webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · Sejarah
Peringkat tidak cukup
70 Chs

Capítulo Deciseíz

Matapos ang mahaba-habang pag-uusap ng kaniyang pamilya ay hinanap niya si Lyra. Nauna itong umalis sa hapag-kainan kanina. Natagpuan niya ito sa may hardin na nagdidilig ng mga halaman. Madalas nito iyong ginagawa bago magtungo sa pamilihan.

Naramdaman nito ang kaniyang paglapit at huminto sa ginagawa. Sa kabila ng mumunting pawis sa noo ng dalaga ay hibdi iyon nakabawas man lang sa angkin nitong ganda. Hindi niya mapigilan ang ngiti ng makita ang mapang-asar nitong ngisi.

Kumunot ang noo nito ng makalapit na siya ng tuluyan at mapansing hindi siya naiinis gaya ng kaniyang inaasahan. Lalong lumawak ang kaniyang ngiti.

"Anong nakakatuwa?" Hindi nito mapigilang itanong.

"Hinihintay kong ituloy mo ang sinimulan mo kanina." Naningkit ang mga mata nito at pilit binabasa ang kaniyang isipan. "Naghihintay ako Lyra." Hamon niya dito, sa isip ay natutuwa dahil kahit papaano ay nakakabawi siya sa kspilyahan nito at upang hindi nito isiping duwag siya.

"You don't seem like the typical old fashion man in this era." Mahinang sambit nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

Nagkibit ito ng balikat. "Hindi ka maginoo, iyon ang ibig kong sabihin. Nabubukod tangi ka sa mga binatang nakilala ko dito."

Siya naman ang kumunot ang noo. "Iba talaga ako sa kanila. Sino-sino ang mga binatang tinutukoy mo?" Inis na tanong niya dito. Wala siyang matandaang mga binatang napalapit dito.

"Si Valentin, sina Diego at Andres."

"Sino si Andres?"

"Kaibigan ko."

"Paano at kailan mo siya nakilala? Noon bang naghiwalay tayo sa Batanggas? Hindi ka dapat nakikipagkaibigan sa kung sino-sino." Nagsisimula na namang uminit ang ulo niya. "At mas magandang lalaki ako kumpara kay Valentin as mas higit sa kutserong kaibigan mo kaya hindi mo ako maikukumpara sa kanila!"

Pinaikot na naman nito ang mga mata tulad ng lagi nitong ginagawa kapag naiinis siya ng dahil dito.

"Huwag kang makikipagkaibigan kay Valentin at hindi ako papayag na dalawin ka niya sa bahay." Matigas niyang sabi ng maalala ang kaibigan. Nagsabi itong dadalaw sa dalaga. Napaismid siya.

"Hindi dahil may gusto ka sakin ay bawal na akong makipagkaibigan sa ibang lalaki Lucas." Inis na ring sita nito sa kaniya na mas lalo niyang ikinainis

"Kung ganoon ay makipagkaibigan ka!" Asar na singhal niya. Kung malalaman ng kaniyang ina na naninigaw siya sa babae ay pihadong magagalit ito sa kaniya. Hindi na rin niya nakikilala ang sarili. Simula ng makilala niya si Lyra ay tila nagbabago ang ugali niya. Hindi kailaman siya nakipagtalo noon sa isang babae o nainis man lang katulad ng nararamdaman niya sa kaharap. "Pero hindi ka pwedemg lumagpas pa doon. Dahil sa akin ka na." Matapang niyang deklara. Sa kaniya lang si Lyra.

Nanlaki ang mga mata nito sa kaniyang sinabi. "Ilang beses mo na kong hinalikan. Kung malalaman ng iba ay ipapakasal nila tayo kaagad kahit tumutol ka pa."

"What?" Hindi makapaniwalang turan nito.

"Alam kong isa kang dayuhan at ganoon din ako, subalit dito ako lumaki at nanirahan sa Pilipinas. Dito, hindi maaaring maghalikan ang babae at lalaki na hindi pa kasal. At hindi ko gustong maakusahan ng pananamantala kaya kung hindi ka pa handang magpakasal sa akin sa ngayon ay huwag mong subukang makipaglapit sa ibang lalaki" Nakangising imporma niya sa natitigilang dalaga na may halong pagbabanta.

"That's not even considered a kiss. Tss. Sa tingin mo ay papayag ako kung sakaling magsumbong ka sa mga magulang mo." Natatawa nitong tugon. "At ilang taon ka lang ba? 19? 20? ang bata mo pa at ni hindi ka pa nga marunong humalik ang lakas ng loob mong manakot ng kasal." Uyam nito.

Agad ang pagsulak ng inis niya at ang pamumula ng kaniyang muka. "Veinte cinco na ako!" Tiim bagang niyang sambit.

Tumango ito. "Mas matanda ako ng sampung taon sa iyo. Bata ka pa nga at halata naman yun sa mga kilos mo."

Ikinuyom niya ang kamay at masamang tinapunan ng tingin ang dalagang kausap. Humakbang siya palapit dito at mabilis na naubos ang distansiya sa pagitan nilang dalawa.

Lyra raised her chin and stared at him provocatively. Alam niyang asar na ito sa kaniya at sa hitsura nito ay parang gusto siyang kainin ng buhay. Hinintay niyang lumapit ito at hindi sinubukang umiwas, kung sakaling suntukin siya nito ay sigurado siyang hindi siya masasaktan. He raised his hand and she waited but she gasped in shock whe his hands reach the back of her head and pulled her close to his face for a hot kiss.

"Dime en hablar, can this be considered a kiss querida?" Mahinang tanong nito na hindi pa din nilalayo ang sarili. Hindi nito hinintay ang sagot niya at muling sinakop ang kaniyang labi para sa isang tila parusang halik.

"¿Qué estás hacienda?" Anong ginagawa niyo? Gulat na minulat ni Lyra ang mata at itinulak ang lalaking hindi niya namalayang mahigpit na nakayakap sa kaniya. She heard him groaned in protest and reluctantly put a little space between them but he did not remove his hands in her waist.

Kunot noong nilingon din nito ang dumating. Si Mariya, may galit sa mga mata nito, mahigpit na nakakapit sa saya ang isang kamay at ang isa naman ay sa kawawang abaniko na tila ay madudurog sa higpit ng kapit nito.

"Mariya!" ang gulat na sambit ni Lucas. "Anong ginagawa mo dito?" alanganing wika ng binata. Bumitiw si Kallyra sa pagkakayakap sa binata at hinarap ang dalaga,

Naramdaman niyang hindi pa nais bumitaw ni Lucas subalit napipilitan itong inilayo ng tuluyan ang sarili sa kaniya.

"Ang tanong ko ang sagutin mo Lucas, anong ginagawa mo, marumi at kahiya-hiya. Walang kahihiyan ang babaeng iyan Lucas walang pakundangan at pagpapahalaga sa sarili nagpapahalik sa lalaking hindi niya asawa at sa ilalim ng tirik na araw at walang pakialam kung may makakakita!" galit na akusa nito.

Lyra rolled her eyes and did not bother to explain herself.

"Huwag mong husgahan si Lyra. Mariya, kasintahan ko siya kaya walang mali sa ginagawa namin." She raised her brow and stared hard at the man beside her.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga at tila hindi makapaniwala.

"¿Cómo pudiste hacer esto Lucas? ¿Qué crees que sentiría mi hermana si supiera que ya la reemplazaste en tu corazón? ¿Qué hay de lo que prometiste? ¿Le vas a dar la espalda?" Papaano mo ito nagawa Lucas, ano na lang ang iisipin ng kapatid ko wala pang kalahating taon ng mamatay siya ay may kapalit na siya sa puso mo, nasaan na ang pangako mo sa kaniya Lucas tatalikuran mo ba si Katrina? akusa nito na parang naiiyak na.

"Papasok muna ako sa loob, Lucas. Bahala kayong mag-usap." Aniya. Matigas itong tumango at magaan siyang hinalikan sa noo. She glared at him once more bago tuluyang iwan ang dalawa.

Nadaanan niya si Mariya, kahit na naluluha at namasa pa ang matatalim nitong mata ay masasabi niyang maganda pa din ito. She knew she had feelings for Lucas.

Bilang babae ay nararamdaman niya iyon, she actually felt bad for her sa mga kwento ni Donya Juliana at sa nakikita niyang kislap ng mga mata nito sa tuwing titingin kay Lucas ay masasabi niyang mahal na mahal nito ang kababata.

She was probably devastated ng maudlot ang kasal nito na ipinagkasundo lamang ng kani-kanilang pamilya ng dumating ang kapatid nitong si Katrina at magustuhan ng binata pagkatapos ay siya naman nagyon ang humahadlang dito siya na hindi naman talaga kabilang sa mundo nila.

Pakiramdam tuloy niya ay siya ang witch sa fairy tale ng babae.

Mariya was the perfect princess, a damsel in distress na nagmamahal ng lubos sa kaniyang prinsipe mula pagkabata, subalit ang prinsipe ay kung kani-kanino tumitingin, inaakit ng mga kontrabidang mangkukulam.

Una ay si Katrina at sunod ay siya na siyang pinakanakakatakot na witch, inagaw niya ang prinsipe-inakit at inilayo, and that's not all hindi pa kuntento and witch na si Kallyra dahil pababagsakin din niya ang pamilya ng prinsesa Mariya.

Ipinilig niya ang ulo upang maalis ang mga kalokohang pumapasok sa isip niya. She fon't really care.

Tumuloy siya sa kaniyang silid at kumuha ng papel at panulat, it looks like a birds feather kailangang iduldul ito sa tinta para magamit pansulat, it takes one dip for a few words and it takes every bit of patience she had para makatapos ng isang liham.

Para kay Heneral Agusto ang liham na ginagawa niya tungkol sa kanilang plano nasasaad doon na nais na niyang kumilos ito upang simulan ang kanilang napagpulungan sa kubo kasama ang iba pa niyang mga tauhan, magtutungo siya sa koreyo, iyon ang tawag nila sa post office sa panahong ito at telegrama naman sa sulat.

Nang matapos ay nagpaalam siya sa mag-asawang De la Torre, hindi na siya nakapagpaalam kay Lucas. She don't think it's necessary.

Nang makarating sa bayan ay muli siyang nagtanong-tanong ng direksyon. Isang may-edad na ginang ang kaniyang nilapitan, hindi ito indiyo sa tingin niya ay isa itong insulares.

"Magandang umaga senyora." Magalang siyang yumukod. Sandali siya nitong tintitigan.

"Buenos días señorita." Magandang umaga senyorita. Mataman itong nakatitig sa kaniya na para bang mayroon siyang masamang balak dito.

She smiled widely so she would look more harmless. Tingin niya ay dalawang minuto ang lumipas bago ito gumanti ng pagbati

"¿Dόnde está Correos?" San ko ho makikita ang koreyo?

Nanatiling ganoon pa rin ang tingin nito at mas lalo pang nagmukhang alanganin sa kaniya, mas nilakihan niya ang ngiti, hanggang sa mangalay ang kaniyang panga.

After another two minutes ay sumagot ito, "Está a la izquierda híja." Nasa kaliwa mo iha. Matipid nitong sagot.

"¿A qué hora abre Correos?" anong oras ho ba sila nagbubukas? Nagsisimula na siyang maasar sa ginang ng hindi ito agad muling sumagot, napapansin niyang mga wirdo ang mga napagtatanungan niya ng direksyon.

"Magbubukas na ako sumunod ka sa akin. Anong ipapadala mo?" kumunot ang kaniyang noo. Ito pala ang may-ari ng post office. Linsyak!

"Quiero enviar un la carta, ¿Cuánto tiempo tardará en llegar, de cuánto----." Magpapadala ako ng telegrama, gaano katagal bago makarating sa padadalhan at magkano ang-----

"---Abre a las diez, llegará en siete días." Ikasampu ng umaga bukas at pitong araw ang tagal. "Depende sa layo at ang halaga ng telegrama ay depende sa dami ng salita, dieciocho centavo bawat salita."

Para lamang itong nagbabalita ng panahon pantay at walang emosyon parang may galit sa mundo.

Parang nakikita niya dito ang sarili noon cold and aloof, walang tiwala sa iba. Pero grabe ang mahal ng sulat sa panahong to, kailan nga ba nauso ang cellphone. Sumama siya sa ginang at nagpadala na ng sulat. Nang matapos ay nagtawag siya ng mauuoahang kalesa. Dumaan siya saglit sa pamilihan at nagtingin-tingin ng mga kung ano-ano upang magpalipas oras.

She don't want to go home yet kaya naman ay tumuloy siya sa Plaza at nagmasid doon ng paligid. She had a feeling that she went straight inside a movie. The people and place are very different, and until now she was still marvelled. Malapit ng magdapit-hapon ng maisipan niyang umuwi.