webnovel

A Night with Stranger—Part 5

Part 5

Pagkauwi namin ng bahay ay agad kong kinausap ang dalawang bata about sa nangyari.

" Baby, bakit ka nagsinungaling kanina? Saan mo natutunan na magsinungaling?" tanong ko kay Jace.

Tumingin muna ito sa akin bago magsalita.

" Mom, ginaya ko lang po yung napanood ko. Sabi po kasi kapag hindi kilala at tinatanong ka, maari kang magsinungaling para 'di malaman identity mo lalo na po kanina—parang ewan po yung lalaki," pagpapaliwanag nito.

" Pero 'wag uugaliing magsinungaling, ah" saad ko.

Tumango naman ang dalawang bata saka nagpaalam ba maglalaro muna sila.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ng nangyari sa store. Yes, siya ang papa ni Jace. Hindi niya alam na papa niya na yung nagtanong sa kaniya kanina—yung lalaking pinapangarap niyang makita't makasama.

Umupo muna ako saka binuksan ang Fb account ko.

" One message request."

Agad ko naman itong binuksan upang tignan kung sino ang nagpadala ng mensahe.

*Tristan Monterion*

" Pwede ba tayong mag-usap?"

Natulala ako sa nabasa ko.

I stalked his account at nakita ko na siya nga—ang papa ni Jace.

Nagdadalawang isip pa ako kung magrereply ba ako sa kaniya o i-boblock ko nalang. Nasa isip ko pa rin ang pangamba na baka kunin niya ang anak ko o kaya naman ay magpakilala siya't mawalan na sa akin ng tiwala ang anak ko.

" Hindi na kailangan pa," reply ko.

Ilang minuto rin bago siya nakapag reply. Maybe he's busy.

" Gusto ko lang naman talaga malaman kung anong nangyari sa'yo. Gusto lang kitang makausao about sa bata," sagot nito.

" Bakit pa? 'di wala ka nga nung hinahanap kita?" chat ko.

" Wala? sorry. That time umalis ako dahil may inasikaso ako pero bakit hindi mo ko hinintay?" he replied.

" Hintay? hindi nga kita kilala. Tsaka nabalitaan ko na marami kang babae kaya 'di na ako umasa pa. Wala kang anak sa'kin kaya hindi muna kailangang mangulit pa. Gets mo?" sagot ko.

" Paano kung meron? Magiging pamilya ba tayo?" reply nito kaya naman kinabahan ako.

" Pamilya?"

" Oo, pamilya. Hindi ko naman hahayaan na mawala'y sa'yo yung anak mo. Liligawan kita hanggang sa mahalin mo ko. Lilunawin ko lang sa'yo na hindi ako mahilig mambabae. May kakambal ako at siya ang nagdala sa akin sa Bar na 'yon. That was my first time na pumunta doon. HAHA at first ko rin 'yon—basta," sagot muli nito.

Sa hindi malaman na dahilan ay tila nakaramdam ako ng kilig.

All my life ngayon lang ako nakaramdam ng kilig na gan'to sa lalaking hindi ko pa lubos na kilala.

" Wala kang anak sa akin," reply ko.

Hindi ko na hinintay ang reply niya at humiga na muna.

Inisip ko muna ang mga sinabi niya. " What if may makapagsabi na 6 years old palang ang anak ko?"

"What if bumisita siya at makipagkwentuhan sa madadaldal kong kamag-anak?"

" Grr! Kailangan na namin muna magbakasyon sa probinsya. Maybe that would be a right choice para makalayo sa mokong na 'yon," sa isip-isip ko.

Ipinikit ko ang mata ko't unti-unting hinila ng antok.

_____________

Kinabukasan ay maaga akong gumising para tignan ang anak ko. Hindi ko na kasi ito naasikaso kagabi.

Pinihit ko ang pinto't nagulat ako.

" Jusko! ba't dito kayo natulog sa lapag?" saad ko.

Muntik ko pa silang maapakan. Hindi naman sila lalamigin dahil may latag. Unan nila ang dalawang teddy bear at sarap na sarap sa pagtulog.

Umupo naman ako upang haplusin sa mukha ang anak ko. Malakas ang pandama nito kaya naman agad siyang nagising.

" Ba't dito kayo natulog?" tanong ko.

" Sorry, Mom. Naisip kasi namin ni Agatha na mas mapresko dito kasama sila Teddy," sambit nito.

" Hays, kayo talaga mga pasaway."

Bumangon naman ito saka sumabay sa akin pababa.

" Mom, gusto ko pong uminom ng gatas," saad nito.

" Wait lang, nak" sagot ko naman.

It's already 8 am in the morning.

Narinig ko naman na may kumatok sa pinto.

" Teka lang," sigaw ko upang marinig nito.

Pinihit ko ang pinto at nakita ko ang isang lalaking may hawak ng pagkarami-raming bulaklak.

" Ma'am, delivery po. Paki pirmahan nalang po itong hawak ko. 500 pcs po ng red roses," sambit nito.

" Jusko! Instant garden,ah. Sino naman kaya nagtyagan magpadala nito?" sa isip-isip ko.

Sumunod naman sa akin si Jace at nakita niya ang hawak ko.

" Wow! Did you buy all the flowers in the garden of our neighbors? " tanong nito kaya naman napangisi ako.

" No! ang mahal nito panigurado," sambit ko.

"Umupo kana doon Jace," utos ko kaya agad nmn nitong sinunod.

" Btw, may sulat nga pala diyan Ma'am. Pakibasa nalang po," saad ng delivery boy.

" Okay, Kuya. Thank you!" turan ko bago siya umalis.

༻𝗚𝗼𝗼𝗱𝗺𝗼𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴༺

𝗧𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝗺𝗼𝘀𝘁 𝗯𝗲𝗮𝘂𝘁𝗶𝗳𝘂𝗹 𝘄𝗼𝗺𝗮𝗻 𝗜'𝘃𝗲 𝘀𝗲𝗲𝗻 𝗶𝗻 𝗺𝘆 𝘄𝗵𝗼𝗹𝗲 𝗹𝗶𝗳𝗲, 𝗜 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝘆𝗼𝘂! 𝗧𝗮𝗸𝗲 𝗰𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗹𝘄𝗮𝘆𝘀 𝗺𝘆𝗹𝗼𝘃𝗲.

" mylove? duh! hindi na ako nagbo-boyfriend."

Inilapag ko na ang bulaklak saka na naman may kumatok sa pinto.

" Luh! Jollibee?"

" Goodmorning, Ma'am. Paki-pirmahan nalang po 'to. Bayad na po 'yan," saad naman nito.

Gaya ng una ay bayad na rin.

" Sino nagpadala?" tanong ko.

" Hindi po pinapasabi eh. Don't worry, safe po 'yan" sambit nito.

Pumirma naman ako at akmang aalis na ito ng muli itong magsalita.

" Ma'am sabi po sa akin ay para sa inyo 'yan ng anak mo. May letter po para sa anak mo. Thank you po ulit," turan nito.

༻𝗚𝗼𝗼𝗱𝗺𝗼𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴༺

𝗧𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝗺𝗼𝘀𝘁 𝗵𝗮𝗻𝗱𝘀𝗼𝗺𝗲 𝗯𝗼𝘆 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝗜'𝘃𝗲 𝗺𝗲𝘁 𝗶𝗻 𝗺𝘆 𝗹𝗶𝗳𝗲, 𝗦𝘁𝗮𝘆 𝗽𝗼𝗴𝗶. 𝗦𝗮𝗻𝗮 𝗶𝗸𝗮𝘄 𝗻𝗮.

" May gusto ba siya sa anak ko?"

Agad ko naman itong binigay kay Jace at nagustuhan niya naman. Basta talaga sa pagkain ay 'di inaayawan ng anak ko.

" HAHA manang-mana sa akin," sambit ko saka napangiti ng makita ko siyang nage-enjoy sa pagkain.

To be continued..

Bab berikutnya