webnovel

A Night with Stranger—Part 6

Part 6

Sumilay ang ngiti sa aking mga labi dahil sa 'di inaasahang pangyayari na nangyari ngayong umaga.

Nakangiti man ako ay mayroon pa ring kaba sa puso ko.

"Mom, k-kanino po galing yung foods?" tanong sa akin ni Jace. Puno pa ang bunganga nito pero pinilit niya pa rin magtanong sa akin.

"Hindi ko alam, e" sagot ko naman.

Sinabi ko na wala akong nalalaman sa mga nangyayari. Sabagay, hindi rin naman ako sigurado na si Tristan ang nagpabigay ng mga 'yon.

Kung sino man ang nagpadala nito, masasabi ko napasaya n'ya ako. Mula kasi nung pumunta ako ng America ay hindi ko na-experience na i-surprise ng gan'to.

Pagkatapos ni Jace kumain ay nagpaalam siya na maglalaro muna sa labas ng bahay. Hindi siya pupwede na lumabas ng tulayan sa Gate dahil bata pa siya kaya sa mismong garden lang namin s'ya naglalaro.

"Baby, laro ka lang d'yan, ah. May gagawin lang na importante si Mommy," sambit ko.

Tumango naman ito sa akin bago nagtungo kay Agatha.

"Gatha, alam mo ba na may nagbigay sa akin kanina ng food. Grabe! ang dami," kwento nito kay Agatha.

Oo, Gatha lang ang tawag niya dahil nahahabaan daw siya sa pangalan nito.

Natatawa nga ako sa kaniya kung minsan dahil hindi niya man lang napansin na mahaba din ang name niya.

Jace Alexander Montenegro. Apelyido ko ang ginagamit ng anak ko dahil wala naman sa kaniyang tumayong ama.

Pumasok ako ng kwarto at inayos ng mga papeles. Kasama na rito ang birth certificate ni Jace.

"Ready na akong umalis dito. Ready na akong tumira sa probinsiya at magbakasyon," bulong ko.

Tinignan kong muli ang birth certificate ni Jace. Muling pumasok ulit sa isip ko ang taon at araw nung pinanganak ko siya.

______________

Flashback.

"Ma'am, can I ask you a question?" saad ng isa sa mga nurse na nagpaanak sa akin.

" Yes, what is it? " tanong ko naman.

"Where is your husband?" sambit nito.

Hindi naman ako nakasagot kaagad.

Ilang segundo rin akong nanatiling nakatikom.

" Dead—" sagot ko.

Wala na akong maisip na ibang sagot. Sinabi ko nalang ang salitang 'yon at effective naman. Natahimik nalang ito saka sinabing, " Aw—Sorry, Ma'am."

Nang nagpaalam naman ito na aalis na ay napalingon naman ako sa katabi ko. Nakita ko na pinaghahandaan siya ng pagkain ng asawa niya.

"Sana ako rin," sa isip-isip ko.

That time nakaramdam ako ng inggit. Kung wala kasi ang pinsan ko ay walang mag-aasikaso sa akin.

Mas nangilid pa ang luha ko ng ihatid na sa akin ng nurse ang anak ko.

"Here's your baby boy," saad ng Nurse.

"Ang cute naman n'yan" bulong ko.

Nakita ko mukha ng anak ko sa unang pagkakataon.

"Nak, kanino mo 'yan namana? huhu, halata naman hindi ka sa akin nagmana," sa isip-isip ko.

I kissed his forehead at gumalaw naman ito.

"Time to breastfeed," saad ng Nurse kaya naman agad kong ginawa.

"Promise, aalagaan kita at papalakihin na mabuting bata. I love you! " bulong ko.

______End of Flasback__________

Napansin ko naman na nangilid ang luha ko habang naaalala ko ang mga nangyari.

"Mom!" tawag sa akin ni Jace kaya naman agad akong napatayo at tumakbo papunta sa kaniya.

"Baby!? asan ka?" tanong ko.

Minsan lang kasi sumigaw ng gano'n si Jace.

Nakita ko siya na nakatayo kasama si—

"Bakit ka nandito, Tristan?" agad kong tanong.

"You know him, Mom?" tanong naman ni Jace.

Agad kong tinikom ang bibig ko.

Nilapitan ko naman si Jace saka pinapasok sa loob.

"Baby, pasok ka na muna—kayo ni Agatha," utos ko. Tumango naman ito sa akin saka naglakad papasok.

Nang makapasok na ito ay saka ko naman kinausap si Tristan.

"Why are you here? " tanong ko.

"Gusto ko lang sanang linawin ang lahat?" sagot naman nito.

"Linawin na naman ang ano?" muli kong tanong.

Inilahad naman nito ang envelop aa akin.

"Sino yung batang pinanganak mo sa America 6 years ago? Sino yun Cristana?" bulyaw nito.

Tumaas ang boses nito at marahil ay dala na rin ito ng kaniyang emosyon.

"Sino? wala akong pinanganak" sagot ko naman.

" Cristan, please. Tell me the truth. Gustong-gusto ko makita ang anak ko. Buhay man o puntod nalang. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya,"sambit naman nito.

Napaluhod pa ito sa harap ko. Nangilid naman ang luha ko dahil sa sinabi niya.

"Seryoso ba talaga siya? Pero pa'no kung mangyari lang ang kinakatakot ko kapag sinabi ko na si Jace ang anak niya?"

Bigla naman itong napatitig sa kamay ko. Hinawakan naman nito ang kamay saka kinuha ang hawak ko.

"Sht! " agad ko itong inilayo sa kaniya.

Nakalimutan ko na napatakbo pala ako kanina na hawak-hawak ang birth certificate ni Jace.

" Birth certificate ni Jace?"

Kinakabahan na ako dahil sa katangahan ko.

" 'diba hindi siya ang anak ko? So, pwede ko ba 'yang makita. Promise, aalis ako ngayom sa harap mo—pati sa buhay mo kung hindi nga siya," saad nito.

Biglang tumulo ang pawis mula sa ulo ko.

"Cristana, anong katangahan na naman 'to?" sa isip-isip ko.

Tumayo na siya saka naman inilahad ang kamay ko.

"Let me see, pls?" sambit nito.

Nagdadalawang isip ako kung itatago ko pa ba o tuluyan ko na ngang sasabihin ang totoo.

"Ano ba dapat kong gawin? tumakbo? paalisin siya?"

"Help!"

To be continued...

Bab berikutnya