webnovel

A Heart to Keep

Magkaiba ang background nina Candice at Victor kaya hindi maganda ang unang impression nila sa isat isa. Pero habang tumatagal ang kanilang pagkakakila ay unti unti ring lumalalim ang kanilang friendship and eventually ay nagkahulugan na sila ng loob.

amore_05 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
15 Chs

Chapter 11

Pagkalabas niya ng ospital ay kinapa niya ang bulsa. Limangdaan piso na lamang ang natitira niyang pera. Nagsinungaling siya kanina nang sinabi niyang may puwede pa siyang i-withdraw.

Kanselado na lahat ang credit cards niya. Ayaw man niyang aminin she's basically left with little to no choice. Sandali niyang nilingon uli ang ospital.

"Patawad kung hindi na ako nakapagpaalam pa sayo Victor." At pagkatapos nun ay pumara na siya ng taxi.

"Senyorita salamat at nagbalik ka na." salubong kay Candice ng mayordoma.

"Si Lolo nasaan?" Tanong niya dito.

"Nasa private office niya. Pupuntahan ko po siya para ipaalam na nandito na kayo."

"Hindi na po kailangan. Ako na ang pupunta sa kanya." At pinuntahan na nga niya ito. Hindi siya kumatok at dahan-dahan na lamang niyang binuksan ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong nito nang makita siya.

"Hindi ko po alam kung nabalitaan nyo na pero nasa hospital po ngayon si Victor." Simula niya dito.

"At ano naman ang kinalaman ko dun?"

Ilang beses siyang lumunok. "Wala po akong pambayad sa hospital. P-please Lolo tulungan nyo po ako." Pagmamakaawa niya dito sa nanginginig na boses.

She doesnt want to cry infront of him dahil ayaw nitong nakakakita ng umiiyak but she can't helped it. Gusto na talagang tumulo ng mga luha niya.

"Ikaw ang pumili ng sarili mong kapalaran Candice. Nasa kama ka na lumipat ka pa sa banig. I will not help you. Umalis ka na." matigas na sagot nito. Kinuyom niya ang kanyang mga palad at dahan-dahang lumuhod sa harapan nito. Napatayo ito sa ginawa niya. "Candice how dare you stoop this low?"

"G-gagawin ko po lahat ng gusto ninyo. K-kahit kailan hindi ko na kayo sasawayin. Ang pakiusap ko lang iligtas n'yo po siya." Tuluyan na siyang napaiyak.

"Tumayo ka diyan" utos nito. Pero hindi siya umalis sa kanyang pagkakaluhod.

"Lolo, please. Nagmamakaawa ako sa inyo."

"Alam mo ang gusto ko Candice. Hiwalayan mo ang lalaking yon at hindi ka na makikipagkita sa kanya. Kaya mo ba yon?" hamon nito.

Kahit masakit sa loob ay tumango siya.

"S-susundin ko po kayo. Hindi na po ako m-makikipagkita kay Victor. Basta siguraduhin nyo lang na magiging maayos ang lagay niya. Ibalik nyo rin po sa trabaho ang tiyuhin niya at huwag nyo na pong alisin ang scholarship niya."

"Masyado kang maraming hinihingi. Pero sige pagbibigyan kita." Kinuha nito ang telepono at may tinawagan. He gave very specific instruction tungkol kay Victor at sa pamilya nito. "Ililipat na si Victor sa isang maayos na private hospital. Lahat ng mga bills nya ay sagot ko na."

"Salamat po."

"I will expect you to honor your word."

Tumango lamang siya dito. She knew the moment she walked back to this house ay hindi na niya uli pa makikita at makakasama si Victor. Siya na mismo ang nagbalik sa kanyang sarili sa gintong hawla.

Lalabas na sana siya ng silid nang makaramdam siya ng matinding sakit ng tiyan. Napansin yon ng lolo niya.

"Anong nangyayari sayo?" nag-aalalang tanong nito. Pero bago pa man niya ito masagot ay nawalan na siya ng malay.

"Victor mabuti at nagising ka na." si Tita ellen ang nabungaran ni Victor pagkamulat niya. Naroon din ang kanyang tiyuhin.

"Nasaan po si Candice?" tanong niya sa mga ito. Nagkatinginan ang mag-asawa. Halatang nag-aalangang magsalita.

"Tito nasaan po si Candice?" tanong niya uli.

"Nagbalik na siya sa kanila." Sagot nito.

"Kailan pa? Bakit?"

"Nung gabing maospital ka nagpaalam siyang bibili ng gamot pero hindi na siya nagpakita uli. Nagpadala na lang siya ng mensahe na bumalik na siya sa kanila. Mula noon wala na kaming narinig mula sa kanya. Hindi na rin siya dumalaw dito." kuwento ng kanyang tiyuhin.

"Ni hindi ka niya kinamusta. Kinalimutan ka na niya Victor. Kaya mas mabuting kalimutan mo na rin siya." Buyo naman ng kanyang Tita Ellen.

Umiling siya sa tinuran nito." Imposible yon. Siguradong may malalim na dahilan kung bakit siya umalis."

"Kung ano man ang dahilan niya huwag mo na munang isipin yan ngayon. Ang gawin mo magpagaling ka."

"Pakiusap Tito kontakin nyo siya. Siguradong darating siya kapag nalaman niyang gising na ako."

"Pipilitin ko siyang makausap pero kailangan mo munang magpahinga."

Pagkatapos nun ay may dumating na nurse para tingnan siya at bigyan ng gamot. Di nagtagal ay nakaramdam na siya ng pamimigat ng mata.

"Gisingin nyo po ako pag dumating na siya." Bilin niya sa mga ito.

Pero lumipas ang mga araw at ang mga Linggo ay walang nagparamdam na Candice. Hanggang sa dumating ang oras ng paglabas niya ng ospital ay hindi ito nagpakita.

"Victor hindi na siya darating. Umuwi na tayo." aya sa kanya ni Tita Ellen.

"Hindi siya ganito tita. Hindi ganito si Candice."

"Mayaman ang pamilya niya Victor. At aminin mo man o hindi nahirapan siya sa buhay na kasama ka. Sumuko siya yun na yon. Hindi niya na kayang magtiis. Huwag mo nang bigyan pa ng ibang mga kulay ang mga bagay."

"Kailangan ko po siyang makausap."

"Ni hindi mo nga siya makontak. Paano mo siya kakausapin? Huwag mong sabihing pupuntahan mo pa siya sa kanila? Alam mo namang ayaw sa iyo ng lolo niya. Ayokong mapahamak ka uli. Hindi ko na kakayanin kapag nangyari yon."

Para hindi na ito mag-alala pa ay nanahimik na lamang siya at sumunod na dito. Ililihim na lamang niya ang plano niyang pagpunta kina Candice. Hindi siya matatahimik hanggat hindi niya ito nakakausap.

Nang umayos na nang tuluyan ang pangangatawan niya ay binalikan niya ang lugar kung saan sila nanirahan. Baka bumalik ito roon at nag-iwan ng mensahe para sa kanya. May mga sumalubong at nangamusta pero kahit isa ay walang nakakaalam kung nasaan na ito. Mula daw nung maospital siya ay hindi na ito nakita pa.

Binuksan niya ang silid at tinignan ang mga gamit ni Candice. Lahat nandun pa rin. Hindi na nga ito bumalik. Isasara na sana niya ang aparador ng may mapansin syang isang maliit na parihaba. alam nya kung ano yon isang pregnancy kit. Gamit na yon. kinakabahang tiningnan niya ang resulta. Dalawang guhit ang nakita niya.

"Buntis siya" nagmamadali siyang lumabas ng bahay.

"Aprubado na ang student visa mo. Sa Australia ka na mag-aaral Candice. You'll be flying next week."Inform kay Candice ng kanyang Lolo habang binabagtas nila ang daan pabalik sa kanilang mansyon.

Kaya pala siya nito pinamili ng mga bagong gamit ay balak na pala siya nitong paalisin ng bansa.

"Sabi ng mga doctor fully recovered ka na kaya okay na sayo ang magtravel.

Candice apo, alam kung nagluluksa ka pa rin but it's all for the best. Sa Australia makakapagsimula ka uli."

Kinuyom niya ang palad para pigilan ang sarili from bursting out. "All for the best?" Kahit pinaliwanag na ng doctor na may mali na sa development ng embryo at mataas talaga ang porsyente ng miscarriage sa first trimester lalo na sa edad niya ay hindi pa rin yun matanggap ng puso niya. Para sa kanya namatayan pa rin siya ng anak.

Malapit na sila sa mansion nang biglang nagpreno ang driver. Muntikan pa silang mapasubsob.

"Mag-ingat ka naman. Anong nangyari? Bakit bigla kang huminto?" Tanong ni Don Teodoro.

"Senyor may lalaki pong humarang sa daan natin. May sira po yata ang ulo." Sagot nito

Kinabahan siya sa sinabi nito kaya sumilip siya sa may bintana at tama ang hinala niya si Victor ang lalaking nakaharang sa daraanan nila.

Nakita siya nito. "Candice kailangan nating mag-usap. Harapin mo naman ako." pakiusap nito. Kumpara ng huli niya itong makita ay mas maayos na ang itsura nito. Akmang lalabas na siya ng kotse nang pigilan siya ng kanyang lolo. "Huwag kang bumaba Candice." May pagbabanta sa boses nito.

"Pero hindi po siya aalis dyan hanggat di niya ako nakakausap."

"Nestor businahan mo at kung ayaw pa ring umalis dumiretso ka lang." utos nito sa driver.

"Lolo please hayaan nyong kausapin ko na lang siya."

"Huwag mo akong susubukan Candice. Kaya ko siyang pasagasaan o ipagbugbog sa mga guwardya ng matuluyan na ang lalaking yan."

"Kapag may ginawa kayong masama sa kanya tuluyan na akong mawawala sa buhay ninyo. Ako po ang kakausap sa kanya at pangako ito na ang huli. I'll get rid of him myself."

Determinadong sagot niya dito.

Sandali itong nag-isip pero sa bandang huli ay pinayagan na siya nitong makababa ng kotse.

Kita niya ang pagliwang ng mukha ni Victor nang makita siya nito.

Hindi pa rin ito lubusang magaling. May cast pa rin ito at may mga sugat pa sa mukha. But over-all he looks okay. Lihim pa rin naman siyang nakikibalita sa kalagayan nito. Kasama yon sa kasunduan nila ng kanyang Lolo ang siguraduhing maging maayos ito. Pinalabas nila na may isang NGO na tumulong sa pagpapaospital dito. Her Lolo made sure that any financial help he received won't be easily traced back to her.

"Candice akala ko hindi na kita makikita uli." Nilapitan siya nito at niyakap. Huminga lang siya ng malalim to try and control her emotion. Nang mapansin nito ang tila walang reaksyon at malamig na pagsalubong niya ay lumayo ito sandali sa kanya.

"Anong problema Candice?"

"Hindi ka na dapat pumunta pa dito Victor."

"Pero ilang linggo ka nang hindi nagpapakita sa akin. Inisip ko baka ikinulong ka ng Lolo mo dito sa mansion kaya pinuntahan kita."

"Nakikita mo naman hindi ako nakakulong. Malaya akong gawin ang gusto ko."

"Kung ganun bakit di ka nagpakita? Bakit di ka nagbalik?"

"Don't you really get it? Ayoko na."

"Hindi yan totoo. Masaya tayong magkasama." giit nito.

"Masaya?? I was miserable. Nagtitiis lang ako dahil sa pride. Akala ko kasi ang Lolo ang unang susuko at susunduin nya ako. Pero hindi yon nangyari kaya ako na ang kusang nagbalik."

"Nagsisinungaling ka lang. Alam kung tinatakot ka lang ng Lolo mo. Please sumama ka na sa akin." Pakiusap nito. Akmang hahawakan nito ang braso niya pero umiwas siya.

"Hindi ka ba talaga marunong umitindi? Do you want me to spell it out for you? Puwes sasabihin ko na sayo lahat. Hindi ko na kayang maging mahirap. Hindi ko na kayang tumira sa masikip na bahay. Hindi ko na kayang magsuot ng mga lumang damit na galing sa ukay.

I'm sick and tired of the kind of life I have to live just to be with you. I was stupid to think na mahal kita. Kaya please hayaan mo na lang ako sa buhay na nakasanayan ko at magkalimutan na tayo. Isipin mo na lang na isa akong masamang panaginip."

"Nagsisinungaling ka. Alam kung mahal mo ako. Nagmamahalan tayo." Yayakapin sana uli siya nito pero tuluyan na niya itong itinulak.

"Get him out of here." Utos niya sa mga guwardya na kanina pa naghihintay. Sumunod naman ang mga ito. Pero hindi natinag si Victor sa kinatatayuan.

"Huwag ka nang magmatigas bata. Kung ayaw mong maospital uli." Kausap ng head guard kay Victor.

"Hindi ako aalis dito. Bugbugin nyo ako kung gusto nyo pero hindi ako aalis dito. Alam ko ang totoo Candice. Alam kung buntis ka.

Nakita ko yung result nung pregnancy test."

"Hindi na ako buntis Victor."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong nito.

Pero bago pa man siya makasagot ay lumabas na ang lolo niya mula sa sasakyan at hinila na siya papasok.

"Tayo na Nestor." utos nito sa driver.

Kinuyom niya ang palad at ipinikit ang mga mata para pigilan ang sariling lingunin ang binata. Alam niyang sobrang nasaktan ito sa mga sinabi niya dahil yon din naman ang eksaktong nararamdaman niya ngayon.

"You did well Hija. Siguradong di ka na iistorbihin ng lalaking yon."

She didn't respond. Nanatili siyang walang kibo hanggang sa makapasok sila ng mansion. Nilagpasan lang din niya ang mga katulong na sumalubong sa kanya. Walang imik siyang pumasok ng kanyang silid. At nang maisara na niya ang pinto ay tsaka siya tuluyang humagulgol. Halos hindi na siya makahinga dahil naninikip na ang dibdib niya.

They say nobody dies of a brokenheart. But this is worse than dying. Losing him and then losing her baby feels like a slow painful death for her. Sobrang sakit that whenever she's alone tears just become automatic. But she needs to bear the pain. And hope to God that someday she will moved on from all of these.