webnovel

Chapter Five

Tears

Hindi ko alam paano ko nagawang nakawala doon kahit lumalabo ang daanan para saakin. Ang paningin ko na halos tabunan na ng mga luha.

Nanginginig ay tinigil ko ang kotse sa gilid at mabilis na tinakpan ang sariling mukha. Patuloy na bumuhos ang mga luha ko at hindi ko alam para saan ito. Ito naman ang gusto ko, hindi ba? Hindi ko alam bakit maramdaman ko pa ito? At bakit kailangan masaktan pa ako sa plano ko kahit ito naman talaga ang gusto ko.

Biglang sumagip sa isipan ko ang itsura niya kanina. Kung paano siya nagmakaawa saakin. Ang sakit na dumapo sa mga mata niya at nagpumilit na huwag akong umalis. Pilit na kinalma ko ang sarili ko. Dapat hindi ko na iyon inalala pa. Ayokong makaramdam ng awa sakanya. Ayokong siyang isipin. Ayoko!

I slowly opened my drawer and took some tissue to wiped the tears from my face. I'm trying to cease the tears pero lalo lang itong bumuhos. I was biting my lips to stopped myself from crying, but damn it! the tears began to seeping down again my cheeks.

This is bullhit! Lintek na luha!

Hindi ko alam ilang oras ang naubos ko sa loob ng kotse kakaiyak. Ni hindi ko alam kung anong nangyari at bakit apektado ako ng ganito ka lala. Siguro ay mamimiss ko lang talaga si Mommy at Daddy, and she's not included.

Inayos ko muna ang sarili at huminga ng malalim bago napagdesisyonan paandarin ulit ang kotse. Pilit na inalis ko muna iyong nagbumagabag saaking isipan. Tama, dapat maging masaya na ako ngayon.

Hindi naman ganoon ka traffic kaya laking pasalamat ko at nakarating agad ako sa hotel. Mabilis na bumaba ako at kinuha ang maleta sa likod ng kotse. Sinuot ko rin ang rayban para hindi mapansin ang pag-iyak ko kani-kanina lang.

I started walking and passed the guard who greeted me.

"Good afternoon po, Ma'am fumilla." Bati ng gwardya saakin. Nginitian ko ito at nagpasalamat pagkatapos. Ni hindi ko inasahan na nakilala pa ako nito kahit hindi na ako nakapunta rito matagal na.

Nang marating ko na ang suite ko ay kinuha ko ang susi at binuksan iyon. Unti-unting sumilay ang ngiti saking labi at mabilis na tumalon sa kama ko.

"Finally!"

Hindi ko maiwasang mamiss ang magandang alala ko dito. Ang kasiyahan na naidudulot sakin noon kasama ang mga kaibigan ko. Biglang may sumagip rin sa isipan ko ang isang taong hinding-hindi ko rin makakalimutan. Umiling-iling ako at pilit na niwala siya sa isipan ko.

I'm sure he's happy or happily married, right now.

Pumait ang lalamunan ko. Kung nakakawala lang ang sakit at magaspang na alala ang pagtulog ay baka noon pa ito naglaho saakin.

These dark and bad memories are still here. It's already part of me.

Some memories are good that can warm you up, but not everything. Some memories will also tear you apart.

Ako na nga ang binaboy ako pa ang gagawa ng responsibilidad sa pangbaboy ng hayop na iyon. Hinding-hindi ko kayang alagaan ang batang iyon.

Inilibot ko ang paningin ko at pinagmasdan ang kabuuan ng loob ng suite ko. Wala parin nagbago at ganoon parin ang ayos. Kung meron man nagbago ay ang pagpalit lang ng sheet ng kama. Kung mananatili akong nakatunganga dito ay baka iisipin ko lang siya dito ng buong araw. At walang silbi ang pagbukod ko kung hahayaan kong saktan parin ang sarili dahil sa mga karanasan noon. Gusto kong bumuo ng panibagong ala-ala, iyong masaya.

May parte rin saakin gustong itext ang mga kaibigan ko at imbitahin sila dito. I miss them so much. Naalala pa nila kaya ako?

Kung gagawin ko ang gusto ko na makipagkita sakanila alam kong hindi maaalis ang pagtatanong nila sa pagkawala ko. Ano naman ang isasagot ko? Iniisip ko palang ay naiiyak na ako. I couldn't bear the pain and telling them the whole details. Hindi ko kaya. Hindi parin ako handa na sabihin sakanila lahat ang tungkol saakin. Paano pag pandidirian nila ako?

Bumuntong hininga ako sa dami ng iniisip. I want a new diversion. I want to divert myself into something new. Kahit ngayon lang gusto ko munang kalimutang lahat, kahit hindi man permanente.

Agad napaisip ko ang club. Hindi ko na matandaan kong kailan ko huling lumabas kasama ang kaibigan ko. Natigil lang lahat iyon dahil sa nangyari.

Ito ang kailangan ko ngayon. Gusto kong mag enjoy at mag-inom. I want to get drunk.

Tumingin ako sa oras at nakitang maaga pa. Wala akong magawa kung hindi hintayin nalang gumabi. Agad humiga ako at hindi namalayang nakatulog na pala ako.

Kung hindi lang tumunog ang cellphone ko baka hindi na ako nagising dito. Nakapikit ay kinapa ko ang cellphone sa gilid ko. Nang mahawakan ko na ay hindi ko na iyon tinignan pa at agad na sinagot.

"Anak.." nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang mahinang boses ni mommy. Is she crying?

Napaupo ako ng maayos sa kama at binigay ang atensyon sa kabilang linya.

"Mommy! What's wrong?"

"Anak..I I just m-miss you..Sana hindi ka nalang umalis." I know her tears wracked her body at hindi ko kayang makita si mommy ng ganoon. I sighed.

"I miss you too,"

"Alagaan mo ang sarili mo diyan, ha?" Tumango ako kahit hindi naman niya ito kita.

"Iha, si anna nakatulog na sa kakaiyak. Naawa nga ako sa bata. Sana na-" hindi ko na siya pinatapos at inunahan na siya kung ano man ang ibabalita niya tungkol sa batang iyon.

"My, please.. let's not talk about her."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabila at tumahimik nalang.

Nasasaktan ako, Oo. Aaminin kong may mali rin ako. Na alam kong wala siyang kasalanan sa lahat at huwag dapat ibuntong iyong kasalanan na hindi niya nagawa. Pero they can't blame me..hindi ko lang talaga kaya hindi idiin sakanya ang kasalanan na iyon. Anak siya ng bumaboy saakin. At habang nakikita ko ang pagmumukha niya, parang bumalik saakin ang lahat.

At oo, pilit kong alisin at pigilin ang sarili na hindi siya sumbatan sa lahat, pero hindi ko lang talaga kaya. Naiirita ako sa pagmumukha niya.

Gusto kong malaman niyang pagkakamali lang siya dito sa mundong ito. Gusto kong sabihin sa kanya na isang halimaw ang ama niya, na walang kwenta at hindi siya tao!

Hindi naman nila ako masisisi doon, hindi ba? They don't know what I've been through. Hindi nila alam kung ano itong nararamdamn ko.

Ngayon ko lang din napagtanto na kausap ko pa pala si Mommy sa kabilang linya.

"Just..please take care of yourself there. Wala kami ng daddy mo diyan para bantayan ka. Kumain ka nang maayos, okay?"

"Opo. Hindi ko po pababayaan ang sarili ko rito kaya huwag niyo na ako masyadong isipin pa. Kayo, magingat kayo diyan ni daddy."

"Yes, Iha.."mahinang pagkasabi niya sa kabilang linya at parang hangin na iyon.

Pagkatapos namin mag-usap ay binaba ko na ang tawag. Nakatulala ako sandali sa kama at naalala ang plano ko ngayong gabi. Mabilis akong naligo at nagbihis pagkatapos. Pinili kong suotin ang Bodycon black dress. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nakitang kapit na kapit ang suot kong damit sa baywang ko. Hinayaan ko rin bumagsak ang buhok ko. Ngayon ko lang nakita na ganito ulit ang sarili sa tagal-tagal na ng panahon.

Nang makitang maayos na ang sarili ay kinuha ko na susi bago tuluyang lumabas.