webnovel

A Magical Virus: Zombie outbreak

Sa isang lugar sa Maynila ay nakatira si Diane. Masaya ang pamumuhay nila ng pamilya niya. Hanggang isang araw ay napanaginipan niya ang bahay nila sa Probinsya. Akala niya ay normal na panaginip lang ito pero naging sunod-sunod ito. Napagpasiyahan niya na pumunta sa Sanctuary. Ang probinsya nila. ~~~~ Paano kung isang araw ay nagkaroon ng zombie apocalypes? At ikaw ang nakatakdang magligtas sa mundo? Ano ang iyong gagawin?

GinoongDice · Sci-fi
Peringkat tidak cukup
15 Chs

Chapter 7

"Ayun ate Diane. Malapit na po tayo." Turo niya sa mga taong nakikita namin.

Papunta kasi kami sa bayan para bumili ng limang posporo at plastic para mayroon kaming paglagyan ng mga pagkain.

Alam ko ang iniisip niyo na meron naman akong sapat na pera para tumawag sa bahay at magpasundo. Ang akin lang ay kapag hindi ko ginawa yun ay wala na akong kalayaan.

Kapag umuwi na kasi ako samin ay lagi nalang akong nasa bahay at nanonood ng mga drama. Siguro nga ay kaya ako nanakawan ng kotse at naligaw sa gubat ay para maipakita sakin na mayroon ding ibang pwedeng gawin bukod sa panonood ng C/K drama.

Pagtungtong ko sa simento ay parang hindi ako sanay. Sanay na kasi ako na kapag naglalakad ako ay may malambot akong natatapakan gaya ng dahon.

Napapatingin samin, sakin ang mga tao dahil mayroon akong dala na katana.

~Flashback~

Naka jeans ako ngayon. Totally ay ang dami kong dalang jeans kaya parang hindi ko siya pinapalitan.

Naka jeans ako, plain white t-shirt at rubber shoes ko. Si Trinity naman ay naka short na hindi masyado maikli at black t-shirt na may tatak sa kaliwang bahagi ng dibdib na nike.

Naka rubber shoes siya pero halatang luma.

Tapos na si Trinity magbihis at ako nalang ang iniintay. Inaayos ko kasi ang katana na nasa gilid ng bag ko at ang katana na nasa belt ko.

Inaayos ko ito para hindi naman matakot yung mga tao sa bayan. Kinuwa ko si Switch na naka bow mode af ginawa ko itong black arnis mode at sinabit sa belt ko. Inayos ko rin ang 'leather arrow quiver' ko na nasa kaliwang hita ko.

Sunod kong inayos ay ang archery guard ko dahil baka makita nila ang silver scar ko at magtaka kung saan ko ito nakuwa.

"Ayos na ba ang itsura ko at porma ko?" I asked Trinity

Nag tumbs up siya "Ayos na ayos po. Ang cool niyo pong tingnan" manghang sagot niya

Ngumiti ako sa kanya at pumunta sa likod niya. Kinuwa ko ang panali na nasa bulsa ko. Nakita ko ito sa kubo nila Trinity kaya kinuwa ko na bago kami umalis.

Ponytail ko ang buhok niya at pinaharap siya sakin.

"You are so cute" I said and pinched her cheek

She giggled so I grabbed her hand and we started walking towards town.

~End of flashback~

Nakahinto na kami ni Trinity sa isang tindahan. May nakita akong mga posporo kaya bumili ako ng lima at isang lighter para incase of emergency.

Nakakapit maigi sakin si Trinity at sumisiksik sakin. Natawa ako sa mga kinikilos niya dahil mukhang nahihiya siya sa mga tao

Binayaran ko na si manang at inilagay sa loob ng bag ang plastic.

Medyo nakakapanibago dahil ang dami kong nakikitang tao. Karamihan sa kanila ay napapatingin sa katana ko. Iniisip siguro nila peke toh.

Nag-ikkot muna ako dahil may hinahanap ako at huminto kami sa tapat nito ng makarating kami sa bilihan ng mga plastic.

Bumili ako ng dalawang supot ng plastic at nilagay ko rin sa bag.

"Gusto mo bang mag-ikot-ikot muna tayo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Sige po" mahinang sabi niya.

Habang naglalakad kami ay napatingin ako sa tv na kung saan ibinabalita ang pagsarado ng lahat ng airport at walang pwedeng pumasok o lumabas ng Pilipinas.

'Magandang umaga sa inyong lahat. Narito ang mga nagbabagang balita sa mga oras na ito. Ipinag-utos ng Presidente na huwag magpapapasok ng kahit ano sa Pilipinas at walang pwedeng lumabas sa Pilipinas lalo na kung galing sa Canada dahil kumakalat ngayon sa buong Canada ang isang virus. Ang viris na ito ay inaatake ang utak at iba pang parte ng katawan kung kaya nawawalan ng kontrol ang kung sinoman na magkaroon o tamaan ng virus. Maiihalintulad ito sa isang zombie gaya ng napapanood niyo sa mga palabas. Kung may makita man kayong kahinahinala o pulang mga mata ay ipagbigay alam agad sa pulisya para hindi kumalat ang virus. Ako po si Sophia, naghahatid ng balita sa inyo.'

Sunod-sunod ang lumabas sa tv ang mga mukha ng zombie kaya umalis nalang kami ni Trinity.

Napailing nalang ako. Ang ganda ng effect ngayon ah. Ang dami sigurong mapra-prank ngayon.

"Totoo po ba yun?" Tanong ni Trinity habang nakatingin parin sa mga taong nakikinig.

"Nah, April fool's day ngayon kaya maraming loko-loko" casual na sagot ko.

Nailibot ng tingin si Trinity sa mga tindahan ng mga sapatos. Napatingin ako sa isang tindahan ng mga rubber shoes na tig 150 lang.

Hinila ko si Trinity at tumingin sa mga rubber shoes na naka display.

"Bakit po tayo nandito?" Taka niyang tanong

"Pili ka ng gusto mo" sabi ko sa kanya habang tumitingin sa paligid.

"Talaga po?" Tila nag-ningning ang mga mata niya sa sinabi ko kaya natawa ako sa kanya.

Nagsimula na siyang pumili ng rubber shoes niya. Napatingin siya sa isang rubber shoes na kulay black.

Alam kong peke ang mga nandito pero mas maganda na ito kaysa doon sa lumang sapatos niya na sira-sira.

Tinuro niya sa ateng nagbabantay ang kinuwa niya. Isinukat niya ito at pinakita sakin kung ayos ba.

"Ano po sa tingin niyo ate Diane?" Nakangiti niyang tanong

Umikot pa siya oara ipakita sakin ang kabuoan.

"Try mong tumakbo o maglakad" suggest ko sa kanya.

Ginawa naman niya ang sinabi ko. Naglakad siya at tumakbo pabalik

"Ano? Komportable ba? Hindi ba maluwag masyado?" Tanong ko

"Hindi po ate Diane" nakanguti niyang sagot.

Yumuko ako at diniinan ang bandang dulo ng sapatos. Pinakiramdaman ko kung maliit ba sa kanya o hindi pero mukhang kasya naman siya at magagamit pa sa susunod na taon o buwan. Mukhang hindi agad mapagliliitan.

"Bagay sayo" bulong ko sa kanya kaya lalo siyang ngumiti

"Salamat ate Diane" humalim siya sa pisngi ko kaya kinurot ko siya sa pisngi. Ang cute niya talaga.

Kinuwa ko na ang lumang rubber shoes niya at humingi kay ate ng malaking plastic. Inilagay ko sa plastic ang lumang sapatos at nilagay sa bag ko para wala na kaming masyado bibitbitan.

'ayaw na ayaw ko ng maraming bitbitin'

Inabot ko kay ate ang bayad at nagpasalamat bago kami maglakad.

Masaya na sana kaming babalik ni Trinity sa ilog pero may nakaharang saming mga tao kaya hindi kami makadaan.

'ano ba naman toh, meron bang artista dito at nag sisikumpulan sila'

Huminto kami ni Trinity pero bigla nalang nagsi tabihan ang mga taong nagsisikumpulan kanina at nagsimula na silang magtilian.

Kaya ang ending, naiwan kami sa gitna

Napatingin ako sa tatlong lalaki na may hawak na baril at tumatakbo ito sa direksyon namin kaya napahawak ako kay Trinity para hilain pero bigla akong kinabahan ng wala akong mahawakan.

Nilingon ko kung nasan si Trinity kanina pero wala siya roon. Damn!

Nagpalingon-lingon ako sa paligid pero hindi ko siya makita. Hindi ko na pinansin ang tatlong taong tumatakbo. Sumiksik na ako sa mga tao para hanapin si Trinity.

Habang tumatagal ay lalo akong kinakabahan. Nararamdaman ko rin ang mga muscle ko na natetensed dahil sa kaba at galit ko.

Napatingin ako sa kaliwa kung saan ang daming tao ang nakapalibot. Parang narinig ko kasing may tumatawag sakin. Tumakbo ako at nakipagsiksikan ako sa mga tao hanggang marating sa unahan.

My anger escalated when I saw a man hostage Trinity. The knife was aimed at Trinity's neck so the police could not find a way to save Trinity. Umiiyak si Trinity habang tinatawag ang pangalan ko.

Ang tatlo pa niyang kasama ay nakatutok ang mga baril sa police.

My vision became even more blue dahil sa galit ng nararamdaman ko. Hinugot ko ang katana ko kaya napatingin sakin ang mga taong malapit sakin at medyo lumayo ng makitang totoong katana ang hawak ko. Pero hindi ko sila pinansin dahil nakay Trinity lang ang focus ko.

'Huwag niyong subukan saktan si Trinity kung ayaw niyong mamatay ng maaga.' bulong ko sa isipan ko.

I groan when I saw he would hurt Trinity kaya mabilis akong tumakbo sa kanya. Ramdam ko ang mga binti kong nag-init dahil sa bilis ng pagtakbo ko. Sa loob ng tatlong sigundo ay nasa harapan na ako nung lalaking nang ho-hostage kay Trinity. Nakita kong nanlaki ang mata niya dahil sa pagsulpot ko bigla kaya walang pagdadalawang isip kong kinuwa ang kamay niyang may hawak na kutsilyo at binalian. Habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa katana ko.

Kinuwa ko agad si Trinity at tinago sa likod ko.

Napahiyaw ang lalaki sa sakit kaya napatingin samin ang tatlong lalaki. Tinutok ng isa samin ang baril niya kaya mabilis kong hiniwa ang baril niya sa gitna. Ramdam ko ang init sa buo kong katawan na lalo sa binti at braso dahil sa bilis kong kumilos. Sinasagad ko na ang bilis ko.

Inilagay ko ang katana sa lalagyan at kasing bilis ng kidlat kong kinuwa si Switch at ginawang bow mode. Kumuha ako ng palaso at mabilis pinakawalan sa lalaking balak barilin kami.

Napatingin ako sa isang lalaki na nakatutok ang baril kay Trinity kaya mabilis akong tumakbo papunta kay Trinity. Mabilis ko siyang binuhat at umalis agad sa puwesto niya pero natamaan parin ako ng bala sa braso ko.

Shit! Napatingin ako sa braso ko.

Nagsalubong ang kilay ng makita ko nanaman ang kulay silver na dugo. Sigurado na ako ngayon na hindi ako namamalikmata. Makalipas ng ilang sigundo ay naging pula na ulit ang dugo.

Mabilis namang binaril ng isang pulis ang nagtangkang bumaril samin. Napatingin ako sa kanan ko ng makita kong sasaksakin ako ng isang lalaki kaya ginawa ko agad na black arnis si Switch.

Hinampas ko ang kamay niya ng malakas. Dinig ko ang pagkabali ng buto pero wala akong pakialam. Mabilis ko siyang hinampas sa dibdib at tuhod kaya napaluhod siya at kasing bilis ng kidlat na tumalon at umikot.

Habang nasa ere ako ay mabilis kong kinuwa ang T.B knife ko. Saktong pagtama ng paa ko sa mukha ng lalaki ay ang paglanding ko sa lupa at sabay wasiwas ng T.B knife ko sa isang lalaking papalapit sakin. Yung nang-hostage kay Trinity.

Agad siyang napaatras pero nasugatan siya sa dibdib dahil natamaan siya. Pag-atras niya ay ang pagbagsak niya dahil binaril na siya ng police.

Napatingin ako sa kaliwang kamay ko na may hawak kay switch na nanginginig at sa kanan naman ay ang T.B knife ko. Parehas nanginginig ang kamay at binti ko.

"Ate Diane!" Lumapit sakin Trinity at yumakap sakin habang umiiyak.

Balak ko na sanang tumakbo para umalis pero hindi ako makaalis kasi nakapalibot ang mga taong nanonood samin. Lahat sila ay nakatingin sakin ng may pagkamangha at may ngiti sa labi. Kakaunti lamang ang mga taong takot na nakatingin sakin.

"Ate Diane, yung mata mo ay kumikinang ng maigi na kahit maaraw ay mahahalata." Bulong niya sakin.

Yumuko agad ako at pinakalma ang aking sarili. Ramdam ko parin ang adrenaline rush sa buong katawan ko.

"Ang bilis rin niyo pong kumilos kanina. Para kayong action star o super hero gaya ng napapanood ko po" tuwang tuwa niyang sabi.

Ngumiti ako sa kanya at humawak sa balikat niya para umalalay. Ibinalik ko na sa lalagyanan ang T.B knife ko pero si switch ay hawal ko parin.

"Nasaktan ka ba?"

"Hindi po dahil niligtas niyo po ako" she said

Tumayo na ako ng tuwid kahit nanginginig na ang mga paa ko dahil sa sakit. Magkaiba ang sakit ng heat warning sa sakit na nararamdaman ko. Nararamdaman ko lang ito pag tinotodo ko ang bilis ko.

"Ayos na ba ang mga mata ko?" I asked Trinity

"Opo" nag tumbs up siya.

Napatingin ako sa police na lumapit samin. Napahawak ako kay switch ng mahigpit. Handa ng umatake kapag inatake ako ng police.

Medyo malaki ang pangangatawan niya, itim ang buhok, matangkad, black ang mga mata at palaging tumatawa.

Nakatingin rin samin ang mga ibang pulis. Nagtaas naman ng kamay ang pulis na lumapit samin ng mapansin na humigpit ang kapit ko. Tumawa siya bago nagsalita.

"Easy lang HAHAHA. Ako nga pala si SPO 3 Fernandez. Maari ka ba namin imbitahan sa police station namin?" Magalang niyang sagot.

Nagsalubong ang kilay ko "Bakit naman?" Tanong ko

"Magtatanong lang kami ng ilang katanungan"

I sighed. Gusto koman tumakas pero hindi ko magawa dahil nanginginig ang mga binti ko. At ayaw ko rin naman maging wanted noh! *Pout*

"Okay" hinawakan ko si Trinity sa braso at napatingin siya sakin dahil naramdaman niya siguro ang panginginig ng kamay ko at nakita niya ang panginginig ng binti ko

"Ayos ka lang po ba ate Diane?" Nag-aalalang tanong ni Trinity

Tumango ako sa kanya "Oo, nasagad ko lang ang bilis ko kaya nanginginig ang mga binti at braso ko" ngumiti ako sa kanya para hindi na siya mag-alala.

Napatingin samin si SPO 3 Fernandez. Narinig niya siguro kaya pinatawag niya ang isang police. Sinabi niyang dalhin ang kotse niya at makalipas ng ilang minuto ay andito na ang kotse niya.

Pinagbuksan niya kami ng pinto. Ramdam kong humigpit ang kapit ni Trinity sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Sasama po talaga tayo? Baka saktan ka po nila" sabi niya habang nakatingin kay SPO 3 na tumatawa.

"Hindi ko siya sasaktan hija. May itatanong lang kaming kaunti" sabi niya kay Trinity

Pumasok na kami ni Trinity sa loob ng backseat. Sumakay naman siya sa driver seat at ang isa pa niyang kasama ay nasa passenger seat.

Mabilis lang kaming nakapunta sa police station dahil malapit lang ito. Rinig ko sa loob ng kotse ang sirena ng mga ambulansya. Ang sama ng pakiramdam ko dahil nakasakit ako ng ibang tao. Pero mas sasama siguro ang pakiramdam ko kung si Trinity ang nasaktan. Nangako ako kay Lola na iingatan mo si Trinity kaya tutuparin ko iyon. May isa akong salita.

Binuksan ko na ang pinto at bumaba na kami. Ako ang unang bumaba para alalayan si Trinity. Pinapasok kami sa prisinto at pinaupo sa upuan. Tumabi naman sakin si Trinity sa kaliwa. Nakahinga ako ng maluwag nmdahil medyo malamig dito at nakaupo narin ako.

"Ano po ang itatanong niyo?" Pag-uumpisa ko kay SPO 3.

Gusto ko na kasing umuwi at magpahinga.

"Ano pong pangalan mo at ilang taon ka na?" Una niyang tanong

"Diane Natalie and 18 years old" simpleng sagot ko

"Yung bata?"

Tumingin ako kay Trinity dahil hindi ko alam ang buong apelido niya.

"Trinity Simpson po at 7 years old na po ako" sagot ni Trinity habang nakakapit sa kamay ko.

Tumingin sakin si SPO 3 "Magkaano-ano kayong dalawa kung hindi kayo magkapatid?" Tanong niya.

Napalunok naman ako sa tanong at napatingin kay Trinity. Kapag sinabi kong ibinigay lang sakin ni Lola si Trinity ay maari nilang kuwain si Trinity at dalhin sa DSWD.

Huminga muna ako ng malalim at sumagot

"Pinsan ko siya" sagot ko

"Bakit ka maydalang katana at pana?" Tanong niya habang nakatingin sa katana ko.

"Nakatira kasi kami sa bundok kaya kailangan namin ng patalim at pana para makakuwa ng pagkain." Sagot ko sa kanya.

"Pero bakit mo ginamit sa tao?" Engot niyang tanong

"Hindi ka ba nag-iisip? Alangan naman na antayin ko kayong kumilos eh ang tagal tagal niyong niyong gumawa ng paraan. Susugatan na nung lalaki si Trinity pero nakatutok parin ang mga baril niyo? Ano gusto niyong gawin ko? Manuod?" Medyo lumakas ang boses ko kaya napatingin samin ang ibang mga police.

"Oh chill lang" natatawa niyang sabi habang nakataas ang dalawang kamay

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako tumingin ulit sa kanya

"Ano tapos na ba?" I asked

"Anong number mo para matawagan ka namin kung sakaling may iba pa kaming itatanong"

"Wala akong cellphone" sagot ko

Tiningnan niya ako na pa bang sinasabing 'are you kidding me?' Look.

Napaikot nalang ako ng mata. "Nasa bundok nga kami diba? Paano naman ako makakabili ng cellphone kung pati pagkain ay hirap kami makakuwa." Sagot ko

Sasagot pa sana siya ng may pumasok.

"Oh Lucifer, bakit ka napadaan dito?" Tanong ni SPO 3.

Mukha naman silang magkapatid dahil magkamukha lang sila. Ang pinagkaiba lang ay yellow ang buhok ni Lucifer kaya mukha siyang nag super saiyan HAHAHAHA

"Sabi ni Daddy na umuwi ka daw ng maaga dahil may family meeting tayo mamaya." Sagot ni Lucifer 'daw'.

"Tapos na po ba at pwede na kaming umalis?" Singit ko sa kanilabg dalawa.

Napatingin sakin si Goku- este Lucifer at ngumiti

Umiling-iling siya habang nakatingin samin ni Trinity

"Pati ba naman bata sinasama sa kalokohan. Anong kaso nito kuya?" Napantig ang tenga ko sa narinig ko. Napahawak ako ng mahigpit kay switch at handa ng ihambalos sa mukha niya.

Bagay nga sa kanya na Lucifer ang pangalan niya. Demonyo siya.

Tumawa ang kuya niya "Wala siyang kaso. Nagtanong lang kami about sa kanila. Mag-ingat ka lang diyan baka maputulan ka ng bahagi ng katawan mo." Natatawang sabi niya kay Lucifer.

Napatingin naman sakin si Lucifer ng may pagtataka

"May katana yang dala" pahabol ni SPO 3.

Nanlaki ang mata ni Lucifer at umatras. Lalong natawa si SPO 3 sa inakto ng kapatid niya. Natawa rin ang ibang police na nanonood samin.

"Amazona pala toh." Bulong ni Lucifer kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Baliw" sabi ko sa kanya sabay hawak kay Trinity at lumabas na kami. Narinig pa namin ni Trinity ang tawa nilang dalawa kaya lalo akong nainis.

Narinig kong humagikgik si Trinity kaya napatingin ako sa kanya.

"Ang cute niyong dalawa mag-away kanina *giggled*" hagikgik niya

Arrgggggg! Humanda ka saking demonya ka pag nakita ulit kita. Babalatan kita ng buhay!

Lucifer's POV

Laughtrip yung amazona na yun. Unang tingin ko palang sa kanya natatawa na ako. Ang cute pa niya magalit.

"Anong pangalan nung amazona kuya at yung batang kasama niya?" Natatawang tanong ko kay kuya.

"Bakit? Gusto mo?" Pang-aasar sakin ni Kuya

"Hindi noh, nakakatawa kasi yung mukha niya pag-naiinis." Sabi niya

"Siguraduhin mo lang HAHAHHA. Ang pangalan nung amazona ay Diane Natalie at Trinity Simpson naman yung batang babae" sabi niya

Ang sarap talagang asarin ni amazona HAHAHA. Sisiguraduhin kong hindi pa ito ang huli nating pagkikita *evil smile*.

Someone's POV

"Nakahanap na po ako" magalang na sagot ng secretary ko

"Sino naman yan?" Interesadong tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sakin at binuksan ang TV. Inilipat ito sa news channel.

Nagkakagulo ang tao sa video dahil hinostage yung batang babae. Parang wala namang nakaka-intest dito aa video. Ipapapatay ko na sana ng may narinig akong mahinang ungol at bigla nalang may tumakbo papunta doon sa nang ho-hostage. Hindi lang normal na pagtakbo dahil ang bilis ng takbo niya. Ngayon lang ako nakakita ng ganun kabilis ng takbo. Pumunta siya sa harapan ng nangho-hostage ay binalian niya ng buto sa braso ang lalaki at kinuwa niya yung bata at itinago niya sa likod.

Hinugot niya ang katana niya at hiniwa ang baril ng lalaki. Nanlaki ang mata ko dahil nahiwa niya yun sa gitna. Masyadong matibay ang baril kaya mahihirapan ka, pero siya ay parang simple lang.

Napaka mysteryoso niyang babae.

Pinanood ko ang laban niya hanggang sa matalo niya lahat. Bawat galaw niya ay sobrabg bilis. Napangiti ako sa mga naiisip ko.

"Anong pangalan niya at yung kasama niyang bata?" Tanong ko habang ni-re-replay ang laban sa youtube.

"Yung mabilis kumilos ay base sa narinig ko sa police station ay Diane Natalie daw ang pangalan. Samantalang yung bata ay Trinity Simpson." Sabi niya habang nakatingin sa folder na hawak niya.

"Good job. Ngayon ay kuwain mo lahat ng tungkol kay Diane at Trinity. Kung sino sila, saan sila nakatira, lahat lahat." Sabi ko sa secretary ko

"Sige po"

"Pang-ilan na siya?" Tanong ko

"Siya na po ang panghuli. Kompleto na po lahat" sagot niya

"Good. You can leave now" utos ko

Yumuko siya bago umalis. I sighed

We need their help. Especially that mysterious woman.

★★★★

Abangan sa susunod na kabanata:

-ano ang mangyayari sa susunod na kabanata?

-Ano ang papel ni Lucifer sa buhay ni Diane?

-

Sino ang taong nagpapautos na kuwain lahat ng info nila Diane at Trinity?

★★★★

Hanggang sa muli! Paalam :)

Please comment and vote! Thank you