webnovel

*1*PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN

"Promise Princess dadalawin ka namin every week end!"

Iyan ang binitiwang pangako ng Papa, Mama at Kuya niya bago siya iniwan ng mga ito sa liblib na lugar na iyon.

Mapait na ngumiti si Elizabeth, isang taon mahigit na mula ng iwan siya ng pamilya niya sa lugar na malayo sa kabihasnan. At kahit isang beses hindi na muli siyang dinalaw ng mga ito mula noon.

Napatingala siya sa langit.

Kay gandang pagmasdan ang bilog na buwan na siyang naging tanglaw sa madilim na kagubatan.

'Malungkot ka din ba? Iniwan ka din ba ng mga taong akala mo siyang magmamahal sa'yo ng lubos?' Piping kausap niya sa buwan. Ngunit tulad ng dati wala siyang nakuhang sagot kundi ingay ng kulisap sa malamig na gabi.

Napailing nalang si Elizabeth. Nababaliw na ata siya. Dahil sa siya lang mag-isa kahit inosenteng buwan nagagawa na niyang kausapin.

Growl.

Napa-igik si Elizabeth ng tumunog ang tiyan niya dala ng gutom. At muli niyang na ala-alang hindi pa pala siya nakakain simula kahapon.

Malalim na ang gabi at mukhang tulad kahapon, matutulog na naman siyang walang laman ang tiyan.

Mukhang wala na siyang pagpipilian kundi halughugin ang kagubatang ito para maghanap ng makakain. Naubos na niya ang mga punong kahoy na nakapalibot sa bahay niya. Ang bunga ng mga iyon ang nagsisilbing pagkain niya sa mga araw na nagdaan. Pero noong nag daan linggo naging abo ang mga iyon sa isang iglap.

Isang malungkot na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Pilit niyang pinipigilan ang luhang gusto na namang tumulo sa mga mata. Pagod na siyang umiyak. Pagod na siyang kaawaan ang sarili. Pagod na siyang maghintay sa mga taong alam niyang wala ng balak pang balikan pa siya.

'I am a monster!' Hiyaw niya sa isip sabay taas sa kaliwang kamay. Itinapat niy iyon sa buwan at anyong ina-abot iyon. 'Kung hahawakan din ba kita magiging tulad ka nila?'

'Bakit ba hindi nalang ako naging normal?'

Masaya naman siya noon, masaya sila noon. Hanggang sa dumating ang ikalimang kaarawan niya kung saan nagbago ang lahat sa kanya.

Ang noong itinuturing na Prinsesa ay naging halimaw na.

Pero ginusto niya ba ito?!

Hindi ba alam ng mga ito na doble ang takot na nadarama niya ng maging abo ang bawat may buhay na mahahawakan niya?!

Pagak siyang napatawa, at ang mga luhang akala niyay tuyong tuyo na ay nag-uunahan na namang mahulog sa kanyang mga mata.

Sa isang iglap ang buhay niya ay nagbago. At sana matapos na.

HINDI pa man sumisikat ang haring araw ay gising na si Elizabeth. Wala sana siyang balak pang bumangon pero itong mga alaga niya sa tiyan ay tudo reklamo na dala ng gutom. Kaya naman wala siyang pagpipilian kundi bumangon at maghanap ng pagkain.

Pero saan ba siya maghahanap?

Napagawi ang tingin niya sa loob ng masukal na kagubatan. Bantulot siyang pumasok sa loob niyon dala ng takot na baka mawala siya at hindi na siya makabalik sa bahay na iniwanan siya ng pamilya niya. Pero hanggang ba ngayon,, aasa pa din siyang babalikan pa siya? Isang taon na. Maghihintay pa ba uli siya ng ilang taon bago pa niya tatanggapin ang katotohanang inabandona siya ng sariling pamilya sa liblib na lugar na iyon ng mag-isa.

'Here goes nothing!' Pinalakas niya ang loob bago inihakbang ang mga paa papasok sa masukal na gubat.