webnovel

A Soul Raised By Love

This story is about a woman named Sofia who accidentally sinned against a woman who had died. When due to an accident Sofia's soul was separated from her own body. It was for the sake of the woman he had sinned against. There was a necklace of life that Sofia was destined to have. But it was captured by an evil soul with a desire to live again to take revenge. But there will come a man who can help Sofia and she will love him as much as she can bet even her own life.

Mae_Herrera · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
15 Chs

Chapter 8

Sobra nang na bobored si Sofia sa ospital. Halos tatlong araw na niyang hinahanap at hinihintay kung bababalik ba yung lalaking nakaka kita sa kanya pero wala , wala paring kahit anino lang nung lalaki.

Pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag asa dahil nag babakasakali siya na matulungan siya nito.

"hayst. Saan ko kaya yun makikita. Ni hindi ko manlang alam pangalan niya. Pano ko siya mahahanap. Siya nalang ang pag asa ko e " sabi ni Sofia sa sarili dahil wala namang makaka rinig at makakatulong sa kanya sa ganitong kalagayan niya.

Halos araw araw nya ring pinoproblema kung saan niya mahahanap ang lalaki na iyon. Kaso nga lang hindi niya talaga alam kung saan iyon mahahanap.

" God please help me po…kailangan ko po syang makita dahil siya nalang po siguro ang makakatulong sakin ngayon" pagdarasan niya dahil mababaliw na siya dahil hindi niya ito makita.

Pero dahil love na love siya ni lord ay nakita niya ang lalaking ilang araw na niyang hinahanap na  abalang abala sa kanyang cellphone na dumaan sa kanyang harapan.

"Excuse me sir!? " sigaw niya sa lalaki at hinabol niya iyon.

"Kuya!? Sir!?"sigaw niya uli at parang hindi siya narinig niyon.

"Kuyang naka black na nag cecellphone!" sigaw niya dahil mabilis iyong nag lalakad at hindi niya iyon mahabol.

Sisigaw pa sana siya nang nanlalaking nakita kung suno ang sumusunod sa lalaking iyon.

Ang nakita niya ay si Yanna. Best friend niya. Noon. Dahil patay na ito ng higit sa dalawang taon na.

Namatay si Yanna sa isang bar . Nung gabing bago mamatay si Yanna ay kasama si Sofia. Pero bago siya mamatay ay aalis  sana si Sofia dahil tumawag ang Mommy niya na inatake sa puso ang Papa niya at kailangan niya iyong puntahan.

Flashback....

"Hey Sofia. Come with me naman. Gusto ko lang mag walwal ngayon dahil sobrang dami kong problems ngayon." sabi ni Yanna na inaaya si Sofia .

Ngayon ay pumunta su Yanna sa bahay nila Sofia dahil pinagalitan nanaman siya ng Mommy niya. Bumagsak kasi siya sa 5 subject dahil hindi na ito nakakatutok sa pag aaral dahil sa boyfriend nitong si Christopher.

"Yanna. Bawal ako. Chaka gabi na oh" pagtanggi naman ni Sofia dahil paniguradong magagalit ang Mommy niya pag nalamang mag iinom siya.

"Gosh Sofia may nag punta ba sa isang bar ng umaga para mag walwal? Shempre gabi ah" sabi naman ni Yanna na gustong gustong takasan muna ang kanyang mga problema.

"Ano ba kasing problema at gusto mo nanamang mag walwal?"

" Bumagsak ako sa 5 subject sa school. Nagalit sila Mommy at kung ano ano nanaman ang sinabi sa akin. Sobrang down to the earth ko na nga dahil problema ko at gusto ko lang iyong makalimutan ngayon pero ayaw mo pa akong samahan " malungkot  na sabi ni Yanna at umupo sa kama niya.

"Hammnn..... Sige na nga tara na. Pero saglit lang tayo ah. Wag kang mag papakalasing ng sobra !" sabi naman niya dahil nakaka lungkot nga yung nangyari sa kaibigan niya.

" okayyyy. Go dress up babe. At aalus na tayo!" sabi naman ni Yanna at chaka lang napansin ni Sofia na nakagayak na si Yanna kaya gumayak na rin siya.

After a minute. Natapis na si Sofia sa pag gayak.

Pumunta sila sa bar at hindi pa alam ni Sofia kung papapasukin pa sila dahil minor palang sila.

Pero mukhang suking suki na doon si Yanna dahil punapasok sila kaagad at hindi na sila hinanapan ng ID manlang para makasiguradong legal age na sila.

" Ang ingay dito Yanna. Kailan pa naging pwede sa minor ang ganitong bar.?" tanong niya kay Yanna.

" Dahil hindi na nila iniisip yon. As long as kikita sila ng pera ay papapasukin nila kahit na sino."

At humanap na sila ng mauupuan at umorder na si Yanna ng alak na para bang kabisado lahat ng pwede niya bilhin doon.

After a couple of hours . Napapansin na ni Sofia na lasing sa si Yanna.

" Yanna. Umuwi na kaya tayo " lasing kana e."

" No ! Mamaya na . At hindi pa ako lasing no? Chaka susunod dito sila Kately no " sabi naman nito na tinutukoy ang isa pa nilang kaibigan.

" Sure kaba? Kasi baka hanapin na ako ni Mommy e." sabi naman niya dahil ang paalam lamang niya ay sandali lamang siya sa pupuntahan nila ni Yanna.

" Yes at pag dating nila ay sandali lang din sila tapos uuwi na rin tayo." sabi naman nito at napa buntong hininga nalamang siya.

Habang abalang umiinom si Yanna at nakikipag usap na sa iba sa mga nandoon ay nag paalam muna siya para pumunta sa powder room.

Peri ng papalabas na siya ay biglang nag ring ang kanyang cellphone pagtingin niya ay ang Mommy niya iyon.

Kaya dali dali siyang pumasok muli sa powder room para hindi marinig ang malakas na misic sa loob ng bar.

" Hello Mommy ? Bakit po ?" tanong niya .

" Baby nasan ka. Umuwi ka naman oh. Ang Papa mo kasi..." sabi ng Mommy niya na humihilbi pa.

" Mommy what happened ? Anong nangyari kay Papa?" tanong niya.

" Inatake sa puso ang Papa mo... Nandito kami ngayin sa ospital. Pumunta ka naman plese oh. Wala kasi akong kasama e."

" Yes Mommy pupunta na po ako. I text nyo nalang po kung saang ospital." sabi niya at binaba na ang tawag.

Dali dali siyang nagpunta kay Yanna na umiinom pa din.

" Yanna. Umuwi na tayo please? May emergency kasi e " sabi niya kay Yanna.

" Wag muna. Hindi pako nakakalimot e. Samahan mo muna ako. Wag ka munang umalis. " pagmamakaawa naman ni Yanna.

" Hindi talaga pwede e. Kailangan ko nang umuwi. Inatake kasi sa puso si Papa e. "

" Sige umuwi ka at iwanan mo na ako! Tutal hindi naman ako importante sa iyo. Sa inyong lahat! Kaya sige umalis kana. ....

Pero pag mayroong nangyaring masama sa akin ay ikaw ang sisisihin ko "  sabi ni Yanna habang naiinis na tumingin sa kanya.

" Yanna naman. Kailangan ako sa amin. Kailangan ako ni Mommy ngayon " sabi niya at hindi pa rin umalis sa tabi ni Yanna.

" Sige na umalis kana. Naiintindihan kong hindi lang ako ang may kailanga sa iyo ngayon chaka may mga kasama naman ako e. Nandito naman si Nikka. Hindi niya ako papabayaan. Chaka diba nga sabi ko sayo susunod sila Kately. " sabi naman nito at pinag tatabuyan na siya.

" Nikka ikaw na bahala sa kanya ang pag dumating nalang si Kately pakisabing iuwi na kaagad si Yanna ah?" sabi ko kay Nikka na medyo lasing lang naman at sigurado akong masasabi naman niya iyon kay Kately. at tumango naman ito.

" Sige aalis na ako a. Yanna pag dumating si Kately ah umuwi na kayo ?" sabi ko naman at tumango lamang siya at pinaalis na ako.

Habang papalabas ako ay mayroon akong nakitang grupo ng mga lalaki na mayroong hawak na dos por dos ng kahoy at halos lahat sila ay may hawak non at yung iba naman ay mga bakal.

Pero hindi ko iyon pinansin dahil nag mamadali na akong makaalis.

Pero nuong papara na ako ng taxi ay bigala akong nakarinig ng ingay na nanggagaling sa loob ng bar at napalingon ako doon.

Nakita kong nag tatakbuhan na ang mga tao sa labas at nawala na yung mga lalaking mayroong hawag na kahoy at bakas kanina sa labas.

" Yanna?..." sapasabi niya at tinakbo ang loob pero sobrang daming tao sa na lumalabas kaya hindi agad siya nakapasok.

Mayroon siyang nakakasalubong na nagdudugo ang ilang parte ng katawan na mukhang nadamay lamang ang mga iyon.

Pero bago pa siya nakapasok ay mayroon nang dumating na mga pulis.

Kaagad na nagsipasukan ang mga iyon at nung nakapasok na siya ay nasaksihan niya ang mga lalaki kaninang hinahampas ang iba pang mga lalaki at nadadamay doon ang malalapit ditong mga tao. At malapit iyon sa lamesa nila Yanna kanina!.

" Yanna?! Yanna?! " sigaw niya dahil hindi niya doon makita si Yanna.

Lumapit si sa lamesa nila kanina at nanlalaking ang mata ng makita si Yanna na pinapalibutan ng dugo ang katawan at putok ang nuo nitong nag hihingalong napa titig sa kanya.

"Yanna!!! "

Sigaw niya at lalapit na sana ng mahambalos siya ng kahoy sa balikat niya.

Nakita niyang dumugo iyon at napaupo siya sa sobrang sakit non.

Biglang nagkaroon ng putukan sa loob ng bar at bigalang tumigil na ang away.

Sinikap ni Sofia na nakarating kay Yanna at ialo ang uli nito sa kanya.

" Yanna ... Yanna wag kang bibitaw a. Tatawag ako ng tutuong satin. Yanna." sabi niya habang nanginginig at umiiyak na pinag mamasdan si Yanna.

Tatayo na sana siya ng magsalita si Yanna.

" So...Sofia. Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito at kapag a...ako ay namatay ay hi..hindi kita mapapatawad...Lahat nalang inagaw mo sa akin...An..ang atensyon nila Mommy... Ang ti...tiwala nila. Hindi ko to masabi sayo pero galit na galit ako sayo." sabi nito.

" I...Ikaw ang may kasalanan nito at hindi kita mapaptawad---" yuon ang mga huling sinabi ni Yanna at nawalan na ito ng buhay.

Chaka lamang nakita ni Sofia na maysaksak ito sa tagiliran.Napatulala siya sa mga sinabi nito.

Nakatulala siya at hindi na alam kung ano pang mga sumunod na nangyari.

Ang alam na alamang niya ay ginagamot na ang mga sugat niya sa ospital at dinala na si Yanna sa emergency room para i revive pa ito.

Kinabukasn ay nakita niya ang Mommy niya na nasa tabi niya.

" Mommy? Mommy s..si  Yanna?" tanong niya agad sa Mommy niya dahil nag aalala siya sa kanyang kaibigan.

" Baby … wala na si Yanna" mahinang sabi ng Mommy niya. At sobra siyang nabingi sa mga salitang iyon .

" No...no Mommy hindi pwede yon. Kasalanan ko to e. kasalanan ko !" sabi niya at hindi napigilan ang bawat luha na lumalabas sa kanyang mga mata.

" kung hindi ako pumayag na magpunta kamu sa bar. Kung hindi ko siya iniwan ng lasing na lasing siya hindi mangyayari ito." sabi niya at iyak pa rin ng iyak. Naramdaman niyang bumukas ang pinto at napatingin siya doon.

Nakita niya ang Mommy at Daddy ni Yanna na pumasik doon.

" Tita...Tito....sorry po  . Hindi ko po sinasadyang iwanan si Yanna doon. Sorry po " sabi niya at pinilit tumayo para makaluhod sa mga iyon. " Sorry po talagaaa"

" Sofia wag ka ngang lumuhod diyan. Wala kang kasalanan. Kinuwento na sa akin ni Nikka ang lahat ng nangyari at wala kang kasalanan don. Wag mong sisihin ang sarili mo " sabi naman nito.

" Umalis ka lang naman dahil kinailangan mo. At alam kong wala kang intensyon na ipahamak ang anak namin dahil mabait ka " sabi naman ni tito Raul.

Pinatuyo siya ng mga ito at niyakap. Bumalik siya sa kanyang kama at kinuwento ang mga nangyari at napaiyak ang Mommy ni Yanna ng malaman ito.

Lumipas ang ilang araw at nakalabas na rin siya.

Pumunta siya sa buron ni Yanna at nakilala niya doon ang boyfriend nito.

Sumilip si Sofia sa kabaong ni Yanna at nakita niyang nakapiki doon ang kaibigan niya at patay na.

Ikaw ang may kasalanan nito. Hindi kita maoapatawad

Ikaw ang may kasalanan nito. Hindi kita maoapatawad

Ikaw ang may kasalanan nito. Hindi kita maoapatawad ...

Bumalik sa isipan ni Sifia ang mga sinabi ni Yanna bago ito mamatay at napahagulgol siyang naiyak at paulit ulit na humihingi ng tawad dito.

Kasalanan ko talaga yata ang lahat. Kasalanan ko.....

sabi niya at umiyak pa din ng umiyak.

End of flashback...

Bumalik lahat ng nakaraan ng makita na niya si Yanna sa ospital at naalala niya ang lalaking nakakakita sa kanya.

At yuon ang boyfriend ni Yanna na si Christopher.

To be continue...

So hope you all like the chapter 8!!

Thank you mga ka Sissy... Haha oo sissy ko na kayooo.

❤️ 자매 고유 ❤