webnovel

Above your time

TIME DUOLOGY #1 Cosette was the perfect representation of being God's favorite child. She's blessed with everything; looks, fame and fortune, and even brains. Being a well known architect and self made billionaire looks easy on her. She had everything she dreams of and she has nothing more to ask for. Her life was indeed perfect and peaceful and currently at it's peak of success not until she decided to take a break and visit the very popular landmark of Manila - Intramuros. What will she do if an unexpected accident that happend at that time suddenly transported her back 14 years ago?

SEIRUS · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
11 Chs

EIGHT

🕐🕐🕐

_________­_

"BIlisan niyo guys baka maudlot pa ang libre ni Sir satin." Excited na sabi ni Miel na may kasama pang palakpak. Siya ang nangunguna sa paglakad ngayon.

"Sakto pagdating don gutom na lahat." sabi ni Kiro na ngayo'y kasabay ni Miel habang naglalakad.

Papunta na kami ng SM ngayon. Hindi naman to sobrang layo sa school kaya napagdesisyonan ng lahat na lumakad nalang. Bawas din sa pamasahe yon kaya walang problema sa iba.

Nag pahuli nako dahil ngayon ko lang narealize na ako lang ang may pinaka madaming dalang gamit. Sumasakit narin ang likod ko dahil sa buhat ko. Malay ko bang hanggang ngayon eh dala dala ko parin tong ugali ko na mahilig magbit bit ng kung ano ano.

"Ay anak ka ng ding dong."

Halos mahulog ang puso ko nang biglang agawin sakin ni Rion ang mabigat kong bag. Bigla nalang niya tong kinuha sakin. May lahi ba tong snatcher? Galing manguha ng bag eh. Ni hindi ko nga naramdaman na nasa tabi ko pala siya.

Babawiin ko na sana ang bag ko ng sadyain niyang bilisan ang lakad nya dahilan para di ko siya abutan. Dahil sa pagod ay pinabayaan ko nalang siyang buhatin ang bag ko. Kasalukuyang itong naka sukbit sa dibdib niya habang nasa likod naman niya ang bag niya. Landi pa Cosette. Landi pa. Pang eepal ng utak ko.

Ilang minuto lakad takbo ang nangyari bago kami nakarating sa aming patutunguhan. Muntik pa kaming habulin ng aso dahil sa kalokohan ng mga lalake. Tama nga si Kiro dahil pagka dating namin ay gutom na gutom at pagod na pagod na kaming lahat. Para kaming mga zombie na any time mangangain sa sobrang gutom. Mas masahol pa nga yata ang itsura namin kesa sa mga sundalong nakikipaglaban sa gera. Kasalanan to ni Grey eh p*nyeta. Siya ang nag suggest na hindi na kami mag meryenda para daw sulit na sulit ang libre. Parang gusto ko tuloy siyang sakalin ngayon dahil sa inis ko.

Humanap na kami ng pwesto sa loob ng manginasal. Sinigurado talaga ng mga boys na tabi tabi kaming lahat dahil pinagdikkit dikit nila ang mga tables. Pinagtitinginan tuloy kami dahil sa ginawa nila. Buti nalang ay onti lang rin ang tao ngayon at sa pinaka dulo ang pwestong pinili nila.

Kanya kanya na kaming hanap ng upuan at mas pinili kong umupo sa sulok dahil ayokong natatapatan ng aircon kapag kumakain. Mas mabilis akong nabubusog at worst case ay may chance din akong matae. Hindi nako nagulat ng tumabi sakin si Rion. Wala din akong balak na ipagtabuyan siya ngayon dala ng pagod at isa pa nasa kanya din ang bag ko.

"Sabihin niyo nga sakin Cosette at Rion may something na ba sa inyong dalawa?" sabi ni Mika samin habang tinatapunan kami ng mapanuksong tingin.

Naki usyoso naman ang iba pa naming kaklase sa pangaasar. Dahil sa pagod ay hindi nalang ako nagsalita. Masyado naring nadrain ang boses ko ngayon. Tanging umiikot lang sa isip ko ay pagkain at pahinga.

Hindi na nila natuloy ang pangaasar dahil dumating na si Sir Andy kasama ang maraming staff ng manginasal. Makalipas ang ilang minuto ay may pagkain na kaming lahat pero natigilan kami ng mapansin naming hindi pa kumakain si Reysi

"Ah ano kasi guys, allergic ako sa manok." nahihiyang sabi niya.

"Sana sinabi mo agad para naka pili ka ng pwede mong kainin. Oh eto bumili ka ng pwede sayo aanatayin ka nalang namin. Grey samahan mo si Reysi at baka maligaw pa yan."

Mabilis silang naka balik na siyang ikinatuwa ng lahat. Wala talagang kumain ni isa samin hanggat hindi nakakabalik si Grey at Reysi. Parang kaming tumama ng lotto sa naging reaction namin ng makabalik sila agad. Una naming nakitang pumasok si Reysi kasunod si Grey na may hawak na paper bag ng Jollibee. Busy ako sa pagkain ng marinig ko ang usapan nila.

"Ok ka na?" tanong ni Sir Andy ng makabalik sa upuan si Reysi.

"Opo sir. Naghanap po kami ni Grey ng fast food chain na onti lng ang pila. Sakto naman pong walang pila sa Jollibee ng mapadaan kami. Umorder nalang po ako ng burger steak with shanghai at sundae."

*HUK*

Dahil sa sinabi ni Reysi ay nabulunan ako bigla. Bakas ang pag aalala ng katabi ko sakin. Dali dali kong kinuha ang kalahating coke na nasa harap ko at mabilis na nilagok lahat yon. Bakit sa lahat ng pagkain shanghai nanaman!!

Nang mawala na ang pagkaing bumara nanaman sa aking lalamunan ay naisip kong kumuha ng tissue. Halos lumuwa ang mata ko ng makita ko ang nangangalahati kong coke malapit sa tissue na nasa kabilang gilid ko. Don't tell me?!

Agad akong napalingon sa katabi kong busy sa pagkain. Gusto kong iuntog ang sarili ko ng marealize kong Coke pala ng katabi ko ang diri diretso kong tinungga kanina.

Bubu Cosette, Apakabubu!

🕐🕐🕐

@SEIRUS