webnovel

Chapter 13 : Destined?

A Killer's Steps

Chapter 13 : Destined?

Di ako nakatulog kagabi. Patuloy akong binabagabag ng mga sinabi ni Theo

Kung ganun siya pala yung lalaking ubod ng yabang noon? Siya yung lalaking ilang beses akong inirapan?

Aba magaleng -,-

Nasa tapat na ako ng bahay namin at hinihintay ang pagdating ng Van naming magbabarkada. Wala na si Kiya Cjay dahil nasa school na nila. Actually kanina pa. Maaga kasi siyang pumapasok e. Tapos si daddy naman ay nasa Japan para sa isang Business

Hayy..

"Yerin" Agad kong tinignan ang taong nasa harapan ko ngayon. Walang iba kundi ang nakatira sa tapat ng bahay namin.

Si Theodore

"Uy! Sorry na" sabi niya sabay pakita nung pa box na smile niya jusko

"Bakit ka naman nagsosorry" Tanong ko habang nangingiwi na nakatingin sa pa box na ngiti niya. Ang cute e haha

"kasi di ko sinabi na ako yun?" patanong na tanong niya sabay pout. Natawa naman ako sa kanya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan haha. Akala ko kasi lagi lang siyang seryoso. Di ko alam na may pagka childish din pala siyang side

"Ano kaba! Ok lang" sabi ko sabay palo ng mahina sa balikat niya kaya napangiti siya "Pero di Counted yung ilang beses mo akong inirapan noon ah? Ang sunget sunget mo nga noon e akala ko nga baklang menopause ka" natatawang sabi ko kita ko naman ang pagkunot ng noo niya kaya lalo akong natuwa

"Sa gwapo kong to bakla? Di ba pwedeng bata pa ako nun? Saka ganun kasi ako sa mga taong di ko kilala. Ang gwapo ko kasi" Wow mehengen

"Wow ang hangin Theo! Ang Hangin nililipad na ako grabe!" React ko saka galaw galaw na parang nililipad talaga. Natawa naman siya

"Pero Yerin" natingin naman ako sa kanya. Bigla kasi siyang sumeryoso e

"Sa Tingin mo ba Sinadya lahat to?" kumunot naman ang noo ko sa mga sinabi niya

"What Do you mean, sinadya?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Tumango lang siya

"Kasi Pareho tayo ng kakayahan. Nakakakita tayo ng mga multo. At halos pareho tayo ng kwento sa buhay" natingin ako sa kanya nang madinig ko yun.

"Anong ibig mong sabihin na pareho ng kwento ng buhay?" tanong ko pero nginitian lang niya ako sabay sabi na

"5 Years old ako sa saktong kaarawan ko nang namatay ang Parents ko sa isang car accident. 10 Years Old naman ako at bday ko rin ay namatay ang Ate ko sa isang sakit na di naman alam kung ano. At 15 bday ko naman ay namatay ang tita ko, which mommy ni Kuya Eujin. Nakatira ako sa bahay kasama ang mga katulong. So basically ako lang magisa dyan. Pero alam kong safe ako. Ayoko kasi ng kasama at ayokong matulog sa bahay nina Kuya Eujin natigil ako nang madinig ko ang mga sinabi niya "Pareho Tayo Yerin. After 5 years ng buhay natin ay may isang namamatay na mahal natin sa buhay na hanggang ngayon ay di natin alam kung bakit at kung ano ang dahilan" pagtutuloy niya tumingala siya para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo galing sa mga mata niya

"Yerin sa tingin ko Itinakda ito. Itinakda tayong magkita para sabay nating masulolusyunan at masagot ang mga tanong na bumabagabag sa ating isipan. Malakas din ang kutob ko na matagal na tayong nagkakilala. Di ko lang alam kung saan at kailan" sabi niya nang nakayuko "kagabi ko lang to naisip nung ini-stalk kita sa Fb. Malaman ko ang buong pagkatao mo" sabi niya kahit gusto kong kiligin pero di muna. Di dapat sa ganitong sitwasyon

"Theo sabihin mo. Kailan kaba pinanganak? Kailan ang birthday mo?" kinakabahang tanong ko sakanya. Ngumiti siya saka tumingin sa akin

"sa parehong kaarawan mo. November 30, 1995". Sabi niya na ikinagulat ko. Pareho kami. Parehong pareho

*Bzzt! *bzzt!

Sabay kaming napatingin ni Theo sa bulsa ko nang madinig naming tumunog to. Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang tumango. Feeling ko heto nanaman. Ang mensahe ng kamatayan

Nanginginig kong inilabas ang cellphone ko sa bulsa ko. Saka ko binuksan yun

From : Unknown

Her Beauty that you can't resist

Her Voice that you can't blame

You Can see her Laughing with her brother Now

But soon that laugh will end somehow

Kakaiba ang natanggap ko ngayon na mensahe kasi di siya gaanong parang quotes e

Pero

"Nisha" Bulong ni Theo na ikinagulat ko at mapatingin sa kanya

"P-paano?" natatakot na tanong ko sa kanya

"Siya lang ang may kapatid na lalaki na kasaa sa barkada natin. Si Kuya Eujin" takot na sabi niya. Ilang beses akong umiling. Hindi to pwede. Di ako papayag na mapahamak pa ang mga kaibigan ko

"Theo! Anong gagawin natin?!" pasigaw na tanobg ko sa kanya habang tumutulo ang mga luha ko. Ayoko na! ayoko nang makita ang mga kaibigan ko na isa isang nauubos. Hinahawan ako sa balikat ni Theo saka niya ako tinitigan mata sa mata

"Kailangan nating protektahan si Nisha" sabi niya habang hawak ako at titig parin sa mga mata ko

*Peep! *peep!

Sabay kaming napalingon sa Van na kararating lang

Ang Van naming magkakaibigan

Humarap ako kag Theo saka ako tumango. Sabay kaming pumunta sa Van at marahas na binuksan yun

"Nisha!" malakas na sigaw ko. Nagpalinga linga ako at nakita ko si Nisha na nasa dulo at nakikinig ng music na tinanggal naman niya

"Kuya Eujin. Kailangan nating iuwi si Nisha ngayon din!"malakas na sabi ko. Kitang kita ko ang pagkalito nilang lahat. Magsasalita pa sana ako nang naunahan ako ni Theo

"Nagtext na siya. At si Nisha ang susunod" kita ko naman ang pagkatakot sa mukha ni Nisha. Tumango naman si Eujun saka kami sumakay ni Thei saka nag U turn si Kuya Eujin

***

"Mabuti pa ay sasamahan ko nalang si Nisha sa bahay ninyo" sabi ni Jimboy kaya sabay sabay kaming napatango. Niyakap din isa isa si Nisha

Niyakap ni Yuju si Jimboy. Aysus din ang dalawang to. Napaghahalataan

Ganun din si Rhey kay Nisha

"Nisha magiingat ka" sambit ko nag mouth siya sakin ng 'Thank you' saka kami umalis gamit ang Van papunta sa school

AUTHOR'S POV

"Ok lang ba sayo na dito ka na muna?" muling tanong ni Nisha kay Jimboy na tumango ulet habang kumakain ng saging

"Sur-" di na natuloy ni Nisha ang sasabihin niya nang pakainin niya ng balat ng saging si Nisha

"Nakaka asar ka paulet ulet nang tanong mo yan" inis na sabi ng binata saka siya naunang maglakad at umupo sa sofa

Inis namang tinaggal ni Nisha yung balat ng saging sa bunganga niya saka niya yun tinapon sa basurahan

"Epal ka. Bat kailangan pang ipakain sakin balat ng saging?! E kita mo namang ang dumi dumi!" inis na maktol naman ni Nisha saka din siya umupo

Naging seryoso naman ang mukha ni Jimboy saka siya humarap kay Nisha. Parang may kinikilatis siya

"Nisha" sambit ni Jimboy kaya napatingin siya sa kanya

"Anong meron sa inyo ni Rheymond?" Nanigas si nisha sa kinauupuan niya. Umiwas siya ng tingin kay Jimboy saka siya tumayo

"Kukuha lang ako ng makakain" pag iiba niya ng usapan saka siya dumiretso sa ref at may kung anong kinapkap doon

"Nisha sagutin mo Yung tanong ko" sabi ulet ni Jimboy "Halatang halata kayong dalawa sa ikinikilos niyo" dagdag pa niya. Nanginig si Nisha pero sa huli ay bumuntong hininga na siya

"Alright. He's My Boyfriend" hindi na nagulat si Jimboy ngunit seryoso parin siya habang nakatingin kay Nisha. Sinarado naman ni Nisha yung ref saka siya humarap kay Jimboy

"Kailan pa?" muling tanong ni Jimboy. Napaiyak si Nisha pero pinunasan din niya kaagad yun

"3 Years" nakayuko at Tipid na sagot ni Nisha. Bumuntong hininga naman si Jimboy

"Bat di niyo sinabi sa amin ang relasyon niyo? Mukha kaming tanga sa kalituhan kung anong nangyayari sa inyong dalawa" sabi ni Jimboy na halatang pinipigilan lang niya ang galit niya. Umangat naman ang ulo ni Nisha

"Im sorry. Inisip kasi namin na pag nalaman niyo na kami ay baka ipaghiwalay niyo kami. Di ko kaya yun" mahinang sabi ni Nisha. Bumuntong hininga ulet si Jimboy saka niya niyakap si Nisha. Para na kasi niyang kapatid si nisha

"ok na Nisha. Basta wag mo nang ulitin ok? At mas mabuti kung sasabihin mo to sa barkada mamaya" nakangiting sabi ni Jimboy pagkalas ng yakap niya. Ngumiti si Nisha saka siya tumango

"Nagugutom kaba? Magluto ako Gusto mo?" nakangiting sabi ni Nisha kay Jimboy. Tumango naman si Jimboy

"Sige lang gutom na rin ako e" sabay silang humalakhak nang makadinig sila pareho ng tunog na suguradong nanggagaling sa tiyan ni Jimboy

"Sige magluluto lang ako" nakangiting sabi ni Nisha saka siya nagpunta sa ref at nanguha ng Ingredients. Nakaupo naman ai Jimboy habang naglalaro ng games sa cp niya nang biglang nagsalita si Nisha

"Jimboy. Bili ka nga dyan sa convenience store ng Ibang Ingredients. Naubusan kasi ako e" sabi ni Nisha. Ngumiti naman si Jimboy saka Tumango. Inihanda naman na agad ni Nisha yung Listahan na agad namang kinuha ni Jimboy saka Umalis

Nang maka alis si Jimboy ay Bumalik si Nisha sa Ginagawa niya na Hinihiwa yung karne ng manok na balak niyang gawing Caldereta

Nakaramdam siya ng kakaiba. Paramg may tumititig sa kanya

"Nish" nagulat siya nang makita niya sa harap ng Ref ang Isang babae. Duguan. Napaupo siya sa takot

Maya maya pa ay nadinig niya ang isang Doorbell. Kumunot naman ang Noo niya. Inisip niya na baka may nakalimutan si Jimboy kaya agad siyaang nagpunta sa Pintuan at binuksan yun.

Pero ibang tao ang kanyang nakita

"Ikaw pala! Sige pasok ka!" nakangiting sabi ni Nisha. Isang nakakatakot na ngisi naman ang ibinigay ng taong yun sa kanya

"Salamat.. Nisha"

••••

Samantala matapos ang ilang minuto... Pauwi na Si Jimboy At puno parin ng Tanong ang nasa utak niya. Kasi kanina lang, Nung papunta palang siya sa Convinience store ay nakarinig siya ng malakas na pagsabog

"San kaya galing yun?" Malapit na siya sa bahay nina nisha nang makita niya ang nagkalat na Ambulansya at Bombero sa tapat ng bahay nina Nisha. Nanlaki ang mga mata niya nang marealize ang nangayare

'Di kaya yung bahay nina Nisha yung sumabog? Hindi. Hindi pwede!' sabi ni Jimboy sa isipan niya dahilan kaya mapatakbo aiya sa bahay ni Nisha na ngayon ay halos maging abo na dahil sa lakas siguro ng apoy kanina

Nalipat ang tingin niya sa bangkay na inilalabas ng bahay na natupok na ng apoy. Nanginginig niya nilapitan yun

Tumulo ang luha niya nang makita niya ang taong nAkahiga

Walang iba kundi si Nisha

Agad niyang nilapitan ang In charge sa mga bombero

"A-ano pong dahilan ng sunog?" umiiyak na tanong ni Jimboy sa bombero

"ahhh Explosion po ng Gas. Malamang po di napatay ni Miss Joaquin yung has habang nagluluto siya dahilan kaya kumalat sa buong bahay yung Gas saka sumabog" sabi nung Bombero. Habang patuloy lang sa pagbagsak ng luha ni Jimboy

'kasalanan ko to. Dapat di ko siya iniwan'

YERIN POV

"Ay!" malakas na Hiyaw ni Yuju nang bigla siyang mataksikan nung Iced tea

Bila nalang kasi nalaglag yung baso na hawak ko na may laman na Iced tea. Nabasag yung baso

"Yerin Okay ka lang?" nag aalalang tanong ni Theo habang lahat sila at nakatingin lang sa akin. Habang ako ay nanginginig ng di ko alam. Bigla kasi akong kinabahan. Parang di ko maintindihan

"Nisha" wala sa sariling bigkas ko kaya sabay sabay silang napatingin sa akin.

"Yerin Umiiyak kaba?" Tanong ni Sugar. Kaya agad kong hinawakan yung pisngi ko. Lalo akong nagulat nang maramdaman kong basa yun. Sunod sunod na palang tumutulo ang mga luha ko

"Si N-nisha. May nararamdaman akong kakaiba" agad akong tumayo at sinugbit yung bag ko saka ako agad lumabas ng canteen

Na gets naman ng iba ang point ko kaya agad silang tumayo para samahan ako

Sabay sabay kaming nagpunta sa bahay ni Nisha

Pero nagulat kami sa nakita namin.

Si Jimboy na umiiyak sa Isang Tao nakahiga sa labas ng bahay na natakpan ng Kumot

"Jimboy?" tanOng ni Rhey na nag aalala. May naradamdaman akong kakaiba kay Rheymond. Parang sila ni Nisha. Ata

"Si N-nisha. W-wala na siya" umiiyak na sabi niya. Napa atras naman ako.

*Peep peep!

Isang iglap ay may Isang Kotse na paparating at ilang segundo nalang ay mababangga na ako

______________