webnovel

A KISS TO REMEMBER

A simple pinoy love story in a school setting. Five gorgeous male with different personalities, characteristics and individual needs. How their real feelings prevail? Witness this one of a kind story of dreams, struggles and boy love story inside the K.I.S.S University.

Goodboy08 · LGBT+
Peringkat tidak cukup
5 Chs

Chapter 3: The acquaintance

Sa isang conference room sa loob ng The Chosen Room makikitang naka-upo ang Goodboys kasama ang Club Master na si Professor Albert Damaso.

Kitang-kita sa mukha ni Prof. Albert na dismayado siya sa muntikan na mawalang pin ni Emil.

"That's the most valuable possession of yours. Alam nyo consequences once napunta yan sa ibang estudyante" Ang giit ni Prof. Albert.

"I'm sorry, Prof. Wala silang kasalanan sa nangyari. It's all my fault. It won't happen again" Ang sagot ni Emil.

Kitang kita sa mga mukha ng boys ang kaba. Magti-tinginan ang lima. Magsasalita si Jayson.

"Let's be careful next time. Tama si Prof. hindi dapat mapunta o mahawakan ng sinumang estudyante na hindi miyembro ng Goodboys ang bawat pin natin. Bilang lider ng grupo ina-ako ko ang kasalanan"

Magugulat si Emil at ibang members.

"Jayson, No!" sambit ni Emil.

Matitigilan ang lahat. Maging si Prof Albert.

"Okay. I want you...all….to be extra careful and more responsible all the time. All students of K.I.S.S University are looking up to you. Every actions you do, every words you say they always take it seriously. I hope this incident won't happen again. This is your first and last warning."

Seryoso at tahimik na nakikinig ang limang boys at buong pusong tanggap ang lahat ng sinasabe ni Prof. Albert.

"I want you to prepare for the upcoming acquaintance party. Let's make it fun and memorable especially to all the freshmen students of K.I.S.S University. You can now go back to your room and rest."

Feeling relief na magpapa-alam ang limang boys kay Prof. Albert gamit ang simbolo ng respeto, pasasalamat at pagpa-paalam. (symbol of respect ng Goodboys: itatapat ang kanang kamay sa dibdib na naka-close ang mga daliri)

A day later. To enter sa isang conference room ng Engineering faculty sina Jayson, Emil at Argel na kapwa mga senior students. Si Jayson ang kasalukuyang Mr. K.I.S.S University. Habang si Greg naman ay nasa Architecture faculty at si Marlon sa Tourism class naman. Lahat ay naghahanda para sa pa-parating na Acquaintance Party at ang taon-taon na inaabangan na Mr. & Ms. K.I.S.S University.

Sa kabilang banda naman makikitang naka-upo at nagmamasid si Anica na tila may hinahanap. Biglang makikita sina Argel, Emil at Jayson. Mababakas sa mukha ni Anica ang saya. Matutulalang nakatingin kay Jayson. Mapapansin siya ni Jayson, lalapit sa kinaroroonan nito ng hindi nya napapansin. Unti unting ilalapit ni Jayson ang mukha nya sa tulalang si Anica. Ilang Segundo ang lumipas mata-tauhan si Anica. Mabilis na iiwas sa mukha ni Jayson at kitang-kita ang hiya sa mukha nya. Habang sina Emil, Argel at Jayson ay nagtatawanan sa isang tabi.

Ipapakilala ng committee head ng engineering ang Mr. K.I.S.S University na si Jayson.

"Before we proceed sa botohan ng magiging representative ng Engineering Faculty. Let's ask some piece of advice from our reigning Mr. K.I.S.S University and Goodboys leader, Mr. Jayson Aquino.

Magpapalakpakan ang lahat. Habang si Anica ay nakayuko sa hiya. Pasulyap-sulyap naman sa tabi si Emil kay Anica.

"Good afternoon everyone. Gusto kong sabihin sa lahat na kung sino man ang mapipili na maging representative ng Engineering Faculty you are lucky. Because you're not only representing us, you also achieved something for yourself. Always remind yourself that you're here not compete but to enjoy the moment. But always give your best. Winning is just a bonus."

Magpapalakpakan muli ang lahat ng students. May mga nakatulala s aka-gwapuhan ni Jayson at may mga kinikilig.

"Thank you, Jayson for the inspiring message. Now, it is time to choose our representative for the upcoming Mr. & Ms. K.I.S.S University 2019. Any nominations?"

Nag-simula na ang nominasyon para sa magiging representative ng Engineering faculty. Mabilis na napili ang representative ng boys. Habang sa girls naman patuloy pa rin ang botohan. Naging isa mga nominado si Anica.

"Ms. Anica Arroyo please come here in front. We have five nominees for the girls. Let's vote!"

Nagsimula na ang botohan sa mga girl nominees. Biglang nag-tie sina Anica at ang isa pang girl na nominee. Since nagkaroon ng tie. Ang tanging mag be-break ng tie ay ang kasalukuyang Mr. K.I.S.S University na si Jayson. Sino kaya ang pipiliin nya?

"We have a tie. Anica and Josephine please step forward. Sa pagkakataong ito ang tanging makakapag-decide kung sino ang magiging representative ng Engineering Faculty ay ang kasalukuyang winners nito. Since nasa atin ang Mr. University, Jayson the decision is yours. Sino ang sa tinging mo na deserving to represent the Engineering?"

Kitang-kita sa mukha ng mga estudyante na kabado at naghihintay sa magiging desisyon ni Jayson. Samantalang si Davon naman, tila ipinagdadasal ang kaibigan na si Anica na piliin ni Jayson.

"I based my decision on my instinct. Josephine.....I'm sorry. I'll choose Anica to be our representative."

Magpapalakpakan ang lahat ng students. Kitang-kita sa mukha ni Anica ang saya at kaba. Samantalang dismayado at hinayang naman ang makikita sa mukha ni Josephine. Nakangisi naman si Emil sa tabi na tila masaya para kay Anica.

"Congratulations to our representative for the Mr. & Ms. K.I.S.S University 2019, Reynan Consuelo and Anica Arroyo."

Matapos ang pagdeklara kina Reynan at Anica bilang representative ng Engineering. Biglang tatayo sina Emil, Argel at Jayson. Lalabas ng conference room. Habang ang mga estudyante ay nag-e-enjoy sa loob. Mapapansin iyon ni Anica. Susundan ng tingin si Jayson. Lilingon naman si Emil. Magkaka-tinginan ang dalawa.

Sa Architecture faculty naman makikita si Greg na member ng Goodboys na nag-i-initiate ng nomination para sa magiging representative ng Architecture faculty. Nagsi-simula na ang nominasyon at botohan. Habang tulala lang si Ramil na nakamasid kay Greg. Sa kabilang room naman ay ang Tourism class ni Marlon na isa pang member ng Goodboys. Walang ibang ginawa kundi makigulo at mang-asar sa mga kaklase. At sa isa pang room ay ang Medicine faculty na kinabibilangan naman ni Aries. Makikita na may isang estuyante na nag nominate kay Aries. Shocked ang magiging reaksyon ni Aries sa di-inaasang pagpili sa kanya. Magsisimula na ang botohon. Majority ng medicine students ay si Aries ang napili na maging representative nila. Magpapalakpakan ang lahat. Habang hindi pa rin makapaniwala si Aries.

Samantala, makikita sa hallway na naglalakad sina Davon at Anica. Masaya, kini-kilig at nakangiti.

"Ang gwapo talaga ni Jayson. Nakaka-tunaw sa ka-gwapuhan. Hindi nakakasawang titigan." Sambit ni Davon

Naka-ngiti naman si Anica habang naglalakad na parang walang naririnig sa mga sinasabe ni Davon.

"Hoy girl, nakikinig ka ba sa'kin. Tulala ka na naman dyan. Hindi pa rin ako maka-get over. Biruin mo ikaw ang pinili ni Jayson. Para kang naka-hit ng jackpot girl."

"Tumigil ka na nga dyan. Tigilan mo na rin ang kabaliwan mo sa Goodboys dahil wala tayong mapapala sa kanila. Hindi ang kagaya natin ang pipiliin nila noh." Ang sagot ni Anica sa nababaliw na kaibigan.

"I know. Hindi masamang mangarap, malay mo magkatotoo diba. Pero aminin mo crush mo talaga si Jayson. Uyyy…crush nya si Jayson….crush nya si Jayson." Ang pang-a-asar ni Davon.

Makakasalubong naman nina Anica at Davon sa daan sina Aries at Ramil.

Masayang ikinu-kwento naman ni Ramil ang naganap na selection process sa Architecture faculty kay Aries. Habang tahimik na nakikinig lang si Aries.

"Grabe, he's so very neat, gentleman at nice guy. Gusto kong maging katulad ni Greg pag napabilang ako sa Goodboys."

Patuloy pa rin ang paglalakad ng dalawa.

"Aries what's wrong with you? Kanina ka pa hindi nagsasalita dyan." Tanong ni Ramil sa kaibigan.

"Pwede bang mag back out?" Ang sagot na tanong ni Aries.

"Back out? Saan? You mean….ikaw ang representative ng Meds?! Wow!!!"

Tatango lang si Aries.

"Baliw k aba? Bakit ka mag ba-back out? Pinili ka nila that means naniniwala sila sa kakayahan mo. And this is one step closer to...….. Jayson (low tone)." Paliwanag ni Ramil

Mapapa-isip si Aries na tila suma-sang ayon kay Ramil.

"I don't feel that I'm ready for this." Sagot ni Aries

"Stop over thinking. Mahaba-haba pa ang time to prepare. Kaya mo yan. Diba never tayong susuko hanggat hindi natin nakukuha yung gusto natin. Part to ng needs mo para sa ultimate goal mo."

Sa-sang-ayunan ni Aries ang mga sinabi ni Ramil. Tuloy tuloy lang maglalakad ang dalawa. Mapapadaan sila sa badminton court kung saan naroon si Jayson…katabi si Anica na tila magka-usap. Makikita ni Aries ang dalawa. Panandaliang titigil sa paglalakad. Magmamasid sa dalawa. Makikita sa mukha niya ang lungkot at konting selos. Yayayain ni Ramil sa Aries.

"Alam mo let's celebrate this. Wala dapat malungkot ngayong araw dapat happy lang."

Hihilain ni Ramil si Aries.

[Scene before Aries passed by]

Mapapadaan sina Anica at Davon malapit sa pwesto kung saan naka-upo si Jayson. Itutulak ni Davon si Anica papunta kay Jayson.

"Go na! Lapitan mo na at mag-thank you."

Tinulak ng malakas si Anica upang mapalapit kay Jayson. Napansin iyon ni Jayson. Unti-unting lalapit si Anica at u-upo sa tabi ni Jayson.

"Anica, right?" Tanong ni Jayson.

Tatango si Anica na may kasamang ngiti.

"Gusto ka lang mag-thank you sa pagpili mo sa'kin kanina."

"Wala yun. I'm just returning the favor sa pagbalik mo ng PIN nung isang araw."

Biglang tatayo si Jayson papunta sa court at maiiwan sa upuan si Anica.