webnovel

Addicted (BoyxBoy)

DISCLAIMER: MATURE CONTENT R-18 This story may contain content of an adult nature. Reader discretion is advised. - Meet Ace Ezekiel Montemayor, a man with a painful past. And this is his story.

heyitskristoff · LGBT+
Peringkat tidak cukup
31 Chs

Act 13

DAMIEN

"Pare, may niyaya ako sa Sabado. Game sa threesome. Kantutin natin," sabi ni Jack sa kabilang linya.

Pabagsak na naupo ako sa kama. Sobrang sakit ng katawan ko sa walong oras na pagtatrabaho sa construction site.

"Sorry, pare. Hindi ako pwede," pagpapalusot ko. "May raket ako."

Hindi naman kasi ako katulad mo na mayaman. Hindi ako katulad mo na may pamilyang handang ibigay ang pangangailangan mo kaya puro pag-eenjoy ang inaatupag.

At saka, hindi ko magawang makipagkita sa ibang lalaki ngayon. Hindi ko magawang kumantot ng iba. Ilang araw na akong nagsasariling-sikap. Ilang araw na akong walang dinadala sa apartment ko o walang kinakatagpong lalaki sa kung saan man.

Isa lang ang gusto kong makita. Si Ace. Si Ace lang at wala nang iba.

Ibinaba ko na ang tawag at nahiga na. Sa sobrang pagod, ni hindi ko na nagawang makapaglinis ng katawan, nakatulog na ako agad.

Nagising ako dahil sa gutom. Sobrang dilim ng apartment ko. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na.

Shit. 11P.M. na. Hindi ako nakapasok sa trabaho.

Mabilis akong nag-text sa amo ko at humingi ng tawad dahil hindi ako nakapasok. Mabuti na lamang at mabait ito at pumayag din ang isang katrabaho ko na humalili sa akin. Humiga ako ulit. Hindi na rin naman ako makakapagluto. Walang laman ang ref ko kung hindi tubig. Tinatamad na rin akong lumabas at hindi ko alam kung may bukas pang tindahan.

Ipinikit ko na lamang muli ang aking mga mata at nagpasyang matulog ulit. Ahh... matagal-tagal na rin nang maranasan kong matulog ng gabi.

Naalimpungatan ako sa pag-ring ng cellphone ko. Tumatawag ang katrabaho ko sa bar. Nang sagutin ko iyon, dinig ko ang malakas na ingay. Puro sigawan.

"Fred? Anong nangyayari?"

"D-Damien. Yung bar. Nasusunog," sagot niya. "W-Wala na tayong trabaho."

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa nang marinig ko ang balitang iyon. Nawalan na naman ako ng trabaho. Ilang araw na naman akong magtitiis na isang beses lang kakain sa isang araw. Kulang na kulang kasi ang sinusweldo ko sa construction. Sa bar lang ako kumikita ng malaki dahil maayos magpasweldo ang amo ko at minsan ay nakakatanggap ng tip sa galanteng mga customers.

Paano na ngayon? Hirap pa naman ako humanap ng trabaho dahil wala naman akong maipagmamalaking credentials bukod sa karanasan ko sa iba't ibang klaseng pisikal na trabaho.

Naramdaman kong muli ang pagkulom ng sikmura ko. Nahiga ako ulit at namulupot sa higaan ko sa ilalim ng manipis kong kumot. Nagugutom ako. Sobrang nagugutom na ako.

Nagising ako sa malalakas na pagkatok sa pintuan. Nang imulat ko ang mga mata ko, maliwanag na. Umaga na pala. Nakatulog na naman akong nalipasan ng gutom.

Nanlalambot na tumayo ako para pagbuksan ang tao sa labas.

"Damien, hijo," sabi ng matandang babaeng landlady namin. Napansin ko ang bitbit niyang tupperware na may lamang pagkain.

"Tita Judy," mahinang sabi ko.

"Oh ito, kumain ka na muna," sabi niya at ibinigay sa akin ang hawak. "Napanood ko kanina sa TV ang sunog sa bar na pinagtatrabahuhan mo. Buti na lang hindi ka pumasok."

"Paano niyo po nalaman?"

"Hindi kita napansing lumabas kagabi pagkagaling mo sa construction," sagot niya. "Paano ka na ngayon, hijo? Gusto mo tulungan kita ulit?"

"H-Hindi na po, tita. Sobrang nakakahiya na po sa inyo. Sobrang dami niyo na pong nagawa para sa akin."

"Hindi ka na bago sa akin, hijo. Para na kitang sariling anak." Nginitian niya ako.

I felt warmth. Parang gusto kong umiyak nang mga sandaling iyon. Tinitigan ko ang matandang babae sa harapan ko. Isang byuda pero walang anak. Ang tanging naiwan lamang sa kanya ng yumaong asawa ay ang apartment.

Sa unang araw pa lamang ng pagtira ko rito, naging sobrang bait na niya sa akin. Sa kanya ko naramdaman ang pakiramdam na magkaroon ng isang ina na hindi ko naramdaman sa tunay kong ina.

Nang mawalan ako ng tulong-pinansyal mula sa mga magulang ko, siya ang tumulong sa akin humanap ng trabaho. Ipinasok niya akong katulong sa mga kaibigan niya. Naging kargador sa palengke. Naging part-time construction worker.

At higit sa lahat, tinanggap niya kung ano ako. Tinanggap niya ang pagkatao ko.

"Kung may anak man ako ngayon at inamin niya sa akin na bakla siya, hindi ako magagalit. Kasi alam kong it takes courage to come out at umamin lalo na sa sarili mong magulang. Nandiyan ang takot na hindi ka matanggap. Pero kung iisipin mo, hindi naman mababago ng pag-amin nila ang kung ano ang pagkakakilala mo sa kanila. Sa katunayan niyan, mas nakilala mo pa sila pero ang pagkatao nila, hindi iyon nagbago. Hindi sila nagbago," ang sabi niya sa akin noon nang tanungin niya ako kung bakit ako nanunuluyan sa apartment niya at hindi sa sarili kong bahay.

Niyakap ko siya. "Okay lang po ako, tita. Maraming maraming salamat po."

Hinaplos-haplos niya ang likod ko. "Basta kapag kailangan mo ng tulong, huwag na huwag kang mahihiyang magsabi sa akin."

"Opo."

Nagpaalam na kami sa isa't isa. Masaya kong kinain ang pagkaing dala niya para sa akin. May nangyari mang hindi maganda kagabi, magaan ang pakiramdam na nag-ayos ako at nagtungo sa trabaho.

Agad naman akong sinalubong ng foreman namin. "Damien, sa opisina ko. Mag-usap tayo."

Walang imik na naglakad kami papunta sa office niya. Naupo siya sa desk niya at ako naman ay sa harapan. "Bakit po, sir?" tanong ko.

"Sabi ng boss, hindi na kaya ng company na magpasweldo ng maraming workers dahil sa struggle ng main branch," panimula ng foreman. Kinutuban na ako ng hindi maganda. "Kaya Mr. Anderson, hindi mo na kailangang magtrabaho para sa amin."

Inilapag niya ang isang puting sobre sa lamesa niya. Natulala ako. Nawalan ako ng trabaho kagabi lang dahil nasunog ang pinagtatrabahuhan kong bar, tapos ngayon, tatanggalin ako sa construction site? Ayos. Hanep na buhay ito.

Wala sa loob na dinampot ko ang sobre.

"Thank you for your service, Mr. Anderson," pahabol pa niya at iginiya ako palabas ng opisina.

Nanghihinang bumalik ako sa apartment. Nakasalubong ko pa si tita Judy na parang nabahala sa hitsura ko pero hindi ko na siya pinansin nang tanungin niya ako kung ano ang problema ko. Nagkulong lamang ako sa kwarto ko at buong araw na sumalampak sa higaan ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ulit. Gabi na nang magising ako. Pilit kong pinagaan ang loob ko. Hindi ako pwedeng magmukmok. Hindi ko pwedeng sayangin ang oras ko para magkulong dito. Kailangan kong maghanap ng trabaho.

Nang lumabas ako. Nakita ko na may nakasabit na plastic bag sa doorknob ng pintuan ko. May laman iyong pagkain. Sigurado akong si tita Judy ang may bigay nito.

Ipinasok ko ito sa loob at agad ding lumabas ng apartment. Hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng trabaho sa ganitong kailaliman ng gabi. Bahala na. Baka may tumanggap sa aking bar. Marami na rin naman akong karanasan sa pagwe-waiter.

Sa mahabang paglalakad, napadpad ako sa isang public park. Kakaunti ang tao doon. Halos mga kabataang lalaki na kakaiba ang kilos. Parang may hinihintay.

Hindi ko na lang masyadong pinagtuunan ng pansin hanggang sa may isang kotse ang tumigil sa tabi ko. Bumukas ang bintana nito at bumungad sa akin ang isang lalaki. Sa tantiya ko ay halos kaedaran ko lamang ito.

"Magkano ka?" tanong nito.

"Huh?" Napakunot ang noo ko.

"Magkano ka? Serbisyuhan mo ako ngayong gabi."