webnovel

A Certified Casanova

"I've always wanted to be a Casanova. I think it's very tasteful." He saw you. He met you. He liked you. He wanted you. He chased you. He got you. He had you. And in the end, he left you. Terrence Palermo's favorite toy---a woman's heart. He can get any girl he wants. Of course, he's fucking handsome, hot and rich. Kailanman ay hindi siya nagseryoso sa babae dahil ang tingin niya sa mga ito ay parausan lang. Why? Because he hates them to the extent that breaking their hearts makes him happy. May pag-asa pa kayang magbago ang isang certified Casanova?

pinkyjhewelii · perkotaan
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 6

NALINTIKAN naman. Kanina pa ako nagtitimpi. Malapit ko na talagang buhusan ng kumukulong tubig si pogi. Oo! Kahit nakakainis na siya, hindi mababago ang katotohanang pogi siya.

"Terrence, empleyado ka dito at hindi customer. Bakit ka nakiki-table sa mga customer. Ginagawa mo namang beer house 'tong cafe e!"

Ngumiti lang siya sa akin. "Gusto mo bang ikaw ang i-table ko? Tapos uupo ka sa lap ko habang hinahalikan ko ang leeg mo?"

Napalunok ako. Literal! Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ang lalaking 'to pero siya na yata ang pinaka manyak at bastos na lalaking nakilala ko. Para siyang palaging tigang at uhaw sa tutut! Tapos ang dirty pa niya magsalita. Wala man lang filter ang bibig.

Dalawang araw na siyang narito sa Cafe de Lucio at nai-train ko naman siya ng maayos. Marunong na siyang gumawa ng kape, marunong na din siyang gumamit ng kaha saka mag punas punas ng mga mesa. Siya na rin ang tagabuhat ng mga basura namin sa labas.

Pero sa loob ng dalawang araw na 'yon, mga one hundred na babae na yata ang inaya niyang makipagsex sa kaniya. Jusko! Naloloka ako sa kaniya.

"Pwede ba, Terrence? Kung ayaw mong isumbong kita kay Mrs. Palermo, umayos ka. Ang sakit mo sa bangs e!"

Narito kami sa counter at sinesermunan ko talaga siya. Halos ilan nalang din naman ang customer dahil magsasara na kami mamayang ten ng gabi.

"Alam mo, Keeshia, ang sakit mo sa puson. I want to fuck you."

Nanlaki ang mga mata ko at awtomatiko ko siyang hinampas. Natawa pa siya habang uma-aray.

"Bastos ka talaga! Bukas? Dadalhan kita ng holy water!"

"Sige, basta ba dadalhan din kita ng condom para sex tayo."

Kalma. Kalma lang...

Hindi ako magpapatalo sa inis ko. Ayokong lumabas ang evil side ko dahil baka mahampas ko na talaga ng bato sa ulo ang lalaking 'to.

Kaya ko pa. Strong ako e. Ipinagkatiwala siya sa akin at bilang matagal nang nagtatrabaho dito sa Cafe de Lucio, hindi ako gagawa ng eksena na makakasira sa image nito.

"Ano, Keeshia? Payag ka ba? Masarap ako."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit hindi ka magpunas ng mga mesa doon ha?"

"What? Tapos na. Iyong mga customers na ang nagpupunas at naglilinis ng kalat nila dahil ayaw nilang madumihan ang kamay ko. You know why? Because these hands could make you cum."

Napalunok na naman ako. Virgin pa ako pero hindi naman ako tanga para hindi malaman iyong mga bagay na may kinalaman sa sex.

"Mga one hundred times ko na yatang sinabing bastos ka. Hindi ka man lang apektado?" Tanong ko. Ako kasi, kahit dalawang araw ko palang siyang nakakasama dito sa cafe, immune na aki agad sa kabastusan niya at hindi ko nalang pinapairal ang pagka maria clara ko.

Umiling siya. "Bastos naman talaga ako, so bakit ako maaapektuhan? And I love being like this. I also love to fuck you."

"Yang bunganga mo naman, Terrence!"

"What? Itong bunganga na 'to? Expert 'to."

Hinampas ko siya ulit. "Alam mo, next time, gawa nga akong new specialty ng Cafe de Lucio."

"Anong specialty?"

"Nakakagagong coffee. O, diba! Bongga ang name. Tapos may picture mo 'yong cup ng coffee kasi ikaw 'yung gago."

Ngumiti siya at nakakainis dahil lalo siyang guma-gwapo.

"Ang sweet mo naman pala Keeshia, I wonder if your pussy is sweet too."

For the ninth time, hinampas ko ulit siya. Ito nalang talaga ang tangi kong nagagawa kasi kung paiiralin ko ang pagiging maria clara ko, sasakit lang ang ulo ko. Kasi itong lalaking 'to, napansin ko sa kaniya, hindi siya basta basta naaapektuhan e, tapos hindi pa siya marunong mainis o mapikon. Tapos kahit hampasin mo, balewala lang sa kaniya.

Napaka playful niya!

"Pero Terrence, seryoso muna..." panimula ko. Gusto ko din namang malaman iyong mga where abouts niya. Saka jusko, para magkaroon naman kami ng matinong pag uusap.

Para hindi din ako antukin kasi naghihintay nalang kami na matapos iyong natitirang customers.

"I'm always serious. Whenever I tell you that I want to fuck you, it's serious."

"Terrence, malapit ka nang buminggo sa akin."

"Malapit ka na ding labasan sa akin, Keeshia."

Ano ba! Hindi ko alam kung paano ako makakatagal ng ilang araw, linggo o buwan kasama ang lalaking 'to!

Tumawa siya. Bwisit!

"Pero 'di nga, Terrence. Anak ka ba sa labas ni Mrs. Palermo?"

"What the fuck?" Tumawa siya.

"E ano kasi? Na-curious ako kasi Mom ang tawag mo sa kaniya e."

"She's my auntie and kapatid ni Tito Luke ang Dad ko. That's it. But because I'm the most handsome in our clan, they need to put me here. Dito nila ako pinag-trabaho sa pinakamababang posisyon. They can't give me a position in the company dahil siguradong malulugi ang company."

"Bakit naman malulugi? Hindi ka ba marunong magpatakbo ng company?"

Umiling siya. "That's not it. Malulugi ang company dahil I'm sure, lahat ng female employees, magpapapansin nalang sa akin at hindi sila makakapag-focus sa trabaho nila."

Nagpokerface ako. "Umalis na 'yong last customer. Mabuti pa mag close na tayo kasi may paparating na bagyo e."

"What? May bagyo ba?"

"Oo, ikaw iyon."

"What?"

Hindi ko na siya pinansin. Nilinis ko na ang mesa nung huling customer saka nag ayos ayos na sa counter.

"Makakaalis ka na. Ako na ang bahala dito."

"Seriously."

"O, bakit?"

"You're a woman. And it's late. Do you think I will leave you here alone?"

Bakit bigla akong kinilig dun? Kahit hindi naman siya nagpapakilig, bakit natuwa ako sa sinabi niya?

O dahil ni minsan, hindi ko naranasan sa boyfriend ko iyong ganito?

"Gentlemen naman pala." Bulong ko.

"Hey, ako na dyan."

Inagaw niya lang naman sa akin iyong nga pinag inumang cup ng last customers. Sinundan ko sya ng tingin at ayun, diretso sa sink, naghugas siya ng cups!

Napansin ko dito kay pogi. Mabait naman siya e tapos masipag. Manyak at malibog lang talaga e. Pero siguro kung hindi siya gano'n, napaka perfect na niya para maging ideal man ko.

Pero hindi, mahal na mahal ko si Robi. Siya lang ang gusto kong mapangasawa. Siya na nga amg forever ko e. Siya rin si mr. right ko at allong siya na ang icing sa ibabaw ng cupcake ko.

"Keeshia, you looked like a fool. Smiling like an idiot."

Sinamaan ko ng tingin si pogi. Hindi ko namalayang natulala na ako dito sa may counter.

"Are you done? I'm done washing those cups. May iuutos ka pa?"

Masipag talaga siya. Pero kung tutuusin, hindi talaga bagay sa kaniya ang maging crew lang sa isang cafe. Pang model ang datingan niya e. Pang artista. Kaya tuloy, lagi nang pinipilihana 'tong cafe dahil sa kaniya.

"Oo tapos na. Sige na pwede ka nang umuwi." Sabi ko.

Mabait pa rin si Mrs. Palermo kasi kahit pinaparusahan pala si pogi kaya nagta-trabaho dito sa cafe, saka kahit suspended ang mga cards niya, may pa-kotse pa rin. Kaya ang lolo niyo, dinaig pa ang boss kapag darating dito sa cafe kasi naka-kotse tapos naka shades pa 'yan. E crew lang siya! Bwisit.

"Sabay ka na sa akin. Gusto mo motel tayo?"

"Letse ka, Terrence!"

Tumawa siya. "Seryoso ako. Sabay ka na sa akin. Gabi na. Magji-jeep ka lang?"

Dalawang gabi na niya akong kinukulit na sumabay sa kaniya pauwi. E ayoko kaya! Kahit pogi siya, wala akong tiwala sa kaniya.

Inayos ko na ang kaha saka nilagay sa vault ang pera. Inayos ko na lahat ng kalat at kinuha ang susi ng cafe.

Naunang lumabas si pogi kasi ako ang palaging nagla-lock ng cafe. Sanay na din naman ako lalo na noong mag isa ako dito.

"Ayaw mo talagang sumabay sa akin? Una na ako."

"Bata ka pa." Pamimilosopo ko.

"What? Matanda na ako. Malaki na nga titi ko."

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. "Umuwi ka na. Go!" Taboy ko sa kaniya.

Humagalpak siya ng tawa saka pumunta sa kotse niya na nakapark lang sa harap nitong cafe.

Hindi ko alam kung ilang bad words ang narinig ko ngayong buong araw dahil kay pogi. Pakiramdam ko nagkakasala na din ako. Kung conservative siguro ako, baka nasampal ko na ng ilang beses si pogi e kaso magaling akong magtimpi. Hinahayaan ko nalang siya sa kabastusan niya.

Nang matapos kong isara ang cafe ay paalis na sana ako pero nagulat ako dahil palapit sa akin si Robi.

Kuminang ang mga mata ko. Sinundo niya ako? For the first time? Kumakabog tuloy ang dibdib ko.

"Baby."

"Robi." Sambit ko.

"I need money right away kaya pinuntahan na kita rito. Dapat hihintayin nalang kita sa unit pero nagmamadali na kasi ako."

Parang nawala iyong ngiti sa labi ko. Kinikilig pa man din ako. Pero sabagay, at least nag effort siyang puntahan ako dito sa work.

"Para saan ba 'yan?" Tanong ko.

"May hiniram ako sa kaibigan ko at nagagalit na sa akin. Sinisingil na niya ako baby at sabi ko dadalhin ko ngayong gabi sa kaniya."

Tumango ako. "Sige, tara puntahan natin 'yung kaibigan mo." Sabi ko. Nakakaawa naman ang boyfriend ko kasi sinisingil na ng kaibigan niya.

"Hindi baby. Ako nalang kasi hindi 'yon nagpapapasok ng babae sa apartment niya. Saka mabilis lang ako doon. Ibigay mo nalang sa akin ang pera. Two thousand lang naman 'yon."

Na-disappoint naman ako. Dalawang araw nga siyang hindi nagpakita sa akin kaso busy daw sa work. Miss na miss ko na siya. Minsan, gustoko din naman siyang maka-date kaso palaging busy. Naiintindihan ko naman siya. Napaka hardworking niya.

Hindi na ako nagsalita. Kumuha ako ng oera sa wallet ko. Iaabot ko na sa kaniya ang dalawang libo kaso inagaw 'yon ni...

"Hey, bakit binibigyan mo ng pera ang lalaking 'yan? Who is he?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil si Terrence pala.

"Sino ka ba? Anong karapatan mong makisali sa usapan namin ng girlfriend ko?"

Tumaas ang isang kilay ni Terrence. "Boyfriend mo pala 'to, Keeshia. Akala ko anak mo. Nanghihingi ng pera sa 'yo e."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react sa sinabi ni Terrence.

"Gago pala 'to e. Sino ka ba, ha?" Tanong ni Robi.

"Baby tara na. Ka-work ko siya dito sa cafe saka---"

Bigla akong hinila ni Terrence. Lalong nanlaki ang mga mata ko.

"Bitawan mo ang girlfriend ko!" Sigaw ni Robi.

"Really? Girlfriend mo pero ginagawa mong banko? Gago ka ba?"

Napalunok ako. Bakit bigla yatang sumeryoso si Terrence. Saka bakit pakiramdam ko hindi ko sila kayang pigilan?

"Terrence, boyfriend ko siya. Aalis na kami."

"No. Sa akin ka sasakay, Keeshia. Wala ngang balak na isama ka sa pupuntahan niya. Baka hindi ka pa niyan maihatid sa bahay mo."

Dapat magalit ako kay Terrence kasi nakikisawsaw siya pero bakit wala akong makapa sa dibdib ko. Parang ang sarap pa sa pakiramdam nang ginagawa niya.

"Gago ka pala e! Bitawan mo ang girlfriend ko! Anong karapatan mong hawakan siya?!"

"Baby huwag mo nang patulan. Tara na." Sabi ko kay Robi. Pilit akong kumakawala kay Terrence.

Ngumisi si Terrence. "Ano ring karapatan mong manghingi ng pera sa girlfriend mo? Ang laki laki ng katawan mo, wala ka bang trabaho?"

"Terrence please."

Hindi ko alam kung paano ko sila pipigilan. Hindi ko naman kasi akalaing aakto ng ganito si Terrence. At lalong hindi ko alam na may ganitong side siya---yung parang nagtatanggol ganern. Kahit hindi naman kami ganoon ka-close.

"Uupakan ko 'to. Pigilan mo ako, baby!"

"Huwag mong pigilan, Keeshia. Tingnan natin kung mauupakan mo ako."

Jusko! Paano ko ba sila patitigilin?

"Robi, magkita nalang tayo sa unit mo. Dadalhin ko 'yong pera. Sige na umalis ka na. Kakausapin ko 'tong---"

"Umalis ka na pero huwag mo nang antayin ang girlfriend mo." Singit ni Terrence.

"Terrence!" Sigaw ko nang bigla niya akong hilahin papunta sa kotse niya.

"Tangina mo, gago! Bitawan mo an---"

"Shut the fuck up." Sabi lang ni Terrence saka ako isinakay sa kotse niya.

May automatic lock pa!

"Terrence! Ano ba! Boyfriend ko 'yon!"

Nakatingin lang ako sa windshield at si Robi, ayun nakatayo lang. Ni hindi niya sinugod si Terrence kahit isinakay ako sa kotse.

Bakit parang nasaktan ako.

"See. Your boyfriend didn't bother to rescue you from me. Is he really your boyfriend?"

Hindi ako makasagot sa sinabi ni Terrence. Hindi ko naman magawang magalit sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit.

"And seriously, Keeshia? Are you his sugar mommy? He's asking money from you. What the fuck."

"Ano bang pakialam mo? Saka bakit ka ba nakikialam?!" Sigaw ko.

Ramdam ko iyong panggigilid ng luha ko. Kasi nasaktan talaga ako sa inakto ni Robi. Wala siyang pakialam na natangay na ako ni Terrence. Ni hindi niya ako tinatawagan kung okay lang ba ako.

"Yeah. I know I don't have any fucking rights but that's too gay. He's the guy! I'm sorry that I overheard your conversation but hell, hindi ka niya sinundo. Pinuntahan ka niya para humingi ng pera then what? Wala din siyang balak na isama ka sa pupuntahan niya so it means he'll let you go home alone? Even it's too late? He's a fucking gay!"

Naiyak lang ako sa sinabi niya. Naiintindihan ko naman si Robi e.

"Ano bang paki mo! Nakakainis ka! Bakit mo ako isinakay dito sa kotse mo! Sa halip na kasama ko ang boyfriend ko! Bwisit ka!"

"Fuck."

Pinahid ko ang luha ko. "Itigil mo ang kotse. Baka naghihintay doon si Robi. Babalikan ko siya doon!"

Sa halip na itigil niya ay pinaharurot niya ang kotse niya. Napakapit tuloy ako.

"Terrence ano ba!"

"What? Ang bobo mo, Keeshia. Ang bobo mo."

"Anong sabi mo!?"

"He's not fucking worth of your tears!"

"Mahal ko siya! Mahal niya ako. Mahal namin ang isa't isa kaya wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan! Isa pa, hindi tayo ganoon ka-close para umakto ka ng ganito! Hindi---"

Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niyang itinigil ang kotse sa gilid ng daan at siniil ako ng halik.

Para akong estatwa na hindi makagalaw. Hinahalikan niya ako at hind ko allam kung bakit hindi ko siya maitulak.

Ano 'tong nararamdaman ko?!

Tumigil siya at ako, para pa ding estatwa na nakatanga sa kaniya.

"Naghalikan na tayo. E'di close na tayo?"

Anong sabi niya?!

"Damn, ang sarap mong halikan. I-kama na kita?"

Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Terrence Palermo! Bastos ka talaga!" Sigaw ko. "Buksan mo 'tong pinto!"

"I know."

Kailangan kong makaalis! Kailangan kong lumayo sa manyak na 'to!

Hindi niya ako pinansin. He chuckles then started the car engine. Patay na ako nito! Baka i motel niya ako!

Tulong!