webnovel

A Night with Stranger—Part 4

Part 4

Kinabukasan ay napagdesisyunan kong ipasiyal si Jace sa Mall para naman malibang siya. Sinama ko ang pamangkin kong si Agatha para naman makapamili rin siya ng laruan. Kasing edad lang siya ni Jace kaya naman habang naglalakad ay nakawak ang dalawang kamay ko sa kanila. Sa kaliwa si Agatha at si Jace naman sa kanan.

Pagkapasok namin sa Mall ay agad kaming dumiretso sa bilihan ng mga toys. Sinadya ko talagang magdala ng malaking halaga para kahit papano ay masiyahan sila sa mga gagawin, bibilhin at kakainin namin.

" Mom, doon tayo" sambit ni Jace sabay turo malaking teddy Bear na naka-display.

" Sige, wait lang" sagot ko naman.

Tinext ko muna sila Mama na matatagalan kami rito at magpapasundo nalang ako mamaya kay Kuya.

" Let's Go!" saad ko at naglakad papunta sa sinasabi ni Jace.

" Mom, pwede mo ba 'yong bilhin? Gusto ko sanang ilagay sa kwarto."

Itinurong muli ni Jace ang kulay blue na Teddy Bear sa gilid. " Wait, titignan ko muna ang prize," sambit ko.

" Mom, kung sobrang mahal—next time nalang po," turan nito.

Oo, may ugaling gano'n si Jace.Hindi ko alam kung kanino niya iyon namana o nagaya. Iniisip niya kasi lagi kung sapat ba ang pera ko para ibili siya ng gano'n.

Sa katunayan, naranasan namin ni Jace na maghirap sa America. Dati'y bigay-bigay lang ang mga laruan niya hanggang sa nagdesisyon akong magtrabaho at doon na kami naka-angat.

" Wait lang, baby ah" saad ko saka sinubukang kunin ang teddy bear.

" Mom, kaya mo ba?" tanong nito.

" Nak, kaya kong bilhin kaso 'di ko maabot, haha" turan ko saka mahinang tumawa. Napangiti rin si Agatha bago naglakad papunta sa mga barbie doll.

" Tita, ito po sa akin" sambit nito.

" Okay, wait lang."

Muli kong sinubukan na abutin pero hindi ko kaya kaya naman naghanap na ako ng pwedeng kumuha.

Naglakad ako patungong counter at nakita ko na may nag-uumpukan doon.

" Hayss, kaya pala walang nag-aalalay kasi nagkukwentuhan," bulong ko.

" Sir, maari niyo bang i-abot sa akin yung isang teddy bear doon?" tanong ko.

Nakatalikod ito kaya saglit kong kinalabit.

Nakita ko naman na nagulat ang casher at ang mga kasama nito sa ginawa ko.

" Luh? gulat na gulat?"

" anyare sa inyo?" sa isip-isip ko.

Humarap naman ang lalaki sa akin.

" Wtf! "

" H'wag na pala," pagbawi ko sa ini-utos ko.

Mabilis akong naglakad papunta kay Jace at a

Agatha at nakita ko naman agad sila.

" Jace, sa ibang store nalang tayo. Let's go," pag-aaya ko.

Hinawakan ko na silang dalawa sa kamay at saktong aalis na ng biglang nagsalita ang lalaki sa likod ko.

" Are you avoiding me for 6 years?" tanong nito.

" Wtf! bakit dito ko pa siya nakita?" sa loob-loob ko. Pinagoapawisan na rin ako sa kaba.

" pwede ba tayong mag-usap?" tanong nito.

Hindi ako humarap sa kaniya at miling humakbang. Tumigil naman si Jace kaya hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kaniya.

" Let's Go," bulong ko.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay lumingon ang anak ko sa likod.

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Nilapit nito ang mukha sa akin at saka naman bumulong.

" Mom, mahigpit na po pagkakahawak mo sa akin," sambit nito.

Rinig ko ang yapak ng lalaki na papalapit sa anak ko.

" Hey! How old are you?" tanong nito sa anak ko.

Agad ko naman hinila ang anak ko papalapit sa akin.

" Nak, let's Go!" muli kong sabi pero hindi na nito napigilan ang bibig niya.

" I'm Eight years old," saad ni Jace.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito.

" How about you baby girl, how old are you?"uling tanong ng lalaki.

" I'm also eight years old," sagot ni Agatha.

Hindi naman sila masasabing six years old dahil matatangkad sila. Medyo nawala ang kaba ko dahil sa ginawa ni Jace.

" Pa'no niya nagawang magsinungaling? Hindi ko sila tinuturuan ng gano'n?" sa isip-isip ko.

Humarap naman na ako sa kaniya.

" Okay na?" tanong ko.

" ahm— yeah. Sorry, akala ko kasi ano—basta," saad nito. Ni hindi niya man lang masabi ang sasabihin niya. Kita ko medyo nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.

" Btw, ano pala yung gusto mong laruan?" tanong nito kay Jace.

" 'yang pong nasa taas na kulay blue," sagot nito.

" Ito ba?" tanong nito saka inabot.

" Here!" saad nito sabay lahat sa akin.

Malaki ang teddy bear kaya naman hindi kakayanin ni Jace. Sa akin niya iyon inabot kaya kinuha ko naman. Medyo awkward pero inisip ko nalang kasiyahan ng anak ko.

Kinuha ng lalaki ang kulay pink na teddy bear at binigay naman kay Agatha. Gaya ng kay Jace ay hindi rin ito kaya ni Agatha.

" Andrew?" tawag nito saka naman lumapit ang isang lalaki.

" Paki-ayos naman 'yang dalawang teddy. Bigay ko 'yan sa kanila. H'wag mo nang pabayaran," sambit nito kaya nabigla naman ako.

Mahal ang dalawang 'to kaya naman umangal na ako.

Tumalikod naman ito sa akin at akmang aalis na nang bigla akong magsalita.

" Kaya ko 'yang bayaran ," saad ko.

" No need. Sayang lang wala na pala yung anak ko. Bigay ko na 'yan sa kanila. Nakakalungkot lang na wala na pala yung anak kong hinahanap ko for 6 years," saad nito.

Napalunok naman ako sa sinabi niya.

" Hinahanap? eh hindi ko nga siya mahagilap noong hinahanap ko siya sa bar," sa isip-isip ko.

Hindi na ako kumibo at naglakad na paalis nang bigla itong humarap ulit at inihayag sa akin ang I.d ko.

" Matagal kitang hinahanap. Matagal ko rin 'yang tinago," sambit nito saka tuluyang umalis.

After ng nangyari sa store ay pinakain ko na muna ang dalawa.

Iniisip ko pa rin ang ama ni Jace.

"tadhana nga naman, hayss."

Idineliver nalang sa bahay ang bear para makapag-enjoy pa raw ang dalawa.

Ipinasyal ko naman ang dalawa at halatang nag-enjoy sila.

To be continued.

Bab berikutnya