webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · Sejarah
Peringkat tidak cukup
70 Chs

Capitulo Viente Tres

Dahil hindi natuloy si Kallyra patungong La union ay siya na lamang ang umayos ng mga naiwang trabaho ni Ginoong Fausto. Halos doon na niya inubos ang kaniyang maghapon, mag-tatatlong araw na mula ng mangyari ang panghuhuli sa Gobernadorcillio at ang pagtatalo nila ni Lucas.

Hindi pa niya ito nakakausap, parang hindi niya kayang makausap ito sa ngayon. Naalala pa niya ang disappointment sa mga mata nito na nagpapasikip ng dibdib niya. Siguro ay magpapalipas muna siya ng mga ilang araw pa.

Napapansin niyang iniiwasan din siya ng binata, sa tuwing nasa bahay siya ay palagi itong wala, kahit sa umagahan at hapunan ay hindi niya ito nakakasabay. Ang sabi ni nanang Pasing ay naroon daw ito palagi sa bahay ng mga Zamora.

Kahit napatunayan ang mga ibinibintang sa Gobernadorcillo ay nanatiling matibay ang paniniwala ni Lucas na walang kasalanan ang tusong matanda. Maging ang mag-asawang De la Torre.

Subalit hindi naman na ipinagpatuloy ni Lucas ang pagiimbestiga tungkol sa sinasabi nitong nag-set up kay Don Thomas Zamora. Na walang iba kundi si Kallyra.

It was almost dark when she got home. She was welcomed with a loud silence. Even the maids are nowhere in sight. Iniikot niya ang nangalay na balikat at umakyat ng hagdanan patungo sa kaniyang silid.

Hindi siya nakakaramdam ng gutom. Bukas na lamang siya kakain. Pagod na naglinis siya ng katawan at nahiga na upang matulog.

Hindi pa siya nakakaidlip ng tuluyan ng marinig niya ang mga paguusap sa salas ng malaking bahay, hindi niya masyadong maulinigan kung ano ang kanilang pinag-uusapan subalit sigurado siyang ang mag-asawang De la Torre iyon at ang anak ng mga itong si Lucas ang mga iyon.

Sabay-sabay na dumating ang mga ito siguro ay nanggaling sa isang kasiyahan o pagtitipon. She have no idea, she was not able to talk to any of them this past three days, she was not able to see any of them as well at ayos lang naman yon sa kaniya dahil hindi pa niya kayang harapin si Lucas.

She was afraid to face his indifference. Sa loob ng tatlong araw, she was starting to feel isolated... like she was not belong here anymore.

She missed him so much...

Namimiss na din kaya siya nito, siguro ay galit pa din ito sa kaniya. Kahit naman siya ay magagalit sa sarili kung siya ang nasa posisyon nito.

Muling bumalik sa isipan niya ang galit at dismayadong tingin nito sa kanya hanggang sa nakatulog siya ay iyon pa rin ang laman ng kaniyang panaginip.

Madaling-araw ng magising si Kallyra, kaagad siyang naligo at bumaba upang mag-umagahan. Nagrereklamo na ang tiyan niya dahil hindi siya naghapunan kagabi. Kampante siya na siya at ang mga tagasilbi pa lamang ang gising dahil mga a la seiz ng umaga nagigising ang mag-anak.

"Magandang umaga Nanang Pasing." Nakangiting bati niya sa mabait ng matanda. Pinagmasdan niya ito ng makaupo. Mahaba ang nakapusod nitong puting buhok dahil sa katandaan, hindi katangusan ang ilong at kayumanggi ang kulay ng balat na bahagya na ring kumulubot.

Larawan ito ng isang tipikal na pilipina. Mabait ang bukas ng mukha at medyo may kaliitan din, tingin niya ay hindi to aabot sa baba niya kung susukatin.

"Magandang umaga din binibini, anong gusto mong almusal magluluto pa lamang ako." Ang masiglang tanong nito sa kaniya. "Nitong huli ay maaga palagi ang gising mo iha, palagi kang hindi maabutan ni Donya Juliana."

"May gusto po ba siyang sabihin?" tanong niya matapos humigop ng kapeng inihain nito.

"Wala naman siguro iha, masyado din silang abala katulad mo." anito habang naghihimay ng malunggay, dumampot din siya ng isang tangkay at tinulungan ito.

"Abala po saan?" usisa nya, Mula ng makulong ang Gobernadorcillo ay naging maayos na ang takbo ng kalakalan dahil tumigil na ang mga nakawan at mga panununog.

Nabalitaan niya ang nangyayari ngayon sa mga Zamora, inagaw ng mga prayle ang mga lupain ng mga ito sa utos ng Gobernador heneral maging ang gawaan ng armas at ang bahay-imprintahan ay ipinasa sa iba ang pamamahala.

Lumawak ang ngiti ng matanda. "Hindi mo ba alam iha, ikakasal na si ginoong Lucas aba ay may kasintahan pala ang batang iyon ay walang nakaalam kung sino." Natatawang wika ng matanda. Nawala ang ngiti niya.

Subalit muling bumalik ang ngiti ng maalala ang ilang ulit ns pag-aalok ng kasal ng binata. Ang akala niya ay galit pa rin sa kaniya ang kasintahan yun pala ay may pinaghahandaang sorpresa sa kaniya. Kinagat niya ang labi upang pigilan ang pagngiti.

Hindi na muna siya pupuntang bayan ngayon at sasabay siya ng pagkain ng umagahan sa binata at sa ina at ama nito.

No. She will not ruin his surprise she just want to see and talk to him, she missed him so much.

"So.. hindi niyo alam kung sino ang pakakasalan ni ginoong Lucas nanang?" Nakangiting tanong niya.

"Masyadong masikreto ang ginoo, siguro ay takot mapurnada, aba ay dalawang beses ng naudlot ang pagpapakasal ng batang iyon." Tumawa ito ng malakas na sinabayan naman niya. Iyon ang inabutang eksena ni Señor Serio agad naman itong ipinagtimpla ng kape ng mabait na matanda.

"Buenos dias señorita Kallyra." Ang nakangiting bati ng ama ni Lucas. Gumanti siya ng masiglang bati. Nagkuwentuhan sila habang nagluluto si nanang Pasing, maya-maya pa ay pumasok na rin sa komedor si Donya Juliana na masiglang binati sya. Halatang maganda ang gising ng mag-asawa.

"¿Cόmo va el negovio hija?" Kamusta naman ang kalakalan iha? si Don Serio.

"Maayos naman Señor, sa isang buwan ay darating na ang mga inangkat na mga tupa at mga kabayo mula sa estados unidos." Pagbabalita niya. Nagbabalak siyang mag-alaga ng mga kabayo at tupa, maganda para sa pag-aalaga ng mga ganoong uri ng hayop ang hacienda ng mga De la Torre sa La union.

Ang laki ng ngiti ng mag-asawa. "Era aterrador inverter en ese tipo de negocios, admiré su valentiá, estoy seguro de que tundra éxito." Nakakatakot pumasok sa ganiyang uri ng negosyo subalit napakalakas ng iyong loob binibining Kallyra, malaki ang tiwala kong mapagtatagumpayan mo ang negosyong yan. Ang natutuwang wika ng senyor.

"Ano na lamang ang nangyari sa amin kung wala ka iha. Labis-labis ang pasasalamat ko sa mga naitulong mo samin. Sana ay manatili ka na lamang dito at huwang ng bumalik sa Pranseya." Ani ng Donya.

Ngumiti siya ng matamis sa ginang. "Wala na po akong balak umalis." Naramdaman ni Kallyra ang pagtindig ng kaniyang balahibo sa batok at ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Si Lucas. Itinaas niya ang tingin at malawak ang ngiting binati ang kaniyang kasintahan.

Napakaguwapo talaga nito, medyo antok pa ang hitsura nito subalit para itong nahulasan ng makitang naroon siya. Naging seryoso ang mukha nito at tipid na tumango bilang pagbati sa kaniya naupo ito sa upuang malayo sa kaniya.

That was not his usual seat pero hindi niya iyon pinansin. Nagsalin siya ng kape sa tasa nito at bahagyang inuusog papalapit dito.

"Halatang inaantok ka pa hijo, napuyat ka ba sa kakaisip sa nalalapit mong kasal?" ang biro ni Donya Juliana sa anak, Itinago niya ang tuwa at nagpanggap na walang alam. Hindi pinansin ng binata ang tanong ng ina at nanatiling tahimik.

Hindi niya mapigilan ang pagtitig dito, at ang kaninang malawak na ngiti ay unti-unting nawala.

She furrowed her brows. Lucas silence suddenly scared her, she can see his face taut with tension. Malamig at walang emosyon ang mga mata nitong nakatitig sa mainit na kapeng binigay niya. Biglang naging mas mabilis ang tibok ng puso ni Lyra.

Kakaibang kaba ang nararamdaman niya at hindi napigilang ibuka ang bibig at magtanong. "I-ikakasal?"

"Oh hija, noong isang araw ko pa nais ibalita sayo subalit palaging maaga ang iyong pag-alis hindi kita maabutan, matanda na kasi ako at hindi ko na kayang gumising ng maaga ikakasal na ang aking anak sa kaniyang kababata, kahapon ay pormal kaming namanhikan kay Donya Trinidad matagal na dapat na naikasal ang dalawa siguro ay ito talaga ang tamang panahon."

Masiglang imporma ng ginang, hindi napapansin ang tensyon sa pagitan niya at ng anak nitong kanina pa tahimik.

"No te emociones demasiado Juliana, no es bueno para tu salud." Huwag kang masyadong manabik Juliana hindi maganda sa kalusugan mo yan. Saway ng butihing Alkalde Mayor.

"Hayaan mo ako Serio, matanda na tayong pareho at nananabik na ako sa apo. Gusto ko na ulit mag-alaga ng maliit na Lucas." Nakasimangot na sabi nito sa asawa subalit agad ding bumalik ang malaking ngiti sa labi.

Patuloy sa masasayang kwentuhan ang mag-asawa, paminsan-minsan ay tinatanong ang binata. Subalit siya ay parang walang naririnig ni hindi niya magawang ibukas ang bibig natatakot siyang ipahiya ang sarili at bumulalas ng iyak.

Nanginginig siyang tumayo at magalang na nagpaalam sa mag-anak.

"P-paumanhin senyor, senyora, subalit kailangan ko ng umalis." Tila nabigla ang mag-asawa sa kaniyang pagtayo.

"Todavía no has comido, la comida está casi lista, come primero antes de ir al mercado." Hindi ka pa nag-aalmusal hija malapit nang maluto ang pagkain kumain ka na muna bago ka magtungo sa bayan. Si Don Serio.

"Doon na ako kakain Señor nakalimutan kong maaga kaming pupunta ngayon ng Batanggas, yung mga telang binili sa mangangalakal na tsino ay dadalhin doon at ibebenta namin sa mangangalakal na pranses." She said coldly.

Ipinagpasalamat niyang hindi siya pumiyok, sanay na naman siya sa ganito ang magpanggap na walang nararamdaman, ang itago ang emosyon. That was her, that's Kallyra Romanov, cold and distant.

"Sa Batanggas? Tatlong araw ang biyahe patungo roon gaano ka katagal mamamalagi doon hija." Kunot-noong tanong ni Donya Juliana.

"Dalawang linggo... o baka isang buwan, magtutungo din ho ako sa La union upang bisitahin ang mga pananim na trigo doon at para kamustahin na rin si ginoong Fausto." Tumano-tango naman ang mag-asawa at halatang nakumbinsi sa dahilan niya.

Nakita niya sa gilid ng mga mata ang paghigpit ng kapit ni Lucas sa hawak na tasa ng kape parang madudurog iyon. "Naibenta mo na ang mga tela kahapon sa mga mangangalakal na hapones." Malamig at matalim na sabi nito na hindi tumitingin sa kaniya

Gusto niyang matawa, alam pa rin pala nito ang mga ginagawa niya kahit masyado itong busy sa p**ang inang kasal nito. "Marami pang tira." Pagsisinungaling niya. Hindi na niya hinintay na magsalita pa ang lalaki. "Aalis na po ako, adiόs." paalam.

"Buen viaje hija." Mag-ingat ka sa byahe iha. Tumango na lamang siya at malalaki ang hakbang na tinungo niya ang kaniyang silid. Pagkasara pa lamang ng pinto ay napaupo siya sa kahoy na sahig, mariing kinagat ang labi upang hindi makalikha ng ingay ang kaniyang pagiyak, mahigpit niyang ikinuyom ang palad at inipit ang dibdib gamit ito.

Parang hindi na siya makahinga sa sakit.

She can hear her sobs, ng hindi mapigilan ang malakas na pag-iyak ay kinagat niya ang likod ng kaniyang kamay. Nanlalabo ang kaniyang mata at kahit ilang beses niyang pahiran yon ay patuloy lamang itong naglalabas ng luha.

Kakausapin niya si Lucas, baka nagkakamali lamang siya ng dinig hindi siya maniniwala kung hindi ito ang nagsasabi. Yes she have to talk to him! Mahal siya ni Lucas. He told her that, hindi ito sinungaling katulad ng mga lalaking nakilala niya. She have to trust that love she told her. She have to trust him.

' You are stupid Kallyra! Look at you, you called youself genius but you were fooled by a mere stupid man!' kutya niya sa sarili.