webnovel

Chapter 18 : Room Of Glasses

A Killer Step's

Chapter 18 : Room of Glasses

YERIN POV

Halos di sila makapagsalita sa narinig nila pero patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Ano nang gagawin natin ngayon? Makaka labas pa ba tayo ng buhay?" Takot na takot na tanong ni Yuju

"Wag kang magsalita ng ganyan Yuju makaka labas tayo dito kakayanin natin to!"Mariing sabi ni Big bro Cjay kaya napatango kami

"So Tutuloy pa ba tayo?" kinakabahang tanong ni Sugar habang nakatingin sa Tatlong Pintong nasa harapan namin at di pa nabubuksan

Akmang nubuksan na ni Sugar yung Isang pinto nang hawakan siya sa kamay ni Theo

"Wag. Sa tingin ko lalo lang tayong mauubos pag sabay sabay tayong pumasok nang isa isa sa mga pintong iyan" sabi ni Theo kaya napakunot ang noo ko

" anong ibig mong sabihin?" tanong ni Rhey. Saglit akong napayulo. Gets ko ang ibig sabihin ni Theo

"Gusto niyang maghiwa-hiwalay tayo" isang iglap at nasabi ko ang katagang nasa isip ko lamang. Nung una ay di ako makapaniwala pero natanggap ko na rin

"Tama siya" mahinang sabi ni Yuju "Feeling ko mabilis tayo uubusin pag sama sama tayo sa isang lugar, mas maganda kung hiwa-hiwalay at least di niya malalaman kung sinong uunahin niya" napabuntong hininga kami

"Isasama ko na si Wish at Sugar" sabi ni Kuya EuJin kaya napatango kami at least tatlo sila

"Ako na ang bahala kay Yuju at Rhey lil sis" sabi ni Big bro kaya ngumiti ako saka ako tumango sakanya

"So ibig sabihin, kami ni Theo ang magkasama?" Tanong ko at kita ko ang pagka ngisi lahat ng boys at paghagikgik ng dalawang babae. Psh nasa panganib na kami't lahat lahat, nakukuha pa nila kaming pag partner-in ni Theo

Papasok na sana kaming lahat nang bigla kaming pigilan ni Kuya EuJin

"Bakit?" tanong ni Ate Wish habang may kinalkal naman si Kuya EuJin sa bag na hawak ni Umji kanina. Kung saan nakalagay yung mga battery ng flashlight at kung ano pa

"Heto palitan nyo ng battery yang mga flashlight niyo para makasigurado tayo" Panimula ni EuJin Kaya sabay sabay kaming napatango saka namin kaagad pinalitan ng battery yung flashlight namin

"Dalhin niyo din to Cjay at Theo" Sabi ni EuJin saka bigay kina big bro at Theo yung isang parang mouth piece at ear pirce

"para saan to?" tanong ni big bro habang sinusuri yung hawak niyang ear at mouth piece

"Device yan para ma contact natin ang isat isa. Di na kaipangan niyan ng Signal kaya sinama ko yan. Meron din akong isa. Kung may sasabihin kayong importante or nahanap niyo na ang daan palabas, pindutin niyo lang yung nasa ear piece saka kayo magsalita. Madidinig na ng iba na may hawak na ear at mouth piece ang mga sasabihin niyo" pagpapaliwanag ni EuJin kaya sabay sabay naman kaming napatango sa sinabi niya

"Goodluck. As mush as possible sana walang mapahamak sa atin" Sabi ni Rhey kaya tipid kaming napangiti

AUTHOR'S POV

Naunang punasok sa unang pinto sina Wish, EuJin at Sugar. Sabay sabay nilang binuksan ang mga flashlight nila at sabay sabay din silang nasilaw sa liwanag na tumama sa mga mata nila.

Agad nilang pinatay yung flashlight at napahinga naman sila ng maluwag nang di na nakakasilaw

"Teka" sabi ni Sugar kasabay ang pagsindi ng ilaw. May Ilaw pala sa kwartong to

Sabay sabay silang napanganga. Diretsong diretso ang daan pero

Para siyang mirror house. Kaya naman pala sila nasilaw dahil tumama yung ilaw sa salamin dahilan kaya napunta sa kanila yung reflection ng flashlighit

Mirror house kaya kitang kita nila ang buong sarili nila sa mga salaming iyon. Nakakatakot pero wala silang magagawa. Para siyang maze na nakakalito dahil sarili lang nila ang nakikita nila

habang naglalakad sila sa pasilyo ng mga salamin ay di sila nagkakahiwalay

Di nila alam aya baka nakasunod lang sa kanila ang killer

Napatigil sila nang bumungad sa kanila ang 3 daan

"May tatlong daan" sabi ni Wish kaya nagkatinginan silang tatlo at para bang binabasa nila ang iniisip ng isa't isa

"Wala tayong magagawa. Kailangan nating maghiwa hiwalay" sabi ni EuJin kaya sabay sabay silang napatango

"Ako sa gitna" sabi ni Sugar kaya napatingin ang dalawa sa kanya

"Ako na sa gitna para kung may mangyari sa inyong dalawa ay katok lang kayo kung saan naroon ako madidinig ko yan at pupuntahan kayo agad" nakangiting sabi ni sugar kaya napangiti ang dalawa saka sila nagyakapang tatlo

"Kaya natin to. Mahahanap natin ang daan palabas" sabi ni Wish kaya sabay sabay silang napangiti at tumango

Sa bamdang kanan ay kung saan dadaan si EuJin, sa kaliwa naman at si Wish at sa gitna naman si Sugar.

Tahimik na naglalakad si Wish habang nanginginig ang nga kamay niya at may dalang bag na may lamang lampara. Lahat sila at may dala nun at saka flashlight para sakali

Halos mapatili si Wish Nang biglang nawalan ng ilaw

"Shit power iterruption!" pasigaw at inis na bulong nito sa sarili saka dali dali niyang inilabas yung lampara at sinindihan. Di niya pwedeng gamitin yung flashlight dahil baka masilaw ulet siya sa sariling liwanag na dulot ng flashlight

Dinig na dinig niya ang mga yapak niya at pinagpapawisan narin siya, natatakot siya na lumingin sa salamin na nakapaligid niya dahil baka may makita siyang ayaw niyang makita

Maya maya ay nasa kalagitnaan na siya ng lakad at di niya makita ang dulo ng pasilyong nilalakaran niya. Dahil nadin siguro di sapat ang ilaw na galing sa lampara. Iniisip niya tuloy kung kamusta naba si EuJin at Sugar sa kabila.

"Tulong..." nanginig siya nang makarinig siya ng nakakatakot na boses. Parang may bumulong sa kanang tainga niya dahil ramdam na ramdan niya ang lamig ng hininga ng taong yun. kung sino man yun ayaw na niyang malaman

"Hinaa Tulong.." muling bulong ng tao pero sa kaliwang tenga naman niya nadinig at napakalamig ng hininga ng taong yun. Agad napalingon si Wish sa Kaliwa niya

Napaatras siya at nabungo siya sa salamin din sa sa likuran niya matapos niyang makita ang sarili niya sa salamin na dumudugo at wala nang buhay

Napahawak siya sa dibdib niya nang kumurap siya ay biglang nawala yun at nakikita nalang niya ang sarili niya na ginagaya siya kung ano ang ginagawa niya. In short nagbalik na yung salamin

Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman niya ang malamig sa braso niya. Parang may humahawak dun. Napatingin siya sa salaming nasa harap niya pero wala siyang makita doon. Isang impit na tili ang pinakawalan niya saka niya pilit na tinanggal yung pagkakahawak kung sino man yun sa kanya at humarap sa likod ng salamin at laking gulat niya nang makita niya ang sarili siya sa salamin na nakangisi sa kanya

"Wish..." Sabi nung babae sa salamin na nakatitig sa kanya at napaka laking ngisi. Kamukhang kamukha niya ang taong yun. Ay hinde, Siya mismo yun!

"Wish Sumama kana sa akin" Sabi nya. Takot na umiling iling si Wish sa nakikita niya. Tumagilid ang ulo ng taong yun saka tinignan sya na parang awang awa na siya

"Wish nahihirapan kana. Sumama kana sa akin. Di kana mahihirapan pa pag sumama ka sa akin " tanging iling at pagiyak lang ang ibinigay ni Wish sa taong yun

"Baket? Tutuloy ka paren ba? Sa tingin mo ba may kabuluhan ang pahtutuloy mo? Mamamatay kayong lahat! HAHAHA papatayin niya kayong lahat!" sabi nung sarili niya pero mabilis na umiling si Wish

"Wala na akong paki alam sa sinasabi mo! Makakalabas kami dito! Tandaan mo yan!" malakas na sigaw ni Wish pero napahalakhak yung babae sa salamin na kamukha niya

"Ang taas mo mangarap Wish Hinaa. Kilala mo ba ako?" matamis na ngiti ang binigay ng taong yun kay wish muling umiling si Wish sabay sabing "Hinde"

"Ako ay ikaw Wish! Sinasabi ko to para paalalahanin ka! Mamamatay kayo! Susunod na sya!" Turo nung babae sa likuran ni Wish kasabay ang paghawak ng malamig na kamay sa braso niya. Napalayo siya sa likod niya at ngayon ay nasa gitna na siya

"S-sugar?" kinakabahang tanong ni Wush saka niya nakita si Sugar sa kabilang salamin na punong puno ng bubug sa katawan naliligo sa sariling dugo na nakatayo at nakangisi aa kanya. lalapit na sana siya pero bigla yung nawala

"HAHAHAHAHA" halakhak muli nung babae sa salamin kaya siya napatingin ng masama sa salamin kung nasaan yung babaemg kamukhang kamukha niya

"Sino kaba!? Bat mo kami inuubos isa isa?!" malakas na sigaw ni Wish. Napatigil sa pagtawa at tumingin sa kanya yung babae

"Ako? Di ako pumapatay Wish. Makikilala mo rin. Nakapaligid lang siya sa inyo! Magiingat kayo!" sigaw nung babae kasabay ang pagdinig nya ng nababasag na galing sa ...

Sa kabilang direksyon kung saan pumasok si Sugar!

Napangisi yung babae saka humalakhak muli

"Wala na siya wish. Pinatay na siya!" akmang babasagin na ni Wish yung salamin kung nasaan yung babae pero nakita niya ang pagharang nung babae sa kamay niya sa salamin. At yun ang naghudyat sa kanya na tumigil

"Babasagin mo ako? Pano na kita tutulungan ngayon?" isang halakhak muli ang lumabas sa babaeng yun saka niya tinuro ang diretsong daan

"Diretso lang sa pasilyong yan Wish. Yan ang daan" panalingon si Wish sa diretsong daan na iyon at nakita niya ang isang ilaw at isang tao na tumatawag sa sa pangalan niya ng paulit ulit. Na paniguradong kay EuJin galing ang boses

Napatingin siya sa harapan niya kung nasaan yung babae at bigla nalang yun nawala

Dali daling tumakbo si Wish kung saan nanggagaling yung ilaw ay nakita niyang naghihintay sa kanya si EuJin doon. Agad niyang niyakap yun

"EuJin!" umiiyak na sabi niya "Oh bat ka umiiyak? Haha natatawa ako. Dapat di na pala tayo naghiwa-hiwalay dahil pare pareho din naman pala ang daanan sa daang dinaanan natin" sabi niya saka niya tinuro yung lagusan kanina kung saan sya dumaan

Nakita ni Wish ang tatlong daan

"Pero si Sugar parang nagselfie pa ata sa loob. Pinantasyahan ang sarili" natatawang sabi ni EuJin habang si Wish ay biglang kinabahan

"EuJin! Puntahan natin si Sugar!" natatakot na sabi niya na nagpakunot ng noo niya

"ha? Wag na hintayin nalang natin" umiling iling si Wish aaka na sinimulang umiyak

"Wala na siya EuJin" mabilis na tumakbo silang dalawa sa gitnang daan kung saan dumaan kanina si sugar

Napaisip si Wish habang tumatakbo sila

Sino ba ang babaeng yun. Bakit

Tinulungan siya?

Maya maya pa ay napatakip sa bibig si Wish

Si sugar. Katulad ng nakita niya sa salamin. Punong puno ng bubug at naliligo sa sariling dugo

***

Wala na silang nagawa. Dumiretso na sila. Umaasa na sana makalabas na sila

Muling tinignan ni Wish ang gitnang daan kung saan nila iniwan si Sugar na wala nang buhay

Hinawakan siya sa kamay ni EuJin

Napatingin sila sa pintong nasa harapan nila. Marahang binuksan yun Ni EuJin

Halos maluha na sila sa nakikita niya

Ang labasan ay natagpuan na nila

___________

Ang tagal ng ud😭😭😭

Comment kayo para ganahan ako ulet