webnovel

Chapter 12

Ang nakaraan:

Nagpunta sila Diane, Trinity at ang nga magulang ni Diane para kumuwa ng medical certificate. Habang palipad na ang eroplanong sinasakyan nila ay may zombie sa labas na pilot silang hinahabol. Habang nasa biyahe ay nagkagulo ang lahat dahil nagkaroon ng zombie sa loob ng eroplano. Nag plane crash ang eroplano nila dahil nagkaroon ng pagsabog sa loob ng eroplano.

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 12

Fear

Pagmulat ng mata ko ay napahawak agad ako sa tenga ko dahil para ako pinompyang. Nakaupo parin ako sa upuan at naka seatbelt. Napatingin ako sa katabi at kinabahan dahil wala si Trinity sa tabi ko.

Napatingin ako sa langit... Madaling araw na siguro dahil papasikat palang ang araw.

Tinanggal ko ang seatbelt kaya nahulog ako sa upuan at nasubsob sa lupa. Napaungol ako sa sakit dahil katawab ko ang nauna. Idagdag mo po na sumasakit ang katawan ko.

Napatingin ako sa braso ko at nakita kong may nakatusok na bakal sa kanang braso ko.  Hinugot ko ang bakal at tinapon sa di kalayuan, hindi ko naman maiwasang mapangiwi dahil sa sakit.

Tumulo ang dugo mula sa braso ko, pababa sa kamay ko. Naging silver ang dugo ko muna bago naging pure red ulit.

Trinity

Parang may bumulong sa tenga ko kaya agad akong napatayo sa pagkakasalampak sa sahig. Dahil sa biglaang pagtayo ay nahilo ako at napahawak sa sirang upuan.

Nilibot ko ang paningin ko sa lugar. Puro wasak na bahagi ng eroplano ang nakikita ko, meron ring mga ilang tao na patay na pero ang nakaagaw ng attention ko ay yung isang zombie na hindi makaalis sa pwesto niya dahil may nakatusok sa katawan niyang malaking bakal.

"Ahhhhhh" daing ko ng maramdaman kong sumakit ang sugat ko.

Pumunit ako sa damit ko at tinalian ang sugat ko.

Inilibot ko ang paningin ko, paika-ikaw akong naglalakad sa buong paligid. Hinahanap ko si Trinity. Nakaikot na ako sa buong lugar pero hindi ko siya makita. Puro patay na tao at zombie lang ang nakikita ko.

Minsan ay gusto kong sumuka dahil nakakita ako na putol ang kalahati ng katawan.

"Trinity!" Sumigaw ako baka sakaling marinig niya.

Habang naglalakad ay nakita ko ang bag ko. May mga punity ito pero hindi naman malaki kaya ayos naman. Mabagal kong kinuwa ito dahil sumasakit pa ang katawan ko. Isinukbit ko na ang bag sa likod ko.

'Nasaan ka ba Trinity?' Bulong ko sa sarili ko.

"Diane!!"

Agad akong tumakbo sa pinanggalingan ng sigaw. Kilalang kilala ko kung kanino ang maliit na boses na yun.

Halos mapatid ang hininga ko ng makita kong napapalibutan na siya ng zombie at umiiyak na siya.

Ramdam ko ang init na bumabalot sa buo kong katawan. Huhugutin ko na sana ang katana ko pero...

WTF?!

Nawawala yung belt ko!? Sigurado akong naputol yun, o hindi kaya sumabit.

Wala na akong magawa kung hindi tumakbo dahil siguradong makakagat siya kung babagalan  ko.

Tumakbo ako hanggat makakaya ko. Sobrang lapit na nung zombie kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Tinodo ko na ang bilis ko, parang may apoy sa loob ng binti ko dahil sa sobrang init na nararamdaman ko.

Kung dati ay pinipigilan ko ang init kapag nararamdaman ko ito, ngayon ay nirelax ko ang binti ko at hindi pinansin ang init na nararamdaman ko.

Ramdam ko ang pagbilis ng takbo ko at pagtalas ng paningin ko. Kahit maliliit na bagay ay nakikita ko.

May nakaharang sa dadaanan ko kaya mabilis kong hinawi ito at nilampasan. Nanlaki ang mata ko ng kakagatin na niya si Trinity. Shit!

Hindi ko alam pero kusang gumalawa ang katawan ko. Mabilis akong lunapit at niyakap si Trinity kaya ako ang nakagat sa braso.

F*ck shit!! Bakit laging sa kaliwang braso ako nakakagat??!!!

Nakagat niya ako kung nasaan ako nakagat ni Lolo Dong!!!

Hindi ko kasi suot yung archery guard ko kanina bago kami sumakay sa eroplano dahil pinahubad ng guard.

Kasalanan toh nung guard eh! Kung hindi niya pinahubad edi sana hindi ako makkagat!

Gusto kong sumigaw sa sakit ng nararamdaman ko pero pinigilan ko dahil baka lalong makaagaw ng attention ng zombie.

Kumuwa ako ng isang palaso sa binti ko at pagharap ko ay sakto kong tinusok sa mata niya, pero PESTE!! Mas lalo niyang diniinan ang pagkakagat sakin.

Feeling ko matatanggal na ang balat ko sa sakit.

Gusto kong umiyak dahil meron nalang akong 20 minutes bago ako maging zombie.

Nakita kong nakatingin sakin si Trinity habang umiiyak. Bigla nalang siya tumayo at hinugot niya ang sarili niyang katana. Nanlaki ang mata ko ng itinaas niya ang kamay ng na may hawak na katana.

Napatulala nalang ako ng halos muntikan na akong mapugutan ng ulo. May narinig akong bumagsak kaya napalingon ako, yung zombie...

WALA NG ULO!!

Sumulyap ako kay Trinity na nanginginig na binitawan ang katana. Nakatingin lang siya sa zombie na walang ulo, pero mabilis nawala ang pagkakatulala ko ng may marinig akong papalapit samin.

Kinuwa ko ang katana na nahulog ni Trinity at humarap kung saan nanggagaling ang mabibilis na yabag.

Nakita ko ang dalawang zombie na papalapit samin pero ang nakaagaw ng pansin ko ay yung isang zombie na nangunguna.

Nyemas! Isang Agile pa nga.

Mahigpit kong kinapitan ang hawak kong katana at hinanda ko ang sarili ko. Pagkalapit niya ay sinaksak ko siya sa puso pero parang walang nangyari. Sinubukan kong saksakin sa tiyan pero ganun parin ang nangyari, agad kong hinugot ang katana at umatras ng mabilis, wohhhh muntikan na akong makalmot.

Hindi ako makalaban ng maayos dahil sa sugat ko at kagat. Sinulyapan ko ang relos ko, meron nalang akong 16 minutes bago ako maging isang zombie.

Sumugod samin ang agile kaya mabilis kong kinuwa si Trinity, binuhat ko sita at tumakbo sa pinakamalapit na puno.

"Akyat" sabi ko sa kanya habang pasulyap sulyap sa agile na tumatakbo papunta samin.

Mabilis siyang sumunod sa inutos ko kaya humarap na ako sa agile at sumugod. Pagkasugod ko ay pinutol ko ang braso niya pero parang wala lang siyang nararamdaman.

Nahihirapan ako dahil mabilis siyang kumilod at parang nag-iisip siya. Balak niya akong kalmutin gamit ang isang braso kayo napatalon ako paatras para maiwasan.

Saktong pagtalon ko ay may natapakan akong bagay kaya napatingin ako. Yung belt ko! Kasama si switch, katana at T.B knife.

Napangiti ako, mabilis kinuwa ang isa pang katana at sumugod sa agile.

Kung hindi ka mamatay sa saksak... Pupugutan nalang kita ng ulo

Binilisan ko ang takbo ko papunta da kanya, nang maganda na ang timing ay inangat ko ang isang katana ko at pinatamaan siya sa leeg.

Gusto kong sumuka dahil kitang kita ko kung paano mahulog ang ulo niya sa lupa.

Napatingin ako sa isang zombie na nagtumatakbo papunta dito pero hindi siya agile. Mas mabilis tumakbo ang agile kaysa sa normal na zombie.

Pagkalapit niya ay mabilis ko siyang pinugutan ng ulo. Hindi naman ako nahirapan dahil sa dalawa pang zombie dahil may kabagalan silang kumilos.

Tumingin ako sa relos ko, napangiti ako ng mapait dahil 12 minutes nalang ang natitira sakin.

Mabilis kong pinulot ang belt ko at sinuot, pumunta ako kung saan ko iniwan si Trinity kanina. Nakita ko siyang nasa taas ng puno at parang natatakot.

Malayo palabg ay napatingin na siya sakin, tumingin siya sa paligid bago siya mabilis na bumaba at tumakbo papunta sakin.

Lumuhod ako para magpantay kami... Pag lapit niya ay mabilis ko siyang niyakap ng sobrang higpit... Natatakot ako, takot na takot ako ngyon.

Hindi dahil magiging zombie ako... Natatakot ako para kay Trinity dahil kapag naging zombie ako ay wala nang mag-aalaga sa kanya, at ang kinakatakot ko ay baka mapahamak siya dahil hindi namin alam kung nasan kami at walang maski isang tao na nandito.

Napakislot ako ng madaplisan niya ang kagat ko... Humiwalay siya sa yakap at napatingin sa braso ko. Nanlaki ang mga mata niya at namuo ang mga luha.

"A-anong nangyari p-po d-diyan? I-infected k-ka na p-po?" Natatarantang sabi niya.

Ngumiti ako sa kanya ng mapit at tumango... Matalino siyang bata kaya alam niya na kapag nakalmot o nakagat ka ng zombie ay infected ka na.

Kitang kita ko kung paano tumulo ang luha niya pababa sa mapulang niyang pisngi... Umiling siya ng sunod-sunod.

"H-hindi po t-totooy-yan... Nagbibiro l-lang po k-kayo d-diba?" Umaasa niyang sagot.

Umiling ako sa kanya... Mas lalong lumakas ang iyak niya at mabilis niya akong niyakap. Niyaka ko rin siya pabalik dahil hindi namin alam kung ito na ang huli naming pagkikita.

Bwisit! Napapikit nalang ako ng mariin ng sumakit bigla yung kagat ko... Parabg sinusunog dahil yung sugat ay sobrang init.

"P-paano n-na po ako *sob*? I-iwan niyo na po ako?" Hikbi niyang tanong.

"Sorry p-pero oo" mahinang sagot ko... Pinigilan kong umiyak dahil mas lalo siyang masasaktan kapag nakita niya akong umiiyak.

Mas lalong lumakas ang iyak niya... Ilang minuto na ang lumipas pero hindi kami umalis sa pwesto namin, magkayakap parin kami, sinusulit ang natitirang oras na magkasama kami.

Napatingin ako sa relos ko, 2 minutes. Yan nalang ang natitirang oras ko.

"T-trinity, wala na akong oras." Sabi ko sa kanya.

Humigpit lalo ang yakap niya na may kasamang pag-iling.

"W--wag niyo po a-akong i-wan" pakiusap niya

Kumalas ako sa kayap at tumingin sa mata niya.

"K-kailangan kitang iwan dahil k-kapag hindi mo ako iniwanan... Pwede kitang m-makagat dahil wala n-na ako sa sarili ko"

Ayaw ko talagang iwan siya, kung pwede nga ay gusto kong nasa tabi ko siya lagi.. Pero alam niyo naman ang tadhana, mapaglaro.

"Tumakbo ka na" mahinang sabi ko.

Umiling siya sakin  "I will not leave you"

Nakikiusap akong tumingin sakanya. Please naman makisama ka

"Tumakbo ka na" ulit ko

Umiling siya ng umiling. "Trinity, kailangan mong umalis at iwan ako." Sagot ko sa kanya.

"No! I will not leave you no matter what happens!" May kataasang tono niya, tuloy tuloy ang daloy ng luha niya sa pisngi.

"Please" pagmamakaawa ko sa kanya... Kanina ko pa gustong umiyak pero hindi ko magawa.

Tumingin siya ng deretso sa mata ko at ngumiti. "I'm sorry but I'd rather be a zombie too than leave you alone." Mabagal niyang sagot "S-susundan kita kahit saan... Kahit maging zombie ka, susundan parin k-kita... H-hindi kita iiwan g-gaya ng ginawa mo sakin" umiiyak niyang sabi.

★★★★

Abangan: Ano na ang mangyayari kay Diane at Trinity? Magiging zombie na ba talaga si Trinity? Saang lugar sila napadpad?

Bab berikutnya