin na sila saakin ngayon. Umigting ang panga ko at hindi makapagsalita.
Hindi pa ba sapat iyong pag-uusap namin kanina?
"Sana pagbigyan mo kami." Iyong matandang lalaki.
"Ngayon lang ito at aasahan mong hindi na kami manggugulo pa saiyo.." nakita ko ang pakikiusap sa mga mata nila.
"Aera, pagbigyan mo na.." si tanya na bumulong saakin.
Kumawala ako nang malalim na hininga at sa huli ay tumango.
"Sasama ako." Si mommy.
"Martha!" Suway ni daddy. "Hayaan mo silang mag-usap. You don't have to worry about her."
"Pero vino--"
"Martha!" Si daddy.
Nakita ko ang iritasyon sa mukha ni mommy. Na appreciate ko ang pag-alala niya ngayon para saakin. Pero.. ito na siguro ang tamang panahon para kausapin ko ang mga ito. Baka sakali...baka sakali matahimik na ako..
kakayanin ko ito. Kinaya ko nga noon, hindi ba?
"Sa labas nalang tayo magusap." Sabi ko at mabilis na tumayo. Yumuko din ako at humalik kay anna bago na tuluyang lumabas. Naramdaman ko rin ang pagsunod nila saakin.
Ramdam ko ang kaba saakin. Kinalma ko ang buong sarili ko bago tuluyang hinarap sila.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot saamin bago sila nagsalita.
"Iha.." sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero agad ko iyon iniwas. "Hindi namin alam paano magsimula.."
Kahit nanghihina ay matapang at taas noo ko silang hinarap. Hindi parin ako nagsalita at hinintay ang gusto nilang sabihin. Nakita ko rin ang paghagod ng lalaki sa likod ng asawa niya.
"Sana..mapatawad mo kami.." nakita ko ang mabilis na pagbuhos ng mga luha niya na ikinagulat ko. Umigting ang panga ko sa nakita. Damn it!
"Araw-araw akong ginugulo ng isipan ko. Araw-araw akong binabalot ng takot at konsensya dahil sa nangyari saiyo..dahil sa ginawa ng anak ko saiyo.." Ngayon, ay nahuli niya na ang mga kamay ko. Wala akong magawa kung hindi hayaan siya doon. Umiwas ako ng tingin at nangingilid narin ang mga luha.
"Noon paman, gusto na kitang makita. Gustong kong humingi ng tawad dahil sa ginawa ng anak ko. Kahit kasalanan niya iyon, may kasalanan rin kami. Ang dami namin pagkukulang sakanya bilang magulang. Ni hindi na namin napansin na nalulong na pala siya sa druga.."
Kahit pilit kong maging matapang sa harapan nila ay hindi parin nagsisinulanging ang kilos ko. Walang pasintabi ay bumuhos na ang mga luha ko.
"Sana nga pinatay nalang ako ng anak mo! Trinato niya ako na parang hayop!" Hindi na napigilan masaktan at maalala ang kababoyan na ginawa niya saakin noon. Kumalas na rin ang mga kamay ko sa hawak niya.
"Sorry..sorry! Patawarin mo kami, iha..Hndi namin ginusto itong nangyari saiyo. Hindi lang ikaw ang nagdudusa, kahit kami, mga magulang niya."
Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib.
"Bullshit!" Mura ko at padabog na inalis ang mga luha. "Araw-araw akong pinapatay dahil sa takot at trauma ko dahil sa ginawa niya! Buhay nga ako, pero parang pinatay niya naman ako sa takot sa mundong ito!"
"Sorry..patawarin mo kami.."
"At dahil sakanya, kinamuhian ko ang sarili kong anak! Taon akong naghirap at walang ginawa kung hindi ibuntong ang kasalanan nagawa niya sa anak ko!"
Umawang ang labi niya at mukhang hindi makapaniwala dahil sa narinig.
Oo! Kung naging masama ang anak mo saakin, naging masama naman ako sa anak ko. Parang naging kriminal narin ako kagaya niya!
"Iha.." Narinig ko rin ang mahinang paghikbi niya.
Inayos ko ang sarili ko at matapang na hinarap sila ulit.
"Patawarin mo kami, iha..alam kong hindi parin sapat ang lahat, pero sana pagbigyan mo kaming makabawi..kahit sa nag-iisang-apo lang namin. Alam kong mali at naging insensitive kami sa nararamdaman mo..pero nakausap namin ang daddy mo si Vino, bago pumunta rito."
Bakit hindi man lang sinabi saakin ni daddy ito? Kasi alam niyang hindi ako papayag? Damn it!
"Sa kabila ng lahat, pinagbigyan mo parin kami..salamat.."
Umiwas ako ng tingin at hindi na alam itong nararamdaman ko. Ayoko itong nararamdaman kong awa para sakanila. Tuloy-tuloy narin ang buhos ng mga luha ko.
Kinuha niya ulit ang mga kamay ko. Gusto kong kumawala sa hawak niya pero nanghihina na ako at wala ng lakas para magsalita dahil panay na ang buhos ng mga luha ko.
"Sana balang araw..mapatawad mo kami."
"Kaya kong magpatawad, pero hindi ko alam kung makakalimutan ko ang lahat iyon. Lahat ng panget na ala-ala na iyon ay madadala ko na buong buhay ko."
"Alam kong hindi ganon kadali na tanggapin ang lahat. Sana sa pagbalik namin, okay na ang lahat. Na kaya mo na kaming tanggapin na walang galit sa puso mo."
Hindi ako umimik o nagsalita sa sinabi nila. Umiwas lang ako nang tingin.
"Thank you at pinayagan mo parin kami sa kabila ng lahat na nagawa namin saiyo. Sana hindi ito ang huli na makita kita at si anna."
Iyon lang ang huli nilang sinabi bago tuluyan ng umalis sa harapan ko. Hindi pa iyon naproseso sa utak ko ang buong nangyari ngayon. Sa huli lumabas na ang hikbi ko mula sa bibig. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa sobrang sakit ng dibdib ko. Mabilis na tinakpan ko ang sariling bibig para iwasan ang ingay na pag-iyak.
"Bullshit!"
Isangpagtunog ng elevator ay alam ko na agad kung sino iyon.
"Aera!"
Isang init na yakap agad ang bumalot saakin.
"Hush, baby.."
"Matteo.."
Kung hindi niya lang ako hawak baka kanina pa ako natumba. Sobrang saya ko at andito siya, na tinanggap niya ako nang buong-buo.