webnovel

A Two Day Love Affair [Tagalog Novel] [Soon-to-be-Published under PHR]

After a failed relationship and a few returned manuscripts, the least on Fabielle's mind at the moment was falling in love with a total stranger. Ngunit nang isang gwapo at mabait na estrangherong nagngangalang Josh ang itambak ng tadhana sa kanya nang mapadpad siya sa kabundukan ng Sagada ay tila ba naglaho ang paniniwala niyang iyon. At sa tulad niyang naloko ng ilang taon ding naging kasintahan niya, she should be a lot more cautious when meeting people. Ngunit nang latagan siya ni Josh ng walang kaabog-abog na "I'm interested in you" nito ay mabilis na sumuko ang puso niya at natagpuan ang sariling nahuhulog ang loob rito kahit dadalawang araw lamang niyang nakasama ito. But it was too late when she realized that falling for the handsome stranger was a big mistake. Dahil nang matapos ang dalawang araw na pantasya niya kasama ito ay saka naman tumambad sa kanya ang katotohanan. They were not feeling the same way. He was in love with someone else. And all they could ever have together was that two-day love affair.

Eira_Alexis_Sotto · perkotaan
Peringkat tidak cukup
34 Chs

29

Her head was spinning. Ngunit nasisiguro niyang hindi iyon dahil sa alak na nainom niya kung hindi dahil sa mga labing nakalapat nang mga oras na iyon sa sariling mga labi. Mainit ang mga labi nito. Na para bang dumadaloy ang init na dulot niyon patungo sa kanyang puso. At bilang tugon naman ay ang pagwawala niyon sa dibdib niya.

Ano ba ang nangyayari sa kanya? Ni hindi niya kilala ang lalaki. Ni hindi nga niya maaninag nang maayos ang mukha nito. Ngunit natagpuan na lamang niya ang sariling tinutugon ang halik nito. The way she had never done when she was kissing her ex boyfriend. Iyon din ang unang beses na pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya dahil sa halik na iyon. And from a stranger!

Dapat nga ay itinutulak niya ito. Ngunit hindi ba at siya pa nga ang naunang humalik dito. The alcohol was obviously making her do weird things. But she can't say horrible things. Because this kiss was far from being horrible. It was heavenly.

Nang sa wakas ay matapos ang halik na iyon ay hinihingal na siya. Ngunit hindi pa rin kumakalma ang tibok ng puso niya. At sa nanlalabong paningin ay pilit niyang inaninag ang mukha nito. Ngunit lango na yata talaga siya. Because the man's face was to blurred for her to recognize.

She suddenly giggled. She didn't know why but she felt like doing it.

"That was nice." Ang lumabas sa mga labi niya kasabay ng isang ngiti.

"I agree..."